Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"salat" poems
bayan kong mahal sayo'y ibibigay ang aking buhay ipaglalaban ang aking katwiran at karapatan ipagsisigawan ang salitang pagkakaisa at kapayapaan ngunit bakit sa lahat ang may hadlang? tuluyan na bang nabaon sa nakaraan ang kapatiran? mas nanaisin ng karamihan ang kaginhawaan para sa sariling kapakanan ang paggiging  makabayan ay bibitawan nalang kapalit ay maging sa sariling alipin sa bayan magbibingi bingihan na lamang sa mga maling nasaksihan sa mga taong naka upo sa mataas na upuan ang mali ang nagiging tama ang tama ay mailap ng makita anung silbi ng mga pinaglalaban kung ang lahat ayaw makipag laban? sakim sa sarili at sarili lang ang mahalaga wala na ang mga bayani patay na! kailan may walang tunay na kalayaan sa ating bayan dahil ang lahat ay ang nais lang ang sariling interes at kapakanan nasayang lang ang watawat na hinabi ng ating mga bayani hindi pagkakaisa ang nasa ang nasa isipan kundi paano maka isa sa lahat bayani ba ay isang nalang alamat? wala na bang mag aangat at magsasabing dapat ipaglaban ang karapatan? nagiging mahirap ang mahirap at sa pera silay salat ang mayaman ay nagtataas ng bakuran upang di makita ang tunay na kalagayan iiyak na lamang ang mga tunay na nagmamahal sa bayan wala na nga ang tunay na kahulugan ng kapatiran di na isa ang bawat kulay ng watawat kundi ito'y kulay kung saan ka dapat mabilang naging pangkat ang kulay, naging simbolo na ng watak watak na paniniwala di na siguro magiging buo ang kulay ng watawat ang kapayapaan ay di magiging sapat wala na! hindi na magiging isa ang mga pulo ng bayan nagiging paligsahan na lang kung sino ang magiging una at tatawanan ang talunan sa inaakalang laban ng pinaka magaling, di man lang maiisip na pagkakaisa sana bayan kung magiliw paanu na? di na ba magkakaisa? o sadyang mailap na talaga ang tinatawag na pagkakaisa.
0
Mar 5, 2018
Mar 5, 2018 at 11:31 PM UTC
MAKATA

Continue reading...
30
Ako’y modernong karpintero Sa henerasyong baon sa utang, Hindi pa man isilang, Ang kamalaya’y limot at simot na. Puros kalyo ang latay Sa pares na kamay Na ang sigaw ay pagbabago Diktahan man kahit demokrasya pa, Lahat tila may mantsa’t tatak pulitika. May direksyon ang pagdisenyo Pahalang sa kapwa-tao, Samantalang ang kabila’y Ang labi’y eksperto sa pagsayad sa lupa Patungo sa ulap at bituin Kung saan naroon raw ang Maykapal. Narito ako sa kanilang tagpuan Tatawid sa kalyeng hindi masilayan Bingi sa sanlibutan Minsang pinaligua’t sinabunan ng kadiliman. Narito ako, Sa sentro’y may hanap-hanap Kilabot ng pagtahi sa sugat ay titiisin. Pagkat ang latay, hindi man nasaksihan Ramdam maging sa tadyang Na akin daw ay pinagmulan. Kung mararapatin lamang Ng lupang minsa’y naging gintong bayan Na pang-habambuhay siya’y lisanin At sa pagbukang-liwayway, tatakbo sa Liwanag. Walang karapatan ang takipsilim na uminda Pagkat ang Haring Araw Sisikat at yuyupakan ang kanyang dangal, Siyang isang pobre’t salat sa Katotohanan. Niyapos ko ang buhok At pinahid sa mansanas, sa mangga’t Maging sa dagat na sagisag ng kalayaan. Ako’y tumakas Tangan ang sandata ng buhay; Pakuwari ko’y walang himagsikan Ang siyang muling sisiklab Pagkat ang laban ay tapos na noon pa man. Puting papel at plumang walang tinta Ang iniwan sa akin ng Ama Hindi ko mawari sa paanong paraan ba Maililimbag ang isusulat nitong pluma. Ngunit ang tukso Na madungisan ang pahinang puti Ang puro’t walang bahid ng itim at kulay bahaghari, Alam ko, balang araw Mapupunan ito, hindi ng salita Bagkus ng larawang sa sansinukob Ay hahagkan ang bawat nilalang Itatas muli ang bandila - Silang puro ang tiwala sa Pintor ng Pagbabago. (5/23/14 @xirlleelang)
0
May 28, 2014
May 28, 2014 at 1:04 AM UTC
Ang Modernong Karpintero at ang Pintor ng Pagbabago

55
Kaya Mo Ba Akong Panagutan? Nilason mo ako ng iyong mapanlinlang na balat-kayo. Pinaniwala sa mga mapanuksong katagang pagbabago. Hinayaan ko ang labi **** puno ng kasinungalingan, Na dungisan ang aking minamahal na bayan. Naging biktima ako sa kulungan **** puno ng promiso, Isang harding pinamamahayan ng mga bulaklak galing sa impyerno. Ako’y bingi’t takip-mata sa reyalidad ng iyong tunay na pagkatao. Mistulang manikang salat sa kasarinlan; kumukubli, nagtatago. Ginawa mo akong biktima ng iyong kasakiman! Mga anak ko’y ginamit mo para sa iyong makasariling kaligayahan. **Isa kang malaking hipokrito sa sarili **** lipunan!** Labis na Kinasusuklaman, Higit na Kinamumuhian.
