Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Karapatang Ari 2016
WMSU MABUHAY ESU
DONWARD CAÑETE GOMEZ BUGHAW


Kung isa-isahin ang nangakaraan
Simula no'ng ika'y aking niligawan
Hanggang sa dumating ating hiwalayan,
Maikuk'wento ko ng walang alangan.

Unang kita palang, napaibig ako
Sa isang babae at Nimfang tulad mo;
Puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
Siguro'y pakana ito ni Kupido.

Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?"
Ako'y napatigil nang dahil sa gulat
Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap,
Aking itinugon isang tango't kindat.

Nang ako'y lumabas na sa isang silid
Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit;
Ako ay nalumbay sa nasahing pilit
Ano't ang tadhana ay nagmamalupit.

Gusto ko pa namang ika'y makilala
Paanong nangyari't agad kang nawala,
Hindi tuloy kita natanong o sinta
Sa iyong pangalan na pang-engkantada.

Aking inusisa ang aking sarili:
"May pag-asa pa bang makita kang muli?
May tadhana kayang magtatagpo uli
Sa ating dalawa kahit na sandali?"

Hanggang isang araw, nang aking makita
Iyong kaibigang naglakad mag-isa
Agad kong tinanong kung ika'y nagsimba
Marahan n'yang sagot nasa tuluyan ka.

Pagkatapos niyon tinanong ko na s'ya
Sa iyong pangalan na may pagkad'yosa
Agaran niyang sagot, "Devina Mindaña,
Ang buong pangalan ng aking kasama.

Nagpatuloy kami sa pagkuk'wentuhan
Habang naglalakad sa tabi ng daan
Hanggang sa dumating ang aming usapan
Sa punto na ako ay kanyang mabuk'han.

Diretsahang tanong ay 'may gusto ka ba,
Sa kaibigan kong nanuot sa ganda?'
Sagot ko'y mistula isang tugong parsa,
Naging dahilan ko'y, 'Naku, wala! Wala!'

Imbis na makuha, siya ay natawa
At nang tanungin ko'y naging sagot niya:
"Subukan mo nalang ang ligawan siya
At baka maantig, batong puso niya.

Ni minsan ay hindi siya nagkaroon
ng isang siyota, pagkat umaambon
ang pangarap niyang gustong maisulong
ang makapagtapos at ang makaahon."

Pagkasabi niyon, ako ay nangusap:
"Diyata't parehas kami ng pangarap,
Kapwa puso namin ay nangangagliyab
Sa iisang nais na para sa bukas."

Nagpatuloy kami sa aming usapan
Hanggang sa tuluyang siya'y namaalam.
"Ako'y ikumusta sa 'yong kaibigan,"
Wika ko nang siya'y tumawid sa daan.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad
Hanggang sa marating ang nagliliwanag
nating pamantasang nagtatahang huwad
ng dunong at puring nanahanang likas.

Nagdaan ang gabi't umaga na naman
Pagsulat ng tula'y aking sinimulan,
Yaong tulang handog sayo kamahalan
Nitong si Balagtas, Donward ang pangalan.

Ang iyong pangalan ang naiititik
Niyong aking plumang espadang matulis;
Ang tinta ay dugong may hinalong pawis
Nitong aking huli't wagas na pag-ibig.

Ngunit sa kabila, niyong aking katha
Aking nalimutan ang lahat ng bigla
Maging pangalan mo, sintang minumutya
Kung kaya't nagtanong uli ang makata.

"Siya ang babaeng aking naibigan,"
Pagkukuwento ko kay Jesang huwaran
Nang ika'y nakitang naglakad sa daan
Kasama ang dal'wa mo pang kaibigan.

At nang naguluha'y aking itinuro,
Pagkatapos niyo'y siyang aking sugo;
Si Jesang huwaran ay parang kabayo,
Ika'y sinalubong ng lakarang-takbo.

Agad kang tinanong sa iyong pangalan
Katulad ng aking naging kautusan.
Nang ika'y tawagin -- o kay saklap naman
Di mo man lang ako nagawang balingan.

Nang aking tanungin si Jesang huwaran,
Nang siya'y nagbalik sa pinanggalingan,
Kung ano ang iyong tunay na pangalan:
"Devina Mindaña," kanyang kasagutan.

Hindi lumalao't hindi nakayanan
Ng puso kong ito, ang manahimik lang;
Kaya't nagsimulang ikaw ay sabayan,
Kahit hindi pa man kilalang lubusan.

Ewan ko kung bakit ako'y tinarayan,
Gusto kong magtanong, pero di na lamang;
Sa sungit mo kasi'y baka lang talikdan
At bago aalis ay iyong duraan.

Subalit, lumipas ilang linggo't buwan
Tayo'y nagkasundo't nagkausap minsan;
Insidenteng iyo'y di ko malimutan,
Malamyos **** tinig, aking napakinggan.

Nang ako'y tanungin sa aking pangalan,
Sa telepono ko'y sagot ay Superman;
At nang mukhang galit, agad sinabihang,
"Huwag kang magalit, ika'y biniro lang."

Agad kong sinabi ang aking pangalan
Baka tuloy ako'y iyong mabulyawan:
"Si Donward po ito," sabi kong marahan,
Pagpapakilala sa 'king katauhan.

Patuloy ang takbo ng ating kuwento,
Ang lahat ng iyo'y aking naging sulo,
Sa papasukin kong isang labirinto;
Sa isang kastilyong nasa iyong puso.

Hanggang isang gabi, mayroong sayawan,
Napuno ng tao ang gitnang bulwagan;
Ang aking sarili'y hindi napigilan
Na ika'y hanapi't maisayaw man lang.

Ngunit ng matunto'y hindi nakaasta,
Ang aking nasahin ay naglahong bigla;
Imbis na lapita't dalhin ka sa gitna,
Ay hindi na lama't ako'y nababakla.

Aking aaminin ang kadahilanan,
Takot na talaga ang pusong iniwan
Na baka lang uli't ito ay masaktan
Tulad ng sa aking naging kasaysayan.

Kaya't hindi ako nagpadalos-dalos
At baka pa tuloy yaon ay mapaltos;
Ang mabulilyaso'y mahirap na unos
Nitong aking pusong may panimding lubos.

Akin pang naitanong sa isang pinsan mo
K'wento ng pag-ibig na tungkol sa iyo
At kung maaaring ikaw ay masuyo,
Naging tugon niya'y: 'Ewan ko! Ewan ko!'

"Huwag ikagalit kung ika'y tanungin,"
Sabi ng pinsan **** maalam tumingin
Di sa kanyang mata na nakakatingin,
(Kung hindi'y sa kanyang talas na loobin).

Aking naging tugon doon sa kausap,
Yaong binibining aking nakaharap:
"Hindi magagalit itong nakatapat
Hangga't ang puso ko'y hindi nagkasugat.

Pagkatapos niyo'y kanya ng sinabi
Ang ibig itanong na nangagsumagi
Sa kanyang isipang lubhang mapanuri,
Ang kanyang hinala ay ibinahagi.

"Ikaw ba'y may gusto sa kanya na lihim?
Huwag **** itago't ng hindi lusawin
Ang laman ng puso at iyong pagtingin
Ng iyong ugaling, pagkasinungaling!"

Pagkatapos niyo'y agad kong sinagot
Tanong niyang sadyang nakakapanubok
At ipinagtapat yaong aking loob
Ng walang alanga't maski pagkatakot.

"Ako nga'y may gusto sa kanya na lihim,
Subalit paanong siya'y maging akin
Gayung tingin pala'y akin ng sapitin,
Ang lumbay, ang hapdi't kabiguan man din?"

"Di ko masasagot ang 'yong katanungan,"
Naging tugon niyong butihin **** pinsan,
"Tanging payo ko lang ay pahalagahan,
Huwag pabayaa't siya ay igalang."

Aking isinunod nang kami'y matapos
Ay ang iyong ateng wari d'yosang Venus;
Agad kong sinabi habang napalunok
Yaong aking pakay at nang s'ya'y masubok.

Imbis na tugunin yaong aking pakay,
Ako'y di pinansin kung kaya't nangalay
Dalawa kong mata sa kanilaynilay
Ako'y nanghihina't puso'y nanlupaypay.

Aking iniisip sa tuwi-tuwina
Ay ang pangalan mo, mahal kong Devina;
At ang hinihiling sa bantay kong tala,
Hihinting pag-asang makapiling kita.

