"pinasukan" poems
Paikutin mo ako,
Sa iyong palad,
Sa iyong mundong walang ibang alam kung hindi ang itago ako
Hindi para maging yaman,
Kung hindi itago ako sa salitang "akin ka lang".
Akin ka lang,
pero ikaw kahit kelan hindi naging akin lang.
Pero ako, sayo lang.
Paikutin mo ako,
Sa iyong mga salita,
Sa iyong mga ginagawa.
Ikulong mo ako, sa rehas ng pag-ibig na
Hindi pwedeng maging tama,
Sabihin mo,
nasaan ang susi na magpapalaya sa matagal mo ng kinukubli?
Mga pakiramdam na hindi masabi-sabi,
Tinago mo ng matagal,
Hindi mo sina alang-alang
Saan mo sinisilid ang iyong nararamdaman?
Sa kanya?
Sa kanya.
Nasa kanya ang susi ng iyong kalayaan
Ngunit nasa akin
ang susi ng iyong kaligayahan.
Na sa dilim mo lang nahahawakan.
Nasisilayan.
Nalalasap.
Sa dilim lang pwedeng magtama ang mga pinaniniwalaan nating tama.
Sa dilim na kapag pinasukan ng ilaw,
Maglalaho ng parang bula.
At ang salitang ikaw, ako
ay tuluyan ng mawawala.
May 3, 2018
May 3, 2018 at 6:00 AM UTC
Ingay ng paligid
Ang sa akin umaaligid
Pagpasok sa silid
Tahimik ay mababatid
Pinto ay ikakandado
Nang walang makaistorbo
Katahimikan ay mabubuo
Nang walang nagrereklamo
Kama ang higaan
Unan ang sandalan
Himpapawid ang tititigan
Nang katahimikan ay makamtan
Ngayon handa ng makipagsapalaran
Sa isang kalaban
Na ikaw lang ang may kinalaman
Sa kaniyang pinagdadaanan
Siya ay lumalaban
Nangangailangan ng kaibigan
Nang katahimikan ay makamtan
At laban ay mawakasan
Sa silid na iyong pinasukan
Kayo ay magtutulungan
Nang inyo ay mapagtagumpayan
Ang isang tahimik na laban
Laban na kayo lang ang nakakaalam
Lakas ay ipapahiram
Upang ating mapagtagumpayan
Ang kinakaharap na laban
Jul 24, 2020
Jul 24, 2020 at 8:49 AM UTC