"pumupunta" poems
Inukit ko ang pangalan nating dalawa sa isang puno
Simbolo Ito kung gaano kita ka mahal, mahal ko
Naka ukit sa punong iyon lahat ng ating mga pangako
Mag mamahalan tayo pang habang buhay kahit labag man sa atin pati ang mundo
Sabay tayong nangarap noon
At alam kung balang araw matutupad iyon
Pero tila labag talaga sa atin ang mundo
Mga pangako'y bigla nalang nag laho at na pako
Tinangay ng malakas na hangin ang munting pangarap natin
Tila kahit saan ito tangayin ay kay hirap na itong hanapin
Bakas ang pangungulila at lungkot sa aking mga mata
Dahil kahit katiting na pag-asa'y di ko na makita
Umalis ka at ako'y iyong iniwan
Lungkot at pananabik na sanay babalik ka at hinding hindi na kita bibitawan
Para akung pulubing palaboy laboy kahit saan
Tulad ng pag mamahal natin di ko alam kung saan ang patutongohan
Iyong ngite na parang araw na nagbibigay liwanag sa buhay ko
Pero ang ngiting iyon di ko na nasisilayan kaya biglang nag dilim ang mundo
Mga yakap mo gusto kung madama muli
Mahal ko bumalik kana at alam kung hindi pa ito ang huli
Madalas akung pumupunta doon sa may puno kung saan naka ukit ang ating mga pangalan
Dahil alam ko na doon mo ako iniwan at doon mo rin ako babalikan
Tila buhay ay parang sentonadong guitara
Wala nang direksyon ang mga nota dahil nawala na pati yong kopya
Lumipas ang ilang araw hindi ka parin bumabalik
Mas gustohin ko nalang sumoko dahil dito sa sakit
May bagong pangarap kana ata diyan mahal dahil di muna ako binalikan
Masakit pero sige sisimulan narin kitang kalimutan
Tumanda na ang munting kahoy na ating pinag ukitan
Kay tanda narin ng pag-ibig natin na iyong tinalikuran
Ilang taon na ang lumipas at kay rami na ang nag bago
Pero pag mamahal ko sayo pang habang buhay naka ukit sa punong ito
Ngayon may kanya kanya na tayong sariling buhay
Buhay na pinangarap natin Pero ito'y namatay
Masaya na ako mahal sa buhay kung ito
Sana ganon karin katulad ng nararamdaman ko sayo
Mahal ang punong ito, ay mananatiling simbolo at Manana tiling naka ukit ang ating na udlot na pangako
Dec 20, 2016
Dec 20, 2016 at 11:20 AM UTC
Duguan ang puso kong sugatan.
Ang puso kong napag-iwanan.
Ang puso kong pinangakuan, pero hindi pinanindigan.
Hindi ko maintindihan.
Akala ko ba walang iwanan?
Pero sinarhan mo ako ng pinto,
Sumama sa iba, tinalukuran mo ako.
Hindi na ba ako mahalaga
Kaya pinili mo sila?
Sila na nasa ibayong dagat,
Na kahit malayo ay sa kanila ka tapat.
Na kahit animo'y nahihirapan ka...
Sa kanila ka pa rin pumupunta.
Inay! Itay!
Paano naman ako?
Ako na naiwan dito.
Mag-isa dahil wala ka.
Mag-isang tinatahak ang aking buhay,
Walang gabay. Walang kaagapay.
Inay! Itay!
Bakit natin kailangang maghiwalay?
Bakit ba natin kailangang maghiwalay?
Pera? Trabaho?
Ang guminhawa ang buhay ko
Kahit... wala kayo?
Inay! Itay!
Ganito na ba kahirap ang Pilipinas?
Na ang mga magulang ko ay luluwas
Magpapaka-alipin sa mga taong labas?
Hahanap ng dolyar sa amo
Dahil hindi sapat ang piso.
Mag aalaga ng anak ng iba
Habang naiiwan sa Pilipinas ang kanila.
Inay! Itay!
