"solusyon" poems
sumulat ako ng elehiya
ginamit ko lahat ng palasak na salita
ninais ko ang naunsiyaming kapayapaan: yaong hindi bayolente't nababahiran ng dugo't karahasan
mayroon pa naman sigurong mas malinis na paraan, 'yun, 'y-'yun bang legal at dinaraan sa reporma
'yaong tulad ng kay rizal! tama! yaong may diplomasya
tumigil ako pansamantala upang bumuklat ng pahina
napakarami nang rebolusyong hindi tulad ng inihahatag nila, katulad ng, ah! katulad ng EDSA!
nauhaw ako at tumigil pansamantala habang sa lamig ng aking kwarto'y rinig malakas na buhos ng galit ng araw
mabuti't nang buksan ko ang mga kurtina, payapang nagwawalis sa bakuran ang kapitbahay
may nagpapaligo ng aso't magagarang sasakyan
ipinagpasalamat ko ang bubong sa king ulunan. ah, payapa.
hindi rinig sa balita ang pandarahas ng militar sa kanayunan
ngunit batid ng karamihan, at ang solusyon ika nila ay armadong pakikibaka
nanlamig ako at namutla,
binaybay ko ang mga taong nakalipas bago ko marinig ang pangangalampag sa aming pintuan
pilit kaming inaakusahan, walang dokumento o anumang ebidensya
at dumaan ang mga imahe ng militar sa kanayunan:
ang daan-daang pamamaslang habang walang kalaban-laban
sa huli, wala akong armas na nilundayan
sa aking mga huling sandali, para sa sarili ko lamang,
sumulat ako ng elehiya
Sep 2, 2018
Sep 2, 2018 at 1:07 AM UTC
sabihin mo saakin kung paano kita mamahalin
dahil minahal kita sa paraang hindi mo inaakala
sabihin mo saakin kung paano ko tatapusin ang mga sayo ay tapos na pero pilit paring pinagtatagpo ng tadhana
sabihin mo sa akin kung paano ko kakalimutan ang mga bagay
na halos ayoko ng maalala
sabihin mo saakin,
paano ko ililigtas ang relasyong tayo lang ang nakakakilala.
ang relasyong sa dilim lang maliwanag
relasyong hinuhusgahan ng lahat,
relasyong kasiyahan mo ang mas mahalaga.
sabihin mo saakin ang kongkretong solusyon,
sa mga desisyong hindi ako kasama
pero sa pandaliang ligaya,
kamay natin ang magkalapat sa tuwi-tuwina
sabihin mo,
sabihin mo na,
dahil pagod na akong angkinin ka sa tuwing may aagaw na iba.
sa tuwing sasabihin nya at tatanungin nya ako kung ako ay maligaya.
paano ko sasabihing tayo ay masaya,
kahit wala sa kama
ang simpleng yakap, oras nating dalawa ay mahalaga
paano ko sasabihin,
kung ikaw mismo hindi mo masabi
at mas piniling pagtakpan na lang ang lahat
at manatali
na ang kawalan ng salita ay manahan at bigla na lang mawala
hindi ka man pumipili pero alam ko,
sa kabila ng lahat ng ito.
kapag ang lahat ay tumalikod
lahat ay tumiklop
ako at ikaw,
mas pipiliin paring maglayo.
iwan ako,
iwan ka.
wala.
narating nanaman natin ang dulo.
Sep 3, 2018
Sep 3, 2018 at 8:34 AM UTC
Nagpakapagod ka dahil gusto **** kumita.
Nagpaka-alipin ka upang makaahon ka.
Nagtiis ka sa ibang bansa para sa iyong pamilya.
Nilisan ang bayan dahil trabaho'y pinagkaitan ka.
Ano ngayon kung wala kang pinag-aralan?
Masusukat ba ang tagumpay sa antas ng edukasyon?
Kailangan bang magkatulad ang bawat propesyon,
O tanggapin ang isang marami na ang kontribusyon?
Dumarami na ang populasyon ng ating bansa.
Kakaunti naman ang ating kuwalipikadong manggagawa.
Marami ang tambay sa bahay at walang ginagawa.
Nakapagtapos nga, hindi naman matanggap sa ibang kompanya.
