Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"susulat" poems
Pwede bang pakisabi mo sa akin kung ano ang pag-ibig? Pakiramdam ko kasi ako na lang ang hindi makahanap nito. Pakiramdam ko kasi hindi sapat yung mga salitang nakalimbag sa diksyunaryo para maintindihan ko, Hindi din siguro sapat yung mga gabing 'di ako makatulog dahil sa'yo, 'Di din sapat na kasama ka sa mga salitang lumalangoy sa isipan ko tuwing susulat ako ng tula Hindi pa rin ba sapat, na nakilala kita? Para maintindihan ang pag-ibig? Para akong isang musmos na batang hinahanap ang kahulugan ng isang matalinghagang salitang nabasa niya sa isang tula. Nahihiyang itanong sa mga magulang at kaibigan, Kailangan ang sarili lang ang maka-intindi at makaramdam. Hindi ako makahinga, Sinasakal ako ng mga walang katapusang tanong, Kung ano nga ba talaga ang pag-ibig? Kung hinahanap nga ba 'to, o kung kusa nga ba 'tong dadating. Kung ang pag-ibig ba ay... Yung sandaling tumigil ang oras nang nakita mo siya sa unang pagkakataon? Yung nalaman ninyo ang pangalan ng isa't-isa at inukit mo na agad 'to sa isipan mo, at lumipas ang ilang araw may rebulto na siya sa puso mo. Ang pag-ibig ba ay... Ang mga saktong puwang ng inyong mga kamay? Ang bilis ng tibok ng puso mo nang una mo siyang nayakap? Nang nagsalubong ang inyong mga labi at nalaman niyo ang bawat sikretong tinatago sa katahimikan. Nang makita mo ang mga mata niya at naalala mo noong una kang nakakita ng mga kuliglig. Natakot ka at nabighani. Ang pag-ibig ba ay... Ang pagpapakatanga sa isang taong niloko ka na ng tatlong beses? Ang mga guhit sa braso mo? Ang mga natuyong luha mo? Ang pag-ibig ba ay ang pagmahal sa isang taong may mahal din na iba? Hindi ba pag-ibig ang pag-ibig, kung hindi nangyari ang lahat ng napanood mo sa pelikula at nabasa sa libro? Hindi ba pag-ibig ang pag-ibig, kung hindi ka nasaktan? Natatakot ako, Na baka sa sobrang tagal ko sa paghanap ng mga kasagutan, Mapapagod ako at susuko. Nabuklat ko na ata lahat ng mga talahuluganan at tesauro, Tila bang kaya ko nang gumawa ng tula para sa bawat salitang nakilala ko, Pero pinili kong mag-sulat sa isang salitang hindi ko nahanapan ng kahulugan. Limang beses ako nag-akala na nakilala ko ang pag-ibig, Limang beses akong nagkamali. Hindi ko alam kung tama pa bang kuwestiyonin ang pag-ibig, Ang ano, bakit, kailan, at paano. Siguro mananatili na lang 'tong matalinghagang salitang walang kahulugan at kailangan maramdaman para maintindihan. Pangako, Sa sandaling maramdaman natin 'to. Magmamahalan tayo ng higit pa sa pag-ibig.
0
Jun 27, 2016
Jun 27, 2016 at 6:32 AM UTC
Higit Pa Sa Pag-ibig

Continue reading...
45
Susulat ako ng isang libong tula Kung ito ang magpapahilom sa pusong pagal Sa pag-ibig Isusulat ko ang tula sa dalampasigan ng alaala Na kasing haba ng aplaya Hanggang sa maghilom ang pusong sugatan Dulot ng iyong paglisan Huhugot ako ng maraming tayutay at saknong Na may lantay at tugma Sakaling anurin ito at mabasa mo Sa dalampasigan ng aking puso. Ikaw ang hugot Ikaw ang sagot Susulat ako ng isang libong tula Dito kung saan taya unang nagsimula.
