"sumiping" poems
Sabungan Cockfight
Sa pula! For the red!
Sa puti! For the white!
Anopaman dumating However they come
piliin ang magiting choose the valiant
tumaya sa tindig gamble on their carriage
pagpaboran and consider
bawat katunggali. each competitor.
Sumiping sa dilim Make love with the dark
at sumigaw and cry
Kristo! Kristo! Christ! Christ!
Panoorin ang laban Watch closely the battle
sarsuelang mapanganib this dangerous sarsuela
kawatang sumasanib a thief takes over
sa aking piling inside.
Sa bawat kong hiyaw, Every shriek
ang kada tuka, laslas each peck, a slash
nagmula sa dahas of ruthlessness and
lumilipana ang daing cries all around
dumadaginding ang bagsik echo ferociousness
bawat laban pilit. of this stilted struggle
Kristo! Kristo! Christ! Christ!
sigaw ng sabungero screamed the sabungero
at ako'y tumigil. I stop.
Sa pagpanaw When all is gone
manalo win
matalo lose
walang pareho tumingin no one sees evenly
sa aking balahibong my feathers
pula at puti of red and white
sa alabok on the surface dust
kumalat they lay
lumipad they fly
lumahong taimtim. and vanish without a thought.
Jun 5, 2016
Jun 5, 2016 at 11:36 PM UTC
112622
Balikan natin ang mga pahina ng kasaysayan
Bagamat may iilang tekstong isinawalang-bahala na.
Mga pahinang hindi na nagawaran
Ng konkretong kalinawagan
Bunsod sa kusang pagpapasakop natin
Sa mga banyagang hayagang dumidikta
Sa ating kultura maging adhikain.
Hindi man natin nalimot
Na tayo’y minsang nakipisan sa mga bahay kubo,
Tayo pa rin ay tumawid sa lubid ng kamangmangan —
Ilang ulit na‘t tila ba hindi na tayo natuto sa mga kamalian ng nakaraan
Hindi lang tayo basta nabitag,
Bagkus rehas ay atin pang ipinagtibay.
Oo, tayo lang naman ang bumihag sa ating mga sarili
Kusang sumiping at nagpatali
Hanggang huli na nang mamalayang
Hirap na pala tayong kumawala
Sa mga buhol na tayo mismo ang may sulsi.
Iniibig natin ang Pilipinas gamit ang ating bibig
Ngunit ang bandilang ating iwinawagayway
Ay hindi na pala ang sariling atin.
Hindi masamang makisabay sa uso
Ngunit wag nating kaligtaan na tayo’y mga Anak ng Bayan.
Hindi rin mainam na tayo’y magpasakop
Sa samu’t saring ideolohiyang inihahain sa atin.
Pagkat hindi porket nasa hapag na’y
Ito’y para sa ating upang nanamnamin.
Wag kang hangal, Inang Bayan!
Isinisiwalat natin na tayo’y tunay na mga kayumanggi
Gamit ang mga sandatang hiram
Ngunit sa ating pakikibaka’y
Hindi ba sapat ang ating armas
At kailangan pang umasa sa kanilang lunas?
Pluma ang naging sandata noon
Ngunit maging ang ating Bayani’y
Hinayaan na nating maging pipi.
Mga lata’y maiingay
Sa araw-araw nating pakikipagkalakal.
Kahit saan tayo sumipat,
Tayo’y natutukso pa rin —
Bumibigay at bumibitaw, nalilimot maging tapat.
Aahon nang nakapikit,
Maging lenggwahe’y pahiram na rin.
At kung tayo ang huhusga
Sa ating walang modong mga nagawa’y
Linisin natin ang sarili nating mga dumi’t
Wag nang hayaang maging pabigat sa iba.
At Bandilang ginula-gulanit
Ay sama-sama nating susulsihing muli
Nang ang mga galos ng nakaraa’y
Maging umaapaw na pabaon sa ating mga iiwan.
Sa pamamagitan ng ating pagbubuklod,
Tayo’y magiging isang buong Pamilya.
At magbabalik ang sigla
Na minsan nating hinayaang kainin ng mga bukbok
At anay ng ating pagkawatak-watak.
Nov 28, 2022
Nov 28, 2022 at 9:45 PM UTC
Sa mga araw na hindi tayo sigurado sa ating mga damdamin, sana'y punuin natin ngayon ang bawat araw ng kawalan—punuin ang pag-iisa ng bawat isa. Sana'y sumiping sa iyo ang damdamin ko, sumiping sa isipa't balintataw mo. Sana'y mamalagi sa puso mo ang nag-iisang dibdib ko. Hubugin natin lalo ang kaluluwa ng bawat isa, hindi sa pag-hubog ng kawalan kundi sa pag-hubog ng pag-iibigan.
Oct 5, 2018
Oct 5, 2018 at 10:19 PM UTC