Kaya't hindi ako nakapagpipigil,
Iyong aking loob na nanghihilahil
Aking inihayag sayo aking giliw
Ng walang palaman at maski kasaliw.

Tandang tanda ko pa no'ng makasabay ka
Papuntang simbaha'y sinusuyo kita
Hanggang sa pagpasok ako'y sumasama
Kahit hindi alam ang gagawin sinta.

Bago nagsimula ang misa mahal ko,
Ang aking larawa'y iniabot sayo;
May sulat sa likod, sana'y nabasa mo,
Yaong pangungusap ay mula sa puso.

Di kita nakitang ako ay nilingon,
Sapagkat atens'yo'y naroong natuon
Sa isang lalaking pumasok na roon,
At sayo'y tumabi hanggang sa humapon.

At nang nagsimula'y umalis na ako,
Pagkat ako itong walang sinasanto;
Baka tuloy ako magsasang-demonyo
Sa aking nakitang katuwaan ninyo.

Hindi ko malaman kung bakit sumakit,
Nanibugho ako, ano't iyo'y salik?;
Ano nga ba ito't tila naninikip?
Lintik na pag-ibig, puso ko'y napunit!

Napaisip ako habang naglalakad
Hanggang sa isip ko'y nagkakaliwanag;
'Manibugho sayo'y hindi nararapat,'
Napatungo ako sa sariling habag.

Ilang saglit pa at akin ng pinahid
Luhang sumalimbay sa pisnging makinis
At saka nangusap ng pagkamasakit:
"Wag kang mag-alala't di ko ipipilit."

"Itong pag-ibig kong nagniningas apoy,
Nasisiguro kong hindi magluluoy;
Ngunit, kung hindi mo bayaang tumuloy,
Mas mabuti pa ang puso ko'y itaboy!"

Nang ako'y magbalik doon sa simbahan,
Sa dami ng tao'y di kita nasilayan;
Ngunit, nang tanawin sa kinauup'an,
Naroong Devina't kinaiinisan.

Nanatili ako't hindi na umalis,
Di tulad kaninang lumabas sa inis;
Ako'y umupo na at nakikisiksik,
Kahit patapos na ang misang di ibig.

Hindi ko nga ibig, pagmimisang iyon
At maging pagsamba't gano'ng pagtitipon;
Pagtayo't pagluhod di ko tinutugon,
Pagkat ako itong walang panginoon.

Araw ay lumipas mula ng masuyo,
Ika'y sinubuka't nang hindi malugo
Itong aking pusong namalaging bigo
Sa loob ng dibdib, namugang tibo.

Iyong naging tugon ay nakakapaso,
Masakit isipi't maging ipupuso;
Yaong tumatama'y animoy palaso,
Narok sa dibdib, sugat aking tamo!

Sa kabila niyo'y di pa rin sumuko,
Tanging ikaw pa rin ang pinipintuho;
Kaya't wag isiping ito'y isang laro,
Pag-ibig kong ito'y hindi isang biro.

Hanggang sa dumating gabing aking asam,
Sa lilim ng mangga, bago ang sayawan
Ay iyong inamin ang nararamdaman,
Ating tagpong iyo'y di malilimutan.

Ipinagtapat mo na ika'y may gusto,
Ngunit di matugon itong aking puso,
Sapagkat ikaw ay mayroon ng nobyo
Di mo kayang iwa't ayaw **** manloko.

Aking naging tugon sa iyong sinabi,
Ay handang maghintay at mamamalagi
Hanggang sa panahong ikaw ay mahuli,
Makita't malamang di na nakatali.

Sa mukha'y nakita, matamis na ngiti
Niyong Mona Lisang, pinta ni Da Vinci;
Ako'y natigilan ilan pang sandali,
Nang aking matanaw, gandang natatangi.

Bago pa nag-umpisa'y pumasok na tayo,
Sa hinaraya kong dakilang palasyo,
At sa lilingkuran tayo ay naupo,
Niyong maliwanag, loob ng himnasyo.

At nang magsimulang musika'y tumugtog,
Ika'y namaalam at para dumulog
doon sa bulwaga't makikitatsulok,
ng sayaw sa indak dulot ng indayog.

Bago pa marating ang gitnang bulwagan,
Ako'y sumunod na't di ka nilubayan
Hangga't di pumayag sa 'king kagustuhan
Na maisayaw ka at makasaliwan.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Ang araw at linggo'y tila naging saglit;
Ako'y nagtataka't biglang napaisip,
Ano at ang oras ay mukhang bumilis.

Hanggang isang gabi nang aking tanungin,
Sa iyo, o, mahal kung bibigyang pansin;
Hanggang kailan mo pagdudurusahin;
May pag-asa pa bang nadama'y diringgin?

Iyong naging sagot sa katanungan ko:
"Di na magdurusa't ngayo'y maging tayo."
Ang rurok ng saya ay aking natamo,
Lalo pa't sinabing mahal mo rin ako.

Sa kadahilanang gustong masiguro,
Aking naitanong kung iyo'y totoo;
Baka mo lang kasi ako'y binibiro,
At kung maniwala'y sugatan ang puso.

Iyong ibinalik, ating gunitain,
Doon sa manggahan 'sang gabing madilim;
Ipinagtapat mo ang iyong damdamin,
Ngunit, di nagawang puso ko'y tugunin.

Pagkat mayroon kang sintang iniibig,
Iisang lalaking namugad sa dibdib;
Di mo maloloko't iyong inihasik
Sa paso ng puso't bukirin ng isip.

Pagkatapos niyo'y sinabi sa akin,
Na ating pag-ibig, manatiling lihim;
Aking naging tugo'y 'sang tangong lampahin
Pagkat aking isip, gulong-gulo man din.

"Sigurado ka ba sa'yong naging pasya?"
Ang muli kong tanong, bago naniwala
Sayo aking mahal na isang diwata,
Yaong aking ibig at pinapantasya.

Iyong naging tugon sa aking sinabi:
"Kung ayaw mo'y huwag, di ko masisisi;
Ano pa't puso mo'y sadyang madiskarte,
Baka may iba ng pinipintakasi."

Agad kong sinabi sa iyo mahal ko:
"Ano at kay daling ikaw ay magtampo,
Nagtanong lang nama't ako'y naniguro
Baka mo lang kasi, ako'y nilalaro.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Unang araw natin ay lubhang mapait,
Pagkat di nakayang ako ay lumapit,
Sayo aking sinta't ewan ko kung bakit.

Ilang sandali pa't hindi nakatiis,
Sa pagkakaupo'y tumayo't lumihis
ng landas patungo kay Musa kong ibig,
pagkat aking puso'y lubhang naligalig.

Muli kang tinanong kung pasya'y totoo,
Di na mababawi't di na mababago;
Iyong naging tugon sa katanungan ko,
Pisngi ko'y hinaplos, sabay sabing 'oo.'

Kay sarap marinig, salita **** iyon,
Iisa ang punto at maging ang layon;
Para bang lagaslas ng tubig sa balon,
Ibig kong pakinggan sa buong maghapon.

Matapos ang pasko'y siyang araw natin,
Na kung gunitai'y araw na inamin,
tinugon ang puso at binigyang pansin,
at saka sinabing, ako'y mahal mo rin.

Aking gabing iyo'y narurok ang saya,
Ngiti niyong buwa'y nakakahalina;
Ibig kong isulat ay isang pantasya,
At ikaw Devina, yaong engkantada.

Araw'y nangaglipas, daho'y nangalaglag,
Ano at ang oras tila naging iglap;
Siyang araw natin ay muling lumapag,
Ano at ang panaho'y tila naging lundag.

Iyong regalo mo'y hindi malimutan,
At maging pagbating ibig kong pakinggan,
Sa bawat umagang araw'y sumisilang
At kung maaari'y mapawalang-hanggan.

Ngunit nang magdaan ilang araw't linggo,
Naging malungkuti't di na palakibo;
Puso ko'y mistula isang boteng tibo,
Nabiyak sa dusa nang itatuwa mo.

Sa tuwi-tuwina'y napaisip ako,
Talaga nga kayang tapat ang puso mo?;
Ulo ko'y sasabog, bulkang Pinatubo,
Bakit ba't isip ko'y nagkakaganito?

Ilang araw kitang hindi tinawagan,
Pagkat labis akong nagdusa't nagdamdam;
Malakas kong loob ay di nilubayan
Ng kapighatia't maging kalungkutan.

Tayo nga'y mayroong isang kasunduan,
Di maikaila't sinasang-ayunan
Ngunit, ang itat'wa'y di makatarungan,
Alalahanin **** ako'y nasasaktan.