0
Sep 20, 2016
Sep 20, 2016 at 3:41 AM UTC
Susulat Ako ng Isang Libong Tula
(A tagalog poem) ㅡ Tyaka na lang kita papansinin, kapag kaya na kitang bigyan ng isang matamis na ngiti gamit ang bibig na hindi nangangamoy usok ng sigarilyo. Tyaka na lang kita kikilalanin, kapag kaya ko na ring kilalanin ang sariling tinig at hindi ang sigaw ng mga demonyong nangungupahan sa aking isip. Tyaka na lang kita tatawagan, kapag kaya ko nang alagaan ang aking katawan at muli na akong natutulog bago pa magpalitan ang araw at buwan. Tyaka na lang kita iisipin, kapag ang tanging kinakatakutan ko na lamang ay ang pagkakawalay sayo at hindi ang maaari kong gawin sa sarili oras na maiwan nang mag-isa sa kwarto. Tyaka na lang kita papakatitigan, kapag ang aking mga mata'y hindi na pagod, namumugto, namumula. Tyaka na lang kita kakausapin, sa araw na pag-ibig na ang aking bukambibig, sa oras na kasiyahan na ang nasa isip at hindi kung paanong tali ba ang gagawin sa gagamiting "lubid". Tyaka ko na lang hahawakan ang iyong kamay, kapag naghilom na ang mga hiwa at sugat na ginuhit, inukit sa pulso, kapag ang isip at kalooban ko'y muli nang nagkasundo. Tyaka na lang kita hahalikan, kapag kaya ko nang talikuran ang mga bote ng alak kapalit ng dampi ng iyong labi. Tyaka na lang kita yayakapin, tyaka ko na lang hahayaan ang sariling maranasan na iyong mahagkan, kapag muli na akong nakakakain ng tama, sa tamang oras. Kakayanin mo kaya ang maghintay kahit magpa-hanggang kailan? At patawarin mo ako. Patawarin mo kung ano ako. Patawarin **** ito ako. Patawarin mo ang kototohanan na binubuo ako ng kalungkutan at kaguluhan. Patawarin **** kung minsan kapag bumuhos ang luha ko'y mas malakas pa sa ulan. Isang araw, aawit ako ng awit ng pananalig at katiyakan. Susulat ng tula na naglalaman ng kasiyahan. Ngunit sa ngayon, dasal ko'y patawarin mo muna ako. Giliw, tyaka na lang kita iibigin... kapag kaya ko na ring ibigin ang aking sarili.
0
Jul 13, 2016
Jul 13, 2016 at 9:52 AM UTC
Awit Ng Pasubali

46
Susulat pa ba ako? Naubos na ang laman ng puso Nailahad na ang bawat laman nito Ang sakit, ang kaba, maging ang saya ay naging pinta ng tinta May hahahanapin pa nga ba? Tila yata ang inspirasyon ko ay gasgas na. Wala ng maidulot na saya Ang pagbaybay ng ngalan mo'y pinagsawaan na Pasensya na Ngunit tila naubos na ang lahat ng nadarama ay nabuhos na sa pamamagitan ng tula ang may akda ay naghahanap ng inspirasyon saan pa nga ba lilingon nakakapagod din pala yung ikaw lagi ang inuuna
0
Aug 31, 2017
Aug 31, 2017 at 3:59 AM UTC
Nakakapagod (Tagalog)
Kung may pluma lamang ang puso Isusulat nito ng malaya ang mga salita Na hindi mabigkas ng mga labing tikom Sapat ang tinta nitong pluma Pamalit sa takot na pumipigil sa sarili Kung may pluma lamang ang puso Hindi na kailangan pang pagtakpan ng ngiti ang bawat sakit May buhay ang plumang ito Alam niya ang kanyang silbi, ang maghatid ng katotohanan Kung may pluma lamang ang puso Isusulat nito ang bawat pagkakataong nais niyang tandaan Mga alaala na dala ng kasaysayan Kung may pluma lamang ang puso Maipaparating niya ang bawat pintig Ng ligaya o sakit Malaya ang plumang ito Walang magbabawal kung ano ang dapat at hindi Walang pipigil sa pagkawala ng tunay na kulay ng bawat pintig nito Kung may pluma lamang ang puso Ito'y susulat ng tula na magsasabing ikaw lamang ang magiging papel na nais nitong sulatan Kung may pluma lamang ang aking puso, Ikaw ang nanaising maging papel Malaya ang plumang ito at ikaw ang kanyang pinipili Buhay ang tinta ng plumang ito At sa iyo, bilang papel, nailathala ang pinakamagandang kasaysayan ng pag-ibig Na binigyang buhay ng isang pluma at papel
0
Dec 12, 2018
Dec 12, 2018 at 4:33 PM UTC
Pluma at Papel
Sumapit na ang hating gabi, Unti unting sinasakop ng pagbubukang liwayway. Gandang iyong taglay, Sa aking diwa'y nananalaytay. Ang saglit na pamamaalam sa takip silim bukas ay mababanaag nang muli ang ligaya ng pusong minsang nagdilim. Ang kaaya aya nyang ngiti, Higit pa sa ganda ng bulaklak. Sa magdamag kong pag susulat ng matalinhagang salita ikaw ang aking nakikita. Pansamantala, sa agaw ng dilim at liwanag. Ako ay mamaaalam. Itinitiwala na lamang muna sa mga bituin na ikaw ay matanglawan. ... Sa araw ng bukas ay masisilayang muli ang ligaya ng aking buhay.
