Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"taksil" poems
"bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? sapagkat ang paglisan sa sariling ina upang sumuso sa bukal na buhay ng ibang dibdib ay isang pailalim na pamimirata. at sa daigdig, ang mga limahong ay matatagpuan sa lahat ng lahi at sa lahat ng kulay. kapag pinag-usapan si Limahong, bawat kinapal na nakatapak sa lupang hindi niya kakulay ay dapat paghinalaan"  - Edgardo M. Reyes, SA MGA KUKO NG LIWANAG bakit ang piratang tsino na si Limahong at hindi ang rebolusyunaryong si Komrad Mao ang napadpad dito sa ating dalampasigan? bakit ang mga piratang tulad ni Limahong ang dumami at lumaganap sa bansang Pilipinas? oo, laganap ang mga pirata sa ating bayan, pinirata nila ang ating kabuhayan. matagal na nilang hawak ang ating ekonomiya. kahit saan mo ibaling ang iyong paningin ang mukha ng mga kapitalistang tsino ang lagi **** makikita. lahat sila kamukha ni Limahong. sila ang mga bagong pirata. kung si Komrad Mao sana ang dito ay sumalta, malamang mga Sosyalista tayo ngayon. hindi sana tayo inaalipin ng mga ganid na Kapitalista. siguro sinlakas na rin tayo ngayon ng tsina. malamang walang tiwaling pulitiko na nagnanakaw sa kaban ng bayan. walang mga gunggong na pinagsasamantalahan ang taong bayan. walang mayaman na mang-aapi sa masang naghihirap. walang kolonyal na kaisipan na iiral, hindi sana tayo lumuluhod sa mga dayuhan. walang magtatatwa ng sariling wika at manghahamak ng sariling kultura. wala sanang maka-dayuhan na paghanga. wala sanang taksil sa sariling lipi. sapagkat lahat ng mga duming ito ay lilinisin at gagawing dalisay ng Cultural Revolution. bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit si Henry Sy, Lucio Tan, John Gokongwei, Andrew Tan ang mga panginoon at naghahari sa bansang ito? bakit tayo inaalipin ng mga dayuhang ito? putang ina, inaalipin at inaapi tayo dito sa loob ng sarili nating bayan. bakit sila ang nagpapatakbo sa buhay at bansa natin? bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit ang diwang pirata at hindi ang binhi ng kalayaan ang lumaganap dito sa atin? bakit kapitalismo at hindi sosyalismo ang namayani? bakit tayo mga alipin at hindi malaya? bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? nakakalungkot isipin na natulad tayo sa South Africa kung saan inalipin ng mga puting dayuhan ang mga katutubong itim. ang Pilipinas ba ang katumbas ng Gaza Strip dito sa South East Asia? bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit tayo pumapayag na ginaganito tayo? wala silang karapatan na babuyin tayo at hindi sila ang dapat na nakikinabang sa yaman natin.
0
Nov 26, 2017
Nov 26, 2017 at 11:00 PM UTC
"BAKIT SI LIMAHONG AT HINDI SI KOMRAD MAO?"

Continue reading...
8
Tanda ko pa dati nung tayo pa, Ang dami nating plano sa isa't-isa. Sabi mo sa hinaharap ako'y kasama, Sa pagtanda, sa hirap maging sa ginhawa. Dumaan ang Disyembre: Buwan ng taglamig. Tila hindi ko na ramdam ang iyong pag-ibig. Ang dating umaalab na pagmamahalan, lumamig. Bakit ka nagkaganyan? Ako ba'y may kasalanan? Nangako kang hindi mo ako iiwan, Nangako kang hindi mo ako tatalikuran. Hanggang sa ika'y nakaramdam ng kasawaan. Iniwan mo akong walang alam, ako'y labis na nasaktan. Niloloko mo lang pala ako! Hindi lang pala ako ang nasa puso mo. Isang lang pala ako sa mga laruan mo. Kaluluwa mo sana'y sunugin sa impyerno! Nagpadala ako sa mga ngiti mo, Umasa ako sa mga pangako mo. Sinisisi ko ang sarili ko, Kung bakit sayo'y ako'y nagpaloko.
