Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pulbura" poems
Dilaw na trayanggulang babala Ilang hugis lobo na sayad sa lupa Parisukat na alaga'y basong nag-iisa Naghihintay sa ekstrangherong sasaling muli Nang ang dati'y maitapon Ang bago'y maidampi na sa uhaw na lalamunan. Naglaho sila't nagsipangwala Ang lupa'y hati sa sukat na pantay Nilamon ang mainit na hangin, Umihip ang taglamig na hindi nyebe Bumulong sa akin, ngunit walang pahiwatig. Tila namamasyal ang telang marumi Pupuswit ang tubig mula sa bibig Ipon nya'y kayrami, Bukas sana'y maubos na ang mga ito Nang ang dungis ay pahiran din ng malinis na likido. Parehas ang kulay ng tumawid sa linyang puti Higit sa isa ang bawas na sinyales Akala ko'y kilala ko, ngunit naglaho sa usok Ang apat na bilog na itim, Gumulong at rumolyo sa aspaltong pulbura. Itong may pula ang sutla Itim ang tangan na may kasama pa Bumungad at inihaing may lista Ngayon pala'y may salamin sa harap Malayo ang hugis at ang porma Hindi ko na binalingan ng pansin Ngayo'y laos na ang bawat eksena. (6/3/2014 @xirlleelang)
0
Jun 26, 2014
Jun 26, 2014 at 10:41 PM UTC
Kung Saan Bida ang Saya
Bawal ang Tinta yan ang sabi ng bala Pagka’t kung susulat ang itim ay pupula At ang ibang tinta mahahaluan ng pulbura. Lason daw ang pera ‘yan ang sabi ni tinta At ito’y nakatago sa bulsa ni bala Ito’y gamit ni bala upang tabunan si tinta. Bawal daw ang Tinta utos ni bala at pera Inuubos ang tinta binabaon sa dusa Kaya’t asul, dilaw, pula aliping aba.
0
Jun 15, 2015
Jun 15, 2015 at 12:43 AM UTC
"Bawal ang Tinta"
sisinghap-singhap ang dekada ng mga makabagong bayani inaalat na tulad ng mga butil-kaliskis na balakubak kasingpait ng mga nakakubling libag sa talampakan nitong maglulupa wala na ang simoy ng amihan sa kanayunan pinalitan ng umaangil na ulap ng nagbabagang pulbura parito, paroon palitan ng mga tinggang hugis karayom walang patawad na babaon sa kalamnan ngunit ang mga bayani ay hindi malilimutan malibing man maagnas at maisama sa lupa nitong ipinaglaban
0
Jul 27, 2020
Jul 27, 2020 at 11:47 PM UTC
Ligalig