0
Mar 10, 2015
Mar 10, 2015 at 9:13 AM UTC
Inang Bayan
Sabi mo sa akin tumingala ako sa langit At tingnan ang mga talang kaakit akit Nang ako'y tumingin sa kalangitan Ni isang ningning ay wala akong namataan Nasan ang sinasabi mo? Bakit ang labo mo? Sabi sa isang dyaryong aking nadampot Ang mundo'y puno na ng poot Simoy ng hangi'y hindi na presko Pagsasa walang bahala, eto ang epekto Puro nalang kasi AKO AKO AKO Wala manlang SILA SILA SILA Paano na nga ba ang iba? Parati nalang sila ang taya Kelan ba sila makakalaya Tila ang tadhana'y maramot at madaya Mga walang kamalay malay parati nalang nadadamay sa mga bagay bagay na tayo ang may gawa Tila hindi na nagsawa Sa ilang ulit nang pagmamaka awa Sila ang nagbigay, bumuhay and nagpalago sa ating ekonomiyang nagduduwal ng daan daang salapi at nagbibigay sa atin ng gatas na naiiwan pa sa ating mga labi Tayo? Kelan kaya tayo makapagbibigay? Kanilang pangangailangan parati nalang "mamaya na yan" Kung kelan huli na ang lahat Kung kelan tayo na'y salat Saka lang mapapansin na malapit na tayong mag dildil ng asin Hindi ba pwedeng baliktarin? Baliktarin ang pamamaraan natin Sila naman ang pagbigyan Uhaw na sila sa kalayaan
0
Nov 24, 2015
Nov 24, 2015 at 7:44 AM UTC
Sila nga ba talaga ang hayop?
aanhin mo ang bayang mayaman, bayang maunlad at sapat, kung patay na ang mamamayan, at sa kalayaan ay salat.
0
Oct 31, 2018
Oct 31, 2018 at 11:07 AM UTC
bayan
“Yesterday is gone. Tomorrow has not yet come. We have only today. Let us begin.” ― Mother Teresa May mga panahon sa buhay ko na nasayang, may mga darating pa siguro pero baka hindi ko na maabutan, tanging ang ngayon ang tangan ko sa aking palad. Sisiguraduhin ko na hindi ito masasayang. Gagamitin ko at pagyayamanin ang ngayon ko sapagkat ito lang ang oras na hawak ko. Magsusulat ako ng mga salitang matulain kahit hindi nila ito tanggapin. Kahit ako lang ang tunay na aangkin sa aking simulain. Kahit malalim ang dagat na aking lulusungin kapos man ang bait ito’y aking gagamitin at titimbulanin. Walang yumayaman sa pagsusulat ng tula at ang buhay ng isang makata sa panukat ng lipunan ay laging salat. Pero wala na akong magagawa napasubo na ako, matagal ko na itong nilimot at tinalikuran subalit para itong isang sumpang anino na laging nakasunod ayaw akong tantanan. Mabuti pa ang nag-uulat sa radyo at telebisyon dahil may nakikinig pero sa sumusulat ng tula bihira lang ang lumilingap. Putang-Ina bakit ba kasi ito pa ang nakahiligan ko? Siguro dahil dito ako sumasaya, kasi nagagawa kong bigyang tinig ang tahimik kong isipan. Bakit kasi hindi na lang ako naging payak sa lahat ng bagay lalo na sa gawaing pag-iisip? Bakit kasi masyado akong mapagmasid, mausisa at malikhain sa pagsasalarawan ng mga bagay-bagay? Bakit ayaw magpahinga ng aking diwa? Hindi naman ako magaling sa tugmaan at sa pagkatha ng mga kinakailangang sukat kaya kinalimutan ko na ito. Pero may ulol na bumulong sa akin “ok lang yan may free verse naman e kung hindi mo kaya ipahayag sa tugmaan gamitin mo ang malayang taludturan”. Kaya ito nanaginip na naman ako ng gising at tinatawag ang sarili ko na isang “makabagong makata”. Putang Ina makatang walang pera at laging nangungutang. Buti man lang sana kung makukuha ko kahit ang kalahati ng tagumpay nina Walt Whitman, Amado V. Hernandez, Jose Corazon De Jesus at Francisco Balagtas o kahit na si Emilio Mar Antonio na lang – e tiyak na hindi naman.     