"sumilip" poems
Ako'y mailap
Pag si Ina'y kapiling
Kung ako'y umasta parang
Hindi sya nakikita
Parabang sa isip ko'y ako lang
Mag-isa
Anong mali?
Tanong ko sa sarili
Anong mali at ganito ako
Umasta,
Sa harap ni Inay na nagbigay
Buhay sa kagaya kong walang
Kwenta
Pero bakit ba?
Gusto ko ba na isilang nya ang
Kagaya kong basura na ay wala pang kwenta?
Sukdulan na siguro
Ang hinanakit ni Ina sa akin
Kayat luha nya'y hindi na napigil
Ako'y sinumbatan
Lahat ng kamalian ko'y
Sinambit
Sa unang pagkakataon
Si Ina ay nagalit
Ako'y nagtaka
Sa aking nadarama
Ang puso ko'y bakit tila sasabog na
Sa nakitang luha
Na umagus pababa
Isang gaya ko
Ang nagpaluha sa Kanya
O, anung hirap at
Sakit pala
Ang makitang lumuha
Ang Ginang na nagpalaki't umaruga
Sa gaya kong walang kwenta
Ngayu'y alam kuna
Ang damdamin ni Ina
Ako ay nangakong
Magbabago na, upang damdami'y ni Ina hindi na masaktan pa
At brilyante nyang mata'y hindi na tumangis pa
Ang mahal kong Ina nasa malayo na
Paano na ang pramis ko
Tila naging abo na
Masakit isiping
Pagmamahal ay di naipadama
Sa nag-iisa kong Reyna
Na nagpahalaga sa kagayakong basura na'y wala pang kwenta
Sumilip ang Araw
Sa mata kong nakapikit
Kahit natakluban na ng luha ang mata
Batid kong si Ina'y nasa tagiliran ko pala
Nakatayo at nakangiti,may alay na pagmamahal ang brilyante nyang mga mata
Hinagkan ko si Nanay
Tudo bigay ang dabest kong yakap
Sabay dampi ng matamis kong halik sakanyang pisngi
Batid ko si Nanay ay nagtaka
Tila nagulat pa nga sa bago kung pag-asta
Labis akong nasaktan
Sa panaginip na handa ng may kapal
Tiyak ako'y kanyang sinubok
Upang malaman ko na ang halaga ni Nanay ay di lamang sintaas ng bundok
Kundi sinlawak din pala dagat
Ang mahagkan pala si Nanay
Ay Walang kasing sarap
Sa haba nang panahon sanay
Noon kupa nadanas
Ang mayakap si Nanay kahit gaano pa katagal
Ay hindi ako magsasawa
Ohh,kay saya maranasan ang ganito
Ang makapiling si Nanay
Buo na ang araw ko
Ang pramis ko Nay ay isa lang
Mamahalin kita higit pa sa buhay kong taglay
basta ba dito kalang at hindi lilisan
Apr 26, 2017
Apr 26, 2017 at 2:22 AM UTC
Unang gabi sa huling sandali
Nag-aagaw ang ilaw at dilim
Katahimika'y namamayani.
Nakatayo sa gilid ng bangin
Isang hakbang tungo sa libingan
Nakapikit ngunit nakatingin.
Sumilip ang buwan sa kalangitan
Hudyat ng katapusan ng duyog
Tuluyang bumukas ang pintuan.
Lumiyab ang bawat alikabok
Mga alitaptap na dumadapo
Sa bawat sugat nangingimasok.
Buhok ay nagsimulang lumago
Sabay sa pag-ikli ng hininga
Nagpupumiglas sa bawat pulso.
Isang bulaklak na bumubuka
Dugo at ginto ang tanging dilig
Usbong sa hungkag at tuyong lupa.
Buto at laman ay nanginginig
Balat ay nagsimulang uminit
Halik ng apoy sa pulang tubig.
Umuungol sa bawat pagpunit
Likuran na may bagong pasanin
Ngipin na sukdulang nagngangalit.
Nakalutang sa payak na hangin
Kamay ang nagsisilbing kandila
Maglalakbay sa tulay na itim.
Isang sulyap bago kumawala
Ibinuka ang pakpak na pilak
Huling yugto ng pakikidigma.