0
Jan 19, 2015
Jan 19, 2015 at 10:46 AM UTC
Taksil
unang latag ng lupa, nangabubuhay dahil sa tapak ng walang kamalay malay sa pinagdaanan nito. dala ang delusyon ng buhay kapalit para sa bayan, kapalit para sa kalayaan. lumamin, ay mahahayag ang luad tumutulad sa kulay ng dugo. alam ng bulaklak ito, kung sundan ang pinanggalingan magugulat sa makikita; ang kababayang kinalimutan ang kanilang madugong, matimbang, maalamat na mga pangalan; inalala ng halaman.                  sementeryo, bawat hakbang, walang respeto bawat hakbang, nadudumihan ang mga mukha ng (bayani) taksil (pinaglaban) trinaydor ang kanilang, (at sa dinarami-rami pang mga sambayanang pilipino) tinubuang lupa                   sementeryo, kaya't malalim ang pananampalataya sino bang hindi maadwa, maawa? bawat segundo may dadasalan bumagsak; at lumalalim ang kulay ng pula.                  sementeryo, kaya't pagbagsak ng alas quatro ng umaga; nananahimik ang bayan. katahimikan para sa patay; walang sisigaw. ginagambala ang kapayapaan. sa ilalim ng lupa, ang katahimikan hindi makamtan. lahat sila'y gising, lahat sila'y                                                          sumisigaw.                  sementeryo, ang   tahanan       ko'y         sementeryo, kaya't manahimik at irespeto ang patay; ang mga mamayang madamdamin at malakas ngunit                                                         pinatahimik. tayong buhay                nananatiling patay. silang patay                nananatiling buhay. isang siklo. lalalumin lahat ng lupa ng hindi sa tamang oras; isisigaw ang K A R A P A T A N ! isisigaw ang M A L I ! isisigaw ang H U S T I S Y A ! H U S T I S Y A H U S T I S Y A H U S T ngunit walang makakarinig. ang nakabukang bibig mapupuno ng tinubuang lupa na tinaksil ang lahat ng katulad natin. walang makakarinig kahit buong daigdig                                                                           manahimik.
0
May 10, 2017
May 10, 2017 at 3:32 PM UTC
tahanan

77
#012917 Naisip kong magpatangay sa hanging kumot sa aking paggising. Naisip kong hamunin ang araw ng mga talatang pasalaysay at huminto gamit ang panalangin. Isa, dalawa, tatlo: oo, ito na ang ikatlong araw nang tayong ipinalipad sa iba't ibang dako -- patungo sa bawat sulok ng mga pangarap at doo'y sabay-sabay nating maitataas ang Kanyang Ngalan. Di ko kayang amuhin ang bawat petsa sa kalendaryo para lang maggising tayo't muling mabuo. Di ko kayang sipulan ang ulap na kukumpas sa kalangitang hindi naman nagbabago. Sa bawat pangarap na minsang natabunan ng ating mga mapapait na nakaraan -- mga pangarap na ni minsa'y di sumagi sa isipang mabubuo natin nang sabay; oo, posible palang maitagpi-tagpi ang bawat istorya para sa mas malaki pang larawang ni minsa'y di natin nasilayang mag-isa. Marahil napuno tayo ng takot na muling humakbang sa bukas pagkat nahihila tayo ng dilim. Marahil kinain tayo ng sakit, kirot at alalahanin kaya naman tila kayhirap nang lakaran ang tubig ng pagpapala. Pero kahit na -- kahit na lumubog pa tayo sa kumunoy ng distansya't walang kasiguraduha'y may iisa pa rin tayong di dapat na bitiwan -- na patuloy tayong kumapit sa iisang Ngalang titingalain natin hanggang sa Kanyang pagdating. Siguro nga mapapagod tayo pagkat taksil ang landas o ang pagkakataon pero hindi pa ba ito sapat na dahilan para muling masubok at tayo't tuluyang magpasakop? Kung ang lupa nga'y kayang sakupin ng mga dayuhan lang; ano pa't ang puso't buhay nating tanging hiram lang? Kakatok hindi ang pangarap bagkus ang may dala ng mga ito; ilapit mo ang mga kamay sa puso at doo'y mabubuksan ang pintong may sagot sa mga hiling at dasal mo. Mabuhay si Kristo! Buhay Siya sa iyo!
