Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sala" poems
Hindi ikaw ang aking mundo. Ikaw ay parte lamang ng aking kwento. Hindi ikaw ang kalawakan. Ikaw, tayo, kahit pagkakaibigan ay may hangganan. Hindi ikaw ang buwan Na nagbibigay liwanag sa aking karimlan Hindi ako isang puno Na aasa, mananatili, at maghihintay na mapansin mo. Ang mga sugat na dulot ng ating mga sala Ay hindi maghihilom basta- basta ... Kaya ako na  ang hihinto, lalayo, Ang magsasara ng pinto. Ako na ang susunog ng tulay, Ang puputol ng nag-uugnay. Ako na ang bibitaw Sa pagkakaibigang nasira ng pagmamahal na nag-uumapaw, Ng bugso ng damdamin, Ng tukso at mga tinagong saloobin. Hindi naman maayos Ang hindi sinusubukang i-ayos. Kaya tama na nga siguro Ito na ang dulo ng kayang tanggapin ng puso ko. Paalam na sa mga tanong na kailanma'y hindi na masasagot, Sa puso kong puno ng takot Sa paglisan at pagbitaw Hanggang sa ikaw na mismo ang umayaw. Paalam na sa mga pangakong napako, Sa mga katagang "walang magbabago", Sa mga salitang binitawan Ngunit hindi mo napanindigan. Paalam na sa titulong "matalik na magkaibigan." Paalam na sa lumabong pagkakaibigan, Sa mga hinanakit at hindi pagkakaintindihan. Paalam na sa sakit at pait Na dala ng pag-ibig na hindi maaaring ipilit. Paalam na sa labing-apat na taon. Masasakit na alaala'y aking ibabaon. Iiwan ka na sa nakaraan. Papalayain ang sarili sa gapos ng nagdaan. Sa pagiging estranghero nagsimula, Estranghero rin akong lilisan. Ito na ang huli kong paalam. -41-
0
Jan 17, 2017
Jan 17, 2017 at 2:59 AM UTC
Ako Na Ang Magpapaalam
Sa tulang aking naisulat, Sanay may mamulat , Sa kasalana at problemang lagging naiuulat, Sa telebesyon at radyo ikaw ay magugulat. Mundong puno ng karahasan, Mga taong makasalanan, Walang paninindigan, Mga taong nang iiwan, Pamilyang nasira sa isang kasalanan, Kasalanang Patuloy na ginagawat patuloy na nariyan. Mga problemang hindi masulusyonan, Mga batang sa kalsaday naiwan , Mga taong naiwan ng kanilang pangarap at kinabukasan, Ito’y opinion lamang, Sa aking naririnig bilang isang mang mang. Ang suliraning laging nariyan, Kawalan ng kapayapaan, Kakulangan ng sapat na edukasyon ng mga kabataan, Walang sawang Kahirapan, Kawalan ng sapat na pantustos ng kalusugan ng mga mamamayan. Pagkagumon ng mga kabataan sa bawal na droga, Patuloy na pagtaas ng populasyon na di naaalintana, Nasaan ang hustisya ?, Bakit ang inosente ang nasa rehas na bakla?, Nasaan ang tunay na may sala? Maging sa eleksyon ay may daya, Pagbabagot pag unlad ang gusto natin, Kaya simulan natin sa mismong pamamahay natin. Bakit ganito nasaan ang pagbabago? Laging naririnig ko pag bukas palang ng radio, Bilang isang kabataan, bilang isang mamamayan , Ang pagbabago ay laging naririyan, Ito’y nasa iyo ung pupulutin mo o itatamabak lamang.
