Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"talas" poems
#050916 Minulat tayong may sukli ng kasaysayan, Saksi sa matinding gisahan ng rekado sa Tahanan. Pangako'y iniukit ng mga Anak na payak Nagbabasagan ng plato, nagtitilamsikang tubig, Pagbili ng lakas ng loob at talas ng dila sa Pulitikang Tindahan; Luha't dangal, pawang huling hain Ng Ama't Ina ng Lipunan. Nakakangalay makisabay sa uso Kung nawalay pati ang yupi-yuping puso. Hindi tayo nagpaampon sa Lipunang mapanukso, Yakap ang Langit, uhaw lamang sa pagbabago! Sumisigaw ang damdaming nilusaw ang galit, Ang pait ng kahapong sinabuyan ng panlalait. Minsan, sobra ang demokrasya kaya't may kapalit. Kaya't minsa'y susulong bagkus panay ang subalit. Hindi natin kayang palayasin ang Ama't Ina, Kung ngayon pa lang, may mga multong rebelde na. Hindi natin kayang itaboy ang kamay ng Hari ng mga Isla, Pagkat tayo'y ibinigkis, iba't iba man ang pananampalataya. At higit pa sa pulso ng Bayan ang nagluklok sa kanila. Mainam na ngang masaktan sa una, Kung saan dunong at talino'y maituon sa pagpapakumbaba. Masakit sa loob kapag tinatama ka, At bawat palo't kusang pagdidisiplina. Kung hindi susundin silang Ama't Ina, Kung hindi magpapasakop sa babaguhing sistema, Kung hindi huhubarin ang estadong may ibang klima, Hinding-hindi bubuhos ang pagpapala. Umaasa tayo pagkat di natin kayang mag-isa, Sandigan nati'y hindi na Pulitikang Balisa, Sana'y pag-iisip ay mabago ng Amang may grasya, At tayo'y maging bahagi ng paghilom ng bansa.
0
May 12, 2016
May 12, 2016 at 11:57 AM UTC
Si Itay at Inay ng Lipunan
Gusto ko gumawa ng tula Tungkol sa pag-abot ko sa mga tala Panulat ang talas ng iyong salita Sa mala-papel kong panangga. Ilang taludtod pa lamang Kamay ko'y saaking luha nag-aabang Hatid na sugat 'di na mabilang Sa puso kong hindi mo binigyang galang. Isip ko ay napunta na doon sa sulok Pati ang puso kong mabagal na ang tibok Hindi pa kasi tapos ang tula nating sasangga sa mga bundok Kaagad mo nang tinadtad ng walang katapusang tuldok.
0
Oct 23, 2018
Oct 23, 2018 at 10:45 AM UTC
Tula-la
kung ang tula ay di akma sa paksa ng may akda ano pang talim meron ang talinghaga kung wala nang talas sa bawat talastasan nitong nagbabagang hidwaan ng tugmaan sa palabigkasan ng huwarang balagtasan meron pa nga bang halaga ang mga rima sa tuwinang wala namang ka-eskrima ang taludturang may tatlo-hang tugma manapa'y pakinggan itong aking mga tagong himig bagkos nga ako ri'y gawaran ng batikos sa aking hilig sapagkat mayroong hiwa ang susunod kong pahiwatig meron akong ikukuwento mga saknong na naimbento ito'y mula pa sa " KONTENTO " sa una niyong bahagi ano daw ang sinabi? heto't muli kong ihahabi ang hadlang at paslang na kapwa pumailanlang sa makatang may lalang 1) " may saboy ang liyab kapag naidadarang " (fire) 2) " sa simoy at alimuom na hindi pahaharang " (wind) 3) " anomang sisidlan, tining ay iindayog kapag umaapaw " (water) 4) " gaano man kalalim hukay, pagtapak sa lapag mababaw " (earth) 5) matapos ang pagyuko ,,,,tingalain ang Kaitaasan ....Ika-limang KONTENTO (love) ---walang hanggang mararanasan! 1) APOY 2) HANGIN 3) TUBIG 4) LUPA 5) PAG-IBIG
0
Jan 7, 2016
Jan 7, 2016 at 8:09 AM UTC
~lakbay-diwa~
