Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tauhang" poems
Ang tauhang ito ay kung lumisan sa mundo—mananatili na lamang ang mga salita, ngunit walang kahulugan ang buhay o hindi alam ang kahulugan ng buhay. 'Walang pag-iral ang tao sa lipunan hangga't 'di kailangan ng lipunan ang tao.' Ang bulong ng tauhan kasunod ang buntunghininga na nasa kawalan na. Tumigil lamang ang tauhan upang pagmasdan ang kumukurap-kurap na liwanag sa rurok ng poste. 'Kahit anong tatag at tibay nito, kung ang liwanag nito sa rurok ay pawala na—wala rin.' Ang bulong muli ng tauhan sa sarili. Biglang bumuhos ang lakas ng ulan habang pinagmamasdan ng tauhan ang poste. Sa lakas ng lagatik ng ulan, ngumiti lamang ang tauhan. Ngumiti lamang sa kabila ng buhos ng ulan sabay tumawa. Sa mga sandaling iyon nasa kawalan ang tauhan—nasa kawalan ng ngiti—nasa kawalan ng ulan. Umuwi lamang ng may ngiti ang tauhan sa kabila ng buhos ng ulan. Madilim at liblib ang kuwarto ng tauhan katulad na lamang ng damdamin at pag-iisip ng tauhan. Sa pagitan ng bintana't pinto. Kumuha ng lubid at upuan ang tauhan. Inilagay sa pagitan ng bintana't pinto ng liblib na kuwarto ang upuan. Tumungtong ang tauhan habang hawak ang lubid, itinali kung saan dapat itali. Itinali sa sarili—iginapos ang katapusan sa leeg—ipiniid ang mga mata. Tumalon na lamang ang tauhan sa upuan sa pagitan ng bintana't pintuan ng liblib na kuwarto. Pumanaw na lamang ang tauhan ng buhay, ngunit may taning. Sa ganoong paraan, nalaman ng buong lipunan na kabilang sa lipunan ang tauhan. Nalaman muli ng lipunan ang pag-iral ng tauhan, ngunit nang pumanaw na ito. Kabilang na muli ang tauhan sa lipunan, ngunit kabilang sa mga pumanaw.
0
Oct 4, 2018
Oct 4, 2018 at 10:59 AM UTC
Ang buhay, ngunit may taning

Continue reading...
5
082021 Nabibilang lamang sa aking mga daliri Ang mga buwan na tiniklupan ng mga ulap Nang sa’king mga bisig, Ang yakap mo’y nagmistulang kumot Sa balat kong sumisigaw sa alat At anghang ng aking pakiramdam. Sa titig mo’y ako’y nakalilimot Na ang pangalan ko’y nagbagong bihis na rin. At kasabay ng paglilipat silid at bubongan, Ay ang paglisan ko sa unang tahanang Humagkan sa aking pagkakakilanlan At bumuhos sa akin nang di masukat na pagmamahal. Ang mga ngiti **** pumapawi sa’king paghihintay Sa maghapong masuklian naman Ang pansamantala kong pangungulila’y Nagsisilbing matatamis na tsokolateng Hindi naman pala nakamamatay. At sa ganitong pagpatak ng mga segundo Na parang mga barya sa alkansya mo, Ang tanging hangad ko na tunay na pag-aaruga’y Iyong pabaon na araw-araw kong sasalubungin at pagbubuksan. Nakalimutan ko na rin atang humanap pa ng iba Di gaya ng panata ko noon sa mga rehas Kung saan gusto kong kumawala. Pagkat sa’yo pa lamang ay abot-langit na Ang aking mga ngiti’t pagsintang Lulan ng iyong mga hagkan At walang pag-imbot na pag-aalaga’t pagkukusa. Kung kaya ko lamang pigilan ang sarili Buhat sa pagtikom ng aking bibig Ay nais ko sanang ipagsigawan Sa apat na sulok ng ating tahanan Ang pangalan **** ni minsa’y hindi ko naintindahan. Bagamat sa bawat pagkilos mo’y Hindi ko maipagkakailang Ako’y tunay mo ngang mahal at pinakaiingatan. Hindi na ako manlilimos pa, Ng pagmamahal o atensyon sa mga tauhang Lilisan sa kani-kanilang panahon at kagustuhan. At pipiliin kong masanay na makipagsayawan Sa mga mata **** tanging lilim ang laan sa akin. At kung ito man ang una’t huling sulat Na ikaw mismo ang pumataw ng mga kahulugan Ay hayaan mo ring masambit kong Sa araw-araw, ikaw ang nanaisin ko pang makapiling.
0
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 6:52 AM UTC
Amo

46