Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sikreto" poems
ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay tungkol sa naglalakihang mga mata kapag nakakakita ng magandang dalaga na naglalakad sa kalsada isipin na nating.. maikli ang kanyang palda maputi ang hita malaki ang dibdib teka tama na nakaklibog na diba!? o kaya naman ang pagmamahal ay parang yung ating nararamdaman kapag ang ating mga balat ay nakakapagtindig balahibo dahil sa hindi maintindihang halimuyak ng galak o ito ba ay yung mga pagbabago ng kulay sa ating mga pishi kapag tayo ay kinikilig ng lubusan dahil nga ang sweet sweet niya kulang nalang magkadiyabetes ang puta ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba yung kapag dalawa lamang kayo nakahiga sa mga damuhan o kaya nakaupo tumitingin sa kalangitan habang nilalanghap ang simoy ng hangin sa taas ng gusali o kaya bubungan na niloloko ang sarili kapag tinuro mo ang iyong daliri sa mga bituwin at sinasabi na ang bituwin na yan ang parang hugis puso kahit hindi naman talaga para masabi kolang na meron tayong pag-ibig para masabi kolang na tinadhana talaga tayo para sa isat-isa kahit hindi naman talaga ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung may nakilala kang tao na wala kang ideya kung sino na ang inyong bigalang tagpuan ay hindi niyo naman pinaghandaan o kaya naman ang makilala nating ang tunay nating pagkatao na tayo ay hindi basta tao tayo ay merong kadiliman na hindi purong kabutihan na kailangan man tayo ay tao napapagod din natututong sumuko at bumitaw sa kapit ng "kaya ko pa" dahil kailanman walang anesthesia na dumadaloy sa ating katawan para hindi tayo masaktan ganun ba ang pag-ibig? ang pagbitaw ba ay pagmamahal? ang pagsuko ba ay pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung paguubos natin ng oras kahit na alam natin na ito ay walang kwenta pero wala nakong pakialam dahil nga kasama kita na ang saya saya natin dalawa nagtatawan kahit sumakit pa ang tiyan hinuhusgahan ang mundo sinasabihan ng mga tinatago niyong sikreto wala kanang pakialam kase nga kasama mo ako na sana hindi na matapos to tayong dalawa ikaw ako at ang ating magagandang mermorya ay itatago ko at aalagaan dito sa puso ko ganun ba ang pag-ibig? ang paglaan ba ng oras ay pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung galak kapag nakikita kita o kaya yung kapag kasama kita kapag ako'y ubos na pagod sa katotohang na ang mundo ay hindi basta basta andiyan ka palage nakaaalalay handang ibigay ang balikat masandalan lang ng mabigat na isipan ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba yung pakiramdam kapag tayo'y nagpapaulan na para bang gusto na nating sumuko sumuko dahil tayo ay pagod na sumuko dahil ang mga sinabi kong halimbawa ng pagmamahal ay malayo sa katotohanan ng buhay nating dalawa iniisip kung ano pa ang ibabato sa atin ng buhay sige ibigay mo ang lahat hindi ako basta basta natutumba hinihiling na sana magkasama tayo sa huli sana wala nang huli sana wala tayong dulo dahil ayoko, na ito ay magwakas pa o kaya hindi na natin ito inintindi dahil ang gulo na ng isipan nandun parin ako nagpapaulan hinahayan na mabasa ang sarili walang pakialam kung magkasakit pa kinabukasan basta ako ay basang basa na niyayakap ang ngayon tinalikuran ang masamang kahapon anung alam natin sa pag-ibig? meron ba tayong alam tungkol sa pagmamahal? anung alam natin? ang unti ang onti lang ng alam natin sa pagmamahal napakaonti na nagbibigay sa atin ng galak ng sige gusto ko pa ng ibigay mo na lahat wag kanang magtira dahil gusto ko maranasan ang pag-ibig bigyan moko ng pagibig bigyan moko ng pagmamahal mahal, anung alam natin sa pag-ibig?
0
Jul 22, 2017
Jul 22, 2017 at 1:23 PM UTC
tula ni VJ: "anung alam natin sa pag-ibig"

Continue reading...
