Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"paulit" poems
Tapos na ang giyera Tapos na ang labanan at hindi matigil na sakitan Tapos na ang nakakatakot na digmaan sa labas ng mga tahanan Tapos na. Pipiliin ko nang maging masaya Hahanap ako ng madadaluyan kung saan mabibigyan Ako ng kalakasan Maghahanap ako ng kapayapaan Kapayapaan na yayakap saakin Sa mga takot na dinanas ko Sa mga bangungot na nagkakaron parin ako tuwing gabi Sa mga multo na paulit-ulit na dumadalaw saakin Kapayapaan na pupunas Sa mga luha na di na natutuyo Sa mga pawis na matagal nang gustong mawala Sa mga dugo't na minsan nang nanggaling sa sarili ko Magkakaron ako ng kapayapaan Ngunit bakit hanggang ngayon Na tapos na ang giyera Ay hindi ko parin mahanap ang kalayaan na iyon? Bakit patuloy na kumukurot ang ala-ala Na minsan nang nagdaan at sumabit at nanatili Hanggang sa mawala? Bakit kahit na pilit kong kinakalimutan Ay bumabalik parin ang sakit Na dinanas ko habang nasa piling mo? Ngunit ang dating nakaraan Ay tila gumugulo ulit saakin paulit-ulit Bumabalik at tila nagiging kasalukuyan Bumabalik yung nakaraan na Nagmahalan tayo at piniling di maniwala sa katapusan Naging matigas ang ulo't sumunod Sa mga pusong pagal Nasaksihan ng araw at buwan na Ang pagiging seryoso ng bawat puso't isip Natagpuan ang kasiguraduhan sa mundong walang katiyakan Ngunit sa isang pikit ko Ay nagulat ako nang magkaron ng "Siya" Simulan natin sa "Siya" Simula nung araw na iyon Ang salitang "siya" ay naging panakot saakin At tila naging digmaan sa isipan ko Tila naging parusa sa puso ko Ang dating "tayo" Ay unti-unting naglaho At nagbago At naging "kayo" Doon nagsimula ang digmaan Nasakop mo ang puso kong ngayon lamang umibig At binomba ito Pinosas mo ito at ikinulong Ibinilanggo sa lugar na hindi ko rin alam Binugbog at pinarusahan para sa kasalanang hindi naman ginawa Nagmamakaawang pakawalan Sumulat ito ng kanta Umawit gamit ang natitirang pintig Sumulat gamit ang natitirang dugo Isinigaw niya ang awitin niya ng paulit-ulit Ngunit walang nakakarinig sakanya Naghihingalo para sa natitirang lakas Umawit ulit siya muli Hanggang sa marinig siya ng Maykapal Ang alibughang puso ay natagpuan na sa wakas Ngayon ay dumating na ang kasalukuyan Kasalukuyan kung saan ang dating nasasaktan ay gumagaling na Kasalukuyan kung saan tapos na ang giyera Possible na ang kapayapaan Hawak ko ang sedula ng pananakop mo sa puso ko Handa na akong kumalimot Handa na akong tumalikod Sa nakaraan na hindi na kasalukuyan Magtatapos ako sa "Ikaw" Mag-isa ka na
0
Jun 7, 2017
Jun 7, 2017 at 10:33 AM UTC
Araw ng Kalayaan

Continue reading...
