Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"romantiko" poems
Kumapit ka. 'Wag kang bibitiw mula sa 'king kapit, Kung kailanga'y dakutin mo ang aking damit. 'Wag nang mag-atubili at ika'y humawak nang mahigpit, At makinig sa lahat ng aking mababanggit. Hindi lahat ng pangarap ay nakakamit. Hindi lahat ng bituin ay naaabot. Hindi lahat ng bundok ay naaakyat, At hindi lahat ng kapatagan ay nalilibot. Hindi lahat ng bukang-liwayway at dapithapon ay romantiko, Ngunit bakit kaya'y sa bawat pagsalubong ko sa araw ay ikaw lang ang laman ng isip ko? Hindi lahat ng panahong magkasama tayo ay puno ng kilig, Pero bakit kaya'y tila nauuwi na yata ito sa pag-ibig? Hindi lahat ng araw ay puno ako ng tuwa, Pero salamat nga pala sapagkat ikaw ang dahilan ng aking saya. Hindi lahat ng tulog ko ay mahimbing at mabisa, Ngunit dahil ikaw ang aking panaginip, salamat na rin pala. Ikaw ang pangarap na gusto kong makamit, Ang bituing nais maabot, Ang bundok na iniibig kong akyatin, Ang kapatagang gustong malibot. Kapag kasama ka'y ang bawat takipsilim ay nagiging romantiko, Nagiging matingkad ang kulay ng bawat bahaghari, Nagiging sabay ang kumpas ng bawat kanta sa tibok ng aking puso, At nagiging katotohanan ang isang pangarap na nais kong makamit Ngunit salamat sa pagturo sa 'kin Na hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal din. Hindi lahat ng ginawa ko ay kaya **** gawin. At ang pinakamasakit sa lahat, ay 'di mo pa rin ako kayang mahalin.
0
Jan 6, 2017
Jan 6, 2017 at 11:18 AM UTC
Ang Makamit Ka
Kung kailan ako mapagbigay, doon ako madamot. Kung kailan ako malinis, doon ako nilulumot. Kung kailan ako gumagalaw, doon ako paralisado. Kung kailan ako malaya, doon ako limitado. Kung kailan ako makulay, doon ako monokromatiko. Kung kailan ako mapait, doon ako romantiko. Kung kailan ako masipag, doon ako tamad. Kung kailan ako magaling, doon ako nilalagnat. Kung kailan ako malinaw, doon ako malabo. Kung kailan ako matalino, doon ako bobo. Kung kailan ako umaalab, doon ako upos. Kung kailan ako puno, doon ako ubos. Kung kailan ako maayos, doon ako magulo. Kung kailan ako puro puso, doon ako puro ulo. Kung kailan ako mayaman, doon ako mahirap. Kung kailan ako nandyan, doon ako mailap. Kung kailan ako nagbabasa, doon ako nagsusulat. Kung kailan ako kalmado, doon ako nagugulat. Kung kailan ako sigurado, doon ako nagtataka. Kung kailan ako sumasagwan, doon ako bumabangka. Kung kailan ako nangangaso, doon ako nangingisda. Kung kailan ako umaatake, doon ako dumedepensa. Kung kailan ako hypothalamus, doon ako atay. Kung kailan ako buhay, doon ako patay. Kung kailan ako tao, doon ako hindi tao. Kung kailan ako ako, doon ako hindi ako.
0
Aug 7, 2014
Aug 7, 2014 at 12:49 AM UTC
Untitled
(Untitled) Kung kailan ako mapagbigay, doon ako madamot. Kung kailan ako malinis, doon ako nilulumot. Kung kailan ako gumagalaw, doon ako paralisado. Kung kailan ako malaya, doon ako limitado. Kung kailan ako makulay, doon ako monokromatiko. Kung kailan ako mapait, doon ako romantiko. Kung kailan ako masipag, doon ako tamad. Kung kailan ako magaling, doon ako nilalagnat. Kung kailan ako malinaw, doon ako malabo. Kung kailan ako matalino, doon ako bobo. Kung kailan ako umaalab, doon ako upos. Kung kailan ako puno, doon ako ubos. Kung kailan ako maayos, doon ako magulo. Kung kailan ako puro puso, doon ako puro ulo. Kung kailan ako mayaman, doon ako mahirap. Kung kailan ako nandyan, doon ako mailap. Kung kailan ako nagbabasa, doon ako nagsusulat. Kung kailan ako kalmado, doon ako nagugulat. Kung kailan ako sigurado, doon ako nagtataka. Kung kailan ako sumasagwan, doon ako bumabangka. Kung kailan ako nangangaso, doon ako nangingisda. Kung kailan ako umaatake, doon ako dumedepensa. Kung kailan ako hypothalamus, doon ako atay. Kung kailan ako buhay, doon ako patay. Kung kailan ako tao, doon ako hindi tao. Kung kailan ako ako, doon ako hindi ako.
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:26 PM UTC
DOON AKO HINDI AKO
Aking minamahal, Alam kong 'di mo kayang mahalin Kahit anong dasal Hindi kita kayang angkinin Ikwekwento ko Ang malubha kong storiya Pusong nagdugo Sa maling tao umaasa Malayo ka man Ika'y palaging hinihintay Ika'y inaabangan Sa tagal, ako na ay sinasaway Nang magkatinginan tayo Sa isang programang mahaba Sige, kinilig ako, oo Ayon ba ay masama? Tahimik na tao Ito ang aking nagustuhan Kahit 'di romantiko Hindi ko na yan inaasahan Ang problemang maliit Ang lutas ay paglayuin tayo Sa edad ipinilit Dahil lang mas bata ako sayo Pero tinanggap ko Na mas matanda ka sa akin Kolehiyo naman siguro, no? Konting hakbang lang mula sa'min Ginaganahan pumasok Lalo na kapag institusyonal Pinipiggil ko ang antok Para lang makita ka, mahal At habang umaasa Nanonood lang sa malayo "Sana tumingin siya Sa direksyon kong malabo" Palaging tumititig Dahil ikaw ng inspirasyon ko Ngunit puso ko'y namitig Nang malaman ika'y ****
0
Jan 21, 2018
Jan 21, 2018 at 1:04 PM UTC
Para Kay TanTan