121
Bago ka umalis, Sana pakinggan mo muna ako, Pakinggan mo ang mga bulong sa isip ko tuwing nakikita ka Sana hindi ito maging isang alaalang makakalimutan Mga salitang papasok at lalabas din naman At sana dalhin mo 'to sa pag-gising at pag-tulog mo At alalahanin na para sa'yo to. Hindi na kita mahal Hindi na kita mahal Makinig ka sa'kin. Hindi. Kita. Minahal. Hindi. Kita. Minahal Ilang beses ko man ulit-ulitin sa sarili ko Na minsan nawawalan na ng saysay ang salitang mahal ang salitang ikaw, ang pangalan mo sa isip ko Pero hindi pa din nawawalan nang saysay ang mga alaalang naiwan mga alaalang nakalimutan, at 'di ko alam kung tama bang binabalikbalikan ko Ang gabing napagtanto ko na nahuhulog na pala ako sa'yo Hindi na kita mahal Na kahit lahat na siguro ng tulang sinulat ko ay para sa'yo kahit lahat na siguro ng metaporang alam ko ay na inahalintulad ko sa'yo Isa kang bulalakaw, isa kang bituin, ikaw ang buwan Ikaw ang bumubuo sa ganda ng gabi, Ikaw ang araw, ikaw ang mga ulap, ikaw ang langit, Ikaw ang buong kalawakan na hindi ko kailanman pagsasawaan Ikaw ang karagatan, mahiwaga at kapanga-pangambang sisirin, Ikaw ang apoy, na nagpapaliwanag at nagpapainit ng gabing malamig Ikaw ang librong 'di ko kinakailangan ng pahinga Para intindihin ang bawat salitang nakalimbag sa bawat pahina Ikaw ang sining ko Ikaw ang tulang ito. Para sa'yo at tungkol sa'yo. Hindi kita minahal, Kahit na lagi kong inaabangan ang mga storyang kwinekwento mo Na para bang hinahatak mo ako pabalik kung kailan nangyari ang mga 'to at sinamahan ako para panuorin natin Kung sino ba ang nandito at nandoon Kung nasaan ang mga silya, lamesa, pintuan, at bintana Ang mga pangalan ng mga minahal mo at nagmahal sa'yo na dapat mo na sigurong kalimutan Kung saan kayo nagkakilala, Kung anong naramdaman mo nung nahuli mo siyang nakatingin din sa'yo at nagkasalubong ang inyong mga mata At sa lahat ng storya mo, Napagtanto ko na ayoko maging parte ng mga storya **** nakalipas. Na sana ako ang storyang hindi mo kailanman iisipin na bibigyan ng wakas. At ikwento mo din sana ang gabing ito Ikwento mo ang bawat paghinga ko sa bawat puwang ng mga salita Ang pagbuka ng bibig ko para sambitin ng tama ang bawat pantig, ang pag nginig ng mga kamay at tuhod ko, At kung maririnig mo man, ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Ikwento mo. Ibulong mo sa pinakamalapit **** kaibigan, para manatiling sikreto. Ang tinatagong nararamdaman na 'di mo na siguro kailangan malaman. Tama lang siguro na magkaibigan tayo, Kasi Hindi na kita mahal. Hindi kita minahal. Pinilit ko lang ang sarili kong mahulog sa'yo Pinilit lang kitang mahalin Para makalimot, para iwanan ang dating naramdaman. Gustohin ko man ulit-ulitin sabihin sa'yo, Magsasawa ka sa bawat pantig, sa bawat letra. Kaya ibubulong ko na lang sa sarili ko, para manatiling sikreto Ang dating nararamdaman na hindi mo na kailanman malalaman. Kaya bago ka umalis, Sana pakinggan mo muna ako, Sa huling pagkakataon pakinggan mo ang katotohanan Isantabi mo ang mga bulong sa isip ko na napakinggan mo. At sana tandaan mo na Dati, at dati lang Minahal kita.
0
Apr 11, 2016
Apr 11, 2016 at 1:15 PM UTC
Dati at Dati Lang

67
Hindi baga nakapagtataka Ang mga salitang sinambit ni Eba Nang kainin ni Adan ang tanda ng kasalanan? Hindi baga nakapagtataka Ang mga salitang sinambit ni Adan Nang una niyang nasilayan ang ganda ni Eba Na hinugot mula sa kanyang tadyang? Hindi baga nakapagtataka Sa kung paanong sa pag-ikot ng mundo Ni minsan hindi nagtagpo ang araw at buwan? Hindi baga nakapagtataka Na sa dinami-dami ng tao sa mundo Na sa paglipas ng dapit-hapon At pagsikat ng araw Natagpuan kita- Sa isang araw na hindi inaasahan Nakita Nakilala Nakasama Hindi baga nakapagtataka Sa kung papaanong ang bawat kaluluwa Ay nagkakadaupang-palad Ay nakakahanap Ng mga kaluluwang mapagkakanlungan Sa pag-ikot ng mundo Sa paglipas ng panahon Tulad ng atin- Hindi ikaw yung ordinaryong babae Sapagkat ang pagsabi sa babae ng ordinaryo Ay parang pagmura sa isang santo Sa iyong mga mata nakasillid Ang isa pang babaeng Nais kumawala sa mundong kanyang kinagagalawan Kimberly- Pangalan mo’y hindi sayo lamang kumakanlong Marami kang katulad Pero ang pinagkaiba Ikaw ay ikaw- Sa kung paanong ang pangalan mo Ay bumalot sa iyong katauhan Sa kabutihan maging sa kasamaan Isang babaeng naghahanap ng kasagutan Sa mundo ng mga tanong Na tila ba ang mga sagot ay hindi maapuhap Na tila ba lahat ng ito’y Nagtatago sa mata ng bawat isa Na ang pagtitig sa mga ito’y hindi sapat upang matanto Ang katotohanan na bumabalot sa atin Sa iyong katauhan ay may nakabalot na sikreto Isang misteryo na hindi ko kailan man malalaman Ngunit kahit gaano man kadilim o kaliwanag Hindi nito madadaig ang misteryo Sa kung papaanong tayo’y nagkakilala Sa isang panahon na pangkaraniwan lamang Dalawang dekada- Ang buhay mo sa mundo Sa dalawampung taong paglipas Maraming taong dumating At marami ring umaalis Binalot ng lungkot Yinakap din ng saya Ang iyong pagdating Sa mundo ng kabagabagan Pasalamat na lamang Na sa paglipas ng lahat ng ito Kaluluwa mo’y dagling naapuhap Na parang liwananag sa kandilang papaupos Maligayang Kaarawan, Mahal kong Kaibigan R. L. Alcantara Enero 28, 2015
0
Oct 26, 2015
Oct 26, 2015 at 10:35 AM UTC
.,.