0
May 22, 2016
May 22, 2016 at 5:18 AM UTC
Bukas ay Masisilayang Muli ang Ligaya ng Aking Buhay
#071816 #3:55PM Kung pipitas ka ng tatlong rosas, Kung susulat ka ng tula, Kung harana ay siyang pagsuyo, Oo. Kung makapaghihintay ka Sa tila kalsadang pinintahan ng pula, Habang ako'y may paanyaya, Oo. Oo ang sagot sa mga tanong na naantala, Oo ang sagot sa pusong hindi pa nagkukusa. At oo ang pamagat sa tulang tila walang panimula. Oo, pagkat mahal kita.
0
Jul 19, 2016
Jul 19, 2016 at 5:01 AM UTC
Oo
Bawal ang Tinta yan ang sabi ng bala Pagka’t kung susulat ang itim ay pupula At ang ibang tinta mahahaluan ng pulbura. Lason daw ang pera ‘yan ang sabi ni tinta At ito’y nakatago sa bulsa ni bala Ito’y gamit ni bala upang tabunan si tinta. Bawal daw ang Tinta utos ni bala at pera Inuubos ang tinta binabaon sa dusa Kaya’t asul, dilaw, pula aliping aba.
0
Jun 15, 2015
Jun 15, 2015 at 12:43 AM UTC
"Bawal ang Tinta"
Ganito s'ya ipinakilala ng Supremo: Mga kapatid narito ang isang binata estudyante ng Letran at Sto. Tomas magaling na manunulat makisig at walang takot isang tunay na Tagalog na umiibig ng tapat sa Inang Bayan. Ngayong gabi sa ating pagpupulong s'ya ay ating tatanggapin bilang kasapi at hihirangin na maging isang kalihim. S'ya ang susulat ng mga dokumento ng kilusan magiging aking kanang kamay at utak ng katipunan. simulan ang ritwal at ang sanduguan. Kapatid na Emilio binabati ka ng lahat ng katipun mula ngayon hindi kana tatawagin na Jacinto kundi Pingkian na yan ang rebolusyunaryong sagisag mo sa kilusan.
0
Nov 6, 2017
Nov 6, 2017 at 10:59 PM UTC
PINGKIAN
Ngayong wala kana Sisimulan ang bawat pahina ng mag isa Mahirap sambitin Kayat isusulat nalang ang laman ng damdamin. Isa, dalawa, tatlo Mag susulat ako hindi para sayo kundi para sa pusong iniwan at dinurog mo Pilit binubuo Pilit inaayos Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ganito? Sa pagsulat ng libro na lamang ba maisasabi ang nadarama Magbubulag bulagan na ba Mag bibingibingihan na ba sa ingay at kalabog ng aking puso Sa bawat pahina, sa bawat letra D na ikaw ang inspirasyon Kundi ikaw na ang kosumisyon Pano ko maisusulat ang storyang ating binuo kong ikaw ay lumayas na D nag paalam, di nagparamdam Presensiya mo lamang ay biglang na wala Parang tanga, na naghihintay sayo Pero bakit ikaw ay nawala? San ka nag ***** San nagkulang? San nag sobra? San na ang pusong iyong pinaibig at sa huliy iyong iniwan? Mahahanap pa ba?
0
Jan 14, 2019
Jan 14, 2019 at 6:07 PM UTC
San ka na ba?
Wala na ang mga paru-paro sa tiyan. Naglaho sila nang hindi ko namamalayan. Kilig ay hindi na rin maramdaman. Hindi na kita kinasasabikan. Ano ba ang nangyari? Napagod na ang puso. Hindi ko na mawari. Isip ko’y gulung-gulo. Ang dating gigil na puso, Ngayo’y parang lantang halaman. Ang dating sabing sa iyo, Ngayo’y parang hindi nga naman. Susulat sulat ng tulaan, Mauuwi rin pala sa iwanan. Nagsawa, napagod, nahirapan, Namanhid, napuno, hindi na lumaban. Tapos na, ito na ang dulo. Ito na ang huling tula para sa’yo. Sana palayain mo na ako. Gaya ng paglaya ng mga paru-paro.
0
Mar 27, 2018
Mar 27, 2018 at 7:43 AM UTC
WAKAS
Bakit kahit anong bigkas ko Na ito na ang huling sulat ko para saiyo Ay lagi't lagi rin namang susulat ng mga tula Na ikaw ang paksa
0
Nov 20, 2021
Nov 20, 2021 at 9:43 AM UTC
Lagi na lang
Huling pag - susulat ngayong taon. Hindi alam kung ano ang mararamdaman. Simula Una hanggang ika Dalawampu’t apat na oras, Ay hindi ka maalis sa aking landas. Simula Ika una - hanggang ika huli ng pag - susulat, Hindi man lang nabago ang aking damdamin. Dalawampu’t apat na oras na tutuusin ay isang araw, Na punong puno ng pagmamahal, at katotohanan. 24 / 24 Every 24 hours of my day I always keep thinking about you
0
Dec 29, 2019
Dec 29, 2019 at 1:58 PM UTC
24