Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tatanggi" poems
Sa labing-apat na araw na nakilala kita Minahal ka ng buo Puso'y napahinto, natulala Dahan-dahang bumilis ang bawat pintig At sa bawat pintig na ginagawa nito Dala'y dugo na umaasang sana mahalin ako Namumulang pisngi Namumulang labi At kagaya ng dugo sa katawan Akoy pinaikot-ikot, ikot, ikot... Hanggang sa maubos ang enerhiya Na baon-baon mula ulo hanggang paa At sa dahon ng saging ako ay ibinalot Na parang betamax Iniluwa ng hindi nasarapan Ikinamuhi dahil sa lasa 'Di ko alam kung ako'y tanga o nagmamahal lamang At kung alin man ako sa dalawa Hindi na mahalaga dahil alam kong mahal kita Sa labing-apat na araw na nakilala kita, Pinaglaruan mo ako At kagaya ng mga bata sa lansangan Ako ay naging kalsada At ikaw, ikaw ang trak Na piniling di pansinin ang mga butas sa ibabaw ng dibdib Dinaanan lang Hinayaang bukas Nakabilad sa araw At sa pagbuhos ng ulan Tinulungang lunurin ng tubig na may dalang putik Sa labing-apat na araw na nakilala kita Minahal ka ng buo Nang walang halong pag-aalinlangan Na di inisip kung mahal din ba ako o hindi Pero sa ating munting panahon Nalaman ko na ikaw ay isang relihiyon Na piniling isantabi ang agham At ako, kagaya ng lahat ng bagay sa mundo mo Ay isang bersikulo lamang ng iyong bibliya Na kung hindi maintindihan Gagabayan ang sariling kamay At ibubuklat ang mga kasunod na pahina Mahal, sa labing-apat na araw na nakilala kita Pagod na akong maging kalsada Ayaw ko nang maging parte ng iyong bibliya At higit sa lahat Hindi ako ang iyong dugo Na gagawing betamax at ibebenta Kapalit sa kapirasong salapi Mahal, hindi ako iyon At ngayong tapos na ang labing apat na araw Magiging mahalaga ako para sa akin Nasaktan, nadurog Pero noon 'yon! Mula ngayon tatanggi na ako Tatanggi akong masaktan Tatanggi akong paglaruan Tatanggi akong gamitin At higit sa lahat tatanggihan na kita Lilimutin ko ang iyong pagkatao gaya ng paglimot mo sa akin. Masakit, pero kaya. Matagal, pero kailangan.
0
Sep 13, 2015
Sep 13, 2015 at 12:17 AM UTC
Dugo, Kalsada, Bersikulo

Continue reading...
62
#100716 #ElNidoPalawan #PamilihangBayan Sisiksik ka sa eskinitang Talamak ang mga choosy Aalukin ka pero ika'y tatanggi Kasi iba naman ang dinayo mo. Pero doon ka pala matututong magpatawad Kasi pag gusto mo't pag mahal, Hihingi ka ng tawad. Pero minsan, kahit buo pa ang ibayad mo, Di ka pa rin masukli-suklian. At doon mo mapagtatantong Ikaw na lang ang nasa eskinita -- Gabi na, umuwi ka na!
0
Oct 7, 2016
Oct 7, 2016 at 9:25 AM UTC
Ano BAYAN?
Minsan talaga hindi ko na alam kung bakit pa ako naghihintay At kung ako naman ay lalaban para saan pa ba iaalay. Minsan hindi ko na alam kung bakit pa ako umaasa At kung titigil naman nangangapa ako ng rason para tumuloy pa. Minsan hindi ko na rin alam kung bakit pa ako humihiling At kung itatapon ko nalang hinahabol naman ako ng mga bituin. Minsan hindi ko alam kung bakit nakakaya ko pang magbigay At kung ako naman ay tatanggi hindi ko rin makita ang saysay. Minsan hindi ko na alam kung bakit pa kita minamahal At kung susubukan kong magdahilan naiisip ko pa ring sumugal. Minsan hindi ko na rin alam kung bakit hindi pa ako sumusuko At kung ihihinto na sarili ko rin lang ang aking niloloko. Minsan hindi ko na talaga alam minsan hindi ko na mahanap ang kasagutan Ngunit sana makahanap ako ng kasiguraduhan kahit minsan lang.
0
Nov 21, 2017
Nov 21, 2017 at 8:50 AM UTC
minsan