Ako'y wag itulad sa makinang robot
Na di nakaramdam maski anong kirot;
Ako ay may pusong nakakatilaok,
Pumipintig baga'y putak ng 'sang manok.

Kaya't nang sadyain sa tinutuluyan,
Ika'y kinausap at pinagsabihang:
"Sakaling darating ating hiwalayan,
Huwag magpaloko sa kalalakihan.

At saka-sakaling sayo'y may  manligaw,
Isipin mo muna't wag agad pumataw;
Pasya'y siguruhin bago mo ibitaw,
Ang iyong salita, nang di ka maligaw."

Unang halik nati'y hindi malimutan,
At kahit na yao'y isang nakaw lamang,
Pangyayaring iyo'y di makaligtaan,
Naging saksi natin ay ang Taguisian.

Tila ba talulot ng isang bulaklak
Labi **** sa akin na nangangagtapat;
Animo'y pabango yaong halimuyak,
Ng iyong hiningang sa halik nangganyak.

Ika-labinlima, araw ng Pebrero,
Hindi malimutan ating naging tagpo;
Sa iyong tuluya'y nagkasama tayo,
Doon sa Kwek Kwekan, nagdiwang ang puso.

Ako'y isang taong lubhang maramdamin,
Ang hapdi at kirot siyang tinitiim;
Puso ko'y tila ba 'sang pagong patpatin,
Sa loob ng dibdib sakit ang kapiling.

Kaya't nang makitang may kasamang iba,
Marahang lumason sa puso ko sinta
Ay ang panibugho't sakit na nadama;
At para maglaho, alak ay tinungga.

Sa ika-tatlumpu, na araw ng Marso,
Akin pang naalala pagbisita sayo,
Sa inyong tahana't mapayapang baryo,
Nagmano pa ako sa ama't ina mo.

Ibig kong ang lahat ay di na magtapos,
Masasayang araw nating lumalagos
Sa isip, sa puso't maging sa malamyos,
Na kantahi't tulang aking inihandog.

Ngunit, nang lumipas ang ika-limang araw
mula nang makita't sa inyo'y madalaw
ay isang mensahe ang lubhang gumunaw
sa aking damdami't marahang tumunaw.

Animo'y balaraw yaong tumatama,
Nang ang mensahe mo ay aking nabasa;
Gusto kong umiyak, gusto kong magwala,
Ngunit, anong saysay gayung wala na nga?

Kung isaulan ko itong aking luha,
Masasayang lama't walang mapapala;
Kaya't kahit ibig, ako ay tumawa,
Wag lamang masadlak yaong pagdurusa.

Kung ang kalayaa'y siyang ibig sinta,
At ang saktan ako'y ikaliligaya
Aba'y payag ako't ikaw na bahala,
Basta lang ang akin ika'y liligaya.

Kay sakit isiping tayo ay hindi na,
Ngunit, kung ito man ang itinadhana,
Aba'y pag-ibig ko't pag-ibig mo sinta,
Di makakahadlang sa ibig sumila.

Mahal ko paalam sa ating pag-ibig,
Mahal ko paalam, kahit na masakit;
Mga alaala'y huwag ng ibalik,
Burahin ng lahat sa puso at isip.


~WAKAS~
Ang tulang ito ay handog ko para kay Devina Mindaña.
Razbliuto Oct 2014
Ang hirap makipag-sabayan.

Sino ba sya? Sino ba ako?

Isang batikang manunulat.

Isang hamak na nagsusulat.


Ang hirap makipag-sabayan.

Siya'y karagatan, ako'y patak ng ulan;

Umaalon, walang hanggan.

Isang butil, panandalian.


Ang hirap makipag-sabayan.

Sino ba kami sa buhay mo?

Siya na may matalinhagang mga salita.

Ako na salat sa banyagang wika.
Wrote this a couple of months ago. Nung mga panahong sinasapian pa ako ng insecurity. Ay, oo nga pala, salamat gurl. Thanks for calling me a btch.
Keithlyne Oct 2018
Tingin sa kanan at kaliwa ng pasilyo,
lalakarin ang dulo ng kahit wala ng  tayo.
Tingin mo saan ako dadalhin nito?
Pipilitin kahit sira na,
yan ang totoo.

Teka, iisip nalang ako ng bago,
yung mapapasaya ka kahit sa malayo,
Tutal doon nagmamahal ako kahit papaano.
halika sabayan mo naman ako.

Nakakatuwa sa unang hakbang diba?
Parang ayaw mo ng tapusin pa,
parang  sa bawat kapit hindi na bibitaw sa saya.
halika samahan mo ko, tara?

Mukang nasa kalagitnaan na ba?
Oh sadyang dama ko lang ang kaba.
Pangangamba'y nasa iyong mata.
Dito lang ako, Wag magalala

Nilamon ng dilim na nabalot.
Iniisip papaano na ako tatakbo sa takot.
Nasaan ka? bakit di na kita madama?
bumitaw kana pala.

Maliligaw magisa sa dilim.
Tanging tanglaw ang alala at lihim.
Abutin man ako ng takip-silim,
tiyak na ikaw padin ang isisgaw sa pang-anim.

Mahal,  masaya akong maglalakbay.
Mahal, hayaan **** ako'y mangalay
Mahal, naging totoo ang aking inalay
Mahal,  tanong ko lang,
Ikaw pa ba ay sasabay?

Oh tignan mo, layo na pala nito.
Kinaya kong wala ka dito. Mahirap, oo. Masakit? panigurado
pero sapat naman dahil dala ko ang iyong litrato.
Lianne Jan 2020
Saya, yan lang naman ung gusto kong maramdaman ngayong 2020 na kasama ka
Bakit parang hindi ko ito dama gayung kakasimula palang ng taon
Pait, sakit, hirap ilan lamang yang nadama ko simula ng pagpasok ng bagong taon
Ang hirap, ang hirap isipin kung ikaw pa ba ung minahal ko?
Bakit parang pagpasok na pagpasok palang ng taon ika’y nagbago?
Pait kasi hindi ko na maramdaman ung tamis at kilig sa bawat yakap at halik mo.
Sakit, ang sakit sakit isipin na ako pa ba ung babaeng laman ng puso mo?

Hindi ko alam kung paano ito sabihin sayo
Dahil napakasensitibo **** tao
Mahal,mahal na mahal kita ng buong buo,
Ayaw kitang saktan sa mga salitang gusto kong ibahagi sayo
Kaya sa tula ko idadaan ang mga to
Susubukang maghinay hinay sa mga salitang bibitiwan

Mahal ikaw pabayan? Bakit parang hindi?
Kung magbiro eh hindi ko alam kung akoy sisimangot o ngingiti
Pero sige na nga akong ngingiti nalamang ng Makita **** ayos lang saakin
Habang nakangiting naisingpang sa iba nalang tumingin
upang hindi mo Makita ang mga lungkot saaking mga mata
tatawa para di mahalatang akoy nasasaktan na
baka kase pagsumimangot ako ay iyong sabayan
mga sumpong na aking nararamdaman eh tatakpan nalamang ng mga tawa.

Sige patuloy akong magpapanggap na maging masaya
kahit ang aking nararamdaman eh sobrang sakit na
kaya ko lamang ito ginagawa upang hindi ka mawala,
mahal, sana pag ito’y iyong nabasa wag ka sanang mawalan ng gana
o di kaya ay sisihin ang iyong sarili sa kadahilanang ako’y iyong nasasaktan na.
ayos lang ako wag kang magalala
patuloy na kumakapit upang ang relasyon natin ay hindi masira
mahal na mahal kita sana iyong tandaan
ngunit ako’y makikiusap lang sana
wag ka sanang panghinaan ng loob sa aking mga nasabi at patuloy na lumaban
dahil hindi ko na alam ang gagawin pag ika’y nawala pa

alalahanin ang saya, tuwa, kulitan na ating nagawa
at patuloy na kumapit at subukang ayusin itong problema wag ka lang mawala.
Madami pang oras, araw, lingo, buwan,taon o kahit dekada.
Wag ka lang bumitaw saaking kamay mahal.

Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan
Mahal na mahal kita kahit ika’y ganyan
Madaan yan sa lambing
Wag natin ulit sayangin etong pagkakataon
Dahil mahal ako na ang nagsasabi na tayo hanggang dulo
Away, problema, ilan lamang yan sa mga pagsubok na ating dadaanan
Dahil pagtapos ng mga iyan
Maganda ang surpresang naghihintay satin.
Mahal kapit lang, laban pa. malalagpasan din natin yan.
solEmn oaSis May 2017
Intro (1st stanza)
Sa lahat ng kung sino o ano ka man,
at maging sa lahat ng di mo tunay na pagkakilanlan,
madalas nga ikaw ang sa puso ko'y nananahan,
Sa iyong balikat ako ay iyong pinapatahan,
Sa twing Ako'y nababalot nitong karimlan,
Liwanag ka sa aking nagugulohang isipan.
pagsinta mo sa aking nararamdaman,
ang siyang tangi kong tangan-tangan!

1st refrain
kapag nais kong lumuha
laging naririyan ka
Sa pighati at saya
laging naroon ka
karamay nga kita
Ano man ang aking dala
wala pa man akong problema
ako na ay iyong hila-hila
sa lugar kung saan pila-pila
ang mga nakahain na di basta-basta
pagkat ang sisidlan,laman ay sobra-sobra!

2nd stanza
hindi tulad sa liwasan na aking pinanggalingan
doon sa may gawing silanganan
na di raw kailan man lumulubog ang araw
ngunit wala naman akong liwanag na matanaw
Subalit ngayon
binago mo
aking kahapon
Sinama mo ako
Sa iyong patutunguhan
pinanatili sa 'yong kandungan
bagamat ang haring araw ay walang masikatan
at kay panglaw man nga dito sa kanluran

2nd refrain
Maliwanag kong Naaaninag
ang pinaka-marilag na sinag
na tila ba nagsasabing,,,
halika dito sa aking piling...
hawiin mo ang ulap na tabing,
at tutuparin ko ang 'yong hiling.

adlib
DAMDAMIN MO'Y 'WAG NANG IKUBLI,,
SA AWITIN KONG ITO 'WAG KANG MAG-ATUBILI,,
BASAHIN MO ANG AKING MGA LABI
TIYAK DARATAL SA IYO  MATATAMIS NA NGITI
SABAYAN MO AKO SA AKING HIMIG,
'DI BA'T ANG MUSIKA'Y ATING TINIG.
NA TILA BA DAYAMI DOON SA KAMALIG.
SA BAGYO'T SIGWA WALA ITONG LIGALIG!

3rd stanza
'pagkat alam Niya may isang Ako
na mangangalap ng Kanyang piraso
upang sa muli nga'y mabuo
ang taglay nitong komposo
hanggang sa ang naturang Ikaw ay mapagtanto
na hindi lang Sila kundi pati na rin Tayo
ang sa Kanila ay siyang dapat magpayo
"ano man ang galit Mo sa Mundo,,,
at sa Iyong buhay ay di Ka makontento
'wag na 'wag kang sa Pagsubok ay magtampo
Tandaang Ninyo na ... Nasa Puso ng Tao
masisilayan ang Ilaw na nagpapatingkad
Sa Daigdig Natin na animo'y di na sumisikad
na halos hikahos ang MARAMI sa pagtingkayad
mamataan lamang Nila ang tanglaw sa pagsayad"

repeat 1st refrain except last 5 lines

chorus one
ohh Sanlibo't Isang Awit
sayo ako'y kakapit
hawakan mo nga akong mahigpit
sa twing mensahe mo'y kinakawit
mga damdamin na hugot
sa aking pag-iisa ay sagot
napapawi mo nadaramang poot
tuwa man o isang lungkot
ang hatid na iyong dulot
mga liriko mo sa akin ay nanunuot
dagliang naiibsan itong pagkabagot

repeat adlib

chorus two
Lalo't kapag ang 'yong melodiya,
sa pusong umiibig ay kaiga-igaya,
umasa kang ang iyong ritmo ay lampas ilaya.
di man pakawalan matataas na nota... tono mo ay malaya!
At patuloy kitang pakikinggan
taimtim ko ngang susundan
mga letra mo sa Dalampasigan
kahit pa kahit na paulit-ulit mo akong talikdan,,
batid ko naman ang koro mo'y walang hanggan
tangayin ka man at mapadpad sa Laot ng tagdan
di maglalaon muli kang dadaong sa may Pantalan
para ikumpara ang luma sa bago **** kasarinlan

repeat 2nd refrain
do the bridge (3x)
repeat Intro
repeat chorus one and two
repeat bridge once again in a fading away voices

BRIDGE:
sabihin man nila na ako sayo'y baLiw
ligaya kong natatamasa, di na magmamaLiw
wala man akong instrumentong isinasaLiw
itong Sanlibo't Isang Awit,alay ko sa'yo giLiw

Inspired By Sally Bayan
my very first particular song in its parts
that comes from the bottom of my heart

© solEmn oaSis
Hymns of my Soul is now ....
the soul of a thousand and one song
that i promised to dedicate
before the uncontrollable twilight
just like by the time i am here
sometimes, conquering the darkness of night
thru the lit of candle that brightens
the whole day of our everyday presence!
Presence which we wanna end it up yet!
Yet we prepared always to get started once we must!
raquezha Nov 2017
Noong isang gabi,
habang hinahanap ang sarili,
natagpuan ang LIKHÂ.

Ako'y natuwa,
dahil nasa entablado sila,
silang mga pinapanood ko lang dati sa internet.
Isa sa mga dahilan kung bakit nagtatanghal
ang tulad kong hangal sa harap ng mga estranghero
at binabahagi ang mga dala-dala kong kwento.
Sila na mga nauna at nagbigay inspirasyon
na lalo pang magsulat at magbasa.
Mga mata'y unti-unti namulat
sa mga bagong imahenasyon,
mga leksyon, direksyon at iba't ibang kaalaman
na galing sa ating henerasyon.

Maraming salamat sa gabing inyong nilikha
para sa mga katulad kong naliligaw
at hindi alam ang patutunguhan.
Nagtagpuan kita.
Aking sarili nahanap kita.
Habang nakikinig sa iba't ibang berso
ay sumasayaw ang mga letra sa utak ko.
Habang lumilipad sa ere ang mga ritmo,
nakita ko ang sarili kong mga tula
na parang mga talang nahulog sa langit
papunta sa sa aking mga kamay
at dali-dali kong itinala sa aking puso
dahil kailangan kong ibahagi
ang sining na aking nabuo.

Hindi pa patay ang mga salita,
gamit ang lapis na hawak
mo sabayan mo akong lumikha mga katha.

Mapa kathang-isip o kathang-puso man ito
ay buhay sila at naghihintay sayo.
Hindi bulag ang mga tula,
kaya ka nitong titigan ka sa mata
hanggang sa magiba ang paligid mo't mawala ka nalang bigla. Hindi bingi ang mga obra, naririnig ka nito,
handang dumamay at unawain ang lahat ng pinagdadaanan mo.

Kaya maraming salamat sa gabing inyong binuo't nilikha.
Halika na, halik ka na, halika't sasamahan kita
sa patuloy na paglikha ng kinabukasan
para sa bayan, kultura, sining at sa iyong sarili,
ipagpatuloy ang nasimulan.
Ipagpatuloy ang sinimulan.

Noong isang gabi, habang hinahanap ang sarili,
natutunan ko kung pano ang magLIKHÂ @theartidope style.
Sa dami ng mga trabahong tumambak dahil hindi mo pa nagagawa
Mga papeles na nagpatung-patong na
Yung lamesa **** inaagiw na dahil hindi mo alam kung saan at paano magsisimula.
At mga istoryang di mo pa maisulat dahil nangangapa ka pa.
Isama mo na rin yung katrabaho **** nakakairita na sa tenga.
Dahil crush niya daw si Justin Bieber
At paborito niyang frappe sa Starbucks ay Caramel.
Kahit mukhang ang afford niya lang ay Nescafe “Oo nga pala, French Vanilla” na iniinom ni Toni Gonzaga.
Pero wala siyang pambili ng sarili niyang tumbler.

Tangina.

Idagdag mo pa ang mga patay na oras na sunod-sunod ang mga buntong-hininga
Nahuli ka pa ng boss mo na nakatulala
Kaya hayan at napagalitan ka pa.
At dahil contractual ka, yung limang buwan na kontrata mo
Biruin mo, baka mapaaga pa ang endo.

Aminin mo na ang pagpatak ng alas-singko
Ay may kakaibang dalang saya.
Na parang sumagot na ng “oo” yung matagal mo nang nililigawan.
Nakulayan na rin yung mga pinlano niyong outing na buong akala niyo’y hanggang drawing na lang.
Parang pagbabalik sa Pilipinas ng kasintahan **** kumayod sa ibang bansa.
Parang ibinalita sa TV na hindi traffic ngayon sa EDSA.
Himala!
Kaya ang pagsapit ng alas-singko ay kakambal ng paglaya.