051022 At sumapit na nga araw ng paghuhusga Kung saan hindi na pulso ng taumbayan Ang ating sisiyasatin Kundi ang puso ng bawat Pilipinong Sumasambit ng “Mahal ko ang Pilipinas.” Sabi ng iilan, “Mahirap raw mahalin ang Pilipinas” Iniisip ko nga paminsan, Sapat na nga ba ang pagiging makabayan? Sapat ba? Ang panunumpa ng bawat Juan sa watawat Na ayaw sana nating dungisan Ngunit tayu-tayo rin ang nagwawasto Sa paningin nating madayang pagpili Ng lipunang ating ilang beses nang sinumpaan. Kung hindi ako naniniwala sa Poong Maykapal, Ay baka hindi ko rin maititikom ang talas ng aking dila At walang himpil ding tatalak na walang pinipiling katauhan Buhat sa makamandag na bugso ng aking damdamin. At marahil ay sasabihin ko na lamang Na ito ay isang paraan ng pagtindig para sa saking Bansa Na may demokratikong pamamalakad. Ngunit sa kabilang banda’y Binabaling ko na lamang ang paghuhusga Sa tunay ngang nasa tronong Hindi na kailangang luklukin pa. At naniniwala pa rin akong Ang pag-asa ay hindi natin maaaring itaya Sa sarili nating mga palad Na kalauna’y mapupuno rin ng mga kalyo’t Babalik din lamang sa alikabok. Ano pa nga ba ang ating ipinaglalaban? Sino nga ba ang tunay nating kalaban? At para kanino nga ba tayo naninindigan? Baka sa kasisigaw nati’y Hindi lamang boses ang mawala sa atin, Maaring nakawin din ang ating mga lakas at oras Na sana’y ibinabaling natin Sa pagpapalaganap ng natatanging katotohanang Buhay ang ating Panginoong Hesus At ang magandang balita’y Nakadikit sa kanyang Ngalan. Sinasabi kasi nating naghihinagpis ang ating mga kababayan Kaya tayo na lamang ang magsisilbing mga boses para sa kanila. Minsan nga'y nananatili na tayong hangal Pagkat sa sariling dunong, doon lamang tayo nakaangkla. Ngunit hanggang kailan ba matatapos Ang sinasabi nating pakikibaka para sa mga nasa laylayan? At ano nga ba ang dulo ng bawat hiningang napapagal na? Sana hindi tayo tumigil sa paraang alam lamang natin, Sana mahanap natin ang ating mga sariling Nananatiling may pananampalataya Sa Diyos na Syang may lalang sa sanlibutan. Sana wag na tayong mag-alinlangan pang lumukso Sa kung saan nga ba tayo pinasusuong ng Maykapal At sana mahanap natin ang halaga natin Sa presensya Nyang kayang pumuno ng bawat kakulangan. At dito na rin ako pansamantalang magtatapos — Pilipinas, gumising nang may pag-asa Pagkat hindi natutulog ang ating Diyos! Pilipinas, mahal kita at mas mamahalin pa At patuloy kitang ipaglalaban Hindi gamit ang mga armas Na syang panukso't patibong ng mundo, Titindig ako sa kadahilanang hindi lamang ako isang Pilipino — Titindig ako para kay Hesus na aking pinaniniwalaan! Salamat Ama, Sa'yo pa rin ang aming Bayan.
0
May 11, 2022
May 11, 2022 at 12:27 AM UTC
Pilipinas, Mahal Pa Rin Kita

Continue reading...
68
Sa lahat ng mga bumati gayon din po sa mga nakaalala Ngayon ako po'y tumabi Sa gilid, kalakip ang Pagpapala ramdam man ang talab ng Araw sa aking balat Tila ba hapding may Alab na dulot ng tama ng Bala itong Nilalaman ng aking isip at nais mailipad ng aking pisi yaring mga katagang may talas Ngunit sa Tugmaan po ay salat Gayon ma'y ipinaaabot ko pa rin sa Tala Sa tulong ng hanging merong tubig alat Ngunit di kailan man mangangalawang ang taos puso kong pasasalamat sa lahat sapagkat paikot-ikotin man ang radar.. .......Ang radar ay radar pa rin kahit pa takasan at baliktarin! Sa ating lahat...Umagang Kay ganda Simula na muli ng bagong pag-asa ©November 02,2020
0
Nov 1, 2020
Nov 1, 2020 at 6:02 PM UTC
ALAALA
Katawang sa gapos ay nais kumawala, Sa kasing talas ng patalim na mga salita, Mga matang nagmumugto sa hapdi na nadarama, Iyak na hindi maisigaw sapagkat takot ang nauuna. Nais sumigaw, nais lumaban, Nais ilahad ang sakit na nararamdaman, Ngunit sariling laman at dugo ang kalaban, Kaya bang mag wagi kung ganito ang kinalalagyan? Gustong sumigaw, gustong kumawala, Gustong umiyak, gustong magpakaawa, Gustong sumabog,  gustong magmura, Gustong ilahad ang sakit na nadarama. Balang araw sana'y makalaya, Araw ng paglisan aking nais matamasa.
0
Oct 3, 2020
Oct 3, 2020 at 9:02 PM UTC
Ako?