73
naririnig mo ba? ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream. ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon. ang mga harurot ng mga ikot jeep. naririnig mo ba? ang mga tawanan ng mga magkakaibigan mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan. naririnig mo ba? ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante na kumakayod sa mga papel: husay sa bawat ukit. naririnig mo ba? ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia dangal sa bawat apak at kumpas ng kamay, sa bawat hinga. naririnig mo ba? ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta ang mga sigaw sa sakit, hiyaw sa hapdi, dahil sa mga hampas at palo ang mga tama ng mga kamao naririnig mo ba? ang mga iyak ang mga hikbi ng mga kaibigan para sa mga kapatid nilang nasaktan. ang mga hagulgol ng mga magulang na nawalan ng anak: mga puso, mga pamilyang hindi na buo. wasak, nasira na. naririnig mo ba? ang mga boses na nananawagan na "tama na" "utang na loob, itigil niyo na" kasi hanggang kailan pa tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit ang sirang plaka ng karahasan na patuloy na naririnig sa panahong ito mula pa sa mga nagdaang dekada? nakakalungkot, hindi, nakakasuklam ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari sa ating mahal na pamantasan. ang tawag sa atin ay mga iskolar ng bayan, para sa bayan pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba kung paminsan hindi nga makita ang pagmamahal at respeto sa atin mismo, mga kapwang magkaeskwela. hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili na magpadala sa indak ng karumaldumal na kanta ng kalupitan? hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog. hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid. kailan pa? tama na! nabibingi na ang ating mga tenga. nandiri. nagsasawa. oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota. oras na para tapusin ang karahasan. oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala. oras na para sa hustisya. oras na para sa ating lahat, estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala na tumayo, makilahok at umaksyon para pahilumin ang sakit, para itama ang mali. oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman. oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
0
Jul 5, 2015
Jul 5, 2015 at 7:47 AM UTC
naririnig mo ba?

75
salamat, sa pagpiling laruin ang aking mga daliri na tila hindi alintana ang pasmang taglay na kung lumuwag man ang kapit ko, ay mas hihigpit ang hawak mo kung dumulas man ang palad ko, ay hahatakin mo ako pabalik patungo sa piling mo upang hindi tayo maligaw sa ating mga sariling halik. salamat, dahil ilang beses kong pinasalamatan ang kalahatan pati ang tila pagyakap ng mga unan sa iyong bawat pagtahan ang mga salitang kaakibat ng kalungkutan at kasiyahan at pagmamahalan, na kung susuriin ay pilit na lumalaban kahit paulit-ulit kitang pinapahirapan. salamat, sa araw-araw **** pagbati ng "magandang umaga" kahit ikaw ang sanhi ng pag-aalinlangan kung tama bang magpahatak sa iyong kanlungan. ilang beses ko bang pagdududahan ang boses **** tila kandungan hindi ko man hiningi ay hinandog ng kalangitan sa likod ng mga telepono'y nagngingitian ngunit pipiliin kong ang akin ay hindi mo masilayan dahil puno ito ng kalungkutan. salamat, sa mga pangakong matulin ang pagkakasabi na bago pa man bigkasin ay batid ang mariing katotohanan na paulit-ulit lang itong maglalaro sa isipan. kahit ilang beses kong pagbawalan ang mundo na bitiwan mo ang kamay ko ay nasasakal na ang mga daliri at humihina ang aking pulso. salamat, dahil ang relasyong ito ay tila hindi matatakasan ang pangungusap na nabubuo'y nagtatapos sa kuwit at ang mga katanungan ay sinagot ng pilit. ang bawat "mahal kita" ay naging nakaririndi nagbabalitaktakan kung kanino ang mas dinig pilit man lakasan ang aking tinig ang panawagan kong umalis ay hindi mababatid. salamat, kahit paulit-ulit kitang pakawalan sa aking puso ay mahigpit ang iyong kapit na sa sobrang higpit ay tila paulit-ulit ding nagdurugo pati ang isip kong tila gumuguho dahil hindi ka lumalayo. patuloy man ang aking pag-ayos at nagtamo pa ng maraming galos; ay patuloy din ang iyong pagsira dahil pareho tayong lumuluha.
0
Jun 9, 2018
Jun 9, 2018 at 12:49 PM UTC
salamat.