Kaya, ang iba'y nanatili sa bukirin at doo'y nagsasaka.
Hindi matanggap na walang trabahong karapat-dapat sa kanila.
Kahit dalawang taong kursong bokasyonal ang natapos nila,
Naghihintay pa rin sa wala hanggang sa pag-asa'y maglaho na.
Anong uri ba ng trabaho ang katanggap-tanggap sa lipunan?
Ang nakakaangat lang ba ang p'wedeng bigyan ng posisyon?
Paano naman ang walang pinag-aralan, pero pasado sa kuwalipikasyon?
Papansinin ba sila ng gobyerno at bibigyan ng solusyon?
Sa bagong gobyerno, pagbibigay ng trabaho'y bigyan sana ng pansin,
Sa mga manggagawang hanggang ngayo'y walang trabaho pa rin,
Maging ang mga nakapagtapos at magtatapos pa mandin,
Huwag nating hintaying lahat sila ay lumayas sa lupang sinilangan natin.
Aug 12, 2016
Aug 12, 2016 at 6:26 PM UTC
Bayani sa bayan meron pa nga ba , tuluyan nga bang nawala o bulag ka lang talaga
Nawawala na nga ba ang mga bayani o meron naman masyado lang tayong nagiging utak talangka,
Sa bansang to hindi umuunlad , sinisisi ang gobyerno bakit hindi mo sisihin ang kapwa mo
Kapwa mo mahal mo ano ka siraulo , dito sa bayan na ito hindi uso ang ganyang pagkatao
Mas gugustuhin pa nilang kapwa ko mas angat ako , dahil ang sukatan dito ay estado nang pagkatao,
Mahirap ka at walang salapi subukan **** ipaglaban ang karapatan mo , masama ang tingin saiyo
Mayaman ka lumaban ka pera pera lang naman ang laban dito tiyak na ikaw ay mananalo
Ganito sa bayan ko hindi balanse ang mga tao , kahit nga kumayod ka nang sobra sobra para makamit ang pangarap mo
kung ang nasa paligid mo ay hihilahin ka pababa para lang bumalik ka sa simula at maging problemado,
Ano sisihin mo lang kapwa mo?sisihin mo din sarili mo maghapon kang nakatunganga sa modernong teknolohiya
hindi mo kayang mag reklamo sa ginagawa ng mga **** mo sa paraalan na nakatunganga din dahil hangad mo lang ay masarap na buhay
at hindi mo hangad ang matuto sa paaaralang ito.
Masyado ka nang nilamon nang sarap hindi mo danas ang hirap , tumingin ka naman sa ginawa nang mga nagpaaral sayo
Naghirap sila humanap nang solusyon para lang ipamukha sayo na kahit malayo sila sayo o wala silang oras para sayo
handa silang gawin ang mahirap na trabaho at kahit kokonting oras lang ang ibigay nila para makasama mo,
makita ka lang masaya at masaksihan ang tagumpay nang buhay mo, yun ang pinakamagandang sukli na ibibigay mo
Napaisip ka na ba sa ginagawa mo , palagi ka nalang dada daig mo pa ang telepono na walang sumasagot tunog lang nang tunog,at
Galit ka pa , todo dabog kapag di napagbigyan ang gusto mo .Puro nalang tayo ganyan maliit na bagay pinapalaki
Bakit di mo tignan mabuti at pagaralan ang iyong sarili ang kapaligiran tama bang magreklamo nang magreklamo kung ang sarili mo nga
hindi mo parin maitama , tandaan mo na ang buhay ay parang isang gulong pero minsan nangangamoy din pakiramdaman mo nang mabuti
baka sunog na at amoy goma na ang gulong na sinasabi mo , tignan mo din kung yung hangin masyado nang madami ang lumalabas para naman sa susunod
hindi ka puro pag aaaklas.
Feb 22, 2018
Feb 22, 2018 at 10:39 AM UTC
Malapit na ang aking kaarawan , Subalit puno parin nang lungkot ang aking sistema,
Ako nga ba ay nababahala sa nangyayari sa eksena , o sadyang di ko lang mapigilan ang naririnig sa aking mga tainga,
Nakarinig ako ng isang malungkot na kanta , tugmang-tugma sa tema,
Dala ang lungkot at sakit sa aking mga nadarama, titigil pa kaya ang pagiisip na patuloy lumalala , o magkukunwari nalang sa bawat araw na gusto ko nalang matapos na .