0
Oct 20, 2017
Oct 20, 2017 at 11:00 PM UTC
PAGBABAGO PUPULUTIN MO O ITATAMBAK
Pagod na ko sa kakasulat. Hindi ka naman ata namumulat Sa sakit at hinagpis na iyong dala. Na sa puso ko'y nagsisilbing bala. Mapapatawad pa ba natin ang isa't isa, Sa mga sala nating nagawa na nagpatung-patong na? Kailanman hindi ito napunta sa aking hinuha Na tayo maiiwang may agwat at sirang-sira. Kaibigan, ako sana'y patawarin Sa pagpayag sa mga bagay na maaaring sumira satin. Patawarin mo sana ang pusong nagmamahal Na sumira sa pagkakaibigan nating kay tagal. Nalulungkot, nasasaktan ang puso ko sa ideya Na ang minsan kaibigan ay isang estranghero na. Patawarin ako sa pagbibigay ng hinagpis Sa iyong kaluluwang takot at puno ng pagtitiis. Kaibigan, ito'y hindi pagmamalabis Ang tanging hiling ko lang ay huwag kang tumangis Sabihin mo lamang kung ika'y nasasaktan na Huwag kang mag-alala, handa na kong iwan ka. Kung ang pagkakaibigang ito ay hindi na masasalba Sabihin mo lang, wag nang magdalawang isip pa Dahil sa pagtakbo ng oras, lumalaki lamang ang lamat Unti-unting nababasag, nasisira ng hindi naman dapat. Kaibigan, sana'y sabihin mo Kung gusto mo pa bang ipagpatuloy ito. Pagkakaibigang puno ng tawanan Nagapos ng pangakong walang iwanan. Pagkaibigang pinahahalagahan Hindi sinasadyang masira at mayurakan Sa paglipas ng panahon Nagbago na ang noon at ngayon Ngunit umaasa pa rin ako Na hanggang sa dulo'y magkaibigan pa rin tayo
0
May 5, 2016
May 5, 2016 at 4:24 AM UTC
Kaibigan ng Kahapon
Balanseng pakikibaka, Ito ang araw araw na ipinamulat sa akin Ng pang araw araw ko ding pagtira Sa mundong hindi naman timbang ang hustisya Magkabilang panig na inaasahan ng lahat Na sana'y magpantay ang timbangan Ngunit ang katotohanan? Likas nang mas mabigat ang kabila Kaysa sa nasa kabila. Lahat daw ay pantay pantay Sabi ng matandang kasabihan Ngunit para sa akin? ‘Yan ay isang malaking kalokohan Wala pa namang naging malinaw na paliwanag Sa uugod-ugod na paniniwalang iyan Nakakapagod pantayin ang mga bagay-bagay. Sa kadahilanang hindi naman pantay pantay ang layunin ng bawat nilalang Sa lipunang, Kailanma'y hindi na magiging patas Sa mundong, Kailanma'y hindi na bababa ang mga nawili na sa itaas, Sa daigdig, Na ang nasa ilalim ay lalo pang nadidiin Paano pang mag-aabot ang langit at lupa Kung mananatiling bakante ang gitna Kung ang biktima ay lalong inaakusahan At ang may sala ay patuloy na hinahangaan O lupa kong hirang, o Inang kong Bayan Tayo ba’y ang mga walang kapaguran panaginip? Hanggang kailan tayo maaaring maidlip? Tayo ba’y ang mga hindi natutulog na batis? Hanggang saan tayo padadaluyin ng mga agos ng hinagpis? Tayo ba'y ang mga sigaw Sa kwebang walang alingawngaw? Hanggang kailan tayo magtitiis Sa 'di makatarungang ''Mga Bulong ng Hapis''. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 30, 2018
Jul 30, 2018 at 5:34 AM UTC
Mga Bulong ng Hapis
Ngayong nagdaan na ang isang linggong malamig at maulan, Nagpakita na ang araw, mainit at maliwanag. Alam kong dapat masaya ako pero Paano ako sasaya kung ikaw lang lagi ang naaalala ko? Naiinis ako sa araw, pinapaalala niya ang mga nagdaang linggo, Mga linggong magkausap tayo tungkol sa kahit ano. Mga linggong nakakapagod pero napapawi mo. Mga linggong wala akong maisagot sa papel ko Pero bigla ka nalang papasok sa isip ko, Kasama ng mga sagot na hinahanap ko. Ngunit ngayon, naiisip ko, ano nga ba ang pinagkaiba? Kahit noong tag-ulan, naaalala pa rin kita. Naaalala ko kung paano kita sinasabihang mag-iingat ka At kung paano kita pinaiyak dahil sa isang sala. Naaalala ko rin kung paano mo ako iniwan At kung paano kita hinayaan. Kaya ngayong wala ka na, wala akong magawa Kundi mainis sa lahat ng bagay na nagpapaalala Hindi sa'yo, kundi sa aking mga nagawa Para umalis ka at iwanan mo akong mag-isa.
