Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pundasyong" poems
#041716 Naakit ako sa linyang pahalang at patayo, Mga detalyeng pinira-piraso. Sabi ko sa sarili: saulo ko na ang istilo Mo Pero sa bawat pahina'y nabibighani pa rin ako. Hindi ko alam kung kaya ko, Magtiyaga man ako pero hanggang kailan kaya? Kung maglalaan ako ng sentimo sa araw-araw, Ako'y pulubi pa ring manlilimos Sayo Sasahod at maghihintay. Masisilayan ko ang pundasyon Ang mga bakal na kinalawang Sa bodegang inimbakan. Pagkat malayo pa ang byahe, Bagkus sinelyuhan ng langis Ang may tagas ng pagbabago. Ang halo ng semento, ni hindi naging pribado Nasa hulog ang mga poste Gaya ng minsang banging tinalunan ko. Ako'y malaya sa pagsilip Ng paglapat ng palitada sa tigang na kahong sementado. Ramdam ko ang gaspang ng kahapon, Ang kurba ng mga bakal na di patitibag Sa kaibuturan ng pundasyong timplado. Ilalatag ang sahig na papagpagan sa araw-araw Ihahalik ang mga paa nang may pagpapakumbaba Huhubarin ang saplot nang kalingain ang lupa At ihihimlay ang mga paa't mamamahinga. Pagmamasdan ko ang mga kahoy na malapad Isang dipa, dalawang dipa at higit pa Mapapatingin sa langit na hubad sa bituin at buwan. Ang bubong na siyang sasaklolo sa umuubong baga Mga kahoy at bakal na matibay Sasalo sa bigat ng orasyon ng klima. Bubuksan ko ang bintanang may iba't ibang pagkapinta Ni hindi pumapalya ang eksena na bumubusina sa umaga At sa gabing hamog ang yakap sa dilim, Kagat ng niknik, siyang sining sa maalat kong balat. Tanging kumot ng grasya, Pantago't pantapal sa pagkataong nilalagnat. Nakakaakit ang plano, maging itsura nito Kaya nga magtiya-tiyaga ako, Hanggang sa masilayan ang tunay na disenyo. Hindi lang ako ang lalaban sa presyo, Oo mahal nga, ganyan ang pagtingin Mo Tataya ako, pagkat kliyente lang ako At alam kong linya Mo yan, Ikaw ang aking Arkitekto.
0
Apr 25, 2016
Apr 25, 2016 at 12:55 AM UTC
Architect Vs. Client

Continue reading...
48
Here I am all alone Holding and dutdot My old smart phone Thinking and kutkot my silly talking brain just to reduce this fully loaded mind ***avoiding to ****** this heart of mine*** kung minsan wala ako sa timing............................ siguro kasi hinde perfect itong rhyming............................ i was just intending for my broad understanding............................ gold silver kills bakit ganun? di ba pwedeng happy ending.............   pundasyong walang hanggang.................. will always remain its meaning..................
0
Dec 4, 2015
Dec 4, 2015 at 10:50 AM UTC
tag"-"leash
Manaka-naka kong binisita ang 'yong munting tahanan Siniyasat kung may bagong kagamitan o panauhing pinaunlakan Sinuri ang katibaya't karupukan ng dating kagamitan Repasuhin ang pundasyong itinukod ng nakaraan At sa muli kong pagbisita sa 'yong tahanan May bago akong nadatnan– nag-iba ang 'yong kinahihiligan Hindi na aso kundi pusa ang paborito **** alagaan Pati pintura ng 'yong munting tahana'y sya ring pinalitan Ang dating itim ay tuluyang naging luntian Maging ang pader nito'y simentado na't hindi kawayan Pagbabago nga ba? o isinaayos lang? T'wing bibisita ako sa 'yong tahanan Dati-rati'y umaabot pa sa 'yong pintuan Datapwat ngayo'y hanggang tarangkahan na lamang Nananatiling nakamasid sa 'yong bakuran Sa harding dati'y mirasol pa ang namumukadkad at hindi rosas Sa bagong panauhing pinapasok sa pintuan Pinaunlaka't nilaanan ng oras Sa mga larawan niyang nakasabit sa dingding na dati'y mukha ko ang nilalaman Nakatanaw; Sa tahanang minsan ako'y nanahan Sa tahanang tuluyan ko nang nilisan -SLE
0
Feb 12, 2020
Feb 12, 2020 at 9:25 AM UTC
Tahanang Nilisan