Magpapasaya parin ba ako ng maraming tao , para lang itago itong nararamdaman ko , o ilalabas ko ito kahit napakahirap at baka pagtawanan nyo pa ko.
Sa bawat ngiti ko na naipamamalas ay isang puntos o paraan para lumigaya ako kahit kaunti ,
Sa pagtahimik ko nagmamasid lang ako sa paligid , dahil takot akong magbigay opinyon , at baka ako'y paulananan ng masasakit na Salita na uukit sa aking kaluluwa hindi lang sa balat , hanggang sa tuluyan na nga akong dalhin ng aking isip ,
Kung saan ang dulo at solusyon ay kamatayan.
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 11:41 AM UTC
Minsan sa mundo,
akala mo ikaw lang ang malas,
lahat hinahanapan mo ng butas.
Pero ang totoo,
Gusto mo lang tumakas. . .
'Yan! 'Yan ang labing may gatas!
Kinukutya mo ang gobyerno,
dahil di sila patas,
eh, sino nga b'ang nag-atas?
Paano tayo kakalas,
Kung wala naman tayong lakas?
Nagdedesisyon ka nga
ng di alam ang konstitusyon,
paano mo nalaman ang tamang solusyon?
Nilagay natin sila sa posisyon,
dahil nagbigay sila ng maraming kondisyon,
na lahat naman, ilusyon!
Eh, sino nga ba ang iboboto?
Kung halos lahat sila,
ang hanap, deboto!
Ano sila santo?
Oh, tingnan mo ko,
kung makapagsalita,
akala mo kung sino. . .
Sorry sa mga kritisismo . . .
Pero sa totoo lang yung gobyerno,
pinapadami lang yung mapupunta
sa impyerno.
Di ko nilalahat,
pero pano nga ba tumukoy?
Binigyan ng kapangyarihan,
para manindigan,
manilbihan sa bayan,
pero anong ginawa?
Pinabayaan.
Kaya yan,
dahil sa kahirapan,
lahat sabik sa pangako. . .
Kalaunan. . .pag pinaglaban mo,
ikaw pa ang matatakot!
Magsasaka nga, sariling ani,
iba ang humahakot. .
Ibang nagmatapang,
sila pang dinambangan!
Kaya ako, di nalang boboto. .
Di basta basta makiki-uso.
Dahil ang totoo,
wala akong makitang seryoso.
Puro sila, sariling negosyo.
Gawa ng gawa ng imperyo!
Makita mo ang gobyerno,
andaming benepisyo.
Kadalasan, si chief puro pa reklamo!
Eh, milyon naman ang komisyon
Sa sariling institusyon!
Kulang pa daw!
Wow, napaka-halimaw!
Pero ang tingin nila sa kalsada
yung mga bata, perwisyo?!
Kaya ba nila tinago, sa malayo
nang dumating ang mga dayo?!
Oh, di mo alam no?
Kasi nga tinago!
Sana yung susunod na uupo,
yung taong, totoo.
Yung kahit malaya,
di mandadaya. . .
Gawing tama ang pagboto. .
Di ka na si toto,
Di ka si nene,
Wag madala sa mga ugong ng hele!
Meron at meron yan!
Di lang natin makita,
kaya ang payo ko:
WAG KANG MANGHULA. .
Apr 15, 2016
Apr 15, 2016 at 2:15 PM UTC
Sabi ng mga nag dodota may 5 kailangan daw ako malaman bago mag laro
Una
Utak, kailangan gumamit ng utak para matalo mo ang mga kalaban
Pangalawa,
Diskarte, kailangan mo ng diskarte para hindi ka maisahan ng kalaban
Pangatlo,
Malawak na pag iisip, kailangan mo nito para hindi kayo magkagulo ng mga kasama mo at para manalo sa laro
Pang apat,
Pag sisikap, kailangan **** magsikap para makuha ng inaasam na pusta o panalo
Pang lima,
Disiplina, kailangan mo nito habang o bago maglaro. Kailangan mo ng disiplina kahit alam **** panalo na kayo.