0
Jul 13, 2015
Jul 13, 2015 at 1:45 PM UTC
Araw at Ulan, Ikaw at Ako
Sa tag-init tayo nagkatagpo dala ang uhaw nais mapawi ang pagkatuyot sa tag-araw mga lalamunang di nadadaluyan hanap ay tubig, mga umiibig sa lamig sa daloy ng awit ng mga Ipil at sa mga aalalang nabuo sa bawat paglagok, sa bawat isa mga alaalang nabuo sa tag-araw. alaala pa ang pagpalakpak ng mga dahon minsan lang masiyahan sa pagpapalit-panaog ng tag-araw at tag-ulan panga-pangakong binuo sa ilalim ng araw pinagdarasal ng mga kahapon di pa rin nalilimot, mga tuyong ugat ng mga pusong sawi sa pag-ibig na tubig sa tag-init minsan lang magkaniig dahil ikaw at ako ay minsan ng nanirahan dito bumuo ng mga alaaalang impit na itinago sa ilalim ng mga punong saksi sa mga uhaw na puso, sa marahang pag-indayog ng mga dahong maririkit sa bawat pag-ihip ng hanging mainit sa katawang binalot ng mga sala at sa bawat pagbabalik sa alaala ikaw pa rin ang tanging nakikita sa bawat paglampas ng liwanag sa maririkit na butas ng kahapong sa ilalim ng ipil nakatago Heto na naman ang tag-init hudyat ay muling pag-udyok sa uhaw na pusong may pangangailangan tuyot ang daloy sa bawat paghinga sa bawat pag-ihip  kulang ang haplos bawat hagod ay paos. Alaala ka sa mga sinag ng araw umaalpas sa mga dahon ng ipil mga hapong napawi ang init ng tag-araw nakakulong pa rin sa mga alaala sa ilalim ng punong puno ng pagmamahal sa kahapon at ako na di pa rin nagsasawa sa ilalim ng mga Ipil maghihintay sayo Sa Ilalim ng mga Ipil Michael Joseph Aguilar Tapit 04/11/2016
0
Nov 6, 2018
Nov 6, 2018 at 4:34 PM UTC
Sa Ilalim ng mga Ipil
sayaw, Eriko isayaw mo lahat ng sinabi niyang “mahal kita” na pakiramdam mo’y totoo nung mga panahong umaalis kayo ng isang araw kada-linggo kasi dinadayo ka pa niya sa Maynila sayaw, Eriko iindak mo at isigaw mo sa mikropono ang pabulong niya pa noong unang sinabi, “ako na lang, iingatan naman kita” sa maulan na gabi na ‘yun noong iniiyakan mo pa ang mga pangyayari na kinagigitnaan mo isayaw mo, Eriko itawa mo lang ang sinayaw niya sa sala mo noong gabi na ‘yun mashed-potato lang kuno ‘di ba? halakhak, napamahal ka sa mukha niyang parang pinigang tuwalya noon hindi naman siya guwapo gaya ng lagi niyang sinasabi umaray ka, Eriko nasipa ka ng katabi mo, pero naalala mo lamang ang mga oras na nagsisipa ka ng bato sa Makati habang naglalakad kayo, at kinukwento niya ang pamumuhay niya noon sa malayong lugar, pawis na pawis kayo pero ngiti niyo’y abot langit talon, Eriko palakpak ilang buwan na rin ang lumipas noong huli kayo nagkausap binati mo siya ng maligayang kaarawan, kahit ang araw mo nun ay malayong-malayo sa maligaya, kapos sa saya, kapayapaa’y nahahanap mo lamang pag nandiyan ang barkada kalma, inom ng tubig, Eriko, kawayan ang bote ng alak, pero huwag kang lalaklak hinga, ipanalangin mo na lang na siya’y maging masaya, dahil alam mo naman na iyon ang tama.
0
Mar 29, 2021
Mar 29, 2021 at 9:24 AM UTC
Sayaw, Eriko (Tagalog)
Paunawa sa babasa: Hiniling ng isa kong kaibigan na relihiyoso na gawan ko daw s'ya ng tula tungkol sa ikalimang wika ni Kristo noong nagdaang Mahal na Araw kaya kahit Atheist ako ay ginawa ko ang Free Verse (Malayang Taludturan) na ito. “Nauuhaw ako” Malalim ang baon ng mga pako sa kanyang mga kamay at paa. Mahigpit din ang pagkakatali ng lubid sa kanyang mga braso. Napapalibutan siya ng mga kaaway, nagsusugal at nag-iinuman ang mga sundalong Romano habang nililibak siya ng mga Pariseo. Tiyak na wala s’yang kawala. Naghahalo ang dugo at pawis magkasabay itong umaagos palabas mula sa kanyang katawan; hindi na rin n’ya maalala kung ilan ng sampal, suntok, sipa at palo ang kanyang natanggap. Sa gitna ng kanyang paghihirap binigkas ni Hesus ang kanyang ikalimang wika: “Nauuhaw ako” Kagabi lang bago s’ya dakpin ng mga tampalasan ay nagmakaawa s’ya sa hardin ng Getsemane at taimtim na hiniling sa kanyang Ama na kung maaari sana ay huwag na n’yang danasin ang paghihirap na ito. Subalit hindi s’ya dininig nito. “Nauuhaw ako” Siya ba ang kailangan na magdusa, obligado ba s’ya na bayaran ang kasalanan ng iba? Bakit s’ya ang inutusan ng kanyang Ama para akuin ang sala ng sangkatauhan? Masyadong mabigat ang pasanin na ito para sa isang hamak na karpintero na gaya n’ya. “Nauuhaw ako” Ito ba ang kapalit ng pagiging masunurin at mabuting anak ang masadlak sa laksang dusa at malagim na paghihirap? Nasasabik na s’yang umupo sa tabi ng kanyang ama; hinahanaphanap n’ya na ang papuring awit ng mga Anghel sa langit. “Nauuhaw ako” Nilikha ba ang sanlibutan at ang mga tao upang sa bandang huli ay maging mapaghimagsik sila at walang galang sa kanilang lumalang? Bakit punong-puno ng kalupitan at karahasan ang mundo? “Nauuhaw ako” Hindi sapat ang tubig o ano mang inumin para mawala ang kanyang uhaw na nagmumula sa puso; ang pag-ibig ng sangkatauhan ang kanyang inaasam.