56
Simula noong ako'y bata pa, Iba ang iyong pagpapahalaga, Paulit-ulit kong itong nadarama, Isang pag-aaruga, Na hindi kayang tumbasan ng anong halaga, Sa panahon na ako'y nagkakasakit, Ako'y iyong pinipilit, Di ba't sinabi **** kailangan kong kumapit? Manalangin sa Maykapal ng mahigpit, Sapagkat pag-asa'y hindi niya ipagkakait. Di mo man sa akin sabihin, Ito'y aking napapansin, Di mo man banggitin, Alam kong ika'y nasasaktan din, Nahihirapan, Puso mo'y lumuluha, Kaya't ang tangi kong dalangin, "Panginoon ako'y inyo na lamang kunin." Kung kapalit naman nito'y pasakit at suliranin, Di ko kayang makita si Papa na ako'y nagiging pasanin, at kanyang babalikatin. Papa ika'y mahalaga sa akin, Naalala ko pa ang pagkakataong ako'y nagiging malungkutin, Niyakap mo ako kaya't ako'y nagiging batang masayahin, Ang halik mo sa akin, Kaysarap damhin! Init ng pagmamahal na hindi kayang sukatin! Pag-ibig na kahit saan kaya kong dalhin, Habang buhay kong gugunitain, Himig ng pagmamahalan natin! O kaysarap dinggin! Ang tiwala **** sa akin ay hinabilin, Bagkus ko itong pagyayamanin, Hinding-hindi ko ito sasayangin, Habang buhay ko itong pupurihin, Hanggang sa ito ay magniningning! 100 na tula alay ko sayo! Ika'y isa sa magiging pahina nito, Laman ka ng aking nobela, Na hindi maipagkakailang----- Ako'y sa'yo at ika'y akin lamang!
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 10:53 PM UTC
100 Na Tula Para Kay Papa
Mahal, Naalala mo pa ba yung mga panahon na puro ngiti at saya? Mga araw na puno ng kwentuhan, asaran at tawanan Na hindi ko malaman Kung saan nanggaling ang mga iyan Naalala mo pa ba kung paano ko lagyan ng ngiti ang iyong mga labi At tila nilagyan ng bituin ang iyong mga mata? Naalala mo pa ba kung paano mo sinabi sa akin na gusto mo ako? Tila hindi ka pa nga sigurado sa nadarama mo Naalala mo pa ba nung tinanong mo ako kung pwede bang manligaw? Tila nanlumo ka pa nga sa sagot ko. At hindi nagtagal, ay unti unti mo din binitawan ang salitang “Mahal kita. Mahal na mahal kita” Dahil ako? Naalala ko pa Naalala ko pa kung paano tayo nagkakilala Kung paano sinabi sa akin ng kaibigan mo, na gusto mo ako Kung paano mismo nanggaling sa bibig mo, na gusto mo nga ako Kung paano ko binigkas ang salitang “Mahal din kita” Kung paano mo unti unting binabawi ang salitang “Mahal kita” Dahil sabi mo, Sabi mo pagod ka na, ayaw mo na, sawa ka na Kung paano ako nagpakatanga, habang tinutulak ka sa babaeng gusto mo Habang sinasabing “Kung saan ka masaya, duon ako Kahit masakit, kakayanin ko” At naalala ko pa, kung paano mo sinabing “Patawad, mahal pa din kita.” Tinanggap kita. Tinanggap ko lahat ng eksplenasyon at rason mo. Lahat lahat, kahit ilang beses kong narinig na ang tanga ko Dahil tinanggap kita, pero masisisi ba nila ako? Masisisi ba nila ako kung mahal pa din kita? Masisisi ba nila ako kung patuloy pa din akong umaasa na babalik yung tayo? Hindi naman diba? Kasi unang una sa lahat, hindi sila yung nagmahal