Naisip ko na parang pag-ibig pala ang paglalaro ng dota. Kailangan mo gumamit ng utak kasi hindi ka pwede magpadalos dalos kailangan mo ng diskarte para makuha ang iyong inaasam asam na babae. Kailangan malawak ka mag isip para hindi kayo mag away ng mahal mo. Patawarin mo siya at patatawarin ka niya. Kailangan mo mag sikap para magtagal ang relasyon niyo na kapag nag away kayo magagawan agad ng solusyon. Magkaroon ka ng disiplina. Hindi porket pinapayagan ka sumama sa mga babae/lalake eh aabuso mo na. Wag **** kalimutan na may pinangakuan ka ng iyong pagmamahal.
Nov 29, 2015
Nov 29, 2015 at 10:36 PM UTC
Minsan magtataka ka
Sa kung paano nagsimula
Ano ang dulot o sanhi?
**Paano ang bukas
Kung ang ngayon ay wala na.**
Makitid ang daan
Patungo sa kabilang espasyo
Malayo sa drogang gamot daw.
Naryan ang nars
Ang sekretaryang nanghihina
Mga eroplanong papel
Simbolo pala ng iilang humihinga.
Takot at may kirot
Umuusbong ang sanhing nakakasuka
Mga imaheng kilabot sa sikmura
Walang nakaririnig
Mananatiling pipi't bingi
Kahit sandali, kahit sandali lang.
Itim ang kulay ng pag-asa
Naroon ang pangarap
Naroon ang solusyon
Tila nag-aabang
Sa kakarampot na grasya.
Jul 2, 2014
Jul 2, 2014 at 2:47 AM UTC
Nakalimot ka siguro na masungit sa iyo ang tadhana
Nang ikaw ay nagmahal sa isang tao at nagpahalaga
Maikling ngiti lang ang kanya ngang hatid
Ngunit habang buhay nasa iyong panlasa ang pait
Tuwing iidlip siya ay na riyan
Tuwing paggising siya ang hanap
Maging sa panaginip ikaw ginagambala ng iyong maling desisyon
Hanggang sa langit ang paghingi mo ng solusyon
Ikaw lamang naman ay nakinig sa tibok ng damdamin
Wala ka naman talagang sala sa harap ng iyong salamin
Siya ay dala ng nanlamig na hangin
Sa iyong paghinga iyo siyang nakuha
Kalaunan tanging hindi umayon ay tadhana
Dec 24, 2018
Dec 24, 2018 at 8:47 AM UTC
Hindi ba umaabot sa langit
Ang mga panalangin
Na binubulong ko sa hangin?
Masyado ba Kayong
Malayo
Para makita
Ang mukha kong
Nalulunod sa luha?
Habang Kayo ay
Walang imik, walang kibo
Ako ay napupuno
Ng mga problemang walang solusyon
Ng mga tanong na walang sagot.
Pero sa aking pagsapit
Sa kailaliman, kadiliman
Doon ko lang natanto
Ang dahilan kung bakit
Ako'y tila inyong
Tinaguan, tinalikuran
Dahil sa inyong
Nakakabinging katahimikan
Ako ay nagising
Sa aking napakahabang idlip
Kung saan nilamon ako
Ng aking mga
Makasariling panaginip.
Namulat ang mga
Nagbubulag-bulagang kong
Mga mata sa
Katotohanan, kalayaan
Na nasa harapan
Ko lang pala.
Doon ko rin lang naalala
Na mahal Niyo pala ako
At walang ibang tunay na ligaya
Kundi mahalin din Kita
At tsaka,
Natuto na akong
Maghintay ng may
Karunungan at
Umindak sa sayawan
Sa kabila ng Inyong
Nakakabinging katahimikan.
Jan 22, 2014
Jan 22, 2014 at 11:58 AM UTC
Alam kong mali ito
Kahit ang nasa itaas di sasang-ayon
Pero ano nga bang magagawa ko?
Pakiramdam ko’y lalong nahuhulog sayo.
Nung una at pangalawa di ako sigurado
Ngunit sa pangatlong beses?
