Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"talulot" poems
Umulan ng mga talulot sa simbahan May palakpakan, palirit Sapagkat pumunta sa kasiyahan Daig pa ang fiesta at bagong taon sa lakas ng bulyawan Katabi ng lalaki ang mahal Puro halakhak at wala nang pag ngiti Sa mga ka-nayon na bumabati Inuman maghapon sa magarbong pagdiriwang Paanyaya na natanggap na siyang pinaunlakan Bago matapos ang selebrasyon ay lumapit sa asawa ng maharlika Ang pagbati ay ibinulong sabay nakaw-halik sa pisngi niya Tumalikod at di lumingon Bigla na lang pumatak ang mga luha Sa itinanim na pagsinta, ang naani'y pagdurusa Sapat na ang hilahil upang magpatiwakal Sapagkat di matanggap-tanggap ang pag-iisang dibdib Tibok ng puso'y lumikat Lumakad nang papalayo Kahit mga paa'y mabigat iangat Nanginig nang lumisan Dumanas ng kulimlim ng pag-ibig Nag-iisa sa Cariñosa sa putikan
0
Jan 2, 2019
Jan 2, 2019 at 6:05 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #40
Sapat nang bendisyon Ang luha sa'yong  mga Mata upang maging Karapat-dapat ang mga Tuyong talulot ng rosas Na matagal **** ikinubli Sa aklat niya ng mga tula. Marahil, lumipas na nga Ang inyong panahon. Ngunit ang bawat kataga Na minsan niyang inialay Sa'yo ay hiwagang lalang Ng puso, may ritmo ng Pagsuyo, may samyo ng Bagong pangako. Ipako Man ng oras ang ala-ala't Alat ng luha na dumadaloy Sa'yong magkabilang pisngi, Ang mga talulot na ito'y Patuloy na magbibihis ng Bagong pag-asa, lalaya mula sa Siniphayong ligaya, mananahan Sa bawat pahina.
0
Nov 11, 2013
Nov 11, 2013 at 10:46 AM UTC
Talulot
Naglalakad ako pauwi nang makita kita sa isang tabi. Umiiyak. Humahalakhak. Lumalaklak. May hawak na bulaklak. At humihiling sa bawat talulot na pipitasin ay sana hindi ka niya iniwan nang wasak. Nilapitan kita agad at tinabihan. Dinamayan ka sa lamig. Ang mga binti **** sa sobrang tagal nang nakaupo ay namimintig. Walang salita o tunog na lumabas sa aking bibig. Kundi ang mga tenga lamang para makinig. Sa pagkwento mo habang ang boses mo'y nanginginig. Sabay nating pinanood ang pagbaba ng araw. Kasama sa paglubog ang galit na umaapaw. Napatitig ako sayo at napabulong na wag ka sanang matunaw. At nagtataka na bakit mayroong tao na sayo ay umayaw. Biglang tumibok ang puso ko ng laktaw-laktaw. Nagpapasalamat na natanaw kita at ako ay naligaw na parang langaw. Kinalaunan ay napatahan ka kahit saglit lang. Napasaya kahit saglit lang. Nabawasan ang sakit kahit saglit lang. Nakalimot sa problema kahit saglit lang. Nakasama ka kahit saglit lang. At naging parte ng mundo mo kahit saglit lang. Hinatid ka para ligtas na makauwi at nagtanong ka kung paano makakabawi. Makita ka lamang ngumiti, ang abala ay mapapawi. At sana, kung okay ka na talaga. Kapag natulog ka at ipipikit na ang mga matang namamaga. Ay malaman mo na ang iyong tunay na halaga. At matuklasan ang pagmamahal na pang-sayo lamang ng buong buo.