Wala sa’yo kung sa bus man ay tayuan
O kaya sa dyip ay makasabit man lang.
Basta makauwi ka lang.

Nakakasabik pa rin ang ideya
Na ang bawat pag-uwi
Ay kasing banayad ng mayroong sasalubong sa’yong ngiti
Mga ngiting papawi sa kangalayan ng mga binti.

Mayroong yakap na nakaabang
Ang mga bisig na nagmistulang pinakapaborito **** kulungan
Dahil doon mo nararamdaman ang tunay na kalayaan.
Mula sa pang-aalipin sa’yo ng lipunan.

Nakahain na rin ang hapunan.
“Mahal, ano ba ang ulam?”
Sabayan natin ito ng mahabang kwentuhan.
Simulan natin sa simpleng kamustahan.
Dahil pagkatapos, ay aabangan mo na naman ang alas-singko kinabukasan.
112017

Baka sabihin ****
Hindi na ako marunong magbilang
Kung magsisimula ako sa bente-singko —
Sa bente-singko kung saan sa lumipas na mga tao’y
Wala pa ang Ikaw at Ako
At marahil ang Ikaw at Ako ay pawang nasa piling pa ng iba.

Baka sabihin **** mahina ako sa numero
Kung gusto kong magsimula sa bente-singko
Kung saan alam kong ang una, pangalawa
At susunod pang pagbibilang ko’y
Tanda ng pagsalubong ko sa buhay na kasama ang Ikaw.

Pero teka, ayokong magmadali
Ayokong mag-aksaya ng bukas o makalawang
Nagtatago sa mga letra ng tula —
Pero salamat, hanggang sa susunod pang mga numero.

At oo, nagsimula na akong magbilang —
Magbilang nang walang katapusan
Parang pag-ibig,
Ikaw ang Pag-Ibig.
Elle Manabat Jan 2016
Iyak.
Iyak ng isang kobrang nakadikit sa dingding na kaya kong patahanin unti-unti sa bawat pihit.
Sa bawat patak ng luha nitong humahalik sa aking noo na dahan-dahang dumadausdos papunta sa aking mga pisngi.
Sa aking mga pisnging halos magkapasa na sa madalas **** pagpapaligo rito ng mga kurot.
Ang iyong mga kurot na siya namang nagpapahiwatig na hinding hindi ka magsasawa sa pagmumukhang ito.

Noon.
Hindi na ngayon.

Patuloy ang paggapang ng mga patak na maligamgam papunta sa aking mga labi na hindi pinalagpas ang pagkakataong ipaalala sa akin na
ang mga labi ito ay minsan nang nabigyan ng pagkakataong iwika ang kung ano mang hindi kayang maipahiwatig nang sapat ng aking mga haplos.
Ang mga labi kong minsan nang natikman ang tamis ng iyong gayuma.
Ni hindi pinatawad ang lasa ng tsisburger o ng kung ano man ang iyong kinain sa araw na iyon.

Ang mga patak na ngayo’y lumalakad na nang tahimik sa kahabaan ng aking leeg na siyang nagdurugtong ng aking ulo na kumukulong sa aking utak sa aking dibdib na naglalaman ng aking puso.
Ang puso kong bumulong nang paulit-ulit na para bang sirang plaka at nagsabing may pag-asa pa. Ang kumulit sa akin na maniwala sa tibay ng ating pagmamahalan.
Ang aking utak na nagsabing wala itong patutunguhan na tila’y totoo sapagkat ang ating mga kamay ay hindi makapagkokomunika nang mahabang panahon at may posibilidad pang hindi na muling magkatampo kahit pa ang mga ito’y kulu-kulubot na.
Ang karibal ng aking puso na aking pinakinggan.

Sayang.

Para bang ako ang paboritong manika ng kapalaran. Ang kanyang manikang paulitulit na pinaiikot sa isang tugtog na di ko kayang sabayan. Siya na tuwang-tuwa na makita akong naghihikahos sa pagbugbog ng bawat pagsubok.

Awat na.

Pihit.
Ayoko nang maalala pa ang pait na ipinapaalala ng bawat patak.

Pihit pa.
Tila'y isang patak na lamang ang ibubuga. Ang bawat halik ng tubig sa baldosadong sahig na lumilikha ng malungkot na tunog na “tik… tik… tik…”

Isang pihit nalang.
Isang pihit nalang at titigil na ang tila duet na paghugulgol ng ahas na nakadikit sa dingding na baldosa rin at ng ngayon ko lang napansin na umaapaw kong mga mata na kanina pa pala sumasabay sa agos ng tubig na dumadaloy sa aking mukha.

Tama na.
Tahan na.

/e.m/
Jeremiah Ramos Apr 2016
Sabayan mo ako sa pagbigkas nito,
Nakakapagpabagabag,
Pitumput-pitong puting pating,
Minikaniko ni Monico ang makina ni Monica,
Ang relo ni Leroy ay Rolex
Bumili ako ng bituka ng butiki sa butika.

Eto ang mga pampilipit dila na naalala at kinalakihan ko
Ang saya bigkasin,
Kasi alam ko na ang bawat pantig, ang tamang pagsambit
At tuwang-tuwa ako bigkasin sa harap ng mga kaibigan ko
Ipinagmamalaki kasi kaya kong sabihin ng diretso, at hindi nauutal
Siyempre, noong una, pumilipit ang aking dila
Ilang beses pinaulit-ulit, hanggang sa masabi nang tama
At ayun, kinaya kong sabihin

Pero sa lahat ng narinig at nabasa kong pampilipit dila
Tila bang 'di ko pa rin kayang sabihin sa sa'yo ang mga salitang
Mahal, kita. Gusto, kita.
Na para bang sila ang mga salitang pinakamahirap bigkasin,
Kahit siguro ilang beses ko ulit-ulitin hanggang sa masabi ko nang tama
Parang hindi ko pa din kakayanin.

Siguro mas kaya ko pang sabihin sa sa'yo ang mga pampilipit dila na naaalala ko,

Nakakapagpabagabag
Nakakapagpabagabag ka sa pagtulog ko
Kakaisip kung anong mangyayari kung sinabi ko sa'yong gusto kita.
Kung anong mangyayari, pag nanligaw ako o pag naging tayo na.
Handa akong protektahan ka sa pitumput-pitong puting pating.
Alam mo ba ang relo ni Leroy ay Rolex?
Sana alam din niya ang oras ng uwi mo, para maihatid kita,
Sana alam din niya na tumitigil ang oras tuwing nagkakasalubong ang ating mga mata
Sana alam niya ang tamang oras kung kailan ko ba dapat sabihin sa'yo na mahal kita

Nauutal sa apat na pantig,
Na hindi ko naman alam kung gusto mo bang marinig

Mahal kita, mahal kita, mahal kita.
Ilang beses inulit-ulit bigkasin habang papunta sa'yo
Baka sakaling masabi ko pagdating ko sa harap mo
Pero nang nakita ka na,
Para bang nabura mo ang lahat ng bokabularyo na alam ko,
Nakalimutan ang tamang balarila,
Nakalimutan kung paano mag-salita
At nang lumampas ka,
Nanghinayang. Sayang.

Tatanggapin ko na lang na
Siguro hindi lahat ng pampilipit dila ay kaya kong bigkasin
Mas-mabuti na lang siguro na,
Hindi sumubok, hanggang sa makalimutan ko nang sabihin sa'yo
At mag-aantay na lang muli
ng isang taong
hindi pipilipit ang aking dila
Kapag sinabi kong,
Mahal na mahal kita.
inggo Oct 2015
Una kitang narinig
Pero iba pala kapag naririnig at nasisilayan
Alam mo bang nakakakilig
Kahit yung kinakanta mo ay tungkol sa lokohan, kabiguan o kalungkutan

Ewan ko kung napansin mo akong tulala sayo
Habang kumakanta ka at may kaunting pangiti ngiti
Tignan mo gumawa ako ng tula para sayo
At yung puso ko tuloy palihim na tili ng tili

Pagkauwi ko galing sa Sev's Cafe
Di ko pa din malimutan yung oras na magpapapicture ako sayo
Muntik na akong di makagalaw at sumigaw ng mayday! mayday!
Nang sabihin **** "teka maglugay muna ako"

Hayaan mo na yung mga taong nasa kanta **** PAWS
Kung sakin lang araw araw ka sanang may rose
Lumipad man yung isa sayo palayo
Tayo naman ay tatakbo at lilibutin ang mundo

Pag nagkita tayo ulet ang sasabihin ko ay Hi Crush!
Kaya lang yung pisngi mo kaya ay mag blush?
Sabayan mo sana itong gusto kong kantahin
Mejo nirevise ko yung favorite part mo sa antukin

Eto na

Sasalubungin natin ang kinabukasan
Ng walang takot at pangamba
Tadhana'y merong tip na makapangyarihan
Kung ayaw may dahilan
Gusto kita kaya ginawan ng paraan
For karlen fajardo. Im a big fan hihi
08:18AM #ToSite

Bagamat ako'y bulag
Sa mundong puno ng sawing imahinasyon,
Patuloy Kitang titingalain.
Ihahagis ko sa Langit ang mga kamay
At bahagyang tatakpan ang paningin
Nang masilayan ang iyong kariktan.