0
Nov 6, 2017
Nov 6, 2017 at 3:28 AM UTC
"NAUUHAW AKO"

Continue reading...
14
Nakalimot ka siguro na masungit sa iyo ang tadhana Nang ikaw ay nagmahal sa isang tao at nagpahalaga Maikling ngiti lang ang kanya ngang hatid Ngunit habang buhay nasa iyong panlasa ang pait Tuwing iidlip siya ay na riyan Tuwing paggising siya ang hanap Maging sa panaginip ikaw ginagambala ng iyong maling desisyon Hanggang sa langit ang paghingi mo ng solusyon Ikaw lamang naman ay nakinig sa tibok ng damdamin Wala ka naman talagang sala sa harap ng iyong salamin Siya ay dala ng nanlamig na hangin Sa iyong paghinga iyo siyang nakuha Kalaunan tanging hindi umayon ay tadhana
0
Dec 24, 2018
Dec 24, 2018 at 8:47 AM UTC
Malambing na Kaibigang Tadhana
Kay dami nang hindi mo katulad ang sinarahan ko ng pinto Hindi labag sa aking kalooban na mag papasok kung sino-sino Para mag kalat, mang gulo, at bantayan ang mahalagang bagay sa akin Dahil alam ko na ikaw ang tahanan ko At nakalaan to para sayo Ikaw ang banyo na binabalik balikan ko na parang balisawsaw ako Ang kusina na nagsilbing lugar, para iluto ko ang putahe na mas matamis pa sa mga ngiti mo Ang silid kainan, kung saan lahat ng gusto mo ay inihain, dulot ng pagmamahal ko Ang sala, kung saan ang tinig ng halakhak at tawanan ay maingat na tinatabunan ang pintig ng puso, Ang aparador, kung saan nakatago lahat ng liham na dapat basahin mo At ang kwarto, kung saan bumubuhos ang luha, na naging takbuhan ko tuwing nalulungkot ako, Sabay mahigpit na yakap sa unan nang hindi ako bitawan nito Ikaw ang susi para mabuo ang tahanan ko, Isang katok lang ang tunog na gusto kong marinig galing sayo Kung pwede lang tanggalin ang pinto na nakaharang dito Ito'y gagawin ko Isang sulyap lang kahit may harang na matataas na bakuran na nakapaligid sakin ay masaya na ako Ipaalam mo lang na hinahanap ako ng mga mata mo dahil para sayo ito Gusto ko nang ipaalam sayo, Ang mga lihim, na wala nang espasyo para ipaglagyan pa Gusto ko nang ipaalam sayo, Na ikaw ang gusto ko, sya lang ang kailangan ko Gusto ko nang ipaalam sayo, Na tunay kang mahal nito At sana'y alam mo ang lihim ko, Na gusto kong ako ang maging tahanan ng puso mo
0
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 11:08 AM UTC
Lihim na Tahanan
Sala bala ang mangimon Kapin pa pag may rason Buang na ina bala dayon Kung nagpalangga ka lang halin sa tagipusuon Adlaw2x himuon ang tanan Mabal-an lang ang kabutigan Madakpan lang nga ginaluiban Sang nobyo nga ginahalungan Kung wala gid man dapat pangimunan Ti ngaa indi gid mahimo palayuan Kung wala gid man sila Ngaa himu-himuan ka pa storya nila Kung sobra ka man sa reaksiyon Ti kay bali2x man ang rason Kung gulpi ka lang daun gadesisyon Sa ulihi ikaw pa ang kontrahon Tuod nga indi mo gid malikawan Mga tawo nga indi ka gid maintsindihan Di bala mas mayo na lang ang imunan Kis-a sa panghatag-hatag ka lang sa iban
0
Jan 17, 2016
Jan 17, 2016 at 6:18 AM UTC
Nobya Nga Maimon