Hindi sila yung sinaktan at iniwan Ilang gabi akong umiyak Ilang gabi kong iniyakan ang paulit ulit na dahilan Ilang beses akong nagpakatanga sa paulit ulit na rason Ilang beses akong tinanong kung kaya ko pa ba? Kung masaya pa ba ako? Kung pagod na ba ako? Hanggang saan yung kaya ko? At duon ko natagpuan Duon ko natagpuan ang sarili ko Namamahinga sa pagitan ng “Mahal kita” at “Pagod na ako” Pero mahal, masisisi mo ba ako kapag sinabi kong pagod na ako? Masisisi mo ba ako kung sinabi ko sayong gusto kong magpahinga habang minamahal mo? Kung ang gusto ko lang ay ipadama mo ulit sa akin ang nadarama mo? Kung ang gusto ko lang kalimutan ang sakit na dinulot mo? Kung pagod na ako kakaisip sa salitang “kayo”? Kung pagod na ako kakaiyak dahil parang siya pa din ang gusto mo? Kung lagi kong naiisip na baka kaya mo ako binalikan, dahil hindi ka niya gusto? Mahal, wag **** iisipin na ayoko na sayo Wag **** iisipin na kaya ko gustong magpahinga dahil pagod na ako Dahil tulad ng sabi mo, kung pagod na ako, magpahinga ako Kasi mahal, gusto kong magpahinga Para muling madama ang init ng pagibig Na tila ba sa akin ay iyong ipinagkait Muling masulyapan ang mga matang Tila ba hinahanap ako sa libo libong tao Mahal, patawad. Mahal kita, pero pagod na ako Pero hindi ibigsabihin nito ay palayain mo ako Ibig kong sabihin, ipaglaban mo naman ako. Ipaglaban mo naman ako, dahil pagod na ako.
0
Oct 14, 2017
Oct 14, 2017 at 7:54 AM UTC
Mahal kita, pero pagod na ako

62
kasalanan bang umibig, nang walang hangganan? hindi nagpipigil, laging handang lumaban? kasalanan bang umibig, kahit batid na masasaktan? paulit-ulit mang matalo, lalaban hanggang sukdulan? kasalanan bang umibig at bigyan ka ng mga tula, tingin mo'y nakakakilig - kahit ang mga mata mo'y 'di ko pa nakikita? kasalanan bang umibig, kapag ikaw ang nagpapangiti sa bibig, nakulayan ang bawat pintig ng pusong naghahanap ng hilig? kasalanan bang ang hilig ay ikaw na tamang-tama? boses mo'y nakakanginig, kahit hindi ko pa naririnig. kasalanan bang ang hilig ay ikaw na perpekto. tila ginawa ka ng Diyos na hindi maaabot. kasalanan bang ang hilig ay makita ka nang harapan? upang hindi lang sa panaginip na ako'y nasasaktan. kasalanan bang ang hilig ang isipin na ikaw ay tama? hanap-hanap ang iyong titig na pananakit lang naman ang tema?
0
Nov 30, 2018
Nov 30, 2018 at 12:10 AM UTC
maaari ka bang tanungin?
Heto na naman ako Nag iisa sa silid Na binubuo ng apat na pader Naisipan kong umakyat Masdan ang alapaap na binubuo ng tala Kasama ang dalawa kong matalik na kaibigan; Isang bote ng alak, At isang bote ng gamot na walang mabuting maidudulot Ang kamay ko ay napuno ng marka Hindi itim O asul Pero pula Sunod sunod na linya at paulit ulit Ang mga marka ay nagsimulang dumugo Napatingin ako sa ibaba Ang mga halaman at lupa ay naghihintay sa aking pagbagsak Sa buong buhay ko Ngayon lang nagmukang malambot ang aspalto
0
Jul 26, 2017
Jul 26, 2017 at 6:13 AM UTC
Paalam na.
