"sinubukang" poems
Tinanong ako ni Annah
Kung maayos na tayo
Ang sabi ko
Ayon, normal naman.
Normal
Kelan pa tayo nauwi sa normal nalang?
Ah. Naaalala ko na.
Nagsimula tayong maging normal
Nang isang araw hindi mo ko matingnan sa mata
Ni hindi mo ko makausap kung hindi ka titingin sa baba
At kapag naman kailangang ikaw
Ang unang magsisimula ng usapan
Dinaig pa ng kapal ng usok sa kalakhang Maynila
Ang nakaiilang na atmospera
Sa pagitan nating dalawa.
Nagsimula tayong maging normal
Nang hindi na tayo nagsasabay umuwi sa hapon
Nang simulan **** isipin na ayos lang na umuwi nang walang paalam
May kasabay ka kasing iba.
Nagsimula tayong maging normal
Nang nahihirapan na kong
Magsimula ng usapan sa pagitan nating dalawa
Sa kung paanong sinasalamin ng Messenger sa pamamagitan ng ellipses
Ang mga katagang nais ko sayang itanong sa iyo
Ay sandali, online naman si Annah, siya nalang ang tatanungin ko
(Pwede kaya kong sumabay sa kanya?)
Wag na nga. Alam ko naman ang patungo doon.
Nagsimula tayong maging normal
Nang tanungin mo ang kagrupo natin sa kung ano ang gagawin
Gayong ako na kagrupo mo rin ang nasa iyong harapan
Pumunta ka pa talaga sa kanya
Ganyan ka kailang?
Normal naman sa atin ang hindi mag-usap nang madalas, hindi ba?
Normal lang naman kung makakalimutan **** may katulad ko
Na bukas palad na tinanggap ka
Noong mga panahong durog na durog ka na, hindi ba?
At bahagi din ng pagiging normal natin
Kung mas pipiliin **** burahin nalang ang mga nakaraan natin, hindi ba?
Nilalamon ka ng kalungkutan. Nasasaktan.
At isa akong napawalang kwentang kaibigan
Kasi hindi kita napatahan
Sa mga panahong tahimik **** isinisigaw
Ang mga bagay na sa tingin mo ay walang makauunawa
Wala akong karapatang masaktan
Kasi hindi ako naglakas-loob na tanungin
Kung anu-ano ang mga bumabagabag sayo
Hindi ko dapat indahin ang sakit ng pang-iiwan mo sa akin
Gayong para na rin kitang iniwan
Nang hayaan kitang unti-unting kumalas sa pagkakaibigan natin
Wala akong karapatang manumbat
Kasi hindi ko man lang sinubukang tanungin
Kung ano nang nangyayari sa iyo
Kaya mo pa ba?
At hinding hindi ko rin aangkinin
Ang karapatang sa una'y wala na sa akin
Na maging sandalan mo
Sapagkat hindi ko man lang nasabi
Na ayos lang na ikaw ay humugot ng lakas sa akin
Ayaw mo, oo
Kasi sa tingin mo pabigat
Ayaw mo, oo
Kasi sanay ka na sa demonyong kalungkutan
Na paulit-ulit lumalamon sayo
Minsan nawawala, ngunit laging bumabalik
Pagbalik-baliktarin ko man ang sitwasyon
Hindi lang ikaw ang nang-iwan
Iniwan din kita
Iniwan kita
Patawad
Patawad
Pakiusap, patawarin mo ko.
Madaling makalimutan ang mga magagandang bagay
Ngunit mahirap iwaksi mula sa makulit na isipan
Ang idinadaing ng pusong nasugatan at patuloy na nahihirapan
Kaya bilang pakunswelo sa tulad kong nagmahal sayo
Iniisip ko na lamang na isa ako sa mga magagandang bagay sa buhay mo
Kaya madali mo 'kong nakalimutan.
Huli kong bulong sa sarili
'Ayos lang 'yan. Makakausad ka rin. Magtiwala ka.'
Uusad at uusad ka rin.
Kaibigan, patawad ulit.
