Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"saksak" poems
Sa dami ng saksak na aking inabot Wag ka ng magtaka kung bakit madami akong hugot
0
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 9:51 AM UTC
Hugot
Madami na akong nabasang libro Ngunit ikaw parin ang hinahanap kong kwento na nais balik balikan Na hindi magsasawang basahin muli Mga pahinang ikaw lamang nagbigay sa mga labi ko ng ngiti. Bawat kabanata nitong libro bawat pagbasa ko ng mga pahina, pinapangiti mo ako muli, Na para bang andiyan ka lang sa aking tabi. Pinapa ulan mo ang aking mga mata tuwing.... binabasa ko ang kahapon. doon ko lang natuklasan na kaya ko palang magmahal ng tapat sa mundong ibabaw na puro kalokohan lang ang inaatupag ko. Hindi ka ba masaya? Na binabalik balikan ko ang  hindi makatotohanang kwento, Na hanggang pahina at kabanata nalamang sila magiging totoo. Masakit, pero kailangan natin tanggapin, ako, ako lang pala, ika'y lumisan na Napunta ka na sa ibang pahina Ako, ako andito pa Iniwan mo sa alaala nating dalawa Pwede ba magsabi ng totoo? Kahit na sobrang gulo, sasabihin ko sayo Ikaw ang nag-iisang tahanan ng naliligaw kong pagkatao. Etong mga pahina... nagiwan ng bakas sa puso kong bukas Na inalay ko sayo gamit pa ang aking mga kamay na kitang kita ang bakas, Bakas ng kahapon na sinaktan ako Sinugatan ako ng taong minahal ko Na pinalitan lamang ng saksak sa puso. Itong mga pahina't kabanata Na nagpapakita Na mahal parin kita Subalit nasa ibang libro ka na. Alam kong tapos na Wala nang tyansa Kaya't ibabalik nalamang kita Sa aking istante Na madaling hanapin Kapag nais ko muling basahin Ang kahapon na sinulat natin. Mga pahinang babalik balikan, Mga kabanatang hindi makakalimutan, Librong tayong dalawa na ako nalamang Ang gagawa ng paraan para protektahan
0
Mar 20, 2020
Mar 20, 2020 at 12:50 AM UTC
Mga pahina

Continue reading...
39
Lumaki ako na sanay sa mga larong pambata, Yung mga tipo ng laro na kapag nalalaro ko ay sobra akong sumasaya, Yung mga tagu-taguan,  habol-habulan,  agawan base at marami pang iba. pero habang tumatagal,  hindi na ako nagiging masaya pa. Ang dating saya ay napalitan ng sakit. Ang dating mga ngiting kay tamis ay napalitan ng mga ngiting kay pait. Ang dating mga tawa sa mukha ay napalitan ng simangot, Ang dating mala anghel na boses ay nabahiran ng galit at poot. Nagsimula lahat yan nung minahal kita, Simula nung minahal kita,  sineryoso ko lahat. Pero ikaw ginawa mo lang laro lahat ng yon. Teka lang ah, pero ang pagmamahal kasi hindi isang laro. Hindi isang laro na parang habol-habulan, Na kung san sa simula nag eenjoy ka pa, Pero pag pagod ka na sasabihin mo "taympers muna" Pero yung taympers na yon, mauuwi sa "pagod na ko,  ayoko na" At hindi rin ito parang isang agawan base, na kung saan onting layo mo lang sakin,  may iba nang susungkit sayo, O kaya,  yung kahit anong higpit ng hawak ko sayo, Ikaw yung kusang nagpapahatak mapunta lang sa kabilang grupo. Hindi rin ito parang isang tagu-taguan, Na pagkabilang kong tatlo,  nakatago ka na. Nakatago ka na, at may kasamang iba. Isa,  dalawa,  tatlo, anjan ka lang pala sa likod ko, hawak ang kamay niya Para lang sabihin na, "salamat sa lahat,  pero pasensya na may mahal akong iba" Mas lalong hindi toh isang pantintero, Na sa kabila ng lahat ng paghihirap ko para mapasakin ka, May nag iintay na pala sayo sa kabilang banda. Edi bale wala din yung pinaghirapan ko. Siguro, para sayo,  isa itong langit lupa. Saksak puso tuluan dugo, wala kang pakialam kung gano mo nasaktan yung puso ko, Basta sabi mo, "pwede umalis ka na sa pwesto mo sa puso ko, kasi may pumalit na sayo" Yung pagmamahal ginawa **** laro, Ako yung naging lata sa tumbang preso,   na tinamaan dahil sayo,  pero hindi mo man lang tinayo. Ako yung tipong nilaktawan mo sa luksong baka, para lang makapunta sa iba. Wala eh,  yung pagmamahal ko sayo,  ginawa mo lang lahat na isang biro at laro. Pero kahit papano hinihiling ko na sana isang mobile game nalang ako, Para naman kahit papano,  mahalin at seryosohin mo rin ako.