73
Si Jamaeda: Isa siyang matrona na ang pangarap ay ang wagas na kagandahan. Palagi siyang nilalait ng kanyang mga kaeskwela. Maging mga kapatid niya ay nilalayuan siya. Samantala, ang mga magulang niya ay ikinahihiya ang kanyang kakatwang presensiya. Isang araw, kanyang natuklasan isang natatanging pormula upang makamtan pinakamimithing kagandahan. Mula sa laboratoryo lumabas ang isang mestisang diyosa na siyang nagdulot nang tiyak na pagkahulog ng bawat panga na nilalampasan niya. Puri dito, puri doon. Ang tainga niya ay pumapalakpak. Kaway rito, kaway doon, hindi siya matigil sa kahahalakhak. “Sa wakas,” ika niya, kagandaha'y napasakanya. Subalit, ngunit, datapwat, langit biglang kumulog, kumidlat. Habang ang diyosa'y pauwing mahinhing naglalakad, nakasalubong niya ang isang matrona na siyang nagpaalala ng mapait na nakaraan niya. Itsura ng matrona sadyang kasuka-suka mas masahol pa sa dating muka ng diyosa, wika ng marami pinagsukluban ng langit at lupa maging impyerno ay nakialam pa. Hiling nito sa diyosa ibahagi ang sikreto niya sa pagbabago ng uling at naging isang ginto, ngunit ang kagandahan ng diyosa'y panlabas lang sapagkat kanyang budhi lubos-lubos ang kaitiman. Itinaas ang kilay at saka pumanhik, hindi niya namalayan ang nagbabadyang panganib. Plok! Plak! Inay ko po'y kaysakit! Ang diyosang marikit, napasubsob sa putik. Ngunit sa halip na malambot ang lupang hahagip 'yon pala'y sa ilalim may nakatagong talim. Matigas niyang mukha ginuhitan ng pait ang maladiyosang matrona nasiraan ng bait. Lahat ng tao'y naengganyong lumapit, sa lakas ng kanyang sigaw dahil sa sobrang sakit. Imbis na tulunga'y pinagtawanan, nilait. “Hahaha! Buti nga sa 'yo, mayabang ka kasi,” ang kanilang sambit. Luha niya'y nangingilid, ngunit walang pasubali, ang kutya nila'y sumasabay sa ulang masidhi. Sa hindi niya inaasahan, dinamayan siya ng isa. Isang pamilyar na mukhang hindi rin naman naiiba sa kanya. Magbuhat noon, natutunan niya ang isang malaking leksiyon: “Mas masarap ang maging duryan, kaysa maging isang mamon.”