Nov 1, 2017
Nov 1, 2017 at 1:56 AM UTC
Hindi man naisin
Ikaw ay nasa isip pa rin
Sinubukang limutin
Damdamin para sayo ay di kayang tiisin
Lahat ng lungkot na sa aking puso'y, iyong iniukit
Nakasulat sa papel, sa dingding doon nakadikit
Mga saloobing puno ng hinanakit
Itatago at kikimkimin, isasabay na lamang sa aking pagpikit
Sabi mo "hindi mo ako iiwan"
Tugon ko "ikaw lang magpakailaman"
Subalit ngayon ako'y nangungulila
Hindi malaman kung bakit laging nakatulala
Sinta, ano ba ang aking nagawa?
Hindi ko sukat akalain, na ang pag ibig natin ay biglang mawawala
Sa aking pag-iisa, susubukang isagawa
Ang paglimot sa ating masasayang ala-ala
icm
Sep 24, 2015
Sep 24, 2015 at 10:14 AM UTC
Palutang-lutang sa gitna ng dagat
Gawa ng luha kong
sinubukang saluhin sa tasa
ngunit hindi nagkasya
Sinong sasagip
sa pusong takot malunod?
Hahayaan na lamang bang magpaanod
sa tulirong mga alon
Wari'y sila ring nalilito
Saan nga ba patutungo?
Ngunit ang damdamin,
Sa iyo pa rin gustong dumaong
Umaasang sa dalampasigan,
Sa mga bisig mo, ako sisilong
Parola, Margaret Austin Go
Sep 25, 2015
Sep 25, 2015 at 6:31 AM UTC
Tigil na tayo, mahal.
Ramdam kong natabunan ng isang pagkakamali ko ang lahat ng mga alaalang nabuo natin.
Na kahit ilang beses man tayong bumalik sa isa't isa, patuloy kapa ring magdududa at patuloy **** babalikan yung araw na bigla akong nawala.
Paulit ulit mo pa ring ipapamukha sa akin kung paano ako biglang naglaho nung mga panahong ikaw ay nagbabago para sa akin.
Habang ako, ni minsan hindi ko sinubukang isumbat sa'yo ang biglaan **** paglisan nung mga panahong ikaw ang naging lakas ko.
Nang minsang nagkamali ka at nilamon ka ng tukso, hiniling ko pa din ang pananatili mo at nagpatawad ako.
Oo, pinatawad kita. Pero minsan, hindi padin pala sapat ang pagpapatawad.
Ang sabi mo ay nilalamon ka ng iyong konsenya, kaya pinili mo pa ding lumisan. Pinigilan kita, pinili mo pa din akong bitawan.
Tama na, mahal. Tama na 'to. Tigil na tayo.
Habang mayroon pang natitirang magagandang alaala na binuo nating dalawa. Habang may babalik tanawin pa akong mga ngiti, kilig at tuwa sa bawat sandali na tayo'y magkasama. Bago pa mapalitan ng mga luha at hinagpis ang mga alaalang ayokong mabura, tigil na tayo, mahal.
Ayoko nang ipilit pa. Ayoko nang manatili sa isang bagay na sinusubukan kong ipaglaban ngunit pilit **** pinagdududahan. Higit sa lahat, ayokong kalimutan kung paano kita minahal at kung paano mo ipinaramdam sa akin na karapat-dapat akong piliin kahit sa sandaling panahon na iginugol mo sa akin.
Tigil na tayo, mahal. Baka talagang hanggang dito nalang. Sapat na ang munting sandali na naging masaya ka at ako. At sa ganong paraan ko gustong maalala ang "tayo".
Salamat mahal, hanggang dito nalang tayo.
Mar 14, 2017
Mar 14, 2017 at 10:44 AM UTC
Mahal, nakalimutan na kita
Hindi ko sinubukang kalimutan ka,
Hindi ko sinasadya, maniwala ka
Pumagitna lang naman ang oras at ang kalayaan sa ating dalawa
Nov 1, 2017
Nov 1, 2017 at 5:37 AM UTC
Gusto ko simulan ang tulang ito sa tanong na "kamusta kana?"