0
Jan 29, 2017
Jan 29, 2017 at 3:35 AM UTC
Pahiram ng Tula (Pahingi ng Salita)

7
061217 Hayaan **** makisabay ang iyong kagaanan sa himpapawid Nang ang bawat hibla'y makatikim ng tagumpay. Pagkat ang iyong baluti'y sagisag ng pagkakaisa At ika'y titingalain sa iyong pagliyad Patungo sa pinakataas-taasang bughaw naming kalangitan. Balutin mo ng dunong ang moog na salinlahi At ika'y gumayak Kasabay ng pagkurap ng haring araw. Wag **** itikom ang panaghoy sa katotohanan Habang ang bulong mo noo'y Maging hayag na sa pitong libong pinagmanahan At maraang mapagyaman ang Perlas ng Silanganan. Ipag-isa mo ang tatlong bituing ipinaglihis ng kadiliman Hindi bilang isang taksil sa lipunang mapanghasik ng lagim. Igapos mo ang kabuuan na tila isang dalisay na karagatan At iyong tabunan ang mga patak ng dugo Sa tigang at umaalingasaw na sistema ng bayan. Sa iyong lubid, kami'y kakapit Habang ang himagsika'y sing-bagsik ng leong May matalim na pangil sa pakikipaglaban. Ang kamandag mo'y tagos sa puso't kaluluwa, Dugtong sa bituka ng kasaysayang may bantog na pag-alala. At sa bawat pintig at pag-indayog ng iyong himig, Ang lahat ay magpakumbaba. Gisingin mo ang diwang nahimbing sa kababalaghan Siyang dulot ng sakim na mekanismo't maitim na pamamaraan. Lapag sa puso at sa sahig ay papagpag ng paninindigan Taas-noo ang aming pagpapatirapa para sa nag-iisang sandigan. Ikaw ang bakas ng aming pinagmulan, Ang ugat ng lakas, dunong at prinsipyo Ng mga supling mo, o Inang Bayan.
0
Jun 13, 2017
Jun 13, 2017 at 8:50 AM UTC
Ipinag-isang Tatlong mga Bituin
Pinagkatiwalaan kita ng lubusan Dahil alam ko ika'y maaasahan Ngunit ako'y nagkamali nung nalaman ko Na ika'y nagtaksil kaibigan ko Inabot ng ilang taon ang ating pag kaibigan Pero hindi ko ito pinagsisihan Dahil alam ko na ikaw parin ay kaibigan ko Kahit ika'y sumama na sa may ugaling demonyo Kilala kita simula pagkabata Pero ako'y halos makalimutan mo na ata Ako'y lubos na nasasaktan Sa mga pangyayari na hindi ko inaasahan Sino ba naman ako sayo? Diba, ako'y isa sa mga kaaway mo? Tinuring kita na parang kapatid Ngunit para sayo, ako'y lamang isang sampid
0
Nov 24, 2016
Nov 24, 2016 at 2:19 AM UTC
Taksil
Paalam bayan kong sinilangan, sintang katagalugan, lupain na sinakop ng mga puting dayuhan; inalipin at binusabos ng higit sa tatlong-daan na taon. Kung hindi sana ako nakagapos ay nasa larangan ako ngayon, nakikipaglaban para sa iyong kalayaan; subalit ako ay binihag ng mga taksil na kalahi, kayumanggi ang kulay ng kanilang balat subalit ugaling Kastila sila. Alam ko na ito na ang aking wakas dadalhin nila ako at si Procopio sa dako na di namin alam; tanging diyos lang ang nakababatid sa aming sasapitin. Sa punglo kaya o sa talim ng tabak kaming magkapatid ay masasawi? Nalulumbay ako hindi dahil sa ako'y mauutas kundi sa pag-aakala na masasawi ako sa kamay ng aking kalahi. Kung dayuhan man lang sana ang sa akin ay papaslang mas matatanggap ko ito nang maluwag sa dibdib. Paalam mahal kong Oryang, Lakambini ng Katipunan, ina ng aking anak at kabiyak ng aking dibdib. Naiiyak ako sapagkat malungkot ang naging wakas ng ating pagsinta. Kung magtagumpay ang himagsikan at makamtan na ang layang inaasam wag sana makalimutan ang mga nabuwal sa parang ng digma. Kainin nawa ng lupa ang mga taksil sa bayan, lunurin ng baha ang mga nakipagtulungan sa kaaway, tamaan ng kidlat ang mga tampalasan na umibig sa dayuhan na mapang-alipin. Sumpain sila ng langit. Nakapiring ang aking mga mata subalit nararamdaman ko na malapit na kami sa dako kong saan babasahin sa amin ni Komandante Lazaro Makapagal ang hatol ng konseho ng digma. Payapa ang aking kalooban, walang pangamba. Alam ko na ginawa ko ang nararapat, kailanman hindi ako nagtaksil gaya ng kanilang ipinaparatang. Mabuhay ang Pilipinas, Mabuhay ang Rebolusyon.
0
Nov 4, 2017
Nov 4, 2017 at 12:05 AM UTC
REBOLUSYUNARYONG PAHIMAKAS NI SUPREMO ANDRES BONIFACIO (isang kathang-isip ng may akda)

31
Bayang magiliw, Ngunit hanggang dito tayo lamang. Alab ng puso, Hanggang sa puso mo lang buhay. Mga anak ng bandila, Ngunit ang puso'y hindi tapat. Lunos ng nakalipas, Lumuluksa para sa kinabukasan. Lupang iniibig at banal, Basaysay sa mga patay na bayani. May dilag ang tula at awit sa, Paglaya ng mga taksil. Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta, Ngayo'y nasa piling ng mga duwag. Saan ang ligaya pag may mang-aapi, Kapag ang mamatay ay dahil sa atin?