Kanina pa tumatakatak ang tiklado ng aking computer, ayaw ko nang magsulat pero may demonyo na tumutulak sa akin para gawin ito. Ayaw akong patahimikan ng putang-ina. Kaya’t heto ako at nagpupursige parin. Ang makabagong makata ay hindi na muling tatalikod sa tawag ng tulaan. Kahit walang pera magpapatuloy ako kasi dito ako masaya, masaya pero malungkot din. Ewan, madalas hindi ko maintindihan. Hindi ko na muling sasayangin ang natitirang oras ko.
0
Nov 9, 2017
Nov 9, 2017 at 3:31 AM UTC
MAY PANAHON SA BUHAY

7
Ang hirap makipag-sabayan. Sino ba sya? Sino ba ako? Isang batikang manunulat. Isang hamak na nagsusulat. Ang hirap makipag-sabayan. Siya'y karagatan, ako'y patak ng ulan; Umaalon, walang hanggan. Isang butil, panandalian. Ang hirap makipag-sabayan. Sino ba kami sa buhay mo? Siya na may matalinhagang mga salita. Ako na salat sa banyagang wika.
0
Oct 16, 2014
Oct 16, 2014 at 11:15 AM UTC
Palaisipan
Sa bawat paghakbang ng paang maputik, anaki'y malugmok ang katawang impis. Hindi iniinda ang ngawit ng bisig, sa bawat paghampas ng pulpol na karit. Mata'y pumapait sa agos ng pawis, di ramdam ang init sa katawang manhid. Sa bawat pagbuhos ng mumunting bagsik, tila sumasaliw sa pintig ng dibdib. Tinig ng sikmura'y parang humihibik, lalong gumagatong sa hapo at sakit. Pilit pinapawi sa tuwing iihip, ang simoy ng hanging tila umaawit. Sa gitna ng hirap na pinagdaanan, ang tanging hiling sa Poong Maykapal. Nawa'y didiligan ang sangkalupaan, at binhi'y tutubo't ang punla'y mabuhay. Sapagkat sa munting pawis-magsasaka, sanlibong sikmura ang pinapasaya. Ang tinik sa paang nakapanghihina, Sanlibong katawan ang pinasisigla. Ginaw ng tag-ulan at init ng sikat, hindi iniinda kahit naghihirap. Para may mahain sa mumunting hapag, at pagsasaluhan na mayroong galak. Ang iba'y inisip kung anong lutuin, ngunit sa kanila'y mayr'on bang mahain. Ito ba ang buhay, Diyos na mahabagin, ang mga nagtanim salat sa makain? Ganito ang buhay ng may gintong kamay, na puno ng lipak, marumi't magaspang. Subalit malinis ang pusong tinaglay, bisig ng daigdig, sa pagod nabuhay. Sila ang bayaning dapat na purihin, sandata'y palakol, tumana'y suungin. Sa bawat pagpatak ng pawis sa tanim, katumbas ang bungang gumigintong butil. ©Raffy Love Canoy |May 2019|
0
May 29, 2019
May 29, 2019 at 8:24 AM UTC
Gintong Kamay
Di pa alam anong mangyayari, Sa planong pinag-isipang mabuti, Ano kaya ang magiging bunga, Ng aking mga huling pahina. Saan kaya aabot ang aking mga tula, Tatagos kaya sa puso mo ang damdamin kong ikinubli, Mararamdaman mo ba ang emosyon sa likod ng 'king tinig, Makakaabot kaya sa iyo aking binibini. Ang mensahe ko sana'y sapat, Magbunga sana ang aking pagkamatapat, Panalangin ko lamang na sana di maging salat, Ang laman nitong mga huli kong sulat. Kaya bahala na, bahala na, Bahala na ang Maykapal sa huling kabanata, Bahala na ang panginoon sa katapusan, Pati na sa darating na kinabukasan, Nitong kwentong nangyari nang di inaasahan.