Kamusta na ang taong minahal ko ng sobra pa sa sobra
Naging malungkot kaba nung ako'y nawala?
O naging masaya dahil wala na ako sa tabi mo sinta
Nagbabaliktanaw ako sa mga ala-ala noon na ating binuo
Naging masaya naman tayo
Kaya di ko alam anong dahilan mo para mag bago
Para masaktan mo ako ng ganito
Para iparamdam mo sa'kin na hindi ako kawalan mo
Para ipamukha mo sa'kin na wala na talagang TAYO
At ngayon napaisip ako kaya ka pala nagbago kasi may bago na palang nagpapatibok ng puso mo
Di ko mapigilan hindi magalit
Di ko mapigilan na hidi masaktan
Di ko mapigilan na lumuha hanggat gabi patungong umaga
Di ko mapigilan na tanggapin na ako nalang yung naiwang tanga
Tanga na umaasa na magkabalikan pa tayong dalawa
Umaasa at nagmamakaawa "Pakiusap mahal, usap tayo. Ayusin natin to"
Pero sarili ko lang pala ang niloloko ko
Kasi nakikita na kitang palayo at hindi na maaabot
Nakikita na kitang naglalakad kasama siya habang puso ko'y kumikirot
Kaya sa huling pagkakataon
Binalikan ko ang dati nating tagpuan
Nagbabasakali na ikaw ay madatnan
Pero namulat ako sa realidad na may mga bagay palang di na pwede maging katotohanan
Kaya heto nagbaliktanaw nalang ako sa mga magandang ala-ala na akin paring hinahawakan
Kasabay ng pag-agos ng alon ay ang pag-agos ng luhang nagasasabing kailangan ko na 'tong bitawan
Kaya ngayon tatahak nalang ako ng ibang landas
Maglalakad ako, pilitin na ang mga nangyari sa'ting dalawa ay maya-maya ay kukupas
Maglalakad ako, habang wala ka na sa tabi ko, yung taong minahal ko ng wagas
Maglalakad ako, maglalakad ako
Pero lilingon parin ako at makikita ko ang iyong mga bakas
Bakas na patunay na ikaw ay naging totoo
At hindi panaginip na nilikha ng imahinasyon ko
Na merong ikaw na pansamantalang minahal ako
Merong ikaw na minsan ay ginawa kong mundo
Merong ikaw na tinanggap ng buong-buo at
Merong ako na sinubukang lumaban pero sa huli meron paring ikaw na bumitaw nalang ng bigla-biglaan
Hanggang ngayon naglalakad parin ako dala-dala ang katangang "Pinagtagpo pero di tinadhana"
Yan nga siguro kasi ang kwento nating dalawa
Ang mga landas natin na wari'y nagkita,
Ngunit hindi inalaan para magkasama.
Maglalakad ako, hanggang sa malimutan na kita mahal ko
Sep 5, 2017
Sep 5, 2017 at 3:41 AM UTC
nakita mo ako noon na umiiyak
may nakawala na naman sa higpit ng aking paghawak
hinawakan mo ako noon sa balikat
nakita mo sa mga mata ko
wasak ang mundong kinatatayuan ko
ginawa **** dahilan ang pangyayaring 'yon
para bigyan ako ng pangalan sa buhay mo
Kinupkop mo ako.
pinasilong sa iyong payong
pinayungan mo ako nang akala **** naiiba ako
hinagkan mo ako
pinangalanang "tapat"
tinanggap ko ang alok **** payong
nananabik sa pagtanggap
pagtanggap
isang bagay na pinagkait ng mga kamay na nakawala
Nananabik ako.
kinilala mo ako
binasa na parang librong daladala mo araw araw
naging interesado sa kada buklat ng pahina
Naiintindihan mo na.
lubos ang saya nang makita kitang nagbabasa pa
nananabik akong matapos mo
kilalanin mo ako ng buo
itago sa kung saang lugar na wala nang makakaabot
bigyan mo ako ng rason.
ayan na, malapit ka na sa kabanata
kung saan bumitaw sila
tatlong pahina na, magtiyaga ka sana
dalawang pahina na lang, huminga ng malalim
isang pahina---
saglit, bakit hindi mo pa binubuklat sa huling pahina?