Nakasisilaw ang Iyong Liwanag,
Sabayan pa ng nagbagong-bihis na liriko
Ng mapang-akit na sansinukob.
Bagkus, ako'y mananatiling walang kibo
Kahit nahihingal pati ang puso
Sa paghihintay Sa'yo.

Muli akong aalukin
Ng mala-piyestang pangarap,
Siyang babandila sa espasyong
Puno ng takot sa kinabukasan.

Ang mga banderitas sa Kalye,
Walang sawang tumatakip sa Iyong katanyagan.
Ngunit hindi Ka kumukupas,
Di gaya ng laos na musikang
Hindi na tipo ng makabagong henerasyon.

Hinuha ko ang lente
Makuha lamang ang matatamis **** ngiti.
At sa bawat eksena'y hindi ako pakukurap
Sa mga alikabok na namumuwing,
Silang nililok para ako'y patirin.

Naglantad ang klimsa
Ng kakaiba nitong anyo.
Kaya't sumanib ang sining
Na tila iba ang maestro.
Puso ko'y kinatok
Pagkat ito'y tumitirapa
Sa bawat lasong kumikislap,
Siyang sinasaboy
Ng mahiwagang mga kamay.

Ako'y nagpahele sa Iyong misteryo
Hanggang sa naging kalmado
Buhat sa likas **** pag-irog.

Bumungad sa akin
Ang Liwanag na gaya ng dati.
Nakasisilaw, bagkus suot ko na ang pananggalang
Masilayan ka lamang
Kahit saglit lamang.
J De Belen Mar 2021
Espesyal ang tula na ito kasi para 'to sa taong gusto ko,pero 'di ko alam kung tulad ko rin ba'y gusto niya ko.
Para 'to sa mga taong minsan nang umasa sa taong mahal nila, minsan na naging tanga at minsan na naging hibang sa kanya.

Noong una ka pa lang nakita
'Dii pa sumagi sa isip ko na isipin na gustohin ka
Hanggang isang araw,nagulat ako dahil lumapit at kinausap mo.
Bigla-bigla ka nalang nagkwento at sobrang nanibago ako sayo.
Ang daldal mo rin pala!
Sigurado magiging magkasundo tayong dalawa
Hanggang sa mga sumunod na araw at buwan
Dun ko lang na pagtanto na magiging kuntento na pala ako
Magiging kuntento na pala ako sayo.

Ang dami nating gusto
Pero ang pinaka paborito talaga natin ay ang sabay mag-timpla sa anumang oras ng "Kape"
Wala tayong iniintindi basta may ikaw at ako at ang mainit nating kape na pilit nating itinatanong
Kung bakit nga natin ito naging paborito?
Kung bakit nga ba kita gusto?
Sabay mag kape at nag-kukwentuhan ng kung ano-ano lang para humaba lang ang ating usapan habang nakatingin sa kalangitan.

Hanggang isang araw nagbago nalang ang ihip ng hangin at mayroong 'di maipaliwanag na kadahilan at bigla nalang ako sayo'y tumabang
Bigla-biglaan na may dumating na iba at gumambala sa anumang mayroon sa ating dalawa.
Yung dating ikaw at ako lang,napalitan ng siya at ikaw nalang
Kaya ako nalang ang nagparaya at dumistansiya
Para maging masaya ka na.
Kahit ang totoo,mas masaya ka naman sa akin talaga.
Pero 'diko na pipilitin pa
Na mapasa akin ka pa
Diko na iisipin pa kung sa paanong paraan kita mababawi sa kanya
At kung paano ka babalik sa piling ko habang nasa piling ka pa niya.
Diko alam kung pa'no?

Hirap maki-pag sabayan at makipag unahan sa taong sa iba nakalaan
Hirap maki-pag agawan ng oras at atensiyon mo habang may nagmamay-ari na sayo.
Siguro nga natakot lang akong sabihin sayo ang totoo
Na gusto kita!
Kahit alam ko may gusto kang  iba!
Na alam ko iba ang hanap mo at hindi 'yun ako
Hindi mo ko makita kasi kahit kailan 'di mo ko magugustuhan
Kahit kailan 'di mo ko papahalagahan
Kahit kailan 'di mo ko kayang mahalin kasi ako'y kaibigan lang
At kahit kailan 'di mo kayang mahalin ako tulad ng pagmamahal  na napapadama ko sayo
Pero ok lang.

Sumusuko na nga rin ako sa kakahintay
Pero itong puso pilit paring umaasa na baka pag nalaman mo ang totoo baka magustuhan mo rin ako
Baka bumalik ang oras na para bang may "Tayo"
Kahit ang totoo ang turing mo lang naman sa akin ay kaibigan mo
Kaibigan mo na patago na umiibig sayo
Na hanggang ngayon wala ka parin ka alam-alam na ito'y seryoso.
Walang biro.
Kaibigan mo na laging nandyan sa tabi mo,
Pero iba ang hinahanap mo.
Iba ang gusto mo.

Sana ako nalang!
Sana tayo nalang!
Sana magkaroon ako ng pagkakataong maging tayo
Nang sa ganun ay 'di na mahirapan pa na umasa pa sayo
Umasa na mamahalin mo
Umasa na magiging ikaw at ako
Pero salamat nalang dahil naging parte ka ng masayang ala-ala ko
Salamat kasi naging maganda kang inspirasyon ko
Dahil kung wala ka at kundi dahil sayo
Di ko mabubuo ang ako sa pagkawala mo
Sa piling ko.
Chi Jul 2017
Pinilit kong sabayan, ang takbo ng panahon
Nagbabakasakaling malilimutan ka rin
Ginawa na ang tamang desisyon
Na sarili naman ang bibigyan ng pansin

Sinusubukang kalimutan ang mga alaala
Na magpapabalik ng aking dadamdamin
Idinilat ko na ang aking mga mata
Sa mga bagay na maari kong sapitin

Tinahak na ang daan ng hindi ka kasama
Nang hindi lumilingon pabalik sa iyong mga mata
Sinubukan ko
At pilit na sinusubukan

Subalit ito ako, nagaantay sa dati nating tagpuan
Lugar kung saan kita unang nakita at nakilala
Lugar na aking kinamumuhian
Dahil dito, dito mo din tinapos ang lahat

Mahal, hihintayin kita
Hihintayin ko ang pagbabalik mo
Hihintayin ko kahit imposible naman ito
Hihintayin ko na sabihin mo ulit na mahal mo ako
Maghihintay ako

Ngunit mahal, hindi ko maipapangako
Hindi ko maipapangako na hindi ako mapapagod
Hindi ko maipapangako na hindi ako dadating sa puntong aayaw ako
Dahil mahal, tao din ako

Gusto ko din na pahalagahan ako
Gusto kong mahalin ako
Yun nga lang gusto ko galing sayo
Pero sabi nga nila, mahalin mo muna ang sarili mo

Kaya mahal, maghihintay ako
Habang minamahal ko ang sarili ko
Ngunit kung hindi na kita kayang hintayin pa
Sana mahal, maintindihan mo
Dahil mahirap ang dinanas ko para lang makuha yang pagmamahal mo
111422

Namumuo ang pawis sa kanyang kamao
Tila ba sapat na ang mga galos na kanyang natamo.
At dali-dali nyang sinarhan ang silid
Na walang ni isang palamuti ng kapaskuhan,
“Nandito — nandito na ako sa ikatlong palapag,”
Aniya sa kabilang linya.