may isang natutulog sa kalye walang sala, walang detalye walang makain, walang tirahan ngunit ikinulong tila'y makasalanan "mahirap maging mahirap" said ng mga matang nagpapaki-usap nang gayo'y makahanap ng pagkain sa pamilya'y maiharap at ang isa'y pinaiimbestigahan dahil umano sa ilegal na pamamaraan ng pagtulong sa kanyang nasasakupan kailan ba ito naging kasalanan? o, Pilipinas, ika'y binabantaan patagong tinatangay ang iyong kayamanan mga anak mo'y pinahihirapan sa kalagitnaan ng krisis, ika'y pinagsasamantalahan o, Pilipinas, naliligaw ang iyong landas ika'y inaapi, inaabuso nang marahas waring pinaglalaruan ang batas ng isang nag-aanyong taong hudas halika't iyong ipaglaban ang bansang ating sinilangan basagin na ang iyong katahimikan at h'wag hayaang manaig ang kasakiman pakinggan, dam'hin, at tignan h'wag ka munang lumiban sapagkat kailangan ang iyong katapangan sa umuusbong na digmaan
0
Apr 9, 2020
Apr 9, 2020 at 9:10 AM UTC
Untitled
In creature comforts of the West; I ponder.      As my heart strays eastward.            My star in the East? "If there be a God..."        He must be capable of entering men's hearts,              they in turn bear witness to human suffering. If this is so.     How can our brothers in Syria be suffering?              Why have they been forsaken? "If there be a God?"        If there be a God.            If there be a God.                               Allah? *
0
Dec 25, 2016
Dec 25, 2016 at 9:26 PM UTC
A Sala'am Alaikum
kumikinang ang mamahaling parol na nakadambana sa bintana ng mansion na nasa loob ng isang malaking subdivision. nagniningning ang patay sindi nitong kulay na umaaliw sa balana. salamat sa malaking pakinabang na kanyang kinita nang walang anomang pakundangan sa dugo at pawis ng mga abang manggagawa. nasa kanyang sala naman ang mataas na Christmas Tree habang sa paanan nito nakahandusay ang kahon-kahon na magagarbong mga regalo. malayong-malayo ito sa barung-barung ng mga nagtitiis sa siphayo ng dusa at karalitaan. ang mahabang lamesa na nasa kanyang komedor ay talagang pinagpala sapagkat nakapatong dito ang hiniwang hamon, keso de bola, spaghetti, carbonara, lasagna, ubas at ang lahat ng masasarap na pangarap ng isang batang kalye na kumakalam ang sikmura habang tinitiis ang ginaw ng Disyembre. matapos ang kanyang masaganang Noche Buena ay mauupo sya sa kanyang malambot na sofa na di halos mabilang ang libong halaga. dun n'ya iinumin nang buong pagmamalaki ang mamahaling brandy o di kaya naman ay whiskey. katabi ang kanyang pamilya sabay-sabay silang manonood ng misa habang nakatuon sa higanteng flat screen na telebisyon. ang homily ng ingleserong pari ay patungkol sa pag-ibig sa kapwa at pagbibigayan.
0
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:32 AM UTC
Ang Pasko Ng Burgis
"Make of yourself a light" said the Buddha, before he died. I think of this every morning as the east begins to tear off its many clouds of darkness, to send up the first signal-a white fan streaked with pink and violet, even green. An old man, he lay down between two sala trees, and he might have said anything, knowing it was his final hour. The light burns upward, it thickens and settles over the fields. Around him, the villagers gathered and stretched forward to listen. Even before the sun itself hangs, disattached, in the blue air, I am touched everywhere by its ocean of yellow waves. No doubt he thought of everything that had happened in his difficult life. And then I feel the sun itself as it blazes over the hills, like a million flowers on fire- clearly I'm not needed, yet I feel myself turning into something of inexplicable value. Slowly, beneath the branches, he raised his head. He looked into the faces of that frightened crowd.
