Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Glen Castillo Jul 2018
Umaga na pala,
Subalit tila umpisa pa lang ito ng dilim
Dito sa bayan kong nasa sinapupunan ng mga sakim
Pagpagan ang mga baro't saya habang hawak ang sedula
Nilang mga uhaw sa tronong ipinangako sa kanila

Naluklok na bagong puno,sa pagdaka’y nagpaulan
Ng mga balang hindi man tingga ay tumatagos sa kaibuturan
Sa dati niyang ka giyera na s'yang mga tunay na anak ng bayan
Iginapos sila’t ipiniit sa sandipang karapatan

Yaong mga bago niyang kawal ay matatayog pa sa kalabaw
‘Pagkat kasama niyang magkakamal ng salaping umaapaw
Mag kaka-ututang labi ay iisa ang kaliskis at balagat
Sila na mag kaibigang dila at ngipin sa pilak din mag-papangagat

Habang ang mga dating sadyang tapat sa gampanin
Ay mistulang mga bayani na lang sa hangin
Ang pagka dalisay nila sa maka-kapwang  tungkulin
Parang sa tubig na isulat at hindi na basahin

Kawawang Sta. Teresita bayan kong dinusta
Ng mga ganid sa kapangyarihan at mapang-alipusta
Akong anak mo’y nasa daluyong ng kapanglawan
Kabiyak mo sa balsang itinali sa nagluluksang pampang

Kawawang Sta. Teresita ginahasa ng mga mapag-samantala
Hinubaran ng dangal at piniringan ng telang mapula pa sa pula
Binusalan ang bibig hanggang sigaw mo’y hindi na marinig
Mga araw mo ngayo’y mamumugto sa haharapin **** pag-liligalig

Tahan na Sta. Teresita,Tahan na,
Bayan kong sakdal iniibig
Matatapos din ang sigwa,
Tutulay muli ang lunday sa sapa.




© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved.
Mahal kong Bayan ng Sta. Teresita sa kasalukuyang panahon
7/31/2018
JK Cabresos Oct 2011
Sakdal-lungkot ang mga anak Mo, Inang Bayan;
Sinakop na, pinaslang pa'ng mumunti **** katarungan.
Humiyaw Ka! Hanggang sa rurok ng sukbo't hinanakit—
At sa pagbubukang-liwayway, pag-asa sana'y Iyong makamit:

Utak ang puhunan sa di-maarok na mga pag-alsa, kahapon;
Ni hindi nabatid ang mga luha't pawis ang sa mukha'y nangaipon,
Sa gunita na lamang ba mabubungkal natin ang mga nangagdaan?
Kung ang mga salitang sa pluma't papel nalikha'y hindi napangalagaan—

Sa paglalakbay Mo, Pilipinas, sa lansangang walang hanggan,
Sana maya't maya'y lilipad ka rin muli sa abang kalawakan;
Humiyaw Ka! Hanggang sa rurok ng sukbo't hinanakit—
At sa pagbubukang-liwayway, pag-asa sana'y Iyong makamit:

Pagkukunwari ma'y ni 'di Mo maitatago sa oras ng Iyong pagkabalisa,
Sagwil sa bawat pikit-matang kaligayahan ang s'yang Iyong natamasa.
Samakat'wid — habang buhay pa si Rizal ngayon ay 'wag nating itatakwil
'Pagkat tayo'y paunti-unting nakakahinga dahil sa kanyang pluma't papel.
© 2011
090716

Sa gunita na lamang ba mabubungkal ang mga nangagdaan?
Pagkat sakdal-lungkot at sisi ang mga anak Mo, Inang Bayan.
Inalipusta’t pinaslang pa, ang mumunti **** katarungan!

Maglakbay ka sa lansangang walang hanggan
Lilipad ka rin sa alapaaap at abang kalawakan.
Humiyak Ka hanggang sa rurok ng sukbo’t hinanakit
Siyang lunas na mabisa sa dusa’t himutok na pasakit.

Itaas Mo ang ang noong aliwalas,
Taglayin ang silahis ng dunong at sining;
Kumilos nang may pagbubuntong hininga’t Iyong lagutin
Ang gapos ng Iyong diwa’t kumukulog na damdamin.