0
Nov 9, 2017
Nov 9, 2017 at 4:29 AM UTC
Bahala na
Puno ay tumatanda Nalalagas ang dahon sa balingkinitang mga sanga Minsan may lagutok na maririnig- biglang pagluksa Itanong kung kailan ang mga lawa ay matutuyo Tubig niyang malinaw, may lalim na hindi matanto Ito'y pagtahak sa walang hangganang hiwaga Espiritung gala, isipin ang kalagayan ng katawang lupaypay Turukan ng gamot o ng gunita ng kasiglahan Halik ng kahapon ay alaala ng kahapisan Hawakan ang kamay na nanginginig Matamlay na  anak Niya'y sa aruga salat Ang paglipas ng oras ay gayundin ang pasasalamat Habaan ang sandali na may hininga't sarap Pawis na  nakabilad sa hamon ng buhay Mararanasan ang init at pait Ang pagpapahalaga sa katapusang ninanais kaakibat ay lumbay Paruparong itim magkatambal sa paglipad May babala man huwag isaisip Pusang tumawid sa harapan Ibaling ang paningin Magrosaryo saglit, sino ang mawawalan
0
Dec 3, 2018
Dec 3, 2018 at 6:04 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #4
Marahil walang isang salita ang makakapag-bigay linaw Sa kadilimang taglay ng tuwina, sa aking labi, tila nawawala ang ilaw Mga mata'y malayo ang tanaw ngunit hindi nito saklaw ang pagitan Higit na malawak at binabalot ng panglaw, sa paggising ay salat sa iyong galaw At oo, tila nagkakaiba ang wika na kilala ng ating mga dila, kaya't iaalay na lamang ang buwan at araw sa'yo, aking mahal, pati na rin aking diwa Mula sa sulok ng aking silid at sa isip na puspos ng suliranin, isinusulat itong munting tula sa buwan ng aking wikang kilala Mga kamay ko'y ipinagdiriwang na mayroong ikaw at ikaw ay akin, ipinagbubunyi ang buwan ng ikaw puso'y tatangis hangga't ika'y makapiling
0
Aug 15, 2022
Aug 15, 2022 at 8:38 AM UTC
Buwan Ng Ikaw
#061816 #ElNidoToPPC Gusto kong magtanong, *"Ba't ayaw **** bumaba?* Ba't wala Kang ginagawa?" Lumuluha ang Langit, Pero tila ba pinagmamasdan Mo lamang Siya. Nawawalan ng kislap ang mga bituin, Ngunit hindi Mo hinahawi ang mga Ulap Na pasan ang mga sarili't may pighati ang kalooban. Ako'y nagyeyelo sa lamig ng pag-ibig, Hindi maihimbing ang sarili Pagkat salat sa kumot ang sasakyang bumubulusok. Nais kong tapalan Ang pusong nagkulang sa yakap at haplos, Na parang uhaw sa kapeng mainit Siyang pantanggal lamig ng kahapon. Ako'y nanlalamig -- Bagkus puso'y iba ang eksperimento. Hindi ko maipaabot Sayo ang liham na nakatiklop, Pero ang ningas ng Iyong kariktan, Siyang bumubulong sa isipan ng kalinawan. Trono Mo'y napakataas, Pero ni minsa'y hindi Ka nagmataas. Sa paggulong ng sandali, Ang ulan ay kinitil at ako'y saksi sa'Yong Ilaw. Panahon, pana-panahon lamang ang ulan Na siyang susubok sa pusong may laman. At kung minsang nasubok ko ang Iyong Liwanag, Ako'y hindi Mo binigo sa makabagong Silaw.