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 3:46 AM UTC
Jamaedurian

103
baka hindi niya na nakayanan ang init at hirap ng araw-araw na buhay, o baka nalason na siya sa usok na binibuga ng mga mabahong mekanismo. baka siya'y basta lang nalulumbay. kung magdamag mo ba namang panoorin ang mundo at ang mga tao tiyak, malulungkot ka rin. 'di kaya nasaktan siya kasi hindi mo na raw siya pinapansin? siya'y nagpaayos at nagpaganda; nakapustura pa naman siya sa isang kumikinang na bughaw na bistida pero hindi pa rin iyon sapat para mabihag ang iyong tingin, kahit man lang isang silip. umiyak si Langit maghapon at 'di ko mapigilang itanong kung bakit. sinamahan ko siya at baka sakaling siya'y tumahan na. hinandugan ko rin siya ng isang munting ngiti. naisip ko lang na baka makatulong iyon sa pagbalik ng kanyang liwanag muli. binulungan ko siya ng isang sikreto, isang sigaw ng aking puso "anuman ang iyong kulay ang dilag mo ay kabighabighani kaya lubos kitang minamahal, aking panghabangbuhay na kaibigan, Langit"
0
Jun 19, 2014
Jun 19, 2014 at 3:23 AM UTC
umiyak si Langit
Kahit hindi na ako yung maging una o yung huli mo Kahit ako na lang yung na sa gitna niyo Yung pwedeng sumagot ng oo o hindi Yung madalas mang-aya gumala o mangtokis Ituring bilang isang kaibigan, ka-ibigan o pareho, wala naman itong kaibahan Ako na lang yung taga-salo ng mabibigat **** luha kapag hindi mo na kaya pigilan 'to Ako na lang yung magpapaalala sayo kung gaano ka na kalayo mula sa pinanggalingan mo Ako na lang yung magsisilbing checkpoint mo kung sakaling hindi mo pa kaya papuntang dulo Ako na lang yung magiging gabay kapag hindi mo na alam kung saang daan tutungo Ako na lang yung magbibigay liwanag pagkatapos ng gerang pinasok mo Ako na lang yung taga-sabi sayo ng "tiwala lang, kaya yan" kapag tambak ka sa dami ng trabaho Ako na lang yung magpupulot ng bawat piraso ng pagkatao mo na nadurog sa nagdaang mga bagyo Ako na lang yung susuporta sayo sa laban kapag malapit ka ng matalo Ako na lang yung mag-aabang sayo kapag malapit ka na sa may kanto Ako na lang yung magpapayo kapag naguguluhan ka na sa pag-ikot ng mundo Ako na lang yung mapagkakatiwalaan mo na pwedeng sabihan ng mga pinakatatagong sikreto Ako na lang. Ako na lang yung gaganap sa parteng to Yung di ganon ka-importante, hindi din kawalan Laging maaasahan kaya ayun, laging umaasa Ang magbabalanse sa daloy ng kwento Kahit yun na lang tayo; sayo.
0
Oct 29, 2016
Oct 29, 2016 at 10:00 AM UTC
Kahit 'Yun Lang
Inaantay ko ang takipsilim kung kailan nagtatagpo ang araw at ang karagatan at unti-unting lumalabas ang buwan at mga bituin inaantay ko ang dilim kung kailan mararamdaman ko ang marahang paghalik ng balat mo sa balat ko kung kailan inuungkat ng mga daliri mo ang lahat ng sikreto ng katawan ko Dito sa maliit na papag, sa ilalim ng mga dahon, at mga tagpi-tagping kahoy, sa tabi ng dalampasigan isinayaw mo ko isinasayaw mo ako at sana isayaw mo ako Ituro mo muli sa akin ang bawat hakbang dito sa indayog na walang musika kundi ang dwelo ng ating mga dila, ang mabibilis na paghinga, at mga impit na sigaw. wag **** tapusin dalhin mo ako sa isang paglalakbay kung saan mas kailangan ko ang mga kamay at mga mata mo kaysa sa aking mga paa at pag narating na natin ang rurok ng kaligayahan mahal, halikan mo ang aking mga balikat iparamdam mo sakin ang init na hindi naibibigay ng mga tela ibulong mo sakin ang mga bituin at buwan at ipikit natin ang ating mga mata sa muling pag-ahon ng araw.
0
Aug 26, 2016
Aug 26, 2016 at 3:46 AM UTC
ang halik
marami- rami akong di gusto sa aking sarili. Mga mata ko'y mahapdi, nagmamasid kahit na ba'y nakapupuwing dumarami ang mga araw, dumarami ang mga gabi- dumidilim ang mga panaginip, mga engkanto'y nananabik, natututunang sa mundong ito, marahil ako'y hindi sabik. mga boses ng tao ay humihina, palayo nang palayo- mga mukha ng tao, palabo nang palabo. nararamdaman kong sumisikip ang aking isipan, paunti ng paunti ang mg nilalang na nasisilayan. may mga araw na nais kong mawala na tila hangin,malimit **** maisip, ngunit dama mo ang hagip. may mga araw na nais kong tumakbo na tila oras, madalas kung habulin, pero ni minsa'y hindi makaiiwas. sana ay hindi nalang nabuo ang salitang sikreto,baka sakaling ako'y matuwa sa aking anino. *mga alaalang pilit na humihiyaw, matagal nang nagtago- panay ang katok sa nakabukas kong kuwarto.* Tao po! Tao po!
0
Nov 13, 2015
Nov 13, 2015 at 10:06 AM UTC
tao po? katok!
Kulang ang salitang "sobra" sa sakit na nararamdaman ko pag nakikita ko kayong magsama Sabi nila luha ang pinaka mabisang panlanggas sa sugat ng puso Pero ilang unan na ang napuno ko Ilang unan narin ang naka alam ng pinaka tatago kong sikreto Nung unang araw na nakita kita nagbago lahat Nung unang araw na naka usap kita kumislap ang mga paligid Nung unang araw ko na makita ang iyong mga ngiti nabulag ako.. Nabulag ako sa katotohanan na hanggang tingin at sulyap lang ang kaya kong gawin sayo Nabulag ako sa katotohanan na kahit kelan hindi maaring maging tayo Nabulag ako sa akala ko na maaaring maging tayo Nabulag ako sa pag asa na meron akong lugar jan sa puso mo Hindi ko lubos maisip na barkada ko pala ang iyong natipuhan Ang akala ko malapit na kita makuha Akala ko malapit ka nang mapasakin Akala ko magkakaroon na ako ng lugar jan sa puso mo Pero ang akala ko lang pala ang babasag sa sarili ko Akala ko kasi... Akala ko kasi malapit nang magkaroon ng ikaw at ako yung merong tayo Pero isang malaking pag aakala lang pala ang lahat.