Sagwil sa bawat pikit-matang kaligayahan
Ang natamasa **** pagkabalisa
Buhat sa kurtinang manlulupig ng Liwanag.
Buhay pa si Rizal at hindi Ka itatakwil
Tayo’y hihinga pa’t hahabi sa pluma’t papel.
solEmn oaSis Dec 2015
nagmula sa lupa
magbabalik ng kusa
Di ko magagawa ang
kaaya-ayang nakalipas
" kung walang nakikitang "
mga tamang nagsisi-alpas
hindi ito isang panaginip
ito'y bunga ng pagkainip
Hindi pa sana ako maghahanap sa iyo
ngunit "SILWETA", pumasok ka sa isip ko
sa puso ko, ikaw nga ay aking pinagbuksan
"tuloy po kayo? taka!" bagamat nag-alinlangan*
aking pag-iisa'y naibsan
sa ganda ng nakapaligid
di ko alintana nilalakaran
sa liwanag,ako'y nakapinid
samantalang hawak-kamay
diwa at puso ko'y marilag
kaibigan kang sakdal-dilag
nawa'y muli kang makalakbay !*


© copyright 2015 - All Rights Reserved
hindi lahat ng krus may nakapako,,,
dahil ang tutoo,may nakapa 'ko....
sa liwanag at hindi sa dilim!
at magpa-hanggang ngayon
magka-dikit etong mga binti
habang may sinasalo sa likod
ang aking dalawang kamay!!
Jun Lit Mar 2019
Hinahanap kita, Kaibigan . . .
Tinatawagan kita, Kapatid . . .
Sabay tayong nanghiram ng aklat,
sa Aklatan ng Pag-asa,
Kaya’t sakdal-pait nang nabalitaan ko
ang talaan ng buhay mo’y binawi na
Pilit pinapawi
Ng paroo’t paritong mga alon
at ihip ng hangin
Ang mga impit naming pahatid
Na iniukit
Ng mga palihim na hikbi
Sa tila natutulog na buhanginan
Sa dalampasigan
Ng ‘yong puso. Namamahinga ka na ba
aming Kasama?

Hindi mawawala
ang iyong pangalan
sa harap ng pinid na pintuan
Ng kani-kanina lang
Ay dambana
Ng iyong tila hindi nangangalay na panulat
At tabernakulo
Ng namimitig na mga binti
Ng nagtalumpating tinig.

Namamahinga ka na kapatid.
Ngunit hindi mapipipi ang batingaw
Na kahapon, ngayon at bukas ay magtatawag
Ng mga kapanalig,
Pagmamahal sa kapwa, sa bayan, sa kalikasan, sa daigdig.

Sumisilip na ang araw.
Mamamaalam na ang mga tala.
Patuloy na nagliliwanag ang bituing
Ikaw, oo, ikaw, maningning.

Hihimlay kang tahimik
sa puntod at bantayog
ng mga hindi namin malilimutang
Paninindigan. Pahayag. Panawagan. Paala-ala.
dahil sa isip at puso namin, isang Bayani ka
at maraming salamat na ikaw ay nakilala
at aming nakasama.
para kay Dr. Perry S. Ong, Oktubre 2, 1960-Marso 2, 2019;
Bayani ng Laksambuhay at Agham sa Pilipinas
[This poem is dedicated to Dr. Perry S. Ong, Dean of the College of Science, University of the Philippines Diliman and the most prominent leader of the conservation movement in the Philippines until his untimely demise.].
solEmn oaSis Mar 2022
Malamyos,Mabini Ni-walang Hampas
Hindi Habagat O Amihan Ang Siyang Dumadampi
Bagkos Masuyong Hinahaplos Ng Alimuom
Ang Nagdadalamhating ilog ng kalaliman.
samantala may ibig ipabatid Ang liwanag ng sinag
mula sa bibig ng Mahiwagang bilog na buwan...
at ang wika "ikaw at ang repleksyon ko sa ibabaw mo
Maging Sa Karagatan Na Iyong Pinapakitungohan
Ay Naroroon Ako Sa Tuwinang Nakatakda Ang Aking Pag-agapay.
Sa Kabilang Banda,di Man Dalawin Ng Antok Ang Haring Araw
Mismong Mga Ulap Ng Alapaap Ang Magkukubli Sa Silaw.
Magbibigay Lilim Sa Walang Silong **** Kalagayan.
Umaaraw Umuulan,umaapaw O Lilit Ang Lulan

Nasasamsam Man Ang Ilan Sa Mga Taglay **** Nilalaman,
Kailan man Ang Paraluman **** inaangkin Ay Di Makakamkam !
Nagdaramdam Ang Matabang Kalupaan Kapag Ito Ay Tigang
Sapagkat Kapos Sa Pakikiramay Na Taos.
Hiyang Lamang Sa Kapatagan Ng Paratang At Pakinabang...
Lupang Hinirang Minsan Nang Nalinlang Talang Makinang,
Na Sinagisag Ang Kalasag At Baluti Ng Banyaga..
Sa Ngayon Pahupa Na Ang Tubig Sa Ilog
Sukdol Nga Ba O Sakdal
Kung Dumatal At Kumintal
Ang Alimpuyo't Tagtuyot
Sa Panahon Ng Tagdahon