Di ko na mawari ang nadarama
Pag-ibig ko sayo’y lalong lumalalim
Ang hirap! mali kasi talaga to,
minsan iniiwasan kitang kausapin, dumidistansya
Hindi dahil sa maygalit ako
Subalit yun lang ang paraan ko,
Paraan na mabawasan ang pagkahulog sayo
Minabuti kong di magpakita ng ilang araw’
“And it’s been weeks”
Subalit, lalo lang kitang namimiss.
Pag ika’y aking kaharap
Hindi ko alam ang sasabihin
Hindi ko alam saan ako mag uumpisa
Ni hindi nga makatingin ng deretso sayo
Oo! Single naman tayong pareho
Ngunit sa kabila ng lahat
Alam kong hindi pwedeng pilitin
Alam kong hindi ka itinadhana sa akin
Kung hindi lang ito mali
Bakit pa kita pakakawalan?
Bakit pa kita iiwasan?
Bakit ko pa patatagalin?
Ngunit may dahilan ang lahat
May ibang plano ang Diyos
Plano niya'y ikakabuti nating dalawa
Kaya di ako manghihinayang!
Dalangin ko sa maykapal
Maibsan ang aking nadarama
Pagkat tanging ito lamang ang solusyon,
Sa puso kong di na dapat umaasa sayo.
Apr 11, 2016
Apr 11, 2016 at 2:08 AM UTC
Iboboto ko nang matuwid
Para sa asensong walang patid
Buong Team PNoy – sa senado ko ihahatid
Sonny Angara – hatid niya ang solusyon
Para sa atin, trabaho’t edukasyon
Bam Aquino – nasa dugo ang katapangan
Marangal, malinis na pangalan
A.P. Cayetano – Presyo, Trabaho at Kita
Ibabalanse niya
Chiz Escudero – subok na sa senado
Kabataan ay hindi mabibigo
Risa Hontiveros – tayo’y ipaglalaban
Ayaw niya sa korapsyon at katiwalian
Loren Legarda – marami nang nagawa
Bida sa kanya ang masa
Jamby Madrigal – kakampi ang mahirap
Galit sa korap
Ramon Magsaysay, Jr. – isa ring kampeon ng masa
Katulad ng kanyang ama
Grace Poe – magalang at maaasahan
Sagot siya sa kahirapan
Koko Pimentel – ayaw sa madaya
Katiwalian ay susugpuin niya
A. Trillanes – produktibo sa senado
Marami nang nagawang batas ito
Cynthia Villar – ang Mrs. Hanepbuhay
Siya ang ating kaagapay
Dadalhin ko sa senado
Mga pambato ng pangulo
Dahil kailangan sila ng mga Pilipino.
-05/12/2013
(Dumarao)
*My Yellow Poems Collection…written on the day before the Elections
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 9:35 PM UTC
082121
O giliw at ginintuan kong bayan,
Sa mga galamay ng may burdang hinagpis
Ay ‘di patitinag ang katapatan kong sayo’y itinatangis
Panaghoy ko’y ‘wag sanang lisanin
Ang pangako nating hanggang sa dulo’y mananatili.
Hindi man sa ngayon
Ang paggawad ng medalyang kailanma’y hindi mangangalawang,
Ako’y magtitiis sa muling paglipad
Ng kalapating pilit na itinatali’t ikinakahon
Sa mga islang tanging anino na lamang ang kasarinlan.
Kung mamarapatin lang ng may Likha
Na ako’y tupukin na lamang ng apoy na hindi nakasusunog
At ako’y ayain sa hardin nang walang kamalayan
Kundi pagpuri sa Kanyang kagandahan.
Ngunit kailanma’y hindi ako mangingimasok
Sa kung anumang inilatag sa aking harapan.
Gustong lumuha ng dugo
Ng aking mga matang may iisang tinitingnan.
Sa mga kamay Niya’y
Hahayaan ko na lamang na dumungis ang mga butil
At ang Kanyang pagkalinga’y
Magsilbing panlaman-tiyan.
Kung makararating man sa lahat ng mga pinili
Na ang aking pananatili’y hindi pansarili lamang
Kundi ito’y aking pagpasyang piliin pa rin
Ang tahanan bagamat ito’y pinagtaksilan ng karamihan.