0
Feb 11, 2017
Feb 11, 2017 at 12:27 PM UTC
Umasa
I. Sinong mag-aakalang matatapos ang lahat sa atin? Naalala mo ba na halos boto ang lahat sa atin? Akala nang iba, ‘di tayo magpaghihiwalay, Akala nang iba, tayo'y walang humpay. II. Noon 'yun, at hanggang akala nalang 'yun. Ang sabi nga nila, “Mahirap tumama ang mga akala” Maraming nadismaya at nalungkot nung malaman nila. Na ang dating hindi mapaghiwalay Ay may bago na ulit buhay. III. Bakit nga ba nawala ang dagitab sa'ting dalawa? Ahh, naalala ko na!Nagloko ka nga pala. Humanap ng iba, Samantalang ako tiwalang-tiwala Na ako na ako lang ang iyong sinta. IV. Ako naman 'tong si tanga, tiwalang-tiwala naman Na hindi mo lolokohin ang isang tulad ko, Tanda mo pa ba? Halos lahat ng sikreto ko alam mo. Pati nga numero ko sa ATM pinagkatiwala ko sa'yo. V. Ang tagal na natin, magli-limang taon na sana, Ang dami kong masasayang ala-ala na mababalewala. Pero aanhin ko naman ang mahabang pagsasama, Kung araw-araw may kahati ako sa'king sinta? VI. Siguro nga'y tapos na ang ating istorya, Nabasa na nila ang bawat pahina, Natuldukan na ang kwento nating dalawa. At nalaman na nila kung ano ka ba talaga. VII. Mas mabuti pa ngang punitin na ang bawat pahina, O kaya sunugin nalang, para mas madali, 'di ba? Pero salamat sa'yo ha. Dahil kahit paano may natutunan ako Na hindi sa tagal ang sukatan ng pagmamahal, sa tiwala!
0
Sep 13, 2016
Sep 13, 2016 at 12:06 PM UTC
Ang Hindi Nagpahalaga
Sa dinami-rami ng mga maliliit na bagay na alam ko tungkol sa'yo, kaya ko ng makasulat ng isang nobela na iyon lamang ang nilalaman. Paano pa kaya kung malaman ko ang mga pinakatatago **** sikreto? Paano pa kaya kung matuklasan ko ang iyong pinakamaiitim na lihim? Paano kung kinaya kong buksan ang iyong puso't isipan para lang malaman kung sino ang itong nilalaman? Kaya lang sa'king palagay hindi ko kakayaning makita na iniisip mo kung paano mo hahawakan ang kaniyang kamay. Na ang tumatakbo pala sa iyong isipan ay kung paano mo siya gustong hagkan. Doon pa lamang, bumigay na ang aking puso Ginusto ko ng dukutin ang aking mga mata para lang hindi masilayan kung gaano ka kasaya sa piling niya. Iyon na siguro ang malaki **** sikreto. Mahal mo pa rin siya Hindi ko na naman kailangang tanungin dahil pag tinitignan kita, siya ang nakikita mo. Ayoko ng makita muli ang laman ng iyong puso. Ayoko ng matandaan. Ayoko ng pakielaman. Pero sana *Sana yung maliliit na bagay na lang ang aking nalaman.*
0
Jul 3, 2015
Jul 3, 2015 at 2:43 PM UTC
Maliliit na bagay
Ako'y natataranta, Sa tuwing nakikita ka. Ako'y nadadapa, Kapag tinititigan kita. Mainit pa sa kape, Ang pag-ibig ko sayo. Kasing layo ng Antlantika, Ang pagtangi ko. Sana'y iyong mapansin, Ang wagas kong pagtingin, Nang mabuksan mo na rin, Ang pag-ibig kong malalim pa sa bangin.
0
Apr 17, 2016
Apr 17, 2016 at 1:24 PM UTC
Sikreto
guni- guni lang ba? *mayroon akong sikreto nakatago sa kuwaderno nakabaon sa isang pahina doon ako naglabas ng luha basahin ang kuwento ko sa isang eksena sa may puno nakikinig sa iyong mga pangarap habang ako'y naninigarilyo di ko batid kung iyong napansin panay ang titig ko sa iyong labi palaisipan sa aking damdamin kung bakit ba ikay di makatingin sa tuwing akoy nagsasalita malayo ang isip mo sinta nakatulala sa ibang dalaga ang masdan ka'y impyerno na* ako ba talaga ay buhay pa?