At Sa Di Kalayoan
Akin Ngang Naulinigan
Ang Payo Ng Dayo Sa Bulwagan
Kung Saan Ang Aking Katayoan
Nagugulumihanan Sa Kanyang Pinamagitan...
Ito Ay Kung Ano Din Po Yung Aking Pinamagatan !!!
biyayang hangin man ay di nakikita
sa tulong ng tinta ito ay kayang ipinta
Glen Castillo May 2020
Hindi kalayuan ang mga bituin
Kung ito’y sagad na susumahin
Di hamak na mas mahirap marating
Ang pusong hinding hindi mo ma-angkin

Hindi kalayuan ang pangarap
Kung ito’y sakdal nasang makaharap
Di hamak na mas malayo ang agwat
Ng dalawang pusong di magka sabwat

Pangarap kong maisulat kita sa aking mga tula
Pangarap ko ring maisulat mo ako sa iyong mga akda
Sana’y sing dali tayong maglapit at maglapat
Na tulad ng mga papel at kanyang panulat.


© 2020 Glen Castillo
All Rights Reserved
Sa kabilang dako ng mundo ay nakaharap ko ang manunulat na katulad ko.
solEmn oaSis Sep 14
Ganito Ang talento ng tinaguriang gagamba,
Ang Sabi ng iba Sila ay kakaiba
dahil nga sadyang
Ganyan Sila kahit
Hindi nasa manila.
Nag - aabang lang ng bibisita
Kahit nga ba bibihira
Ang may maggala
ay tiyak maaantala
Kapag napadpad sa animo'y ala bang tahanan na tahasang walang hagdan
Ngunit kabit-kabit eh
Ang kawit ng madidikit na bahagdan ng bawat hiblang malagu na.
Ni Ang hari ng kagubatan ay di siya nais magambala

Malaglag man sa Muntinlupa
Kagyat Silang ia-Angat Dami man ng hadlang,
tutulay lamang
Ang gagamba gamit Ang
sapot at mga galamay...
Ganon pa man Bigte man Ang  pagtanaw ng Leon at tigre sa maliit na nilalang ...
Naka- Tungko lamang Ang kanilang matalim na pangil at angil
pagkat sa loob-loob nitong mababangis at hayok sa laman
ay mapag aalaman---
Ano nga naman
Ang kanilang mahihita
na Karne sa naglalambiting mga galamay
Wika nga sa payo ng dayo
Tinawag Silang Gagamba
sapagkat Ang sino Mang tao
sa kanya'y gagambala
Walang dudang mapapatingala
muna bago yumuko

Mabuti pa daw Ang mangilag
na Lang Sila sa maliliit na nilalang
O di kaya'y maige pa mangilog at magbaka sakali dun sa may Sapang Palay magawi at nang mapawi Ang Kalam at uhaw sa may kawayan .

Sabi naman ng iilan mabuti pa Ang dalanghita mula pa sa pagkabubot nito Hanggang sa maubod na nga sa pagkahinog ay masasabi na talaga namang may asim pa .
Lalo na para sa mga nagda
dalang-tao na minamatamis
ang pangangasim ay iyon ang prutas na ipanlulutas sa kanilang pananaghili .

Sa madaling salita
Ang magaling na Balita
Kakailanganin pa Ang pakpak
Kahit pa mag taingang-
kawali Ang lupa...
Dahil Ang tinutukoy ko sa aking pamagat ay walang iba kundi Ako !
At Ang munting Gagamba Ang siyang maituturing Kong Dambuhala

Kaya nga Ang paniniwalang imbes
trabaho Ang siyang lalapit sa akin...
Yaong mga sapot na bahay Ang
siyang dapat Kong hagilapin...
Kasi nga Ang mga spider web kung tawagin sa ingles...
Ay Ang siyang Lunas na walang dahas upang maging Isa sa kanila !
Silang mga empleyado na dati rin namang Isang sawi
Hanggang Ang mga hain na pain
sa magiging bitag na hayag
ay may kaakibat na kabalikat
Upang mapagtagumpayan Ang mapusok na pagsubok...
Nang sa gayon ay matupad Ang layon niya sa kaniyang mga kanayon na ...
Maging Isang sakdal
sa pagiging kambal
ng papremyo at Tropeyo !
Habang ninamnam
nang mainam
Ang pakiramdam
ng Isang uhaw at Kalam
kahit lumabag pang magpaalam
sa lahat ng nais niyang mahiram
...ay daglian namang mapaparam
Itong Nag-Alab Kong liyab
Mula pa sa dating pasaring
Hanggang mahirang
na Isang....
wagi

— The End —