Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"platapormang" poems
Hindi naman ganid ang administrasyon Nagkataon lamang na may mga punto Na walang humpay na nag-iiwan Ng tandang pananong. May mga eksenang hindi literal Pero kapag bayan ang bumasa’y Ni isang letra’y hindi man lamang nasimulan. Hindi masisisi ang mga modernong bayani Kung patuloy pa rin sila sa pakikibaka Kahit nakamit na kamo ang kasarinlan; Ang hustisya raw ay napagtagumpayan na Bagkus, nilalatigo ng kapwa nasa ekonomiya. Marahil hindi pa lubusang nararadyo Hindi magkanda-ugaga ang leksyon sa Senado Eh kung uso pa ba ang tele-radyo, Kaya bang tapakan ng saksi ang demokrasyang makasarili? Doon nag-rally ang iilang katauhan Wala naman silang napala Pagkat binagsakan ng pintuan Ni hindi nakakilos kahit sila’y nasa kilusan Saklob ng gobyerno’y sila’y bisi sa nasasakupan. Hindi mabilang ang dugong dumanak Ang boses na sumigaw Ang tonong paulit-ulit pero hindi naririnig O baka naman ang may pandinig Ay mas nais magwaglit. May mga platapormang tila langit Bagkus dilim naman ang hain Sa maliwanag dapat na paligid. Ibabato nila ang kinamkam sa madla Pero dahil ang binato’y mukhang tinapay, Walang pakuwari ang iba Manhid nga ba ang tao O talagang kurot-sabay-pikit lang? Heto na naman tayo sa estante ng kaguluhan Sana nga matapos na ang pahinang ito Pero nasa simula pa lamang Pagkat ang propesiya’y Nararapat na mamalakad Ihahain ng Higit na Hari Nang maitaas Kanyang Ngalan. Kung may mga bumabatikos Sa gobyernong kinagisnan Marami pa rin ang tatayo Pagkat kaytayog ng kanilang dangal. Hindi naman dapat Tumingin lamang sa kawalan Pagkat may pag-asa pa Itong ginintuan nating bayan.
0
May 2, 2015
May 2, 2015 at 7:18 PM UTC
Repleksyon ni Juan

Continue reading...
52
Impyerno. Im.. im.. impyerno ang nadarama. Nakabilad sa sikat ng araw. Taya at buro pa yata. Sabay na inaabangan: ang pagkakamali, at tawag ni inay — mas importante ang nauna ngunit parehas nakakatakot. Sa isip-isip ko: “Mahulog ka sana, upang mataya na kita.” Pero ang ninanais ba ay totoo o para lamang masalo? Ang puso at marahil noon ko rin unang nalaman ang agwat ng mga platapormang inaapakan. Malapit ngunit malayo. Ako'y isa lamang kalaro. Langit ka; lupa ako.
0
Nov 16, 2018
Nov 16, 2018 at 2:19 PM UTC
Langit Lupa
#112715 #3:15PM Tila swelduhan na ng tulisan Pagkat may hithitan na naman Para sa kaban ng Bayan. May oposisyong yama'y satsat Pribadong sektor ba'y gayundin At may lamat? Tila bala ng hasaan Raketa ng ila'y pudpod na Sa platapormang hilaw. Sino nga ba ang kakaatigan? Sa pula, sa puti nga ba ang asahan? Nakaririndi ang melodiya ng pulitika Bagamat may leksyong ipanauubaya Sino ang patas na Tagapaghusga? Siya sanang mag-arok sa puso ng kokorona. Magsusulputan ba ang paninda ni Juan? Dawit ang aprub at tiwalang busal. Marahil may iilang kaniig sa sambit, At ang batas ay sisirit na may pagtitilamsik Sa huli'y magdududa't iinam na ang pag-iisip. Panaghoy nila'y saradong pang-uuyam, Harap-harapang banggaan at mala-pilahaan. Animo't bihasa na nga ang madla Pagkat tinatalunton ang ikot ng roleta.
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 7:52 AM UTC
E-LEKSYON Na Naman
Isa itong tablang parisukat, platapormang nakaangat. Dito tumatayo ang nakabarong at Ingleserong mga tulisan pag gusto nila maging legal ang kanilang gagawin na pagnanakaw sa kaban ng bayan.
0
Nov 6, 2017
Nov 6, 2017 at 12:36 AM UTC
ANO ANG ENTABLADO?
Huwag kang papadala sa habag na maaaring gamitin laban sa iyo ng mga nagpapalagay lamang, lumalapit 'pag me kailangan dala-dala ang platapormang pamukaw sa mga proyektong hindi pa nasimulan at sa halip, paulit-ulit na bukambibig at ang idadahila'y mababaw na putik. ©2019
0
Apr 18, 2019
Apr 18, 2019 at 12:35 PM UTC
Mababaw na Putik