Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"payasong" poems
Ang higanteng tulyasi, tila bulkan, humihilab sa init, sumusuka ng kumukulong putik at singaw, bumubuga ng bulang panis. Subalit ang mga serbidor at weyter ng panginoong naluklok ay mabangis na nagbubunyi. Nagugulat ako kung paanong ipinaparada bilang obra-maestrang sopas na manok ang gabundok na naiipong ipot ng kanilang hinirang at ng kanyang mga ministrong kampon. Dusa nating pinagbabayaran ang pagsulong ng bulag na katapatan at laganap na kamangmangan sumusuong sa martsang hindi nauunawaan habang sanlaksa’y kay daling naniwala, panloloko’t manloloko ay sagana isang maluho’t makulay na palabas ng paputok at kwitis - sinasakal ang mga kaluluwa, nilalason ang mga isip isang malaking karnabal ng mga manlilinlang na payasong ngising-aso mga nakakatawang bistadong manggagantso at mga saksing bulaan - na ang mga utos ng banal na panahon ay kinakalimutan - at mga binaluktot ng kwento’t kasaysayan - patung-patong na kasinungalingan kumpul-kumpol na tungayaw at murahan mahihiya ang mga alamat ng bayan at pabula ng nakaraan. Ang namumunong bunganga’y kumukulong lagaan ng mabahong tae, mangmang na nag-iisip sa bibig, tinimplahan ng santambak ng mabantot na kawalan ng konting katalinuhan at pakundangan, - isang lugaw ng bigas na plastik, panis adobong sa mga pilyong uod, ay matamis. isang hapunang ang pampagana ay mga bala at pulpol na iskrip ang pangunahing ulam ay mga katauhang walang pantaong karapatan At ako, isang napilitang anino, binihag ng isang tampalasang multo inilibing sa pambayaning nitso at sanlibong mapangsanib na espiritu sa Kaharian ng mga Pangako pawang napako, at mga pag-asang naglaho, ay hindi maibandila, bagkus, nanliliit ako sa walang puknat na pagpururot ng nguso na kapag ang mundo’y tinatanong ako, - Siya ba ang hinirang ninyo? Hiyang-hiya ako . . .
0
Sep 11, 2018
Sep 11, 2018 at 4:43 AM UTC
Ang Pambansang Kahihiyan

Continue reading...
52
072124 Iduduyan Kita sa kalawakan At aaliwin ng mga nagniningning na mga tala. Hahayaang marahang mapagmasdan Ang mga palamuting bunga ng Aking hininga. Aawitan Kita ng kundiman na hehele sa’yong pagtulog. At sa pagsilang ng panibagong Araw Ay hahagkan ka ng mga sinag Nito At lulusawin ang mga pangamba’t pag-aalinlangan. Ang mga pira-pirasong liham ng kasaysayan Ay nagmistulang mga tagubilin At ilaw sa’yong paglalakbay. Habang ang hantungan ng bawat Salita’y Ang puso **** patuloy Kong sinusuyo — Sinusuyo ng aking Katapatan at Kadakilaan. At habang ang mga matutulis na palaso’y Hindi magkamayaw sa pag-uunahan; Maging ang mga payasong nakapalibot sayo’y Nag-aabang lamang sa’yong kahinaan. Narito Ako — Narito, upang waksian ang bawat pagpapanggap Nang hindi ka na mahulog pa Sa mga patibong na iginagawad nila sa’yo Na tila ba totoong mga parangal. Bagamat naging isang pamilyar na tahanan Ang mundong iyong ginagalawa’y Hindi ito ang habambuhay na alay Ko sa’yo. Sa piling Ko’y magiging buo ka — At ang Aking pag-anyaya’y kusang loob. Sa piling Ko’y dito ka na mamahinga’t Ako ang maging Sandigan at Sandata. Ako ang Simula at ang Katapusan; At nasa Akin ang huling Salita. Magbalik ka na, anak — Magbalik sa yaman ng Pag-ibig Ko.
0
Jul 21, 2024
Jul 21, 2024 at 9:09 AM UTC
Turista