Nov 18, 2018
Nov 18, 2018 at 11:28 PM UTC
Umikot ang mundo
Sumilip na ang buwan
Lumiwanag na ang mga tala
At pumikit na ang mga ulap
Pero, heto ako nakatulala sa apat na sulok ng kwarto
Mahal! Napapagod na ako
Napapagod na akong kakaisip kung mahal mo ba ako
Kaya sana na man, sana nandito ka at marinig mo ito
Sana madama mo ang mga saltiang "MAHAL KITA, SOBRA"
Sana makita mo ang pangalan mo dito nakaukit sa puso ko
Kaya mahal, sinta, darling, babe, baby, honey, love, sweetheart, asawa ko, buhay ko, mine, moo, yam
Sana madinig mo ang sasabihin ko
Na ang tulang ito ay para sayo
Kahit abutin man ako ng dekada dito kakahintay
Sasabihin ko pa rin MAHAL KITA
Hayaan mo nang lumuha ako kasama ng ulan
Hayaan **** mawalan ako ng tinig kakasabi sayo ng MAHAL KITA
Pero, teka, Mahal, mahal mo ba ako?
Ay wag! Wag mo nang sagutin. Kasi alam ko, ALAM KO NA!
Umikot ang mundo
Sumilip na ang buwan
Lumiwanag na ang mga tala
At pumikit na ang mga ulap
Pero patuloy pa rin akong nagpapakatanga
Ha,ha,ha! Tanga ng kung tanga
Pero, hayaan **** sabihin ko sayo
Mamatay man ang ilaw,
Dumilim man ang kalangitan
Mahal pa rin kita
Teka, teka nga
Sino nga ba ang Mahal ko?
Pakisabi naman oh!
Pakiusap, mahalin nya ako pabalik
Kasi ang sakit, sobra
Sa sobrang sakit, hindi ko parin maiwasan na mahalin sya
Na mahalin sya ng sobra na kahit ang paghinga nakalimotan ko
Kaya sana na man, please lang pakisabi nyo sa kanya
MAHAL NA MAHAL KO SYA
At sana sa huling pagpatak ng mga luha
Ang huling salitang maririnig mo
Ang huling hangin naakukuha ko
At ang huling pagtibok ng puso ko para sayo
Umikot ang mundo
Sumilip na ang buwan
Lumiwanag na ang mga tala
At pumikit na ang mga ulap
Pero, MAHAL PA RIN KITA
Feb 26, 2018
Feb 26, 2018 at 10:11 AM UTC
Hindi matigas lahat ng bato
Hindi lalago ang halamang nakatago
Pero kung bubunutin din naman
Anong silbi ng pagkakakilanlan?
Itaas ang kamay kung ginawa mo ito:
Ituro sa kapatid na bakla ang tito mo,
Kung gayon, ito ay duwag at gago,
Tingnan bilang presong kulong sa kandado
At kung sapatos ni kuya, suot ng ate mo,
Walang alam ni isa, pero sa ina sinabi mo
Nasaksihan ang paglisan ng nagturong pumorma
Narinig ang galit ng ama, sigaw ay "imoral ka!"
Putang ina, lahat iyon ay narinig mo
Hindi na kaya ng sentido mo
Mali ito, mali ito ang pilit ng lipunan sayo
Iwaksi mo, iwaksi mo, at tatanggapin ka nito
Sa oras na lumabas ka, wala ka nang pangalan
At araw-araw sa buhay mo, tila umuulan
Ng husga, ng ismid, ng dura sa sahig
Tawag sainyo ng kasintahan ay bawal na pag-ibig
Tomboy, bakla, bayot, tibo
Araw na binigyan ka ng ngalan tila naglaho
Binato ng panghahamak na gusto mo nang lumisan
Kaysa tanggapin ang galit na pinagmulan ay di alam
'Mahalin mo ang 'yong kapwa'
Banggit at turo ng May Likha
Pero bakit may galit ata
Nagpahayag nito't nagsalita?
Hindi ba itinuturing na kapwa sila?
Na kasama **** lumaki, magdalaga?
Kalaro ng chinese garter baga,
Kahit alam **** lalaki naman talaga siya
Ang saya na dulot niya di mo naalala
Nang minsan sa kanto'y sutsutan siya
Sapatos lang daw at k'onting barya
Tiningnan ka niya, ikaw ay tumawa
Saan ba ang lugar sa mundo para sa kanya?
Mahirap bang sabihin, katagang, 'tanggap kita?'
Tingin mo ba'y karamdaman kanyang nadarama?
Oh bakit nakangiti ka? Nahawa ka ba?
Kaya ba't ka umiiwas nang nalaman mo na?