0
Jun 19, 2016
Jun 19, 2016 at 10:00 PM UTC
Rooted Moon
Tila ilog na walang katapusan, Ang mga emosyong aking nararamdaman, Walang preno, walang busina, Walang tigil sa pag-agos ng malaya. Akala ko'y walang humpay, 'tong mga pinanghuhugutan sa buhay, Ang halos lahat ay may hangganan, Ang mga bagay nga pala'y may katapusan. Sabihin mang ako'y makata, Isang manununula, Manunula kasama ang kanyang pluma, Ngunit pluma nya'y wala nang tinta. Tila ba binaon sa nakaraan, Ang minsang nakahiligan, Pilitin ma'y walang maisulat, 'tong makatang naging salat. Iyon ay kanyang alaala, Naiisip sa bawat pagbasa, Ng mga tulang sya din ang gumawa, Mga tulang di nya na ngayon magawa.
0
Aug 20, 2017
Aug 20, 2017 at 2:55 PM UTC
Tinta
Ang pagkain ng croissant at floss buns sa public places. O ng saging o hotdog sa jeepney. Ng chocolate ice cream habang naka-all white ka. Ang umibig ng mga taong may mental illness. O ng taga-malayo o magkagusto sa pari. Ng taong hindi maaaring ibigin. Ang maki-apid sa asawa ng may asawa. Ang kwarto **** napabayaang linisin dahil mas masarap nga naman ang siesta. Mas nakakahalina ang tawag ng pahinga, kaysa talak ng pagliligpit. Ang trend ng salted caramel everything dahil mas mainam ang may konting alat. Ang nakaligtaang lakad sa government offices dahil mas kaakit-akit ang gumala. Ang buhay **** salat sa kaayusan dahil mas masarap ang makalat.
0
Oct 8, 2023
Oct 8, 2023 at 8:39 AM UTC
Mas Masarap Ang Makalat
Pagmasdan mo ang paligid, Andaming puso ang umaaligid, Iba't ibang hugis sa himpapawid, Sa lupa'y nagkalat saan mang gilid. Kakaunti lang ang sariwa, Kapiranggot lang ang kinaya, Upang iniirog ay matuwa, At hindi makalimutan ang tumawa. Ngunit, bakit plastik ay nagkalat, Hugis rosas man o pusong salat, Ang makikita **** nilalamat, Hindi kaya ang iba'y maalat? Kung ang puso ay para sa Pebrero, Bakit isang araw lang ginawa ito? Hindi ba dapat araw-arawin mo? Ang mahalin ang lahat ng mahal mo.
0
Feb 14, 2016
Feb 14, 2016 at 9:32 AM UTC
Araw-Araw May Puso
Masisisi ba ang isang tao, Na hitsura nalang ang pinipiling basehan? Panlabas na anyo, Nagpapabusog sa mga mata at mga laman. Gandang nakikita lamang ng mga mata Sa panahon ngayon, tanging iyan nalang ang mahalaga Hindi na napapansin ang dapat talaga nating sinisinta Maharil ang ganda ng loob sa ating panahon ay salat na. Ganda ng mukha naman ay kukupas rin. Ngunit ang ganda ng kalooban ay sa kamataya'y babaunin,
0
Nov 14, 2018
Nov 14, 2018 at 10:43 AM UTC
mukha
I praise Thee, God, whose rays upstart beneath the Bright and Morning Star: Nowit asali fardh salat assobhi allahu akbar. I praise Thee, God, the fierce and swart; at noon Thou ridest forth to war! Nowit asali fardh salat assohri allahu akabr. I praise Thee, God, whose arrows dart their royal radiance o'er the scar: Nowit asali fardh salat asasri allahu akabr. I praise Thee, God, whose fires depart, who drivest down the sky thy car: Nowit asali fardh salat al maghrab allahu akabr. I praise Thee, God, whose purple heart is hidden in the abyss afar: Nowit asali fardh salat al asha allahu akabr.