Kinuha niya ang lapis
Buhat sa luma nyang aparador —
Puno ng alikabok
Na kahit ilang pagpag na’y
Hindi naririndi sa pagbuga
Ng umaalingasaw nitong karumihan.

Naupo sya’t napapikit na lamang
Inaalala ang bawat detalye
Ang bawat katagang kanyang narinig
Ang bawat imaheng nais nyang takasan.

Nanginginig pa rin ang kanyang mga tuhod,
At nangangalay ang kanyang mga kamay.
Habang tumatagas ang pawis nyang
Kulay itim sa malagim na gabi.

Naghihintay ng sagot
Sa mga katanungang saksakan ng ingay
Sabayan pa ng sunod-sunod na putok
Ng mga sumasalubong ng Bagong Taon.

At sa kanyang di sinasadyang pagdungaw
Sa bintanang walang kurtina’y
Nabaling ang kanyang tingin
Sa buwang napakaliwanag
Tila ba may taglay itong kung anong elemento —
“Mahiwaga,” wika nya.

Ang mga larawan sa kanyang balintataw
Ay unti-unting gumuho
At napalitan ng imahe ng buwan .
Akala nya’y makakatakas na siya sa liwanag nito,
Akala nya’y ito na ang huling kathang
Kanyang maililimbag sa kanyang kwento.

Maya-maya pa’y sa dulo ng kanyang dila’y
Hindi nya maipaliwanag
Ang kung anong himig na kanyang sinasalaysay
Na tila ba may boses na nag-uutos sa kanyang
Bigkasin ang mga pangungusap
Na hindi nya ninais na sambitin.

Mahigpit ang pag-akap ng kanyang kamay
Sa lapis na guguhit at tutuldok sana
Sa kanyang masalimuot na nakaraan.
At muli nyang pinagmasdan ang kalangitan
Hindi na buhat sa sarili nyang bintana
Pagkat hayag sa kanya maging ang mga bituin.

Dahan-dahan nyang itinuro ang buwan
Gamit ang lapis nyang hindi man lang natasaan —
“Sayang, ngayon lang Kita nasilayan…
Sayang, pagkat hanggang dito na lamang.”
Uanne Feb 2019
Takot ako sa katahimikan
na dati nama'y kayang sabayan.
Tara samahan akong kumanta at sumayaw,
sundan natin bawat alingawngaw.

Takot akong maiwan
na dati nama'y sanay na may lumilisan.
Tara samahan ako at hawakan aking kamay,
ako'y tanganan at sa aki'y umakbay.
02.11.19 8:11pm
ninacrizelle May 2019
Paano ba nagsimula ang ating kwento?
Yung dating magkabila nating mundo
Yung biruang ikaw at ako
Akalain **** ngayon ay nagkaron ng tayo

Teka, pano nga ba nauwi sa tawagang jowa?
Eh ilang taon nating di pansin ang isa’t isa
Malayo, malabo at talagang di naman uubra
Kahit siguro magbakasali, iisipin pa ring malabo at di gagana

Bakasali... tama, isang araw na nag baka sakali
Baka sakaling mapansin o baka sakaling pansinin
Baka naman maumpisahan o kaya naman ay masubukan
Kung gagana nga ba talaga o hanggang tanong na lang

Isang araw na di sinasadya, di rin naman pinagplanuhan
Inumpisahan natin sa simpleng batian
Na nauwi sa magdamagang kwentuhan
Hanggang sa aminan ng nararamdaman

Araw araw, palagian at halos kadalasan
Kwentuhan, asaran, lalo na ang mga awayan
Hindi pa nga tayo nun mag jowa kung titignan
Pero yung bangayan, parang aso’t pusang nagka sabayan

At dumating na nga yung punto
Na yung dating hindi sigurado, nabuo
Yung dating malabo, naging klaro
Yung dating ikaw at ako.....


Ngayon ay tayo.
06022021

Hayaan **** ilahad ng mga pahina ang misteryo ng nakalipas,
Ang mahikang bumabalot sa guhit ng mga palad
Na hinulma sa salamin ng liwanag,
Ang dugo ng kasaysayang naging pantatak ng kahapon, bukas at ngayon.

Ang pagsirit ng kandila sa lumalalim na gabi
Ay gaya ng pakikipagbuno ng kalangitan sa lumalagablab na araw.
Hindi man lamang napagod ang lumikha ng bahaghari,
Pagkat buhat sa simula hanggang dulo'y kaya nya itong pagmasdan --
Kaya nya itong sabayan hanggang sa pagtiklop ng mga ulap.

At gaya ng mga ibong malaya na walang humpay ang pagkampay patungo sa lilim,
Ay gayundin ang mga imahe ng putik na ginawaran ng damdamin.
Ang kanilang pakikipagsapalaran sa modernong makinarya ng paglusong at pag-ahon,
Na may dalisay na pagdinig sa lilim ng kapatawaran at kaligtasan.

Walang sinuman ang kayang kumitil sa mga paupos na kandila --
Silang ang pagluhod ay simbolo ng kalakasan at pagtitiwala.
Silang may dunong at sa bukal ng buhay ay may hiram na sandali.
Maliban na lang kung sya'y magpaubaya para lumisan nang walang paalam.
Ngunit kumatok man sila,
Ang huling habilin at pagsilip sa bintana sa hapag
Ay walang katiyakan pawang sa oras at magiging tahanan.

Di hamak na may kaalaman ang sining na paghinga ang naging buhay,
Kaysa sa mga yumuyukod na mga punong
Mayroong nalalagasan na mga pakpak sa bawat dapithapon.
Di gaya ng dagat na lumulunod sa sarili
Na hayag sa kalangitan ang pagkunot at paghinahon.

Ang pawis sa mga pisngi'y gaya ng mga butil ng perlas
Na higit pa sa mga ginto't dyamanteng ibinigkis para ikalakal.
Walang humpay ang pagkapa madatnan lamang ang liwanag
Sa iskinatang walang inihain kundi pait at karamdaman.

At katulad ng pagpapagal nito sa apoy upang mailimbag ang sarili'y
Kusang babalik ang mga ito sa hiningan ng sandali.
Kung saan wala nang ni isang mananatiling "misteryo,"
Kung saan lahad at hubad na ang lahat ng pagpapanggap.

At kung saan ang huling pahina ay pupunitin,
Ang himagsikan ay makikitil hindi nang panandalian lamang.
Magiging malaya ang pagpapaubaya ng mga kamay sa hangin,
Malaya ang mga pusong walang ibang nais kundi magpuri.
kiko Mar 2017
Iilan nang estrangherong labi
ang dumampi
at alam na din kung paano humaplos ang iba't ibang tela
marahil
kabisado na din ang bawat indayog na walang musika

ngunit bakit

na sa tuwing pipikit
at sinusubukang sabayan ang korong hindi kilala
sumasagi pa din sa isip
na nakakulong ma'y sa hindi mo bisig
at hindi sa iyong unan namamahinga.

simula noong pagtalikod mo'y
pakiwari kong milyong beses nang umikot ang oras
ang sabi ko pa noo'y
nakalimot at malaya na
sa mga panahong inaantay ang paghimlay ng araw
dahil sa pagsilang ng gabi ka lang din naman masisilayan.

mahina pa din bang aamining
na pagkatapos ng linggong itong sinasakdal ang sarili
napagtantong baka siguro
hindi pa pala lumalagpas sa hatinggabi ang awit.

mahal,
baka siguro
sa susunod na gabi, nais pa ding sa iyo umuwi.
raquezha Jul 2018
Minsan a kaipuhan ka tawo,
Talinga na migrungog,
Matang nakakabayad ka kulog,
Ngangang diri nag riribok.

Minsan mas maray
na magirongog,
kaysa sa sabayan
a pagsilyak ku pinagaagihan,
kaysa mag ngabil
sa uda man kamalmagan,
sa lugar na uda man iiyanan.

Minsan mas magayon na magtambay
sa lugar na uda pakialamanan,
sa kapehan, usip, surat
Sabay silyak kading mga namamatian.
My poem in Rinconada Dialect.
I'm from Iriga City, Philippines.