Bilang kaibigan, oo nabigla ka nga
Pero 'wag mo naman sanang isiping
Naisip niya minsang ika'y makasiping
Alisin na natin ang malawakang pag-iisip
Na pandirihan ang kakaiba, pero subukan **** sumilip,
Lalawak ang saradong takip
Sana isang araw ang hangin, magbago ang ihip
Maging magkasama, pantay-pantay sa ibabaw ng isang ulap
Nawa'y mga anak nati'y maranasan, ekwalidad sa hinaharap
Matapos na ang inis at galit
Pagmamahal ang pumalit
Jun 28, 2016
Jun 28, 2016 at 5:57 AM UTC
Sa unang pagkakataon,
Inabangan ko ang pagsikat ng araw
Pinili kong hindi matulog,
Kasi mas madaling magising hanggang umaga kaysa sa bumangon ng maaga
Naging isang malaking kanbas ang langit
Nagsimula sa unti-unting pagkawala ng buwan at mga bituin,
Naging asul, nadagdagan ng kahel,
Nagkatabi
Unti-unting naghalo
Sumilip ang araw,
Inabot ang kanyang sinag sa mga matang malalim at nag-antay
Unti-unti, at sa tamang oras sinakop at niliwanagan ang langit.
Narinig ang mga busina ng mga bus,
Ang tren na para ng tilaok ng manok sa umaga sa aking mga tainga,
Nakita kita,
Sa pag unat mo,
Sa pagbukas ng iyong mga matang hindi nag-antay,
at sa pagpikit nila muli dahil alam **** hindi mo kailangan bumangon ng maaga
Narinig kita,
Ang hilik na pilit **** itinatanggi,
Ang mga unang salitang binabanggit ng isip mo,
Ang pag-sabi mo sa kanya ng mga salitang ako dapat ang makakarinig tuwing pag-gising,
Magandang umaga, mahal kita
Sa unang pagkakataon,
Inantay kita,
Pinili kong hindi magmadali,
Kasi mas madaling abangan ang tamang oras kaysa sa habulin ito,
Mahal,
Sinta,
Ikaw ang sining na nagbibigay dahilan kung bakit ako yung kanbas na kinalimutan **** pinturahan,
Nagsimula sa unti-unting pagkawala ko,
Naging masaya ka, nakalimot ka,
Lumipas ang ilang taon,
Unti-unti akong 'di hamak naging pangalan at alaala na lamang sa'yo
Sumulyap ako sa huling pagkakataon,
Inabot ang aking mga kamay sa'yo, sa nakalimot at nagmahal ng iba
Unti-unti akong naging alaalang nawalan ng pangalan.
Mas madali mag-antay ng pagsikat ng araw kaysa sa kalimutan ka.
Pagka't ikaw ang unang simoy ng hangin na malalanghap sa umaga,
ikaw ang sinag ng araw na unang nakikita ng mga mata ko,
ikaw ang umaga ko.
Ikaw ang unang umagang hinintay ko.
Aug 5, 2016
Aug 5, 2016 at 6:13 PM UTC
sa pagtanda ko, nais kong ikaw ang kasama
sa pagtanda mo, nais na ika'y alagaan ko
sa pagtanda ko, nais kang pagmasdan
sa pagtanda mo, kamay ko'y iyong tangan
kung maari lamang bumalik, sa panahon na ika'y nilisan
kung maari lang sumilip, sa panahong ika'y iniwan
ngunit panahon ay lumipas na, na sadyang kay bilis
at sa buhay ng isa't isa, tayo'y nga nakaalis
subukan ko kayang tumalikod mula sa hinaharap?
subukan ko kayang mukha mo ay mahanap
subukan ko kayang lumakad pabalik
sa huling pagkakataon na siniil ng halik
palad mo ba'y bubuksan pa upang hawakan aking kamay?
dibdib mo ba'y bakante at maaari pa bang sumanday?
maaari pa kayang mangarap ng muli?
Kahit nawala at lumisan ng sandali?
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 3:00 AM UTC
Sa pag lubog ng araw
Liwanag ay napapanaw
Kasabay na dumadalaw
Dilim na umaagaw
Sa anyo ng katahimikan
May kasinungalingan
Sa bawat kabutihan
May kapatid na kadiliman
Sa mukha na may takip
Walang nais sumagip
Takot na sumilip
Ang ngiting may kalakip
At sa bawat natuklasan
Bumibigat ang pasan
Patay na kamusmusan
Wagi ang kasamaan
Tumigil sa piglas
Wala na ang lunas
Hirap nang tumakas
Sa lahat ng pintas
Aug 25, 2022
Aug 25, 2022 at 1:10 PM UTC
Isang madilim na kalungkutan
bumabalot sa aking isipan na para bang may
Nagpapahiwatig na mawawala na ako sa mundong ito
Sa huling gabing sandali na aking nararamdaman
Nag-aagaw ang ilaw at dilim
Katahimika’y ang namamayani
Nakatayo sa gilid ng bangin
Isang hakbang patungo sa kamatayan
At nakatingin sa kalangitan
Sumilip ang pulang buwan sa kalangitan
Na hudyat ng kamatayan
At tuluyang bumukas na ang pintuan
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 8:54 PM UTC
sa kasalakuyan,
nakatapak tayo sa isang malawak na lupain
at dinig ang mga martsang may ibubulong at aaminin.