0
5.1k
The Buddha's Last Instruction
I like hearing you talk about Mozart Because it means you’re listening. His piano keys are no different from mine. I like hearing you talk about Mozart. I used to play his pieces before I sleep. His arpeggio is my lullaby; His laughter, a sombre tune to which I tune My keys. There’s no denying that you like Mozart; Never mind his spending habit. I sometimes think you are Mozart. I think Beethoven was fad gone true because He was deaf to his laughter, And Schubert was too old, too young to remember How to step on the pedals While he tried his many operas On his baby grand piano. I think of Mozart in my sleep, in my dreams, On the toilet, while eating. I think of Mozart and his young son And the requiem he stood dying to finish. Mozart became a One night stand, and I am not proud of that. I majored in advertising, God knows why, and maybe Mozart had something to do with that. I factored one and two equals the sign of what digit, And maybe Mozart had something to do with that. I wrote a story once, About a starving artist; Maybe he was the force behind that. I filled my library with fiction, And fiction became a running schedule for me. Maybe Mozart had something to do with that. I’ve grown roots and sprouted horns listening to Bach; I don’t think Mozart knew that. But it was the size of the shoe that never fit me in third grade, And the roots run as deep as a well of Hope grown asunder. I knew Mozart would not like that. And it was holy. We are holy. He was holy. Mozart was holy. Mozart was holy. Mozart was holier than a cow gunned for meat turned to steak And corned beef on my breakfast sandwich. Mozart was holier than a dishwashing paste advertisement That promises oil free, squeaky clean Experience. Mozart was more than a religious façade played in the sala Of some affluent geeky teenager’s house Where no one bothers to eat the garnishing. Mozart was holier than Bach, Chopin, Stravinsky, Wagner. His flute promised a princess to remain priceless. Mozart was holier than Salieri. Mozart knew better than Salieri. Mozart played better than Salieri, And he got the better of Salieri when Antonio himself said, **** that Austrian ****** who plays, lives and howls like a show monkey. **** this court. **** this Emperor who can hardly keep together his fingers to play. **** Austria. **** Vienna. **** this era of opera played in German that hardly sells a ticket. **** this requiem and this boy, This mad man, pint sized and hardly put together like a china doll. **** this piano, and to hell with his lovers.” I saw Mozart once. He waved at me. I turned and looked away because I was listening to you talk about Mozart. And I like hearing you talk about Mozart Than Mozart talking about Himself.
0
Apr 20, 2012
Apr 20, 2012 at 6:46 PM UTC
I Like Hearing You Talk About Mozart

69
Simula sa araw na ito, Hindi na kayo pwedeng tumawa, magalit at malungkot, Hindi na kayo pwedeng makadama ng kahit ano mang emosyon, Emosyong nagpapakita ng kahirapan, kahinaan, pagkatanda at pagkapagod, Huwag kang magsasayang ng hininga sa mga letrang alam **** wala namang makakarinig, At kapag nilabag mo ang isa sa aking mga utos, Tumayo ka sa sulok, Ipikit mo ang iyong mga mata, At harapin mo ang dilim na sa iyo’y lumalamon, Patungo sa apoy ng impyerno, At kapag naramdaman mo ang init ng apoy na sayo’y sumusunog, Pinapayagan na kitang sumigaw, Sumigaw sa taas ng iyong mga baga, Palabas ng apoy na nagbabaga, Patungo sa mga tenga ng mga taong sabi mo’y iyong mga kaibigan at kakilala, Ngunit huwag kang aasa na ika’y aming sasagipin, Hindi ka namin aangatin, At mas lalong hindi ka namin ililibing, Sa mga lupaing, Pati ang mga damo ay ayaw kang tanggapin, At kung ayaw **** maging tulad ng taong iyan, Bumuo ka ng bahay, Gamit ang mga bagay na iyong natutunan, Bumuo ng bahay, Gamit ang mga bagay na naiwan ng mga mananampalataya, Ang mga mananampalataya na nagpasabog ng mga bomba, Upang ingud-ngod sa aming mga mukha, Na kami’y mga anak ng mga makasalanan, Pinanood naming maging abo ang aming mga ari- arian, Sa isang pitik ng kasinungalingan, Pinanood namin ang mga pinto, mga libro, mga litrato na masunog at madurog, Nadurog sa sunog ang lahat ng aking minamahal, pinapangarap at hinahanap, Inalis nila sa aming mga mukha ang kasiyahang panandalian lamang nadama, Tinanggal nila sa aking katawan ang pangalang minsan na sa akin ay kumilala, "Ako ay taong makasalanan, sige, eto na lang, totoo naman, kaya sapat na," At kung ayaw **** maging tulad ng taong iyan, Magtrabaho ka nang mabuti, At kapag naramdaman mo ang dugo na tumutulo mula sa iyong ulo hanggang