0
Jul 5, 2016
Jul 5, 2016 at 8:37 PM UTC
Panyo
1 Ang saranggola ng diwata Parang ibon sa mga mata 2 Animo’y walang pisi Malayang lumipad ganiri 3 Katawan ay talulot Pakpak ay buntot 4 Subalit sa malayong paningin Ay parang ibon parin 5 Paika-ika kung tumawid Sa mga ulap ng himpapawid 6 Maya-maya’y tagibang Sa pagsulong nakaabang 7 Sa kisap-mata’y sasalibad Gayunpama’y sa lupa’y antad. -07/07/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:47 PM UTC
Ihipna 1 -Ang Saranggola ng Diwata-
Ang ilog ay salamin ng itinagong kasalanan na ngayon ay naniningil Hindi umiimik ito sa pagdaloy Kahit sa linaw ay nagpalahaw Tahakin ang landas ng pagkapoot Ituring kaaway ang kinabukasan Ang saplot ng nakalipas ay isuot Ang kasalukuyan ay kalunos-lunos Birheng rosas ay huwag pitasin Sa matutulis na tinik nito'y alamin Na ang kaakit-akit sa plorera ay ito rin ang mabagsik Ang nalalantang talulot Matamlay na tangkay ay namamaluktot Ang ligaya ay sa isang bahagi lang Nilalamon ng kalumbayan Sa ikatlo ng buwan Gasuklay na hugis ay kakaiba Habang ang kanluran na binabagtas ay may alay na pansamantalang kaginhawaan Itawag sa mga buwitre ang Kasukdulan, Pamamaalam Walang hangin sa baga nilubos-lubos pa Sinipsip ang buhay hanggang sa lumisan Kukuyugin ng uod Lalasapin nang pagkalugod Tatabunan ng lupa magsilbing pataba nang dadalawin minsan ng mga bulaklak
0
Dec 14, 2018
Dec 14, 2018 at 5:58 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #9
Nalalayuan kaya ang mga ibon tuwing tinatanaw ang malawak na hinagap ng kaparangan? Nasisilaw pa rin kaya sila sa bukang liwayway kahit mula pagkamulat ay iyon ang kinagisnan? Nasasaktan pa rin kaya sila sa ganda ng paglubog ng araw at ang angking kawalang pagkakatulad ng bawat isa? Natatakot pa rin kaya sila sa halik ng dilim kahit ang gabi ay nangangakong magdala ng lamikmik? Kay rami ko pang nais itanong sa mga ibon, kay bigat ng patong sa munti nilang mga pakpak. Paano magtatanong ang isang hamak na bulaklak sa kagitingan ng mataas at malayang agila? Kay rami ko pang balak ibulong sa mga maya, kung may pangarap man sila, ihahalik ko sa hiraya. Ngunit anong magagawa ng isang payak na talulot sa ilalim ng langit at sa ibabaw ng gumuguhong mundo?
0
Apr 30, 2025
Apr 30, 2025 at 12:16 AM UTC
Ang Pugad
Kumusta? Hangad kong nasa mabuting kalagayan ka. Ilang linggo ko nang hindi nasisilayan ang mga ngiti mo; na kahit bihira, nakahahawa. Matagal-tagal na rin noong huli kong narinig ang ‘yong mga halakhak; na kahit mahina, dama ko ang ligaya. Maging ang katahimikan mo’y hindi ko pa rin limot Hindi nakasasawa ang hindi mo pagpansin sa akin. Huwag ka mag-alala, hindi ko minamasama ang mga pagsasawalang-kibo. Sariwa pa rin ang mga pagkakataong lumagpas ka sa harapan ko Sa katunayan, gabi-gabi kong ipinagdarasal na darating din ang araw na lilingunin mo ako. At ngayon ngang ‘di tayo nagkikita’t nag-uusap Yayakapin ko ito bilang paghahanda. Hindi ba’t pamilyar ka naman sa mga taong sinusungkit ang mga bituin at buwan? Pagkatapos ay iaalok sa kanilang mga kasintahan Na para bang mga prutas na hinintay nilang mamunga sa kanilang mga bakuran. May kakilala ka nga yatang tumawid daw sa maraming ilog at umakyat ng pagkakatayog na mga kabundukan Sinaluhan sa hapunan ang mga diwata’t Pumaslang ng mga halimaw kinabukasan; upang siya’y puntahan. Marahil ay narinig mo nang may minsang pumasan ng daigdig para sa kaniyang nobya Ngunit sa huli’y hindi naisakatuparan. Umasa ang nobya. Umiyak ang nobya. Ang nobya marahil ang pumasan sa halip na siya May isa nga sigurong nagmalaki na bubuo raw ng pira-pirasong ikaw Na tila kontrolado niya ang mga piyesa ng buhay mo. Pamilyar, hindi ba? Ngunit, hindi ganito. Hindi ganito ang aking paano. Oo. Naiintindihan kong ang ilan sa mga ito ay idyoma o eksaherasyon lamang Pero nangangamba ako na baka pagod ka na; Na baka nabibingi na ang iyong mga tainga Sa paulit-ulit na pangangako; Na kahit ang talulot ng mga mabubulaklak na salitang ‘to ay tuyo na. kahihintay sa tapat at sa tunay. Ayokong magpaganggap. Pagod na rin akong magkunwa-kunwariang kaya ko ang lahat. Dahil sinta, hindi. Hindi ko masusungkit ang mga bituin at buwan pero handa akong samahan kang panuorin sila. Hindi ko kayang sa isang araw ay tumawid sa maraming ilog at umakyat ng kabundukan pero ituturing kong mahalaga ang bawat oras na kasama ka Aking pagtatrabahuhang makarating sa araw na palagi kitang kasama sa hapunan at sabay nating papaslangin ang mga pangamba sa umaga. Hindi ang daigdig; ngunit Pakakawalan ko ang mga pasan-pasan kong takot; Kawalan ng tiwala sa sarili; Ang inggit. Hindi ito pagbabanta, sinta. Pero ipanganganak ang mga araw Na aasa ka; Na iiyak ka. Subalit, wala itong kakambal na paglisan. Uulitin ko. Ayokong magpaganggap. Pagod na rin akong magkunwa-kunwariang kaya ko ang lahat. Dahil sinta, Hindi kita iiwan. Ganito ko marahil sasabihin sa'yong gusto kita Pakapakinggan mo sana. ---
0
May 8, 2020
May 8, 2020 at 2:56 AM UTC
Paano Ko Ba Sasabihin Sa'yong Gusto Kita?