Sa mga pulong walang kapanatagan
At walang kapaliwanagan ang may kapangyarihan,
Ay naniniwala akong hindi paglisan ang solusyon.
At kung takot at pangamba ang kanilang mga naging dahilan,
Ay hindi ko kokonsintihin
Ang puso kong anumang oras
Ay kayang piliin na rin ang paglisan.
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 9:50 PM UTC
Gustuhin ko mang makipagsapalaran
Sa mga letrang nakalutang sa himpapawid
Ay binabalot ako ng pagtatantya
Kung ito na ba ang tamang oras
Para kunin ang aking panulat
At iguhit ang silakbo ng aking damdamin.
Humihinto ang mga oras sa bawat pag-uusig
At tinitimbang ko pa rin
Ang mga barkong pumapagitna sa akin.
Nais kong kumawala at lumisan na lamang
Ngunit ang aking pagpapaalam
Ay mas magdudulot lamang ng dilim.
Gusto kong maniwala na ang solusyon
Ay sa pagitan ng mga iginuhit na linya
Ngunit ang aking puso'y nagtataglay ng apoy
Na maaaring makasunog sa mga barkong ito.
Hindi ko mapigilan ang nagniningas sa aking kaloob-looban
At ang boses na mas lalo pang lumalakas
Kasabay ng pagtambol ng aking hininga.
Gusto Nitong tupukin ang lahat
At sakupin ang bawat naglalayag
Sa kani-kanilang mga direksyon.
Pumikit ako at tumalon sa karagatan ng aking imahinasyon –
Imahinasyong masasabi kong tunay na engkwentro.
Patuloy kong nilalaban ang mga ugat sa aking mga braso
Na sa bawat pulso ng aking pagkatao'y
Pilit na kumikitil sa aking pagpapasya
Na mas sumisid pa sa mas malalim.
Napahinto ako sa aking pagpupumiglas
Pagkat narinig ko ang tinig na nagsasabing,
"Manatili ka lamang,"
At ako'y kusang sumabay sa ritmo ng Tinig na iyon
At unti-unti kong nasilayan na naglaho na
Ang mga agiw sa aking mga mata
At kusa ko nang nararamdamang
Mas kaya ko nang huminga sa mas malalim pa.
Ito ang aking hantungan,
Ito ang sinasabi kong liwanag.
Ito ang aking kapanatagan,
At sa Kanya ang aking lilim ng kaliwanagan.
Aug 10, 2021
Aug 10, 2021 at 10:58 PM UTC
Maraming chismosa kahit saan ka magpunta.
Ito ay intriga ng mga ingitera.
Buhay nila ay hindi masaya.
Kaya buhay ng iba ay sinisita.
Totoo man o hindi ang mga istorya,
wala na sila kung ano pa.
Ano paba ang mapapala sa chismis ng iba?
Edi wala!
Kaya lumakad ng tuwid,
itahimik ang bibig,
at takpan ang mga tenga.
At isipin nalang ang solusyon ng sarili nyong problema.
-MPS12
Aug 7, 2017
Aug 7, 2017 at 7:19 PM UTC
Kabado;
Habang ginagala ng sarili ko ang dalampasigan.
Ang malumanay na ihip ng hangin ang naging pampakalma.
Bawat buhangin na kumukulbit sa’king mga paa
ay seryoso.
Walang pagkukubli ang puso
Ang hindi mapirming mga yapak
ay katumbas ng pagkasabik sa’yong yakap.
Gabi, muli akong tumingala
Walang palya ang ihambing ka sa mga tala.
Kinukwento sa’kin ng mga kuliglig
kung paano tatahakin ang ‘yong pag-ibig.
Hindi ko kabisado;
‘Di alam kung pa’no babagtasin ang dagat na ito.
Wari nila’y diyan matatagpuan ang pagmamahal mo
ngunit, paano?
Sinasamahan akong maglakbay ng inggit at takot
Hindi madaling pamamangka ang sa aki’y bumabalot.
Ang bigat ng pag-aalala ang maaaring magpalubog
at malunod
sa luha at panaghoy.
Paano mapapanatili ang ningas ng apoy?
Ano’ng solusyon sa pagkabahala upang magpatuloy?