Mahal, tanda mo pa ba yung araw ng ating pagkikita? Kung saan lahat ay ating ginawa upang kilalanin ang isa't isa. Mahal, tanda mo pa ba kung paano mo ako kantahan sa mga gabing tumatawag ka? Kung saan bawat salita natin ay nakakapagpakilig sa buong sistema. Mahal, tanda mo pa ba ang mga araw na tayo ay magkasama? Kung saan ang presensya ng bawat isa ang sa atin nakapagpapasaya. Mahal, tanda mo pa ba ang mga araw na punong-puno tayo ng problema? Kung saan pilit natin itong kinakaya kahit ang bigat bigat na. Kay sarap isipin, kay sarap balikan. Ngunit paano ko ito babalikan kung ako'y iniwan mo ng nag-iisa at luhaan. Naniwala ako sayo. Nagtiwala ako sa mga pangako mo. Hindi ako tumigil kahit nasasaktan na ako. Nanatili ako kahit alam kong lokohan nalang ito. Ginawa ko lahat para sa relasyon na ating binuo Pero mahal, bakit ka sumuko? Nasan ka na? Nasan na ang mga binibitawan na mga pangako? Yung pangakong ako lang ang nasa puso mo. Yung pangakong ikaw lang at ako. Yung pangakong hindi ka maglokoko. Yung pangakong kakayanin natin ito. Yung pangakong tayo lang dalawa hanggang dulo. Wala na. Naglaho ng parang bula. Wala na. Dahil may iba ka ng sinisinta. Sabi mo mahal na mahal mo ako. Ngunit anong nangyari at nagkaganito? Akoy iyong ginago at paulit-ulit na niloko. Ika'y biglang nagbago at unti-unting naglaho. Bakit mo hinayaang magkaganito? Pero mahal, alam mo ba? Mahal na mahal parin kita kahit mukha na akong tanga. Mahal na mahal parin kita kahit may iba ka na. Mahal na mahal parin kita kahit alam kong wala ng pag-asa. Mahal na mahal parin kita kahit tinalikuran mo ako at pinili mo siya. Pero mahal, pasensya kana dahil ito ay sobra na. Pagod na pagod na ako kaya pinapalaya na kita. Ito na ang panahon para piliin ko ang sarili ko. Ako na nagpakatanga sayo. Ako na kinalimutan ang sarili ko. Sarili ko na napabayaan ko dahil sa labis na pagmamahal sayo. Sana sa araw na ika'y pinalaya. Hinahangad ko na seryosohin ka niya. Sana pasayahin mo siya sa araw na kayo'y magkasama. Sana mahalin mo siya gaya ng pagmamahal ko sayo Pagmamahal na hindi mo naibigay sa isang tulad ko. Kaya naman mahal hanggang dito nalang tayo. Kahit mahirap kakayanin ko. Kahit masakit titiisin ko. Paalam mahal, dahil ito na ang huling araw ng pagpapakatanga ko sayo.
0
Oct 16, 2017
Oct 16, 2017 at 2:27 AM UTC
Huling Araw na Ito

49
Sinusulat ko ito para aking matandaan Ang pangako na minsang sinundan Ng sakit at tampo ng nakaraan Pero hindi ito susundan ng sakit at kahihinatnan. Minsan aking pinangako na magiging okay lang ako Na lahat ng ito ay malalagpasan at makakalimutan rin Pero lahat pala ito’y napako, At napadaan lang sa daan na bako-bako. Daan na bako-bako, parang tayo. Di malaman kung san liliko, palagi nalang nakakalimutan at nahihilo, Kung ang damdamin ay pareho. Umasa ang isa at nagpaka-tanga, Sa pangako at pag-ibig kung san lahat ay nalito. Pangako. Sinusulat ko ito para aking matandaan Ang sakit na dinulot mo sa akin Mas masakit pa kesa sa paluhudin sa bilao ng asin At kalian man umasa na ikaw ay mapapa sakin. Pangako, salitang palaging napapako. Katulad ng tulang ito, parang pangako. Paulit-ulit sinasabi, ngunit nalilito at napupunta sa daan na bako bako Pero aking tutuparin, ang pangako na ito hangga’t sa kakayanin. Pero hindi kita tutularin, na ginawa ang pangako na parang bang kasing nipis ng asin.
