Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pisnging" poems
Iyak. Iyak ng isang kobrang nakadikit sa dingding na kaya kong patahanin unti-unti sa bawat pihit. Sa bawat patak ng luha nitong humahalik sa aking noo na dahan-dahang dumadausdos papunta sa aking mga pisngi. Sa aking mga pisnging halos magkapasa na sa madalas **** pagpapaligo rito ng mga kurot. Ang iyong mga kurot na siya namang nagpapahiwatig na hinding hindi ka magsasawa sa pagmumukhang ito. Noon. Hindi na ngayon. Patuloy ang paggapang ng mga patak na maligamgam papunta sa aking mga labi na hindi pinalagpas ang pagkakataong ipaalala sa akin na ang mga labi ito ay minsan nang nabigyan ng pagkakataong iwika ang kung ano mang hindi kayang maipahiwatig nang sapat ng aking mga haplos. Ang mga labi kong minsan nang natikman ang tamis ng iyong gayuma. Ni hindi pinatawad ang lasa ng tsisburger o ng kung ano man ang iyong kinain sa araw na iyon. Ang mga patak na ngayo’y lumalakad na nang tahimik sa kahabaan ng aking leeg na siyang nagdurugtong ng aking ulo na kumukulong sa aking utak sa aking dibdib na naglalaman ng aking puso. Ang puso kong bumulong nang paulit-ulit na para bang sirang plaka at nagsabing may pag-asa pa. Ang kumulit sa akin na maniwala sa tibay ng ating pagmamahalan. Ang aking utak na nagsabing wala itong patutunguhan na tila’y totoo sapagkat ang ating mga kamay ay hindi makapagkokomunika nang mahabang panahon at may posibilidad pang hindi na muling magkatampo kahit pa ang mga ito’y kulu-kulubot na. Ang karibal ng aking puso na aking pinakinggan. Sayang. Para bang ako ang paboritong manika ng kapalaran. Ang kanyang manikang paulitulit na pinaiikot sa isang tugtog na di ko kayang sabayan. Siya na tuwang-tuwa na makita akong naghihikahos sa pagbugbog ng bawat pagsubok. Awat na. Pihit. Ayoko nang maalala pa ang pait na ipinapaalala ng bawat patak. Pihit pa. Tila'y isang patak na lamang ang ibubuga. Ang bawat halik ng tubig sa baldosadong sahig na lumilikha ng malungkot na tunog na “tik… tik… tik…” Isang pihit nalang. Isang pihit nalang at titigil na ang tila duet na paghugulgol ng ahas na nakadikit sa dingding na baldosa rin at ng ngayon ko lang napansin na umaapaw kong mga mata na kanina pa pala sumasabay sa agos ng tubig na dumadaloy sa aking mukha. Tama na. Tahan na. /e.m/
0
Jan 29, 2016
Jan 29, 2016 at 4:18 PM UTC
Hilamos ng Alaala

Continue reading...
27
Pisnging mapula mapungay na mata ako’y masaya sa tuwing ika’y nakikita sabihin na nating ang ilong ko’y kawangis ng bawang ang amoy ko pang tikbalang at malaki ang aking baywang ang pagmamahal mo parin ay kahit kaila’y ‘di nagkulang Salamat sa pagtanggap sa’kin Kahit minsa’y medyo mahangin Kahit ngayo’y lagi nang nakasalamin Pinagtitiisan mo pa rin Sa kabila ng lahat ng kasalanan Ang pagpapatawad mo’y tila walang hanggan Kaya ngayong araw ng mga puso Sana’y iyong magustuhan Munting handog ng matabang batang matagal ka nang hinahangaan Nais ko sana’y ‘wag tayong mag away Para naman ang araw na ito’y maging matiwasay Mahal mo ata ako, at alam **** mahal rin kita Kaya hayaan **** ang tulang ito’y ika’y mapasaya
0
Dec 14, 2014
Dec 14, 2014 at 1:49 PM UTC
Untitled
Napuno ng tsokolate ang kanilang mga pisnging walang pakiramdam, At ang awit sa tabing estero’y maingay pa sa pag-iri ng mga metal na may susi. Unti-unti na rin silang naglabasan Na tila mga gagambang handa nang pagpiyestahan Ang mga bihag sa kahon ng posporo. Narinig ko ang malulutong na mga papel Na sabay-sabay ang pagpaubaya sa hanging umiihip ngunit mahiyain. Ang mga palad na kanina’y nakatikom sa mga tela’y Agarang nagsilikas at humalik sa mga lukot-lukot na papel. Narinig ko rin ang mga latang may mukha Buhat sa kani-kanilang sisidlan na kanina’y may makukunat na goma. Ngayo’y isa-isa silang ipinatumba Na para bang sa mga napapanood kong pelikula ni FPJ. Hindi ko matantya kung ano ba ang ibig sabihin Ng kakaibang sining sa mga mata nilang tila ba santelmo. Maghuhulaan ba kami sa kanilang mga bolang kristal O huhubarin na rin nang paisa-isa Ang mga alagad nito’t maibubunyag ang aking pamato.
0
Jun 13, 2021
Jun 13, 2021 at 2:15 PM UTC
Pamato(l)