Continue reading...
70
Ibubulong sa hangin ang hiling na paghilom Sikip ang mga alaala sa iisang kahapon Maglalakbay sa hardin kung saan nagtagpo Nais nang tumalikod ngunit paano Dadapo na parang isang paru-paro Sa mga talulot na nasa palad mo Iidlip sa ugoy ng hanging malamig Liwanag ng ‘yong ngiti’y baon sa pagpikit Tinatangay ng agos ang bawat hibla ng alaala Ngayong gabi ika’y talang tinitingala Hihimbing kaya ako sa aking pahinga Kung kabisado pa rin ang hulma ng iyong mukha
0
Mar 22, 2020
Mar 22, 2020 at 5:00 PM UTC
Untitled
Malambot ang kalimbahin, talulot ng bulaklak na rosas, tamang-tama sa pagpapagaan ng masakit na pakiramdam ng puro pasâ at bugbog-saradong lila ng sugatang puso ng isang bansa - sinugatan ng mga taon ng panggagahasa ng mga pulitiko, at panghahalay sa ekonomiya at lipunan. Nagpapagaling ang kalimbahin. Tamang timpla ang kalimbahin ng matingkad na pulang dugo, inialay ng mga bayani, nag-aalab sa banal na pag-ibig, pagnanasang lumaban para sa kalayaang tila napakailap sa lahing puno ng kasawian at ng dalisay na puting diwa ng mga duminig sa tawag ng sambayanan di alintana ang sarili, busilak tulad ng papel na walang sulat, na sa ibabaw n’ya ay mahihiyang maglapat ang isang makata ng mga talatang sambay-bakod kumbaga. Masaklaw ang kalimbahin. Maliwanag ang kalimbahin litaw na litaw sa tila itim ng gabing pinakamadilim sa ating sinalantang kapuluan, at sa malabo, lalong kumukupas na pangungunyapit ng bughaw-lilang kalangitan subalit may sumisilip na’t nagpapalakas-loob na sinag ng dilaw na araw muli, nababanaag ang bagong Pag-asa ay binabasag ang nakabalot na karimlan, nagbabadya, ibinabaybay ang ating kaligtasan bilang isang bayan – At kalimbahin ang kulay ng bukang-liwayway.
0
Oct 27, 2021
Oct 27, 2021 at 7:58 AM UTC
Kalimbahin
Ang liningin na parang talulot ng bulaklak na hindi na mamumukadkad sapagkat labis ang pagdilig ng puso hindi na maihahayag pa ang tangwa ng damdamin mananatiling nakatago sa likod ng bintana sa kaulapan ay tatanglaw mga salita na lutang sa dalampasigan nawa sa iyoy makarating sa pamamgitan ng pangarap na panaginip kahit doon na lamang mabigkas ang laman ng isipan ligaya ay abot tanaw hangang kalawakan walang pag-ayon kapalit ni anuman mamukadkad lamang ang talulot ng kaisipan.
0
Apr 27, 2018
Apr 27, 2018 at 3:27 AM UTC
Isipan
sa isang harding puno ng rosas, sumibol ang tila bagong bulaklak talulot ma'y 'di paris ng bighani ng iba, halimuyak na taglay ay waring mahika ngunit salungat ito sa nais ng hardinero, sapagkat pula lamang ang kanyang tanging ibig may suklam sa mga mata niya itong minasdan, pinitas nang walang pagdadalawang-isip ipinagkait na para bang api, ang pagkakataong mamukadkad nang ganap damong itinuring, kapara ng salot sa tanim kawawang sampaguita, ganda'y 'di napansin
0
Apr 23, 2020
Apr 23, 2020 at 1:24 AM UTC
sampaguita