"magpapahinga muna", yan ang sinabi mo
ayos, para may lakas ka para harapin ang kabanata ko
Maghihintay ako
at naghihintay pa rin ako
nakatunganga ako sa labas ng kawalan
hinihintay ang pagbabalik mo
ilang beses ka nang nagpalakad lakad sa harap ko
hindi mo ba ako nakikita?
hindi ka na bumalik
hindi mo na sinubukang bumalik
wala ka pa nga sa kadiliman ko
hindi mo na kinaya ang kwento ko
Aug 15, 2017
Aug 15, 2017 at 7:46 AM UTC
Nais kong simulan
pagka't di ko matanto
bakit nagiging tuluyan
kang laman ng aking
diwa at isipan.
Sinubukang ibaling
sa ibang bagay,
ngunit bakit tila ikaw
ay kumakaway na halos
di ako mapalagay.
Paniniwalaan kaya kung
malaman mo na tila nakaguhit
ang iyong ngiti, na di ko alam
kung paano wariin sa aking sarili.
Sa pag-lalim nga
din nitong gabi,
sa apat ng sulok
napapamuni muni.
Wari ko'y may tawag
ang damdamin at tila
may napili.
Hinahamon ko ang
aking puso dahil
pag-kakatanto ko'y
may nakapunlang
butil ng pag-suyo.
Ipag-paumanhin ang
aking panulat,
dahil ang katotohana'y
di ko alam ang wastong
pamamaraan kung ano
o paano ba ang dapat.
Marapatin nga sana
ng kalangitan,
isinusuko sa ilalim
ng sansinukob na
bihagin ng buwan
at mga bituin
ang pag-sinta;
na sa bawat pag-kutitap
nila ay maipamasid
ang kinang at taglay
ng wagas ng aking paghanga
Feb 28, 2020
Feb 28, 2020 at 1:59 AM UTC
Mahirap gawin.
Wala kang oras.
Hindi mo na matatapos.
Bakit?
Dahil hindi mo na kaya?
Pagod ka na?
Inaantok ka na?
O tinatamad ka lang?
Marami ka ba talagang ginagawa. Marami ba talaga ang mga pinapapasa kaya natambakam ka na?
Tumingin ka sa oras. Ang bilis ng takbo katulad ng pag higa mo sa kama sa inaakalang magigising ka ng umaga para mka gawa.
Parang kapag nag babasa ka at naka tatlong sanaysay ka na. huminto, nagpahinga at sinubukang mag basa ulit. Naka anim ka na, umupo, nagbasa, nagpahinga malapit sa kama, nahiga habang nagbabasa at unti unting pumikit ang mga mata.
Bangon! sabi ng orasan na nagpapahiwatig sayo na gawin mo ang bagay na ito. Na kaya mo naman talagang tapusin.
Bangon! sa pag iilusyon mo na pagod ka na sa isang damakmak na gawain.
Bangon! para sa mag papel na nasasayang. Sa mga mamamayang nawawalan ng laman ang bulsa.
Bumangon ka! Wag kang magpahinga lang! Hindi ka tamad!
Masipag ka! Hindi sa pagpapahinga, kundi sa pag kilos!
Kumilos ka para sa kinabukasan ng ating bansa, sa ika uunlad ng taong mga tumulong at sa pawis na tumulo sa sahig. Wag **** hayang punasan lang nila ang pawis na iyon. Tanggalin mo!
Kasi minsan nasa isip mo lang na hindi mo kaya pero alam ko at alam mo na magagawa mo ang bagay na iyan. Gawin mo sana!
