"sandamakmak" poems
Minsan kahit anong ingat mo na hindi matisod at magalusan
Darating ka sa puntong babasagin ka ng mundo
Hindi mo man malugod na matanggap
Kalaunan magpapasalamat ka nalang sa pagkabasag
Sa pira-pirasong sariling kelangang pagtyagaang pulutin para mabuo ulit
May mga parteng hindi mo na mahahanap dahil hindi mo na makita
Iba na kasi ang hugis
Hindi ka na tulad ng dati
Paniguradong iiyakan mo ang pagkamatay ng sarili **** may makulay na pananaw sa mundong akala mo'y hindi ka kayang saktan
Na tila ba'y nakatira ka sa isang palasyong may masugid na taga-silbi
At may isang magiting na prinsipe o prinsesang kukumpleto sa kwento mo
Sino ba naman ang hindi tatangis kung ang ganitong pangarap ay mawawasak lamang sa isang pitik ng mapanlinlang na pagkakataon o ng isang maling sirkumstansya?
May iyak na pisikal
May iyak na hindi kayang ihayag ng luha
Isang tapang na paimbabaw
Pero sa totoo lang, isang kaduwagan
Kailangan **** ilabas yan
Isigaw mo kung kinakailangan
Maglupasay kang parang bata
Suntukin mo ang unan
Magtapon ka
Magbasag ka ng pinggan
Ilabas mo
Ubusin mo ang lakas mo hanggang ang tanging kaya mo na lang ay umiyak
Hanggang ang kaya mo na lang ay ang isang tahimik na pag-iyak
Ang pisikal na pagkapagod ang tutulong sayo na magpahinga ng panandalian
Ipikit ang pagal na isip
Kailangan mo ng katahimikan o ng karamay na may nakatikom na bibig
Hindi gagana ang mga pinakamatamis na salita sapagkat manhid ka
Bagkus, kailangan mo ng kamay na mag-aampat ng umaalwak na dugo mula sa pagkabasag
Banayad na haplos ng pagpapayapa na ang sakit ay lilipas din ngunit sa totoo lang, matagal pa
Malayo pa ang tatahakin mo upang makaalpas ka sa sitwasyong ito Ngunit kailangan **** maniwala at dayain ang sarili
Para makaligtas sa delubyo ng kalungkutang may kakayahang pumatay ng paunti-unti kung hahayaan mo lang
Sa huli, pagkatapos **** malampasan ang mga sandamakmak na sagabal
Ang mga dating sugat ay magiging pilat at kalimitan ay nagiging kalyo na lamang
Mas titibay ang sikmura **** magtiis at mas tataas ang sukatan mo ng tapang
Magtataka ka kung bakit ang mga bagay na dati **** ihinihikbi ay mawawalan na ng epekto sayo
Hindi ka naman naging manhid, naging mas matatag ka lang sa pagkabasag na iyon
Hindi ka magiging ganap kung hindi mo ito mararanasan
Ang katotohanan ay walang taong hindi nabasag ng mundo Dalawa nga lang ang hantungan niyan
Ang mabasag ka't itapon o ang mabasag ka't buuin muli?
Oct 15, 2017
Oct 15, 2017 at 11:01 AM UTC
Ilang dekada na
Lumaban ka raw para sa amin
Hindi ko man lamang naabutan
Patungo raw iyon sa demokrasya.
Tingnan mo kami ngayon
Ang daang matuwid ay putikan
Ganito pala ang lasa ng imoralidad
Na kayo-kayo rin ang nagtimpla.
Marami nang nakatikim
Ng pait at kakunatan ng inyong hain
Ilan pa ba ang papalasapin?
Kaawa-awang mga dila
Mapapaso't kikirot
Dulot ng sarili ninyong mantika.
Katulad ng ibang baboy,
Ilalabas ka sa hawla
Nakalilihi ba doon?
Kaya nanlumo kayo sa taba
Tabang walang kainaman
Hindi magamit panggisa ng kamalian.
Sandamakmak pala kayo
Nagsanib-puwersa sa looban
Pinakakain nang tama, pinagsisilbihan
Bagkus tambay sa kurapsyon
Sa kulungang may posisyon.
Bakal ang tali nyo
Kaya't sumuko na't wag pumiglas
Pagkat sa putikan ang ruta
Yang putikang kayo rin ang may gawa.
Jul 12, 2014
Jul 12, 2014 at 5:56 AM UTC
Ang puso ng nakaraan ay unti-unting nasusugatan
Di mo napapansin ang tahi ay unti-unting nabubuksan
Sa paglipas ng araw ang hapdi ay lalong tumitindi
Parang apoy ang init sa katawan ay dumadampi
Nasasanay na sa ganitong sistema
Wala ng usapan magpanggap na lang di nagkakitaan
Sanayin ang sarili sa pagkawala ng isa
Ang luha ay pigilan balewala lang kung dumungaw
Sa iba ibaling, paningin at isipan
Humanap ng kakampi sa ibang tao kung maaari
Sandamakmak na galit subuking maiwaglit
Ang tropeo nito sa dulo ng laro makikita.
Apr 23, 2017
Apr 23, 2017 at 1:59 AM UTC
"Nandito ako"
"Hindi kita iiwan"
"Susuportahan kita"
"Nagtitiwala ako sayo"
"Kayang-kaya mo yan!"