0
3.1k
The Five Adorations
Sayong paglalakad sa kalagitnaan ng daan ika'y nakita Mga mata **** mapungay at mukhang **** maamo Posturang natural at ngiti **** hindi nagbabago Na para bang lagi akong tinutukso O bakit ka ganyan, binibini? Para bang sa 'yong mga mukha ay walang problemang namumutawi Kada salubungan ng ating mga mata ay talaga namang pagod ko ay napapawi Nagsusulat ako ng bigla kang dumaan saking harapan Ako'y napatingin at napahinto sa aking lugar na ginagalawan Para **** niyanig ang mundo kong tahimik Puso kong parang gustong muling umibig Handa kong ika'y haranahin at gawan ng isang awit Ngunit paano pala kung puso mo ay meron ng nag mamay-ari? Mga bagay sa aking isipan na nawari Hanggang tingin nalang ba ako sayo Kahit na parang ako'y pinana na ni kupido? Handa akong sumugal malaman mo lamang na ang pag ibig ko ay tunay Nais mahagkan ka at mapakilala saking Nanay Mga mata kong kislap ay talaga namang tunay Kaya sana hayaan mo kong iyong buhay ay bigyan ng kulay Magpapakilala ako sayo ng walang pag iimbot Irerespeto ka kahit magsuot ng maigsing saplot Unang hakbang ng puso mo'y maabot Ihahatid sundo sa inyo pag uwi sa tahanan Hindi ka hahayaang mabastos ng kung sino sa daan Liligawan pati iyong mga magulang, Nangangako sa magandang intensyon at hindi magkukulang Sa Itsura man ako'y salat Akin nalang ibabawi sa matatamis na sulat at ugaling tapat
0
May 24, 2018
May 24, 2018 at 2:22 AM UTC
MARIKIT
Ako’y isang hamak na manunulat Kung ako’y tatanungin sa yaman ako’y salat Pagdurusa’t hirap nakaukit sa aking balat Gutom at pighati aking dinadaan sa masinsinang pagsulat Mensahe ng aking tula paghihirap ang paksa Pluma at papel luha ang siyang tinta Galak at tuwa iguhit mo at ipinta Pangakong aliw at ligaya iaalay sa’yo sinta
0
Mar 29, 2020
Mar 29, 2020 at 11:05 PM UTC
Hamak Lamang
after witty humour, which spawned slapstick... slapstick can only spawn the last of the known humours... the offensive type, the 'get me out of this straithjacket of everything's fine apathy,' the ugly humour... rude humour... i take oaths humour... i rather write a swear word to oil up than degrade myself with thesaurus usage humour. why is poetry such a ***** of coding daily activity... who needs poetry if the everyday is intact? atheism didn’t **** god... it merely killed the logic of myth.... atheism is far worse than mythology... it just regurgitates facts to make you submit to them without the necessary philosophical awe of finding them interesting... poetry isn’t dead... it’s a ***** which is worse than death where i come from... there’s ezra with his fountain comparison: ‘i ****** in it... and put pigmenting chlorine in it - you **** in it... streaks of blue... i think that’s called cubism in france.’ did i say alcoholism was engineered by the nazis for the bomb sarcasm? cheap humour you say... ah well slapstick was invented after sarcasam... i heard the new best anti-ageing cream was butter rather than l’oreal - there are too many stages in the differences of women, i quite like the summer spring autumn winter thing going... it’s like this thing that’s happening right now... christian nations censor words... like **** cultish **** of the brothel... and islamic nations invoke words... like kefir (sour milk, not quite youghurt), dawah... adhan salat abraham... one party censors words for excess ***** saying: ‘we don’t like swear words in accomplished spelling, we like dyslexia and **** teen **** graphic...’ sounds about right... the other party says: ‘we hate censoring ***** words, that’s doubly censoring, censor ***** words get more dirt out of it... we invoke the power of arabic to teach koran latin for the knobs!’ problem sorted... we’re all power brokers of spelling / punctuation / arithmetic - that’s what i don’t get, the ratio of the two languages... all you have in the digits A to Z is spelling and punctuation... but what you have in the digits ZERO to NINE is so much more... is grammar a castle that’s keeping certain functions out? in mathematics you have +, x, obelisk, -, square root, etc. but in linguistics you have this permament reminder: SPELL RIGHT FROM WRONG AND RITE FROM THONG. well... ****** me timbers... i think i just spotted a lumberjack chequers tweed jacket.