0
Dec 3, 2015
Dec 3, 2015 at 5:44 AM UTC
Pangako
Natakot ako noong araw Na nagising ako At naramdaman ko ang kabog ng puso ko Parang iba na ata Ang sinasabi nito Hulyo noong nangyari ito Ngunit Oktubre na nang aminin sa sarili Ang matagal nang ikinubling damdamin Dahil nakakatakot Nakakatakot ang mahulog Para sa isang taong hindi naka-abang Upang ika'y saluhin Nakakatakot malunod Sa lalim ng iyong mga mata Na baka hindi na makabalik pa At maiwang nag-iisa Nakakatakot sabihin Ang damdaming itinanggi Dahil baka di pakinggan At tuluyan nang iwasan Natakot ako pero sumugal ako ‘Di na ata kakayanin pang itago ito Ngunit matapos ang lahat Tama nga ako Tama nga ang paulit-ulit na sinabi sa sarili Hindi na dapat Bakit nahulog pa Bakit nalunod pa Bakit sinabi pa Sana tinago ko nalang Mas nakakatakot pala Nang tuluyang mawala ka
0
Jan 19, 2016
Jan 19, 2016 at 6:41 AM UTC
Pagpapanggap
Paulit-ulit na nagtatanong, Palaging may binubulong, Hanggang kailan ikukulong, Huling sigaw ay tulong. Puso’t isip ko’y nasasaktan, Kailan kaya kita makakakamtan, Kailan kaya ang tamang panahon, Kung saan ang pagibig nati’y aahon. Hanggang sa huli ay ikaw, Sa mga sandaling ninakaw, Sa piling mo aking giliw, Oras nati’y walang maliw.
0
Sep 1, 2015
Sep 1, 2015 at 8:07 AM UTC
SIGAW NG PAGIBIG: TULONG!
May mga bagay na kailangan Kung tanggapin kahit hindi ko maunawaan Na ang dating buo ngayon ay sira na Na ang dating masayang pamilya ngayon ay wala na Paulit ulit na binubulong ng aking isip Maraming tanung sakin isip Paano nga ba ? Anu nga ba? Wala na bang pag asa ? O kailangan ko nalang tanggapin Na aking magulang ay wala na Wala na??? Wala na ?? Wala na!! Wala ng pag asa na maging isa muli O hindi na ba ma bubuo muli O kailangan kung tanggapin na Aking magulang ko ay may iba ng pamilya Oo meron ng ibang pamilya ! Aking sambit sapagsapit ng pasko Sabi ko kahit walang handa sa pasko Basta buo ang pamilya masaya na ako Pero nagkamali ako sapagkat ako'y mag isa nalang Ito ang unang pasko na hindi tayo magkakasama Ito ang unang pasko na ako lang mag isa. Lagi mo sanang tandaan sakabila ng ulan meron bahaghari Magkakaroon muli ng mga ngiti sa labi Lage mo sanang tandaan iwan ka man ng iyong ama't ina Ako'y nasa tabi mo na Ako'y mananatili sayong piling Handang sumagot sayong hiling Ika'y manatili lamang sakin piling At ako'y mananatiling sayong piling Ang mga sinira ay aking bubuoing Ang mga nawala ay aking hahanapin Sapagkat nung Una pa man ito na aking layunin Sakin lamang ay magtiwala at manalig Buong puso sakin ay isalig Hindi kita pagkukulangin Patuloy kitang mamahalin Ang iyong magulang aking gigisingin Sa maling mga hangarin Upang ibalik sa dating nitong layunin Kung sa tao ito'y impossible Sakin ay possible Magkatiwala ka lang sakin Lahat ay aking gagawin Diyos ay may layunin.