paa, Ipunin mo ito sa isang timba, At ibuhos mo doon sa nayong nagbabaga At kapag wala ka nang malanghap kundi ang usok at ang masangsang na amoy, Hanapin mo ito sapagkat ito raw ang amoy ng mga patay na pangarap at sigaw ng mga bata, Na sabi nila, ikaw raw ang may sala, Ikaw ang may sala, taong makasalanan, Taong makasalanan, “Mahal Kita, Tutulungan Kita, Pangako, Patawad, Paalam,” --- Dagdag na utos sa paaralan: Huwag kang maniniwala sa mga salitang inuulit- ulit pa, Sa mga salita ng sumasamba sa kasinungalingan, Dahil sa oras na mabuhay ang mga patay, Hindi ikaw ang una nilang papapasukin sa pinto... --- Ang pagpapalit ng administrasyon ng paaralan: Iguhit ninyo sa inyong mga palad ang inyong mga hangad at pangarap, Gamitin ang dugo na lalabas sa tenga at mga mata, Gamiting pang pinta ang kada hibla ng iyong patay na buhok, At kapag ubos na ang likido mo sa iyong buong katawan, Ngumiti, Tumingala, Buksan ang pinto, Kasabay ang pag sabi ng mga katagang: “Ang makabagong paaralan ng mga nawawala’t hinahanap”
0
Mar 14, 2022
Mar 14, 2022 at 11:07 PM UTC
Ang Paaralan ng mga Makasalanan (2017/18)

72
Ik gal kaha. Menu 2016 to hi yakeen ja ** gea c Ki thuhade lai menu bhulna bada easy c Bcz us time jado thuhade viah di gal chali c Tuci menu ik war bi nai c dasea Nd us bhenchod nu pyar kar bethe c tuci Yaar me kade kisi hor nu pyar nai kita, na hi kade kar paya. Beshak me hor bada kuj kita. Bhawe oh kudi baji c ya nasha. Par kisi hor nu kade pyar nai kr sakea. Menu sala ehi samj nai a reha Ki me thuhanu yaad karna band kr dawa Ya ewe hi yaad krda raha Me badi try kr reha ki yaad na kara. Par is baar gal kuj hor he 2016 wich me bhul gea c u nu But etki, gaand fati hoi a meri Bus ik mar nai sakda Baki bahro kush rehna penda Kini war dekh chukea me thuhanu lal rang de choore wich Sali iko dua nikdi ki maut a jawe menu Bcz me khud mar nai sakda *** bi ro reha Yaad a ik wari, jado apa park wicho di ja rahe c Te ik munda park wich ro reha c Te me us time Keha c ki sala Kinna pagal he Munda ewe kiwe ro sakda Aj oh munde di yaad andi menu Te meri kahi gal Aj samj anda ki sala rona ki hunda Bhen di lun hoi bi meri life di Sala kite bi dil nI lagda mera I know u nu mazak hi lag reha hona Ha me kita bi mazak hi c thuhade naal Te aj usdi saza bhugat reha ha Ena jyada tadap reha ha Pata ik ta banda ro ke mann halka kr lenda Ik banda andro ronda Jeda sala andro rona, te usda mann bi halka nai hunda Bada ikha hunda Fat jandi he Rooh kamb jandi he Sala jad bi kade wife nu patiala chad ke anda Ta sad song laganda. Badi myshkil naal sad song sunan nu milde Te bus sara rasta ronda anda me Sach kaha ohi ik time hunda jad me ro sakda ha te apna mann halka karda ha Cheeka marda ha, chest te mukke marda ha Thapad tak marda ha apne aap nu Sala sochda ki isi bahane kuch dil halka ** jawe Par kithe. Nai hunda. Heena jj, menu pata ki mera *** koi hak nai reha. Par metho ik haq na khona Oh thuhanu dekhan da. Me kade life wich interfair nai krda Bus menu dekhan to na rokna kade. Me tadfna chanda ha Rona chanda ha Apni galtia krke Ameen
0
Jun 30, 2018
Jun 30, 2018 at 10:50 AM UTC
Tadpna

61
Sa minasunod na aldaw hanggang sa huring aldaw kan taon Asahan nindong yaon an Kaniguan para damayan kamo. Maguran man, bumagyo, igwang problema sa ido, naloko ka kan sarong tao o binayaan ka man kan ka-ilusyon mo. Magrani lang sako—Maimbong na kugos an mareresibe mo. Magrani lang sako—Madangog sa kun ano man pinagaagihan mo. Magrani lang sako alagad dae ko ika babasolon, pagulayan ta kun tano, sain o ano an nangyari. Yaon ako kun gusto **** barkada, tugang, ama o ina na madamay saimo, bako lang ninong ta baka dae ako makaiba. Papakolon taka kun dae mo nahihiling an sala mo, pero papaogmahon taka maski dae mo nahihiling an sala mo. Sabay tang pagulayan gabos na tama mo, pati si crush na grabe an tama saimo Magiging maogma ako sa gabos na tamang desisyon mo, maski sala an paglakaw mo magiging maogma man giraray ako, ta aram ko makakanuod ka. Mataong direksyon na pwede **** sundon kun nawawaran ka na nin pag-asa. Aram ko Bikolano ka, an Bikolan Oragon, matagas an ano, an puso saka an buot dae basta basta minasuko sa laban. Hanggang yaon kamo o maski mayo na kamo Dae kamo basta basta mawawara sa puso ko. Salamat sa pinagagihan ta kang nakaaging taon alagad salamat man giraray para sa magigin iribahan, surubahan, kulitan, urulnakan, ngirisihan istoryahan ta ngunyan na taon. Padagos an Pagkamoot!
0
Jan 1, 2018
Jan 1, 2018 at 1:16 PM UTC
Kaniguan
Sumisigaw at Sumisipa ang mga Awit at tulang Nilalabas ng iyong Daliring nanginginig. Ganito ang pag- Ikot ng mundong ito: Tuloy-tuloy lang.