Feb 12, 2016
Feb 12, 2016 at 9:28 AM UTC
hindi na kita ipaglalaban,
sawang-sawa na ako mula nang 'yong iwanan na ang puso'y nagdurugo
hindi na kita ipaglalaban,
hindi na tulad ng dati
na pipiliting ibuklat ang mga mata
para lang makausap ka pa
hindi na kita gagambalain
sa pagtatanong sa'yo ng anong maaari kong gawin
upang mapangiti ka at makita ang nakasisilaw **** ngipin,
ang 'yong ngiting nakapanlalambot,
ang 'yong mga matang natutuhan nang ako'y malimot
hindi na kita guguluhin
sa pagpilit kong kumain ka na,
matulog nang maaga,
para ika'y titigan ko habang ika'y nahihimbing
sa aking piling
hindi na kita ipaglalaban,
dahil kahit kailan
ay hindi mo man lang ako sinubukang mahalin
kahit na ako'y naghihirap man din,
hindi mo pinansin
ang pagpupuyat ko gabi-gabi sa aking tahanan,
ang pagpilit kong payagan tayo ng tadhana na magmahalan,
at pagmamahal ko sa'yo
sa lahat ng posibleng paraan
at ngayo'y bahagi ka na lamang ng aking nakaraan
Jul 12, 2016
Jul 12, 2016 at 8:52 AM UTC
Sigurado na akong hindi na ako yung batang iyon.
Marupok, madaling masaktan at iyakin, pagdating sayo.
Hindi na ako yung batang gabi-gabing tumatambay sa may bintana,
kahit na pinapapak na ng lamok, nagtyatyaga paring hintayin ang tawag mo,
umaasang marinig muli ang boses mo bago matulog.
Sigurado na akong hindi na ako yung batang nasasaktan pag sinabi **** ayaw mo na,
dahil wala rin naman tayong patutunguhan,
hindi na ako yung batang halos tumalon sa tawa pag bigla ka ulit nagparamdam,
hindi na ako yung batang hinanahanp ka pag nasasaktan,
hindi na ako yung batang gustong magsumbong pag inaaway na ako ng boung mundo
yung gustong gustong magsabi na masaya ang araw ko,
yung batang malulungkot pag binabalewala mo,
hindi na ako yung batang yun.
Hindi na ako.
Yung batang nangarap na makasama ka,
na makasama kang pagmasdan ang kagandahan ng buwan sa gabi
na pinilit bilangin ang mga bituin kahit alam nating imposible.
Hindi na ako yung batang tinatangay ng bawat pagkanta,
yung batang tatalon basta sabihin mo,
hindi narin ako yung batang gusto paggising ikaw ang katabi,
yung batang simpleng lambing mo lang abot tenga na yung mga ngiti.
Hindi na rin ako yung batang palaging hinihintay ang pagsasabi mo ng ‘iloveyou’,
kasi sa salitang iyon nakokompleto na ako
Hindi na ako yung batang puro pangalan mo lang ang bukambibig o ang libangan ay isipin at panaginipan ka gabi gabi,
hindi na ako yung batang nababasa lang ang pangalan mo napapangiti na ako.
Hindi na ako yung batang saiyo lang umikot ang mundo,
ang batang sinubukang maging kung sino ang pinapangarap mo.
Hindi na ako yung batang umasa na sana mahalin mo rin ng totoo.
Hindi na ako yung batang iyon. Hindi na po!
Oct 4, 2018
Oct 4, 2018 at 8:06 PM UTC
ilang beses ko din sinubukang agawin ang iyong pansin
ngunit kahit bahagya ay hindi ka napatingin
matagal-tagal ko din itong kinimkim
hanggang ngayon ay natatakot pa rin
na baka sa huli,
sa huli ako'y iyong balewalain
gayunpaman
sa kadahilanang meron akong pagkakataong aminin
giliw
ako, sayo ay may lihim na pagtingin
Oct 8, 2015
Oct 8, 2015 at 9:08 AM UTC
Ikaw ang naging mundo ko
Una pa lang nahulog na ako
Sinubukang pigilan itong puso
Subalit pangalan mo ang sigaw nito
Ang sarap **** pagmasdan
Di nagsasawang ika'y titigan
Ngiti mo'y hindi makalimutan
Hanggad ko lamang ang yong kasiyahan
Dalangin ko'y sana'y dinggin
Na balang araw ika'y mapasaakin
Sana'y di pa huli ang lahat saatin
Magtiwala ka, hanggang huli ika'y iibigin
Nov 1, 2018
Nov 1, 2018 at 10:29 PM UTC
Ito na nga ba ang huli
Mapuputol na ba ang tali
na naguugnay sating mali
Pwede bang maulit pang muli?