0
Sep 28, 2020
Sep 28, 2020 at 6:44 AM UTC
Buwak na pamilya

44
Habang hawak-hawak mo ang kanyang kamay 'San man kayo magpunta Kailan ba'y naisip mo ako Na nalulunod sa pangungulila Nang ako'y iyong binitiwan? Habang kayakap mo siya Sa gabing maginaw Kailan ba'y naisip mo ako Na naghihintay sa'yo Mag-isa, nanlalamig At sa init ng 'yong yakap ay uhaw? Habang hinahalikan mo Ang kanyang mapupulang labi Kailan ba'y naisip mo ako Na halos matuyo na ang labi Sa kasasambit ng pangalan mo? Habang binubulong mo sa kanya Kung gaano mo siya kamahal Kailan ba'y naisip mo ako, Narinig mo ako? Sumisigaw na "Mahal na Mahal kita!" Habang pinagmamasdan mo Ang kanyang matamis na ngiti Kailan ba'y naisip mo ako, Nakita mo ako, nakita mo Kung gaano na karaming patak ng luha Ang naidilig ko sa lupa? At sa kung siya ay umiiyak at iyong pinatatahan Habang pinupunasan mo Ang kanyang mga luha Kailan ba'y naisip mo ako, Naisipan mo man lang ba? Na itigil ang paulit-ulit Na pagsaksak mo sa puso kong Dumudgo sa kaiibig sayo? Pero alam ko Na may kasalan din ako Kasi.... Kailan ma'y di ko naisip Na sa higpit ng yakap ko'y nasasakal ka na pala Kailan ma'y di ko naisip Na kahit gaano kalawak ang bahay nati'y Nasisikipan parin ang iyong dibdib At hindi kana nakakahinga Kailan ma'y di ko naisip Na kahit napagalitan ka sa opisina, sabik ka sana sa paguwi Pero ang dadatnan mo lang ay isang malawak na bahay Na mayroong isang "ako" na puro dada at reklamo lang At ang iyong naririnig mula sa aking bibig na tila daig pa ang isang rapper sa bilis at walang paltos na panlalait Kailan ma'y di ko naisip 'di ko inisip ang iyong opinyon Kasi palagi nalang ako, ako, ako Ako ang tama Kailan ma'y di ko naisip Habang ika'y umuuwing pagod Dinuduro pa rin kita At ito'y tumatagos na sa puso mo Hanggang sa sinabi **** tama na, Hindi mo na kaya, Ayaw mo na At yun umalis kana, iniwan mo na ako Pero heto ako ngayon sa harapan mo... Nagtatanong Kung mahal mo pa ba ako? At kung ang iyong sagot ay hindi na'y Heto ako ngayon sa harapan mo... Nagbabakasakali Na may pag-asa pang mahalin mo ako ulit At kung wala na ay Heto ako ngayon Sa harapan mo Lumuluhod Nagmamakaawa Na balikan mo ako Balikan mo ako Balikan mo kami Pakiusap umuwi ka na Sa malawak na bahay Na bahay mo, na bahay ko Umuwi ka na, kahit 'di para sa'kin Kun'di para sa mga anak mo, na anak ko Para sa pamilyang ito Parang awa mo na Bumalik ka na Kasi sa malawak na bahay Naroon ako, at ang mga anak mo Nangungulila... at Naghihintay Sa pagbalik mo **
0
Jun 2, 2015
Jun 2, 2015 at 5:10 AM UTC
Kailan Ba'y, Kailan Ma'y (Tagalog)

91
Pag-asa, tayo daw ang pag-asa Kabataan ang pag-asa ng bayan sabi nila Pag-asa, pag-asa sa pagbabago Pero nasaan ang pag-asa, Kung mismo tayo'y nababalisa Nababalisa sa paikot-ikot na problema. Droga,patayan,droga,patayan droga Paikot-ikot nalang nakakapagod na. Laman ng balita'y paulit-ulit nalang At ang mga buhay, mga inosenteng buhay Ay nasasayang, paulit-ulit nalang. Pag-asa, nasaan na ang pag-asa Kung mismo ang ugali natin ay nagbago na. Ang respeto sa lahat ay nababalewala, Ang pagpapahalaga sa damdamin ng iba' nawawala na. Pag-asa, nasaan ang pag-asa kung Ang ating lipunan ay nagdudusa na? Nasaan ang pangako ng pagbabago, Eto ba ay nawala, naglaho o napako? Mistulang lasing ang mga tao Nagbubulagbulagan sa sinasabing pagbabago. Pero nasaan ang pagbabago kung mismo tayo'y di natututo? Na parang alak ang ating lipunan, Sa una'y walang epekto, walang pakiramdam Pero habang tumatagal ika'y mababaliw, Matutuwa, malulungkot, samu't-saring emosyon. Pero habang tumatagal ikaw ay mapapaisip Kung para saan nga ba ito. Itong paglaklak ng napapakong pangako. Nasaan na angand nasabing pag-asa at pangako, Kung tayo ay uhaw sa alak na walang pagbabago?