0
Nov 24, 2018
Nov 24, 2018 at 6:00 PM UTC
"LARO"

38
#120915 Hindi ko magawang itikom ang bibig *Iniibig kita, pero inibig **** ako'y saktan.* *Inibig **** ako'y paglaruan,* Na tila baga tayo'y nagtatagu-taguan. Hindi na tayo bata, Na kapag ayaw mo na, Itatapon mo na lang ang lahat. Na kapag pagod ka na, Mamamahinga ka na't Tila ba wala nang pakialamanan. Sabi mo, di ka katulad ng iba Na pupuwede akong magtiwala sayo. Ako'y nagpatuklaw sa isang ahas, at lason siyang pag-ibig mo. Tanong ko: minahal mo nga ba? Tanong ko: sineryoso mo rin ba? Sa dinami-raming tulang kinatha, Damdamin ko'y nauubusan na ng salita, Tila hinigop mo na lahat ng kataga, Yung kahit sarili ko'y nakaligtaan na. Bakit nga ba? Kung sino pang tunay na nagmamahal, Siya pang naiiwan sa ere, Na tila baga walang gasolina ang nag-angkas sa kanya Yung parang walang destinasyon, Yung ibabagsak na lang. Ayoko nang sumakay, Pagkat nakamamatay.
0
Dec 9, 2015
Dec 9, 2015 at 8:17 AM UTC
Saksak-puso sa Eroplano
Kung awa na lang pala Sana umalis ka na Sana kaya **** sabihin Pakiusap, wag mo nang pigilin Saktan mo na ang aking damdamin Wag mo nang patagalin Wag mo nang dahan-dahanin Tapusin na ang dapat tapusin Ang paalam ay sambitin Ang lubid ay putulin Giliw, kung ako ay papatayin Sa isang saksak na lang rin Kung wala nang pagmamahal Bakit mo pa pinatagal? Pinagmukha mo pa akong hangal Putanginang gagong kupal Kung awa na lang pala Utang na loob! Umalis ka na Ika'y aking pagbubuksan pa Ihahatid pa kita Ngunit... Wala na ba talaga? Sigurado ka ba... Na awa na lang ang natitira? Kung awa na lang talaga.. Baka pwedeng ako'y kaawaan pa Hanggang sa ako'y mahalin ulit..
0
Jun 3, 2017
Jun 3, 2017 at 3:14 AM UTC
Awa na lang pala
50 At masayang nagpaalam ang dalaga Sa nag-iisang pauwi na binata 51 Pag-aalala ay ‘di maiwasan Agimat inihandog ng babaeng kasintahan 52 At sa kanyang daan pauwi Panibagong halimaw sumalakay muli 53 Ito naman ay sa itaas nagmula Isang bulalakaw na hugis dalaga 54 Sa lalaking si Birio’y dahan-dahang lumapit Dumampi sa lalaki ang katawang mainit 55 Wari’y nang-aakit ang kakaibang nilalang Subalit sa pagnanasa’y si Birio’y humadlang 56 At sa isang saksak ng espada Bulalakaw naglahong parang bula. -07/18/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:00 PM UTC
Alabir 8 -Ang Babaeng Bulalakaw-