0
Nov 17, 2015
Nov 17, 2015 at 10:01 AM UTC
Multo
Tapos na ang paghihintay kasi ngayon malinaw na. Simula't sapul, lahat ay isang napakasayang ilusyon lang pala. Isang kulungan sa isip kong nagsasabing "ang saya-saya naman dito. Dito nalang ako" Dito kung saan lahat ng nakikita ko ay puno ng ilusyon galing sa pag-aakalang totoo ang pagmamahal mo. Tapos na pala ang lahat dulot ng maling pagkapit na mayroon sayong pag-asa. Sarap ng bawat lambing, titig at yakap mo sa tuwing tayo'y masaya at magkasama. Ihip ng hangi'y kay lakas, kayang dalhin ang lahat ng mayroon ako, pati ikaw na mahal ko nga, biglang naglaho. Mga ngiti nating dal'wa sa mga lumang litrato halos di maipinta, kelan kaya tayo ulit ngingiti ng magkasama? Tapos na pala kasi may iba na pala, ibang nagpapangiti at ibang kasama sa pagbuo ng mga pangarap nating dal'wa. Halos sabihin ko na "sana ako nalang siya" para kahit sa panaginip masabi kong "akin ka pa" Oo sana lang talaga ako nalang ang una at huling sasabihan mo ng mahal kita. Pero mukhang mapapagod nanaman ako sa kahihintay dahil sa kasabihang "araw-araw may pag-asa" Tapos na rin pala pati ang pagiging bayani ko sa digmaang kinabibilangan ko. Ano pa bang sandata ang gagamitin ko? Lahat naman kasi nagamit ko na pero sa huli ako pa rin ang talo. Pero ano bang sikreto niya? Wala namang siyang dalang espada pero sa puso mo ang panalo ay laging siya. Panahon na nga siguro para itaas ang puting tuwalya, simbolo ng pagtanggap na ako'y talo na. Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit lumuhod pa'y wala pa ring kwenta. Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit yumaman pa ako di ko mabibili ang ligayang dulot niya. Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, mamahalin nakang kita ngayong gabi tapos paalam na. At ngayon lahat ay tanggap ko na, na tapos na ang lahat dahil ang napili mo ay siya.
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 11:10 AM UTC
Tapos na... kasi nakapili ka na

20
We aren't very different. Konkretong kahon ang tawag Ko sa eskwelahan ninyo, Na puro sikreto, Silaw—dahil sa napakaputi Ninyong mga balat, paa, Malambot, makinis, na halos Binasbasan Ng mga kayumangging kerubin— Ayaw basagin. Sila, ang taga-tayo ng mga Gusali ninyo, puro pawis. Puro naka-long sleeve, ang Init! Noo nila’y sunog, Kumikilabot, kumaladkad, Kilay itim sunggab ng Araw. Ngayon, Nakikita ko sila—puro trabaho, Balikat bumabagsak dahil sa Bigat ng mortar, laryo, Ulo baba-taas-yuko na parang Kumakadang sa luad, Tapak kasing bigat ng mga konkretong Tipak—taga-buhat ng mga Pintang maputla.
0
Aug 14, 2014
Aug 14, 2014 at 9:13 AM UTC
To the BSM Kids (and Xavier by Extension)
"pasensya na, pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo." hay, alam ko ng mangyayari 'to. napangiti nalang at napailing, ewan ko siguro nasanay na rin. Nasanay na akong ipagpalit at kalimutan na parang almusal sa umaga na kailangang ipagpaliban, dahil huli ka na sa klase at alam **** ito'y mas importante palaging mas may importante Pero papano naman ako? Papaano naman ang mga oras at luhang winaldas ko para magkaparte o masingit man lang sa puso mo Oo. Alam kong hindi ako perpekto, pero hindi ba talaga ako karapat dapat sayo? Sobrang imposible ba ng tayo? Lahat ng sikreto at baho mo, niyakap ko Mahal, lahat lahat yun tinanggap ko dahil parte 'yon ng pagkatao mo. Basta, tandaan mo nalang na patuloy ko parin 'yong yayakapin, Kahit na alam kong hindi ako ang pipiliin. At alam kong sinabi kong sanay na ako sa ganto, pero hanggang dito nalang ba talaga yung kapalaran ko? Kasi sa totoo lang nakakasawa maging kaibigan lang, Parang ang ang lumalabas kasi "wag kang lalapit, pero diyan ka lang."
0
Jun 3, 2016
Jun 3, 2016 at 8:28 AM UTC
Prendzone
Nakikita'y kay lawak, O kay liit ng hawak, Kay raming natatago, Sikreto't panibugho.
0
Sep 17, 2017
Sep 17, 2017 at 5:22 AM UTC
Tanaga #1: Mata
maaaring ako'y nahihibang na, dahil alam ko namang wala akong pag-asa ngunit ano ang aking magagawa, kung sa masilayan ka lamang ako'y masaya na? nang dahil sayo muli kong naramdaman, ang mga paru-paro sa aking tiyan at ang mga ngiting hindi ko man lang namamalayan, kapag ika'y dumadaan sa isip ko paminsan-minsan hindi nais na mailang ka, kaya nama'y pagtingi'y ginawang sikreto sinubukan ko rin ang lumayo, baka sakaling damdamin ko'y magbago ngunit alam naman natin na ito ay malabo, kasing labo ng minimithi kong "ikaw at ako"
0
Feb 10, 2018
Feb 10, 2018 at 8:51 AM UTC
walang titulo.