"Laban lang!"
Paulit-ulit kong sinasambit sa'king sarili nang pabulong,
Tila nagdarasal ngunit ang totoo'y
Hindi ko na rin alam kung hanggang saan pa ba ang dulo.
-------------
Wala na naman akong laban sa ihip ng hangin,
Sa ihip ng panahon.
Wala na naman akong laban
At ang buo kong pagkatao'y
Kusang dudungaw sa aming bintana,
Hahagilapin ang araw,
Nasaan nga ba ang Silangan?
Gagayak ako nang walang patumpik-tumpik,
At sasabay ang agos ng tubig sa bawat butil ng aking luha,
Para bang humihinto na naman ang oras.
Walang kasiguraduhan na naman ang araw na ito.
Araw-araw ay nag-aayos ako ng uniporme ko,
At ayun, magbibilad sa initan gamit ang aking lumang motorsiklo.
Kukunin ang selpon sa aking bulsa, magpapa-load
At maghihintay ng sandamakmak na mga utos.
Minsan, napapagod ako
O sabihin na lamang nating madalas,
Na sa bawat pintuang kinakatok ko'y
Daig pa ako ng nangaroling
Sa bilang na mga baryang iaabot sa'kin ng tadhana.
Minsan iniisip kong
"Ganito na nga lang ba?
Paano ang bukas?
O may bukas pa nga ba?"
Minsan naman, nakaririnig ako ng masasakit na salita
Pero minsan parang mga bala na lamang itong
Hindi tumatagos sa aking ulirat,
"Manhid na nga ba ako?
Sabihin mo, Tadhana."
--------
Pinagmamasdan ko na naman ang mga kamay ng orasan
Kanina pa o hindi ko na malaman
Kung kelan yung huling "kanina,"
Naghihintay ako ng saklolo,
Kasabay ng huling kumpas ng mga kamay
Ng naiiwan kong kaibigang de-baterya..
"Dito na lang ba magtatapos ang lahat?"
Nagbibilang na lamang ako ng oras,
Ng hininga
At baka hindi na nila ako maabutan,
At doon ko huling nasilayan ang mga aninong iyon,
Wala na akong maintindihan..
Wala na akong marinig pa..
Ito na marahil ang huli.
Sep 7, 2020
Sep 7, 2020 at 9:02 PM UTC
Bibilang ng lima
upang sarili'y mapakalma
sabay bugtong-hininga
mga luha'y nagsitulo na pala
dahil hindi na kinaya ang sakit na dala,
akala nila wala akong problema
akala ng iba ako ay masaya
akala nila wala akong iniinda
nasanay kasi silang lagi kang nakatawa
nasanay kasi silang lagi kang masaya
nasanay kasi sila na ganyan ka,
napakahirap na sitwasyon
hindi nila alam na saking pag ngiti
sa loob nito'y pighati
iniisip ng iba na nagbibiro lang ako
iniisip nila na hindi ito totoo
pero hindi nila alam unti-unti na akong pinapatay nito,
dinadaan ko nalang sa pagpapatawa
upang ang iba'y mapasaya
ngunit sakabilang banda
ay may salitang nag nanais na "ako naman sana."
nag tatago sa bawat ngiti sa labi ko
ang sandamakmak na problemang pasan-pasan ko
sakabila ng aking pagtawa
ay may lungkot na dinarama,
ginawa ko naman ang lahat,
ngunit bakit hindi parin sapat
hindi ba nila nakikita
o ayaw lang talaga nila bigyang halaga,
siguro nga talagang walang nagmamahal sakin
dahil walang umiintindi
sa aking pag inda
lunod na lunod na ako sa kalungkutan
labis-labis na akong nahihirapan,
puso ko'y hirap na
Ayoko ng magpanggap pa
magpanggap na masaya ako
sa harap ng iba
dahil ang totoo, halos 'di ko na kaya,
ako'y biktima ng sarili kong kalungkutan
biktima ng kahibangan
biktima ng kapighatian
biktima ng pusong mapanlinlang
at biktima ng isip na nais ng lumisan,
hindi ko na kilala kung sino ako,
hindi ko na kilala ang sarili ko
kailan ba ako makakatakas dito
sa higpit ng kadilimang
bumabalot sa isip ko
alam kong hindi ko na kaya
pero kakayanin ko pa
kakayanin kong muling
makatayo sa sarili kong mga paa
upang masolusyonan
ang aking problema
kakayanin kong lumaban
dahil ayaw kong maging talunan
at hinding hindi ako magiging talunan
kakayanin kong labanan ang lungkot
upang hindi na ako tuluyan nitong mabalot,
alam kong may kwenta
akong tao dito sa mundo.
alam kong may nagmamahal
pa sa akin ng totoo
alam kong ang Diyos ay
lagi kong kasama sa lahat ng dako
alam kong Sya ay laging nasa tabi ko
alam kong yayakapin
nya ako sa bawat pighating ito!
hindi ako magpapalamon sa aking depresyon
lalaban ako kahit problema'y
kasing lakas ng alon
lilipas din ang hapti ng kahapon
hindi man ngayon
ngunit darating ang bukas
at itong kalungkuta'y magwawakas.
May 14, 2023
May 14, 2023 at 12:40 PM UTC