Hanggang sa itulak ako ng sapat na panahon.
Muling humakbang ang hindi mapirming mga paa
Humina panandalian ang ihip ng hangin
Marahan ang pagkulbit ng mga buhangin.
Matapang kong nilisan ang pampang
Lakas ng loob, isang bangka’t panagwan
Sabay naming idinawdaw ang aming mga sarili sa karagatan.
Hayagang ibinubulalas ng langit na ako’y maging handa
Malayo na ako sa pampang ngunit tanaw ko pa rin ang kaba.
Ang pagkulog ay nagsimula na.
Biglang pumatak ang ulan ng pagbabanta
Dinig ko ang bulungan ng mga isda.
Sambit nila’y masasayang ang pagbabakasakali
Hantungan ng pakikipagsapalara’y wala.
Galit na sumasayaw ang alon
Ang kidlat ng kawalan ng pag-asa’y sa aki’y humahabol
Pataas nang pataas ang sumasalubong na alon.
Ang ‘di mawalang pagdududa ay nakikipag-unahan
Umaakyat ang mga tanong sa’king isipan
Kailan ko ba matatagpuan?
Sabik na akong salubungin ang pag-ibig mo…
… ang pag-ibig **** nasaan?
Subalit, naghintay ako;
Walang humpay ang paghampas ng mga alon
Hindi natatapos ang pagtaas.
Bawat pulgadang nadadagdag ay ang mga sagot sa’king katanungan
At bigla ang pagtaob;
Tama ang bilin ng mga kuliglig
Ito nga ang natatangi **** pag-ibig
Mapanghamon;
ngunit presko sa pakiramdam.
Ang sarap palang makamit ang matagal mo nang inaasam
Pipiliin ko ritong manatili hanggang
ako ri’y iyong matagpuan
papagingdapatin **** ako rito’y manahan
‘pagkat kahit sa daluyong, kalmado akong magsasagwan.
Kabado;
Habang ginagala ng sarili ko ang dalampasigan.
Ang malumanay na ihip ng hangin ay naging pampakalma.
Seryoso ang bawat buhangin na kumukulbit sa’king mga paa.
Walang pagkukubli ang aking puso
‘pagkat dito pa lang sinta, mahal na kita.
May 3, 2020
May 3, 2020 at 1:03 AM UTC
Ang nagdarasal ay parang nagsasalsal
Nasasarapan s’ya habang nag-iilusyon.
Na magkakaroon ng solusyon
Ang kanyang mga konsumisyon.
Nov 6, 2017
Nov 6, 2017 at 12:17 AM UTC
"ang problema kasi sa akin ay ako na nga ang solusyon, gumagawa pa ako ng problema sa solusyon."
Apr 13, 2018
Apr 13, 2018 at 7:31 PM UTC
When I was seven, I ran around the streets of Caloocan naked.
So, my neighbors would smile and wave hello and
I would wave back with my tongue. Lowkey liked the attention I was getting.
When I was nine, one of the other girls in school fought with my sister.
So, I pulled her hair. I don't understand why she started to cry though.
I just did the exact same thing she was doing to my sister.
When I was eleven, my mom told me that father was getting busy with work.
So, I had to stop going to school. Which didn't make sense to me.
I had to sell plastic in the wet market so we could eat that night.
When I was thirteen, my older brother wouldn't stop crying.
Soon, he stopped going out altogether.
And when he did, we wouldn't see him for days.
When I was fifteen, I met a cute boy.
So, we went back home together.
I started feeling sick a few weeks later. I probably just miss him.
When I was eighteen, the cute boy started acting like my older brother.
So, I worked at Jollibee. It was nice.
Except when I had to go home. The guys on the train wouldn't stop looking at me funny. Lowkey liked the attention though.
When I was nineteen, the guys on the train got curious.
It's okay. I didn't get hurt.
I asked my friends to come on the train with me always after that.
When I was twenty, a guy on the television said "Matapang na solusyon, Mabilis na aksyon."
I wanted those guys on the train gone.
So, I voted for him.
My father passed away soon after.
My brother never came home.
And the cute boy had Jesus' nail on his forehead.
Oct 26, 2021
Oct 26, 2021 at 10:59 AM UTC