Sa totoo lang, kayayari ko lang nitong tulang ito kanina Dahil fresh na fresh pa ang lahat. Fresh pa rin ang sugat. Ewan ko, basta lang ang alam ko malinaw lahat sa akin ang bawat letrang pinili ko sa tulang ito. Dahil ito ang nararamdaman ko Dahil nga kasi ito talaga ang naaalala ko At dahil nga kasi ito talaga ang totoo. "Yung Feeling na Kayo, Pero hindi" Siguro nga Feeling lang ito, siguro nga yung "Feeling" na to ay simbolo ng pagiging assuming ko. Kasi hanggang ngayon Iniisip ko pa rin kung bakit Walang "Tayo" Pero sige babalikan ko ang lahat ng nangyari sa nakaraan Hayaan **** balikan ko ang mga nangyari at ipaalala sayo ang lahat Lahat ng mga matatamis at mapapakla na alaala Sana maalala mo kung paano ako umasa ng mayroong tayo. Naalala ko pa nung una kitang nakita. Yung una kitang nakilala. Nung nagtanungan tayo ng ating mga pangalan Yung panahong inaalam kung saan ang ating tinitirhan. Oo tandang tanda ko pa, yung mga panahong una kang nagpaalam na uuwi ka na. Unang beses kang nagpaalam. Pagkatapos nun, natatandaan ko pa noong muli tayong nagkita. Nagkamustahan pa nga tayong dalawa. Nag-apir pa tayong dalawa. Para na tayong close nun. Nagtagal ang mga araw, lumipas ang mga linggo. Nagkakilala tayo ng lubusan. Nalaman ko lahat ng mga paborito mo. Nalaman ko lahat ng mga ginagawa mo Nalaman ko lahat ng mga sikreto mo. Ang hindi ko lang nalaman ay kung totoo ba ang nararamdaman mo. Dahil pagkatapos ng ilang buwan pinadama mo sa akin na sa tuwing nagkikita tayong dalawa Walang mintis ang pagyakap mo sa akin. Walang mintis ang bawat pagngiti mo sa akin Walang mintis ang lahat ng ipinadama mo sa akin. Kaya Feeling ko, totoo na iyong lahat. Muli ko pang naalala lahat ng pinagsamahan nating dalawa At naaalala ko pa yung mga panahong nahihiya pa tayong tumingin sa isa't-isa Pero ba't mas naaalala ko yung unti-unting paglihis palayo ng iyong mga mata? Naaalala ko rin ang bawat haplos mo sa kamay ko, naalala ko yung pagsalit-salit ng daliri natin sa ilalim ng araw. Pero ba't mas naaalala ko ang mga panahon ng iyong pagbitaw. At tandang tanda ko pa nung yumakap ka sa akin at ang pagyakap ko sayo. Ngunit ang naaalala ko ay ang pagkawala mo sa mga bisig ko. Mula noon. Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung totoo ba Ang mga salitang binitawan mo Noong sinabi mo na ako rin ay mahal mo. Masakit. Masakit na sinabihan mo akong mahal mo ko pero di mo kayang iparadam sa akin iyan ng totoo. Kaya ngayon. Kung babalik ka man. At ipapadama sa akin ang nakaraan. Paki-usap. Wag na. Dahil malapit nang maubos ang betadine na gamot sa sugat na iniwan mo. Sa madaling salita Malapit nang maubos ang lahat ng meron ako, kaya kung babalik ka man paki-usap muli wag na. mahal, ayoko nang masaktan sa parehong paraan.
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 11:05 AM UTC
Feeling "Kayo" pero "Hindi"

59
May mga relasyon na masyadong masalimuot at halos ayaw mo nang pasukan. At meron ding katulad ng sa atin. Payapa. Walang pagmamadali. Hindi tahimik ngunit hindi ipinaalam sa mundo dahil alam natin pareho na ang sikreto ko ay sikreto mo. At iniingatan ko ang mga sikreto mo na para bang sa akin din ito. Hanggang hindi na sila sikreto ko o mo lamang kundi natin. Hanggang ikaw at ako ay hindi na ikaw at ako lamang kundi tayo. May mga sulat ako na para lamang sa mga mata mo. May mga awit ako na para lamang sa mga tenga mo. Ingatan mo silang lahat gaya ng pagiingat ko sa puso mo. Mahal kita. At patuloy na mamahalin pa.