Bungog means 'Deaf'.'
renielmayang Jun 2018
umagang umaga
ikaw sa akin ay nagbibigay kaba
mukhang ikaw yata ang babaeng
sa akin ay itinalaga
naririnig ko na ang bawat yapak ng iyong mga paa
at unti unting bumibilis ang aking paghinga
diko maigalaw ang aking mga kamay at paa
parang ako ay napaparalesa

nandyan na ang **** at nagsimula ng sa pagturo
pero diko parin maalis alis paningin ko sayo
ikaw na yata ang magiging subject ko

boung klase tayo ay magkatabi
hindi mo alam
palihim akong kinikilig at ngumingiti
pagkat minsan lang to mangyari
kung pede nga lang
e extend ang klase hanggang
hating gabi

oras na ng uwian
gusto ko sanang ikay sabayan
papunta sa inyong tahanan
kaso ikay dina abutan
kaya dali daling nagtanong
sa iyong mga kaibigan
kung saan ka dumaan
para ikay aking masundan

nang ikay naabutan
diko inaasahan
sa aking nadatnan
may nagmamay ari na pala ng iyong kagandahan

akoy biglang napatulala
napatingin sa mga tala
diko namalayan tumula na pala  
itong mga luha
kaya aking napagtanto
itatawa ko nalang ang lahat ng ito
at kakalimutan ang isang tulad mo ...
japheth Jun 2018
nanghihikayat
nanaman
ang mga ulap
na sabayan ko siya
sa kanyang pagluha;

dahil
sa lakas
ng patak ng ulan
kaya niyang balutin
ang aking pagiyak
sa pighati
na aking nararanasan.
this one’s written in my language, Tagalog
for those who want to understand it,
here’s a rough translation:

the clouds beckon me
to join his sorrow;

because
the loud sound
of the rain,
can mute
my cries
because of the pain
i’m experiencing.
083021

Lumilipas ang mga araw
Na tayo’y waring mga plumang
Nauubusan ng tinta.
At habang tumatagas
Ang huling patak sa ating mga timba’y
Ayaw pa rin nating magmadaling gumayak
At magpatangay sa mga sinag ng araw.

Sa unang mga paglisan ay nauubos pa ang ating mga luha
Ngunit sa mga sumusunod na kabanata’y
Tayo’y minamanhid ng tadhana.
Kasabay ng pag-usbong ng mga buhok na luma'y
Kumukupas ang mga larawang
Dati'y araw-araw na pinupunasan.

Ang bawat batiang noo'y nakatagas ang ngiti'y
Magiging pasalubong na may ibang palamuti.
Kaya naman ang hamon sa nalalabing panahon,
Ay ating sabayan ang agos
Habang ang lahat ay nakadilat pa.
Pag-ibig na laan at bihis sa ati'y
Maging kumikinang na diyamanteng
Sasalamin at aakap sa iba.
kate Nov 2019
halina't alalahanin ang nakaraan
sabayan n'yo ako sa aking paglalakbay
balikan natin ang mga mapait na katotohanan
mga pangakong hindi naging matagumpay
kasabay ng mga bagay na hindi kayang panindigan
hindi matanggal mga lamat sa aking kamay
kaya naman heto ako at bumabalik kahit na ang puso ko'y muntikan mo nang mapatay
Kung kaya lang nating saluhin ang bawat hinagpis,
Ang bawat sentimong
Tinutunaw ng humahagulgol na kalangitan.
At kung kaya lang natin syang sabayan
Sa mga gabing tinutukso na sya ng antok,
Tinutuklaw papalayo sa nais nyang direksyon.

Ngunit hindi sya magpapaubaya’t
Mananatili syang gising
Na parang naghihintay ng panibagong panimula —
Ng bagong punlang ihahasik at ihahabilin sa kanya
Ng tinuturing nyang “mahiwaga.”

At balang araw ay darating ang kanyang gantimpala,
Pagkat walang ibang naging saksi
Sa bawat butil na isinisilang
Na sya mismo ang nakikiramay.

At sa bawat burol
Ay nauubusan na rin sya ng dahilan
Sa kanyang pagtatago at pakikipaghabulan.
Pagkat sya na rin mismo ang nagiging libingan
Ngunit sya’y tatahan at maghahanap ng tahanan.

Patuloy ang kanyang panlilimos,
Patuloy ang kanyang pagkauhaw,
Ngunit patuloy din syang umaahon —
Yayakapin ang sarili’t tatahan.
Marami man akong kakulangan o pagkakamaling nagawa. Sana huwag mo akong husgahan sa mga pagkakamaling d ko rin sinasadyang maranasan.

Ilang araw ko din pinag isipan to ilang araw ko ding binabalik balikan sa isipan ko, at gabi gabi'y sinasagot ko ang sarili ko sa mga tanong na dapat ikaw ang tinatanong ko, pero kalabisan bang hangarin na makita kang masaya? Walang araw na hindi mo hinangad na maging maayos ang kalusogan ko, handa akong magdusa makita ka lang lumigaya. Pero handa ka bang magpatawad pag ika'y nasaktan na?

Sana sa bawat tipak ng mga nota sa piano sana maramdaman mo ang pagmahahal na nais kung iparating sayo. Na sa bawat lirikong sinasambit sa kanta'y, kaya mo kayang sabayan hanggang dulo?

Pero kailangan ko na din sigurong umalis na muna, kailangan ko na munang ayusin ang buhay ko, kailangan ko na munang kilalanin ang sarili ko, ituwid ang mga pagkakamali ko't itama ang landas na dapat kung tahakin. hihintayin mo ba ko? O pipigilan mo ba akong umalis? Sana sagotin mo
Hihintayin ko ang kasagotan mo, kung maari

Habang ginagawa ko ang sulat na ito ay may halong kaba at pagdududa na aking dinarama na sa bawat pag agos ng mga luha koy may panghihinayang na baka pagbalik koy wala kana't may mahal ng iba. D rin naman maiiwasan dahil ka mahal-mahal ka nga. Sa konting araw na tayo'y nag uusap/nagkikita labis na ligaya ang iyong pinadama ang dating lungkot pinalitan mo ng saya, ang dating kulang at hindi buo, pinunoan mo't kinulayan pa.hindi ko makakalimotan ang iyong ipinadama, kahit saan mapunta andito kaman o wala. Ikaw parin ang hahanap hapin ko sa tuwina.
Palubog man ang araw sa ngayon
Umaasang sana bukas nandiyan ka pa ring bubungad sa aking paggising.

Mahal na mahal kita ng sobra, pero sa totoo lang nasasaktan nadin ako sa bawat hindi mo pagkibo, na ako lang rin naman ang gumawa. Sa mga araw na wala ka, nasasaktan ako kasi hinahanap hanap ka. Pero sasanayin mo na ba akong tuloyan kang mawala? O tatanggapin ko na lang kung anoman ang magiging desisyon mo?.
Pero panghahawakan ko pa rin ang mga pangakong binitawan natin sa isa't isa. Na tayo lang hanggang finish line na. Kapit ka lang huwag kang bibitaw ah?
I lOVE YOU
Ms. QRST ADZ

This isn't goodbye, i have faith we're destined
Keith Iballa Jun 2019
Tumilaok na ang manok
Kasabay ng pilantik ng mga bibig

Halika tayo'y maghanda

sabayan mo ako sa almusal
Pinakuluang Mura at paghiyaw

huwag kang magalala hindi iyan hilaw
sa katunayan tama lamang ang timpla

Mapait pait at masakit sakit
Minsa'y nakasasanay na rin

Halika tayo'y maghanda

Pupunta sa isang lugar na tila selda
Kung saan bawat kilos ay nakalagda

Mataas lamang ang marka
kung ika'y masunurin at maganda

Huwag kang magalala mababait sila
Bawat ibigay mo ay susuklian nila ng lima

Halika tayo'y maghanda

Bawat minuto ay pagsubok
bawat hininga ay pagkapit

Kapit , lumapit upang hindi matangay ng agos
Kung ang bawat pagyapos ay nakalalapnos

Halika tayo'y maghanda

teka, hindi pa ako handa ngunit

Araw ay sisikat
hindi ka na muli pang didilat
malaya ka na;
K Jul 2019
Huwag mo 'ko hintayin sa dulo,
kitain mo ako sa kalagitnaan.
Sabayan mo ako.
araw pa 'ba kita?
kaya mo bang lumangoy?
handa ka ba sa posibleng taas ng alon,
sa posibleng lalim na kailangang lusubin?
kaya mo bang mag-isa?
sa gitna ng malawak na asul na katubigan,
sa posibleng pag-iba ng simoy ng hangin -
kaya mo bang umunawa?
kaya mo bang sabayan ang alon?
kakayanin mo bang sumubok?
sa kalaliman ng tubig,
kapag naramdaman mo ang lamig,
sa iyong paningin,
mayroon bang pagsisisi?
jotting this down while working bc I am already dying inside. arrfsjfkljsfjs!!!!1@

— The End —