Umuwi na kayo.
Nangungulila na ako.
Feb 14, 2019
Feb 14, 2019 at 8:25 AM UTC
Ang gusto ko yung lalaking matipuno
Yung pagbubuksan ako ng pinto
Yung umaga pa lang pumupunta na rito
Tsaka dapat binabati niya magulang ko
Isama mo na rin buong pamilya’t kamag anak ko
Grabe ang lakas maka pogi non
Lalo na kapag binibilhan ako ng wanton
Yun kasi yung paborito ko
Kaya nakakakilig pag kilala ka ng lalaki nang todo
Ganun yung tipo ko
Simple lang at magalang
Madasalin at mapagmahal sa magulang
Isa lang
Isa lang ang hinihintay ko at alam kong ikaw yun.
Yung taong bubuo ng mga pangarap natin
At tutupad sa mga binitawang salita sakin
Ikaw yun
Ang yayakap sakin kapag malungkot ako
At pag kailangan ko ng makikinig sa mga problema ko.
Ikaw yun. Nung una. Akala ko nung una ikaw na yun.
Isang malaking pagkakamali lang pala.
Imahinasyon lang pala lahat ng ito
Ang lala
Nabiktima lang pala ako ng maling akala
At nadala sa pagbabago **** lagi akong umaasa
Kaya ayoko na
Ayoko nang pagbuksan ka ng pinto sa tuwing lalabas tayo
Ayoko nang habulin ka pag nauuna kang maglakad at ikaw pa yung may ganang magalit
Ayoko nang paulit ulit ipaalala sayo na batiin mo mga magulang ko pag nakikita mo
Ayoko nang magtiis pa diyan sa katamaran mo dahil pagod na ako.
Nagsasawa na ako sa paulit ulit na salitang binibigkas mo pero di naman totoo.
Dahil ang totoo, hindi naman tumutugma sa mga kilos mo.
Ikaw na ang sentro ng relasyong to.
Sa halip na ako ang yakapin mo dahil malungkot ako, ako ang yumayakap sayo.
Hindi ako makapagsabi ng problema mo dahil sinisingitan mo nang mas malala yung problema mo.
Lagi ka na lang nagagalit kapag may kausap ako.
Pero pag ikaw yung may kausap, nagagalit ba ako?
Wala na sa lugar yung pagseselos mo.
Lahat na lang ng makausap ko pinaghihinalaan mo.
Ang toxic na ng relationship na to.
Kaya gusto ko na tapusin kung ano man ang meron tayo.
Natauhan ako na ako na pala ang gusto ko.
Ako pala yung hinahanap ko.
Pero kailangan ko ng taong parang ako.
Yung mamahalin ako tulad ng pagmamahal ko sayo.
Saan ba ako makakahanap ng taong katulad ko?
May 10, 2018
May 10, 2018 at 11:23 AM UTC
Ayoko na lamang bilangin ang mga oras
Na nasisinagan pa tayo ng araw,
Maghahabulan at magtatampisaw na parang mga basang sisiw
Sa hubad na kalsadang naunang pagalitan ng langit.
Naaalala ko pa noong elementarya'y
Sabay tayong papasok sa eskwela
Matapos humigop ng mainit na sopas ni Nanay.
At minsan nga'y nakalilimutan nyang hanguin ito nang maaga
Kaya matapos nating kumain ay sabay rin tayong magtatawanan
At maglalaro ng "tag-tagan" patungo sa kanto sa sakayan.
Hindi ba't pumupunta pa nga tayo sa may bandang iskwater,
Makapaglaro lang ng pitsaw sa dati nating mga kaklase?
Nagagalit kasi si Nanay kapag sa bahay natin sila niyayaya
At magkakalat ang putik sa ating sahig
Kasi pati si Bantay ay nakisali sa paghuhukay.
Ilang beses din tayong naligo sa dagat
Kahit na ang sabi ni Tatay ay manginas muna tayo
Habang siya ay nasa laot pa.