0
Apr 19, 2017
Apr 19, 2017 at 3:59 AM UTC
02/19/2017 (6:19am)
Tapos na ang paghihintay kasi ngayon malinaw na. Simula't sapul, lahat ay isang napakasayang ilusyon lang pala. Isang kulungan sa isip kong nagsasabing "ang saya-saya naman dito. Dito nalang ako" Dito kung saan lahat ng nakikita ko ay puno ng ilusyon galing sa pag-aakalang totoo ang pagmamahal mo. Tapos na pala ang lahat dulot ng maling pagkapit na mayroon sayong pag-asa. Sarap ng bawat lambing, titig at yakap mo sa tuwing tayo'y masaya at magkasama. Ihip ng hangi'y kay lakas, kayang dalhin ang lahat ng mayroon ako, pati ikaw na mahal ko nga, biglang naglaho. Mga ngiti nating dal'wa sa mga lumang litrato halos di maipinta, kelan kaya tayo ulit ngingiti ng magkasama? Tapos na pala kasi may iba na pala, ibang nagpapangiti at ibang kasama sa pagbuo ng mga pangarap nating dal'wa. Halos sabihin ko na "sana ako nalang siya" para kahit sa panaginip masabi kong "akin ka pa" Oo sana lang talaga ako nalang ang una at huling sasabihan mo ng mahal kita. Pero mukhang mapapagod nanaman ako sa kahihintay dahil sa kasabihang "araw-araw may pag-asa" Tapos na rin pala pati ang pagiging bayani ko sa digmaang kinabibilangan ko. Ano pa bang sandata ang gagamitin ko? Lahat naman kasi nagamit ko na pero sa huli ako pa rin ang talo. Pero ano bang sikreto niya? Wala namang siyang dalang espada pero sa puso mo ang panalo ay laging siya. Panahon na nga siguro para itaas ang puting tuwalya, simbolo ng pagtanggap na ako'y talo na. Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit lumuhod pa'y wala pa ring kwenta. Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit yumaman pa ako di ko mabibili ang ligayang dulot niya. Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, mamahalin nakang kita ngayong gabi tapos paalam na. At ngayon lahat ay tanggap ko na, na tapos na ang lahat dahil ang napili mo ay siya.
0
Feb 23, 2020
Feb 23, 2020 at 12:59 AM UTC
Ilusyon

Hindi ko na kilala ang mga sugat na ‘to. Kung saan ba 'to nanggaling o paano ba 'to nangyari Nandito na tayo sa parte ng magulong mundo na hindi na alam ng mandirigma kung nasa hilaga ba o nasa timog ang binabaybay. Kung sino ba ang tunay na kakampi sa hindi Saan ba gagapang palayo? Saan itatago ang natitirang pagkatao? Hindi ko na marinig ang bawat katinig at patinig ng bawat salita dahil sa ingay. Kanino ba nanggagaling ang hinaing Saan nagsimula ang pasaring? Paano nga ba tayo nakarating dito? Alam mo, dahil sa’yo. Gusto kong ipako lahat ang sisi sayo. Ikaw ‘to. Kasalanan mo. Sinabi ko naman sayo. Ganyan ka. Mali ka. ‘Di mo maintindihan. Ikaw; Ikaw lang ang mali. Alam ko ang bawat kanto nitong pinasok nating pangako. Kabisado ko ang bawat pintong nakasarado Mga pinakatatagong sikreto Hindi tulad mo. Hanggang ngayon naliligaw pa din Kaya tama ako. Mali ka, tama ako. Tama ako? Tama na. Pero ito ‘yung parte ng laban na hindi na tayo pwedeng sumuko. Hindi pwedeng tumakbo palayo at takasan ang katotohanang nilakbay natin 'to ng magkasama, narating natin ‘to sa sarili nating mga paa. Dahil magkabuhol na ang mga sintas ng pagkatao natin at imposibleng ipangalan lang sa isa ang kasalanan. Hindi na natin kailangang magpanggap pa dahil tanggap na Nadapa tayo. Hindi lang ikaw. Hindi lang ako. Tayo. Nagkamali tayo. ‘Yun lang ang tamang hinaing para maitama natin ‘to.
0
Jan 16, 2020
Jan 16, 2020 at 1:04 AM UTC
Walang Pamagat
muling nagkasalubong— nagtagpo sa 'di inaasahang panahon ang alala ng kahapon at ang ngayon binati nila ang isa't isa may konting kamustahan ngunit 'di na muling babalikan ngayong naghari na liwanag sa dilim lahat ng sikreto't mga lihim; damdaming pilit na kinimkim ay akin ng itatapon hindi na muli magtatago sa kulimlim ng kahapon sapagkat ako'y nakaahon na sa masalimuot na pangyayari noon
0
Sep 17, 2019
Sep 17, 2019 at 10:16 AM UTC
k.
Kapag sinabi ko ang panghalip na “siya” Hindi malalaman kung babae o lalaki ang tinutukoy Mahal kong wika Tanging panangga Ang nagtatago ng sikreto Kaya kitang gawan ng tula Walang makaaalam ng lihim na tinatago
0
May 11, 2020
May 11, 2020 at 8:10 AM UTC
Panangga