Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tayog" poems
Sa bawat paggalaw ng iyong kamay Sa bawat paghampas ng kulay mula sa iyong kaluluwa Tila nilalason ang isipan ko Sinasabing kay ganda ng lahat ng mayroon sa’yo Hindi maikukubli sa aking mga salita Ang paghanga sa lahat ng kung sino ka Nangingislap ito mula sa ilaw Na nanggagaling mula sa pagkatao na pagmamay-ari mo Umaalab ka ngunit hindi mo pansin Mapapaso ang sinomang lalapit sa’yo Ngunit pipilitin nilang mahagkan ka Sapagkat ikaw ang katuparan ng pangarap nila Pinutol mo ang sarili **** mga pakpak Kaya naman hindi mo naaatim Ang yaring tayog na iyong taglay Kung makakalipad ka lamang sana Likas sa’yo ang nais mo Kumakatok ako’t nakikiusap Gumising ka, marikit na binibini At kamtan mo ang matagal nang nasa iyo
0
Sep 8, 2015
Sep 8, 2015 at 10:40 AM UTC
Ikaw Din Ang Siyang Nais Mo
"Distansya" Alam mo ba kung ano ang pinakamalayong Distansya sa dalawang taong magkasintahan,Partner,mag Asawa O ninyong Dalawa? Hindi ang lawak ng karagatan, Hindi rin ang tayog ng himpapawid sa kalangitan, Hindi rin ang nadistino ka sa ibang lugar at lalong hindi rin ang pagitan ng bansang pinuntahan para maghanap buhay. Kundi ang Distansya sa pagitan nyong dalawa. Yung tipong Kasama mo sya,nahahawakan mo pa at kinakausap mo ng harap harapan, Pero hindi ka nya naririnig. Parang wala ka lang sa paligid nya. Hindi nya nakikita ang Prisensya at pagmamahal mo kahit magkadikit lang naman Kayo. Kahit anong gawin **** pagsisikap para maging mag kaugnay kayo, Kung yung taong pinag-aalayan mo ng pagmamahal mo ay d na nakikita o hindi na napapansin ang halaga mo. Baka naman kasi,abala na sya sa mga bagay na malayo at wala sa tabi nya. At prisensya na ng iba ang hanap nya. Ikaw,anong Distansya ang meron sa inyong dalawa?
0
May 3, 2024
May 3, 2024 at 4:57 AM UTC
Distansya