"subukin" poems
Noong minahal kita
Naging matapang ako
Na ipahayag ang aking
damdamin, na minsa'y
hindi ko nagawa kahit kanino
Wala akong ibang hiling
Kung di ako'y iyong ibigin rin
Naging makata at lahat
Wala pa rin
Hindi pinilit ang damdamin
Kahit seryoso na ang pagtingin
Kahit masaktan, ayos lang din
Basta't ika'y nasa aking paningin
Minsan, naguguluhan
Bakit ko hinayaang ganyan
Bakit mas gusto kong ganito na lang
Bakit mas gusto kong 'wag na lang
Ako ay may hinanakit
Alam mo naman na kung bakit
Ayokong manakit
Lalo na kung ikaw
Wala na akong nararamdaman
Panigurado iyan
Wala na ang kilig
Itinapon na kung saan
Pinutol mo ang kuneksyon
Ang tali na tayo lang ang may hawak
May magbabago, naisip ko
Para sa ikabubuti ko naman, siguro
Noong minahal kita
Naging matapang ako
Na harapin at subukin
ang pagsuko ng damdamin
Dahil...
Walang kwenta ang pag-ibig
Kung ang iibig ay iisa lang din.
Mar 9, 2015
Mar 9, 2015 at 10:06 PM UTC
#012116 #Genesis
"Ikaw na siyang tagapangalaga ng mga tupa,
Habang ako'y hamak na ligaw lamang,
Sa lupaing yaong paraiso sa inyo.
At kagandahan mo'y
Siyang bukas kong may sigla."
"Ginoo, ako'y hanga sa iyo
Pagkat tupa ko'y iyong diniligan.
Ni hindi mo sinadyang ako ang unahin."
"Hayaan **** pagsilbihan kita,
Kahit pitong taon pa.
Giliw, ako'y maghihintay.
Mabilis lang ang araw
Sa pusong tunay na nagmamahal."
"Paumanhin, tila nabalewala ang iyong pagpapagal.
Kaya mo pa bang ako'y ipaglaban?
Kung hindi ma'y, sana'y sambitin mo
Nang maarok ko ang tugon mo."
"Sinta, ako ma'y subukin pa
Ng pitong taong muli.
Ipaglalaban pa rin kita,
Pagkat pag-ibig ko'y hindi limitado ng panahon."
"Salamat pagkat ikaw ang kabiyak,
Puso mo't lakas, tila'y napagod.
Hayaan **** ako mismo
Ang siyang magbigay kapahingahan."
Feb 17, 2016
Feb 17, 2016 at 9:34 PM UTC
Wala namang pag-asa
Hindi ko alam kung bakit ko pa iniisip
Hindi ko alam kung bakit pinapangarap kong subukin
Hindi ko alam kung bakit may konting ligaya
Sa tuwing ikaw ay aking makikita
Mas lalong 'di ko alam kung bakit ikaw eh,
Wala namang pag-asa
Sep 7, 2015
Sep 7, 2015 at 11:59 PM UTC