sa ilang minutong inilaan,
ipapatunay
na kahit sino ay 'di bawal mahalin.
isa, dalawa, tatlo. ang laban ay pasimula na
'teka, 'wag muna...
balik! balik! tumalikod ka!
ano raw? paulit-ulit na 'to, hindi pa raw handa
balik! balik! tumalikod ka!
utos ni heneral sa unang mga kawal
na sumilip galing sa bagyong mga mata
na minana sa kalaban.
balik! balik! tumalikod na!
- ayon kay heneral luha
Sep 13, 2019
Sep 13, 2019 at 11:00 AM UTC
Noon, ang tanging kinakatakutan ko lang ay ang hindi makatulog sa hapon
Ang mahuli ng magulang na tumatakas para makalabas at makipaglaro
Ang matakot sa mga kwentong multo na gumagala tuwing alas tres ng madaling araw
Ang manuod ng horror na pelikula at matulog na bukas ang bombilya pagkatapos
Ang dumilat at sumilip sa ilalim nang kama
Noon, natatakot lang akong makakita ng pulang marka sa aking papel
Ang hindi makasagot sa pagbigkas sa nakabusangot at nakakatakot kong titser
Ang mahuling nakikipag daldalan sa katabi kong kaklase
Ang hindi makauwi sa tamang oras na binigay ng magulang
Natatakot ako sa mga maraming bagay
Ngunit nagiba narin ang mga bagay na kinakatakutan ko sa mga taong lumipas
Mas lumaki na sila at mas naging matapang
Mas naging matulis ang mga pangil at humaba ang mga binyas, ang buhok, ang kuko
Mas bumilis, mas lumiksi
Mas mahirap nang labanan
Hindi na pwedeng basta idaan sa pagtulog at pagtakas
Hindi na basta basta napapatay ng liwanag na nanggagaling sa bukas na ilaw ang takot
Hindi na rin nawawala ang takot sa pag balot sa buong katawan ang malambot na kumot
Hindi na madadaan sa pagsiksik sa pader upang hindi mahila ang mga malamig na paa sa nagtatagong takot sa ilalim ng kama
Nov 20, 2020
Nov 20, 2020 at 10:08 AM UTC
Hulyo, 2005.
Nag simula bilang taga masid,
Sa kadahilanan na ika'y mapang-ismid.
Pero puso ay di sumuko,
Lagi ang isipan sayo'y patungo.
Salamat sa iyong ngiti
Ni minsan ay di mo kinubli,
Kaya nga ika'y agad napansin
Naka bihag ng puso na di akalain.
Mukhang laging nakasimangot,
Nababalot ng lungkot.
Ngunit sa ngiting iniwan,
Naging isang magandang larawan.
Humarap sa salamin,
Handa na ba aminin?
Biglang natakot ang sarili
Alam na ika'y mapili.
Naging magulo ang isipan,
Na para bang masisiraan,
Pero sa sarili'y nagkaroon ng kasunduan
Na mananatiling magkaibigan.
Labing limang taong pag-ibig na tinago,
Kailan nga ba mabibiktima ni kupido?
Kinaya na mamuhay mag-isa,
Ngunit hindi nawawalan ng pag-asa.
Patuloy na mangangarap at mananaginip,
Na sa tamang oras ang tadhana ay sumilip.
Sep 2, 2020
Sep 2, 2020 at 12:58 AM UTC
Matagal na panahong nilihim sa iyo
Isang sikretong pasan ng mga balikat ko.
Dinggin mo ako bagamat tila’y huli na,
Pagbigkas ng mga katagang marinig mo pa sana.
Halina’t sumilip sa kaibuturan ng aking puso
Nagkadurug durog at hindi man buong buo
Kailanma’y hindi naubusan ng dugo
Na tuloy pa ring dumadaloy dulot ng alaala mo.
Kailangan ko pa bang ipaliwanag ito
Isang pangungumpisal at pagsusumamo
Sa tinagal tagal ng ating pagsasama
Ni minsan ba’y dumapo sa’yo na mahal na pala kita?
Jun 16, 2017
Jun 16, 2017 at 4:15 AM UTC