Ang hirap matanggap
Mas lalong mahirap magpanggap
Kahit anong takip halata pading hirap
Ang mga sakit di ko na kaya pang humarap
Humarap sa laro ng panahon at tadhana
Nagtulong pa silang dalawa para sakin ipadama
Ang sakit na tuwing ako ay madarapa
Sugat mula tuhod tagos hanggang kaluluwa
Malalim pa sa malalim ang iiwanan mo sakin
Durog pa sa durog ang puso ko’y nag mistulang buhangin
Di mo na gugustuhin pang kilalanin
Sapagkat kailanmay di mo ako kayang piliin
Noong ika'y nilalamig, ako ang iyong nagsilbing init
Kapag takot ka sa bukas, ako sayo ang unang sisilip
Ginawa ko naman ang lahat
Pero bakit di pa din sapat ....
kasi ika'y mawawala na
Nawalan na ng gana ang tadhana
Matapos nya akong bigyan ng pag asa
Bigla bigla ka ring mawawala na
Sana makabalik pa ako sa punto
na hindi ko sinubukang matuto
Mag-isip at gumawa ng tula para sayo
Dahil wala namang magiging tayo
Wala na bang bisa aking mga dalangin
Tinatangay lang ba lahat ng hangin
Ngayon mawawala na sakin
Ang kailanma’y di naging akin.
May 23, 2017
May 23, 2017 at 9:40 PM UTC
hindi ko malaman
kung saan
papunta ang
pinili kong daan
hindi ko mawari
ang sidhi
at ang pag-iisip kong hati
bakit kailangang pumili?
saan?
tangan
ramdam,
saktan
sinubukang umikot
sa eskinitang baluktot
kailanma'y 'di ko malilimot
na doon ko nakita ang sagot
May 9, 2015
May 9, 2015 at 12:33 PM UTC
Mga alaalang patuloy na bumabalik
Mga bagay na alam nating masakit
Araw, buwan, at taon na kailaman ay di mauulit
Mga panahong sinubukang masulit
Ngumiti ng mapait
Baka sakaling mawala ang sakit
Na patuloy sumisira ng saya
Na humihila sayo pabalik upang di ka makalaya
Pilit na ipinasasawalang bahala
Dahil alam kong nagkamali ako sa aking mga inakala
Dahil kung sino pa yung hindi sumusuko
Sa huli Sila padin pala ang naloloko
Hindi madali mag mahal
Dahil kailangan mo matuto sumugal
Mas masakit ang kakailanganin harapin
Kaya’t sa ngayon sarili mo muna ang iyong isipin
Ngunit Kaya mo pa ba?
O susuko ka na?
Kasi yung taong pinaglalaban mo
May pinaglalaban ng iba..
Jul 2, 2019
Jul 2, 2019 at 4:29 AM UTC
Bakit nga ba tawag ay Vietnamese coffee?
Sa tasa’y may pait na ‘di basta mawawagi.
Bagal ng patak mula sa itim na bituka,
Parang kwento ng bansang sinubukang burahin ng alaala.
Sa bawat drip, may bigat ang daloy,
Na para bang sugat na ayaw sumaboy.
May gatas na puti sa ilalim ng tasa,
Kislap ng pag-asa sa gitna ng giyera't pasa.
Hindi siya brewed para lang gisingin,
Kundi upang tanungin: saan ka ba nanggaling?
May kasaysayang pilit pinupuno ng asukal,
Pero ang pait ay laging babalik sa hulihan.
Kaya’t kapag tinanong mo: “Why is it called Vietnamese coffee?”
Sagot ay lihim, nasa loob ng tinik na hearty.
Ito’y kwento ng bayang binuhusan ng dilim,
Pero sa bawat tasa, may tapang na tahimik lang umiinom sa hangin.
Jun 3, 2025
Jun 3, 2025 at 11:19 PM UTC