0
Nov 24, 2015
Nov 24, 2015 at 8:49 PM UTC
a lumberjack chequers tweed jacket

50
Wala nang piglas sa bakal na gapos Gigil na pangil ‘di pigil pagyapos Poot ay lubusan kong natatalos Kahit patuloy paring minumulto Ng anino ng pumariwarang pagkatao Huwag pong ikukubli mahabaging puso Kahit ako’y salat na sa lakas Dahil sa mga sugat ng nakalipas Huwag po tutulutan na tuluyang malagas Ako’y nakikinig sa pagbasa ng sentensiya Mga tenga’y bukas, piniringan man mga mata Dustain man sa yamot, sa away Mo’y tiwala Talim ng ‘yong dila sa puso tusok Mga aral nito’y pinapapasok Sa bulwagan ng diwang ‘di pa bulok. -11/26/2011 (Dumarao) *sentimental mood
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 9:33 PM UTC
Muni-Muni ng Guni-Guni
Ikaila **** ika'y manunulat Hayaan **** putulin ang iyong ugat Huwag iwanan ang iyong lamat Ibigay mo ang sapat, 'wag lahat-lahat Itanggi mo ang iyong pagkatangi Ibulong sa hangin ang iyong mga sipi Itago sa baul ang iyong lahi Itatwa ang pinagmulan **** lipi Hindi ka hambog ni mayabang Isa kang humihingang nilalang Panulat ang iyong kalaban Ito rin ang gasolina sa tangke **** salat sa laman 'Wag **** sabihing ika'y manunulat 'Wag mo ring itanggi na isa kang alagad Walang manunulat ang tapat Lahat ng tao ay may sugat Tao ka lang Pero isa kang manunulat MAMULAT!
0
Aug 4, 2016
Aug 4, 2016 at 12:00 PM UTC
Mamulat
Ikaw, ako, sila, tayo, Panghalip lamang ba ang mga ito? Hanggang panghalip nga lang ba? O baka may tinatago pang iba. Yung mga panghalip na panao, Inihahalili sa ngalan ng tao, Yung ginagamit pag di tiyak, O may alinlangang hawak. Dahil di ako sigurado, Di ako tiyak kung ano, Kung ano ang itatawag ko, O kung sino ka nga ba sa buhay ko. S'ya ba'y kilala ko? Panghalip ba'y kailangan dito? baka ako'y nagmamaang-maangan lang, At sabihing di ko to alam. Ikaw, yung parang naging kapatid, Ikaw, yung simpleng nakaka-akit, ikaw, yung saki'y nkapagpangaral, Ikaw, yung sana'y sagot saking dasal. Ako, yung kasalukuyang nagsusulat, Ako, yung para sayo'y salat, Ako, yung masasabing mangangarap nalang, Ako, yung lupa't ikaw ang kalangitan. Sila? sino nga ba yang sila? Sila, yung iyo at aking nakasama, Sila, yung sa buhay nati'y naging parte, Sila, yung kasama natin sa pag abante. Tayo, ito yung sakit sa ulo, Tayo, yung si ko alam kung sinu-sino, Tayo, yung ako at mga kasama ko, Tayo, yung ikaw ba yan at ako? Hep hep hep! parang mali, Dahil yung ikaw at ako'y parang di maaari, Wag naman nating kalimutan sila, yung iba pa nating mga kasama. Dahil yung tayong ikaw at ako, Yung tayong sa totoo'y ninanais ko, Yung alam kong di angkop sa pagkakataon, "Tayo", ang etiketang di pa napapanahon.
0
Jun 29, 2017
Jun 29, 2017 at 2:17 PM UTC
Etiketa
Sa lahat ng mga bumati gayon din po sa mga nakaalala Ngayon ako po'y tumabi Sa gilid, kalakip ang Pagpapala ramdam man ang talab ng Araw sa aking balat Tila ba hapding may Alab na dulot ng tama ng Bala itong Nilalaman ng aking isip at nais mailipad ng aking pisi yaring mga katagang may talas Ngunit sa Tugmaan po ay salat Gayon ma'y ipinaaabot ko pa rin sa Tala Sa tulong ng hanging merong tubig alat Ngunit di kailan man mangangalawang ang taos puso kong pasasalamat sa lahat sapagkat paikot-ikotin man ang radar.. .......Ang radar ay radar pa rin kahit pa takasan at baliktarin! Sa ating lahat...Umagang Kay ganda Simula na muli ng bagong pag-asa ©November 02,2020
0
Nov 1, 2020
Nov 1, 2020 at 6:02 PM UTC
ALAALA
I miss the call to prayer of my heroes town The slow, mournful, writhing rings that reach toward the black-cloaked beauties with heads bowed over their smiling eyes His voice trills and bows And I remember the chills it sent up my spine to hear the intensity and sense the powerful devotion that one man one voice one word can bring. Inshallah
0
Jun 23, 2013
Jun 23, 2013 at 11:37 PM UTC
Baku Salat