Pero uuwi tayong mga basa at walang pang-ulam na pasalubong
Kaya muli tayong mapagagalitan
Kasi ang titigas daw ng mga ulo natin.
Hindi ba nahuli ako sa eskwela noon na nangongopya sa'yo?
Tapos sinabi mo sa titser na ikaw ang nangongopya at 'di ako?
Hindi ko kasi makalimutan yun
Kasi pag-uwi natin sa bahay, ako pa yung nagtampo sayo
Nung ikaw yung unang pumili sa doughnut na dala ni Tatay.
At nung gabing iyon, hindi ako tumabi sa'yong matulog
Ang sabi ko pa ay ayaw na kitang makita muli
Kasi naghalo-halo na yung nasa utak ko.
Pero alam mo ba, na sa mga oras na yun
Hindi ko talaga inaasahang seseryosohin mo yun.
Kaya noong maggising na lamang ako'y
Nagulat akong wala sila Nanay at Tatay
At si Aling Rosing pa ang nagsabi sa'kin
Kung ano ang mga nangyari
At kung saan ako pupunta.
Sinabi ko na ngang ayoko na magbilang ng mga oras,
Pero heto pa rin ako...
At taon-taon akong nangungulila at nagsisisi.
Siguro nga kung hindi ako natulog agad
Ay baka may naggawa pa ako.
Siguro nga kung hindi ko sinabi ang mga iyon,
Ay hindi mo ring magagawang umalis.
At siguro nga kung hindi ako nagtampo'y
Wala naman talaga tayong pag-aawayan.
Hindi ka rin hahanapin nila Nanay sa gitna ng gabi
At hindi sila masasagasaan ng tren para iligtas ka lang.
Siguro nga, pero huli na ang lahat eh
Wala na kayong lahat at iniwan n'yo na 'kong mag-isa.
Sana sa huli kong pagbisita'y mawala na rin ang lahat ng bigat,
Mawala na ang pagkamuhi ko sa sarili ko,
Kasi pagod na ako...
Pagod na pagod na ako.
Oct 8, 2021
Oct 8, 2021 at 11:11 PM UTC
Heto nanaman ako,
binabagtas ang daan papunta sayo.
Nagbabakasakaling makakahanap ng katahimikan mula sa paborito kong pwesto.
Paulit ulit akong pumupunta dito.
Paulit ulit kong sinasambit ang mga salita ko at paulit ulit **** naririnig sakin ang pag susumamo.
Paulit mo ring inaangat ang mukha kong nakalugmok sa aking mga palad
At paulit ulit mo ring pinupunasan ang aking mga pisngi na walang pawis na dumadaloy ngunit mga luha.
Paulit ulit mo rin pinaparamdam sakin ang iyong mga bisig na walang ibang alam gawin kung hindi ang kumalinga.
Ang iyong mga mata na walang ibang alam gawin kung hindi ang maghanap ng nawawala at hindi ng mga wala.
Ang iyong mga tenga na walang sawang makinig sa mga bagay na alam mo na
at hindi sa mga bagay na gusto mo lamang marinig tulad ng iba.
Ilang beses na akong nagdasal,
nagmakaawa,
nakipagpalitan ng mga hiling
pero hindi ka nagsasawang makinig.
Nag aantay ng mga susunod kong hakban kahit alam **** hindi ko pa kaya.
at walang sawang magbigay ng mga gabay na kung madalas ay hindi napapansin dahil may ibang pakay.
Sa pagdami ng iyong bisita alam ko magiging abala ka sakanila
ngunit alam ko na ang aking dasal ay meron pa rin namang puwang sa iyong tenga.
Sa araw na ito hindi ka mapapagod magpunas ng mga luha ko.
Maglapat ng ulo ko sayong balikat.
Makinig sa walang sawa kong mga hinaing.
Dahil sa mga oras na to,
Walang ibang laman ang aking puso kung hindi tula at papuri para sayo.
Mar 8, 2018
Mar 8, 2018 at 10:06 PM UTC