0
Oct 1, 2015
Oct 1, 2015 at 12:40 AM UTC
Hanggang Dito Lamang (Inspired by Heneral Luna)
taksil ang mga labing naghahangad ng higit sa dampi katulad ng buwan sa duyog, na kung sa madalas ay hinahayaan ang pagsisiping ng araw at mga bundok sa umaga may mga minsang hindi mapigilan ang alibuyboy at pilit isisingit ang sarili sa pagitan ng dapat at hindi, kapalit ng panandaliang saya; balutin man ng dilim. ngunit isa pa nga bang kataksilan ang humiling, kahit na pakiwari ko’y isa kang hiningang hindi mauulit, na sana kinabukasang paggising ay hindi ka na umalis, na hayaan mo namang masilayan ko kung paano ka ipipinta ng araw para naman din makita mo sa liwanag kung paano ka aaralin. bigyan mo lang ako ng isang sandali dahil katulad ng buwan, miminsan ding makasarili baka sa susunod na kinabukasan kahit ikaw ang tinatangi, sa iba na maghahain.
0
Jan 7, 2017
Jan 7, 2017 at 8:32 PM UTC
Sana'y manatili
siguro, kinailangan ko na mamatay ang aking personang nananabik sa pananambang ng taksil na kagaya mo'ng walang paninindigan, para makasama ko ang nanumbalik na isip, ang misyong itinakda, at gisingin ang mga may prinsipyo, mula sa bulok mo'ng mundo.
0
Sep 7, 2025
Sep 7, 2025 at 4:16 AM UTC
Junio 24 (Tagalog)
Masusing pinagmamasdan ang larawan Habang di mawari ang aking nararamdaman Gustong pumaibabaw ng aking luha Kasabay ng malakas na paggayak ng tuwa Ganito nga ba and dulot mo sinta? Anu bang pinanghalik **** pinta? Sakit at tuwang tila makakasanayan na Habang kayo’y magkasama sa twina Ngiting gumuguhit ng nadarama Ako’y unti-unting nabubura Katingkaran ay nanghihina Dala ng isang mapanuksong diwata Mga kulay na dati may kakaibang sigla Ngayung tila kumukupas na Ito nga ba’y sanhi ng aking taksil na pagsinta Sa tikipsilim ng buwang nagbabadya Sa malakas ng ihip ng hangin ako’y nabigla Mag-isang nakaharap sa lumang estampa Mga nakaraan ay nabibigyang hininga Ninanais nang pakawalan ang dating alaala Sabay ng pinintang pag-ibig sana
0
Sep 7, 2017
Sep 7, 2017 at 10:23 AM UTC
Kuwadrado
Ang bawat tao may kai-kaibigan, Palaging magkasama at nagtutulungan, Handang makinig sa bawat problema, Hanggang sa ikulong nila tayo sa selda. Sa isang grupo o magkakaibigan, May isang maiiba at galing sa kadiliman, Kagaya ni Hudas na tuluyang nadulas, Hinalik si Kristo para kay Caiaphas. Kung sino pa ang iyong malapit na kaibigan, Sa huli, hindi ka rin niya matutulungan, Siya pa ang tutulak sayo sa bangin, At hahayaan nalang idakip ng hangin. Sa huli, laking galit mararamdaman, Pagkat ika'y kanyang sinaktan, Unti-unting may balak makawasak, Hanggang sa mukha ng ahas masapak.
0
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 2:36 PM UTC
Taksil
Ang hikahos na mula sa iyong tinig Na pilit nilulunod ng iyong isipang pawang taksil Sa ikasasaya ng damdaming may kinukubling pag-asa Ang siya ring hikahos na sisigaw nang malakas, Sapat lamang upang mulatin ang diwang umidlip sa katotohanang Ikaw ay karapat-dapat masilayan ng liwanag, Maglakbay at sumapit sa nakukubli, Magtangka sa walang katiyakan, At ngumiti sa ibabaw ng kabiguan.
0
Mar 28, 2019
Mar 28, 2019 at 4:52 PM UTC
Hikahos
Nakamtan pagiging Doktor ng Batas Sibil Umupong Kalihim ng Katarungan bago magkagulo Sa Hapon napayuko kaya binansagang taksil Upang maibsan kabagsikan ng amo. -12/28/2014 (Dumarao) *Pinuno Namin sa Panahong Tanso Collection
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 10:25 PM UTC
Hawig ng Hapon (Jose Laurel)