0
Nov 1, 2014
Nov 1, 2014 at 8:11 AM UTC
Sala sa init, sala sa lamig
Am crying heena ji Uparo meeh pe reha uparo gaane ewe de lage hoye ne sala sab kuch yaad ayi janda te u nu apne kol na dekh ke jaan nikli ja rahi kai dina to me jaan buj ke nai c likh reha kuj but aj control nai hoea life pata nai ki ban ke reh *** he ewe lagda jiwe kuch matlb hi nai he is life da office jao, ghar aao. Ghar wali naal bi dil ni krda chal nal gal karan da even oh bi ro lai, ki tuci menu pyar nai krde oh is krke roi ki usnu lagda kite me chad na dawa us nu thuhade krde usnu thuhade to bada dar lagda he thuhade naam to bada dar lagda he but me fas gea ha parso sari raat roi gea me. ghar wali us time so rahi c menu pata oh raat kiwe langi meri *** koi value hi nai rakhda *** bilkul dil nai krda sala mausam ewe da ban gea ki rona a gea Thuhade husband nal dekhea c u nu. Soh lage, maran da dil kar reha c. dil kr reha c ki gaddi mara kite le jake fer tuci 7 phase wali market chale gaye uthe tuci mehndi lagwai te me uthi wait kr reha c thuhadi sach kaha me has jarur reha c but andro ro reha c thuhanu dikhana nai c chanda ki me thuhanu dekh lea he menu nai pata ki tuci menu dekhea ya nai but mera koi motive nai c apni shakal dikhan da thuhanu Le lao badle heena ji chup reh ke jeena bada okha he me bi dekhda ha kinni der chup beth sakde ** tuci kinni patients he thuhade wich me bi dekha.
0
May 8, 2018
May 8, 2018 at 5:57 AM UTC
Barish
Sa maling akala, Doon tayo nawala, Na parang isang bula, Sa isang hinala, Na hindi ako yung may sala, Pero yun ang pinaniwalaan mo, Kaya tayo gumuho, Unting unti na naglalaho, Ang mga pinagsamahan natin, Hayaan mo at ako na ang aangkin, Para matapos ang sakit na iyong naramdaman, Huwag ka ng magalala sakin paglisan, Dahil ang puso ito’y di ka naman iniwan, Kahit anong oras ikaw pa rin.
0
Nov 25, 2017
Nov 25, 2017 at 10:58 PM UTC
Patawad
El corazón y su redoble iracundo el obscuro caballo de la sangre caballo ciego caballo desbocado el carrousel nocturno la noria del terror el grito contra el muro y la centella rota Camino andado                             Camino desandado El cuerpo a cuerpo con un pensamiento afilado la pena que interrogo cada día y no responde la pena que no se aparta y cada noche me despierta la pena sin tamaño y sin nombre el alfiler y el párpado traspasado el párpado del día mal vivido la hora manchada la ternura escupida la risa loca y la puta mentira la soledad y el mundo Camino andado                             camino desandado El coso de la sangre y la pica y la rechifla el sol sobre la herida sobre las aguas muertas el astro hirsuto la rabia y su acidez recomida el pensamiento que se oxida y la escritura gangrenada el alba desvivida y el día amordazado la noche cavilada y su hueso roído el horror siempre nuevo y siempre repetido Camino andado                             camino desandado El vaso de agua la pastilla la lengua de estaño el hormiguero en pleno sueño cascada negra de la sangre cascada pétrea de la noche el peso bruto de la nada zumbido de motores en la ciudad inmensa lejos cerca lejos en el suburbio de mi oreja aparición del metro cojo el puente roto y el ahogado Camino andado                             camino desandado El pensamiento circular y el círculo de familia ¿qué hice qué hiciste qué hemos hecho? el laberinto de la culpa sin culpa el espejo que acusa y el silencio que se gangrena el día estéril la noche estéril el dolor estéril la soledad promiscua el mundo despoblado la sala de espera en donde ya no hay nadie Camino andado y desandado la vida se ha ido sin volver el rostro.
0
2.6k
Repeticiones

50
lahat daw ay pantay-pantay sabi ng mga balatkayong nakaupo sa silya ng salapi, ngunit naguguluhan itong batang isipan, lahat pa ba ng ating gawa ay pantay sa mata ng Maykapal. biyayang ipinagkaloob Nya sa atin, biyayang unti-unting nasisira, puso'y lumuluha sa nakikita; ang may sala, yaong Kanyang kawangis. Kanyang 'kawangis' pa ba kung isalita? kung mga gawa na abot langit ang pinagkaiba.
0
Feb 11, 2019
Feb 11, 2019 at 8:43 AM UTC
save the earth