"pustahan" poems
Simula palang alam ko na
Simula palang alam ko nang katulad ka rin niya
Simula palang alam ko nang mahuhulog ako
Kahit na sinabi kong, “Tangina ano, pustahan pa tayo”
Simula palang kasi pinaramdam mo na
Na sa simulang ito ay maghahantong sa pagtatapos ng “tayo”
Hindi ko nga alam kung bakit ko pa ipinagpatuloy
Siguro ay nadala lang din ako sa agos at daloy
Bakit nga ba nakinig pa ‘ko sa puso kong nananaghoy
Kita mo na ang nangyari, ayan. Ayan tuloy
Apr 3, 2016
Apr 3, 2016 at 8:58 AM UTC
Hayaan n’yong lumuha ang aking puso.
Malungkot na tanawin ang ganitong tagpo:
Hinihiwa mo ang balat ng iyong kinabukasan
at duguan na ang angking kasalukuyan
gayong hindi pa nga naghihilom man lang
ang mga sugat ng mapait nating nakaraan.
Subalit masahol ka pa sa putang bayaran
na katawan ang puhunan, kapalit ng panghapunan
at pagkain sa kinabukasan.
Ikaw - dalawa, tatlo, limang daan,
kapalit di lang ng iyong karangalan.
Idinamay mo pa ang kapakanan ng bayan.
Hindi na maaasahan ang dati’y sagradong balota.
Karaniwang papel na lamang ito na may mga nakalista
At tila tiyan **** nag-alboroto ang diniktahang makina,
na kung ano’ng isinubo, siya ring isusuka.
Pagkatapos kukulapulan ang daliri ng panandang tinta.
Nang humiga ka sa tae, nagmamalaki ka pa:
Sapagkat ang makinang tila kumpisalan,
may kapirasong tari ng makabagong sabungan
na kahit na alin pang mga tandang ang maglaban,
tukoy na ng kristo ang panalo sa pustahan.
Tapos na ang kwento’t hindi na totoo
ang sinabi ng bayaning ang Pilipino
ay karapat-dapat sa buhay na nasasakripisyo.
Hindi na. Hindi sa salinlahing ito.
Sa darating pang mga kabataan, siguro,
sa kanila, magbabaka-sakali ako.
Dec 29, 2019
Dec 29, 2019 at 11:12 PM UTC