0
Aug 27, 2017
Aug 27, 2017 at 7:22 AM UTC
Alak
Ayoko nang bumalik sa reyalidad, Bagamat naroon ang mga taong Nanakit sa akin. Ayoko nang bumalik sa reyalidad, Dahil sawa na akong masaktan ng Paulit - ulit. Dito na lang ako sa aking mundo, Mundong aking nilikha, Mundong kung saan ako ay masaya, Dahil ako lang ang naghahari, Naghahari at nag-iisa. Ngunit kahit ako ay nag iisa, Ang mundo ko rin ay para sa iba Para sa kagaya ko na nagdusa sa isinumpang reyalidad Malaya kang makakapasok sa aking mundo, Malayang gawin ang lahat, Bagamat hindi kita sasaktan, Malaya karing makakalabas sa aking mundo, Kung balak **** subukan ulit ang reyalidad, At pag ikaw ay nasaktan muli, Bukas parin ang aking mundo, Upang may masilungan, may maiyakan Basta ipangako mo lang sa akin, Wag mo rin sana ako saktan, Ang mundo ko ay sa iyo rin, Sa iyong-iyo nang walang hanggan. Ikaw, gusto mo ba sa aking mundo? Tara!
0
Jul 22, 2015
Jul 22, 2015 at 4:47 AM UTC
Mundong Aking Nilikha
Sana kaya mo Sana kaya **** sabihin sa kanya Katotohanan sa iyong pagsinta At huwag mo nang subukan pang ikubli Huwag **** hayaan sa'yo lang manatili Sana kaya mo Sana kaya **** sabihin sa kanya Dahil pagod na akong makinig sa mga kwentong paulit-ulit mo na lamang binibigkas na para bang sirang plaka Sana kaya mo Sana kaya **** sabihin sa kanya Dahil kung sa totoo lamang Hindi ikaw ang talagang nasasaktan Pakiusap lang, 'wag ka nang mandamay ng iba Sana kaya mo Sana kayanin **** huwag magkwento sa iba O di kaya'y sa akin pa Dahil alam ko na alam mo na ang dapat gawin Tapangan mo (kahit ngayon lang, pakiusap) Sana kaya mo Sana dumating na ang tamang panahon na 'di ka na lamang mananahimik At sa panahong iyon na ika'y balak na magsabi Sa akin ay huwag ka nang babalik
0
Mar 17, 2016
Mar 17, 2016 at 3:10 AM UTC
Silakbo at pagsamo
Kung bibigyan ako ng pagkakataon, Magsusulat akong muli. Kung saan hindi ko pa ramdam ang sakit, Kung saan hindi ko pa ramdam ang pait, Kung saan masaya ang umpisa at masarap pa ang huli. Kung saan buo pa ang sarili at wala pang pilas ang pagkatao Kung saan ang lahat ay umiikot pa sa ating dalawa. Isusulat kita, Paulit ulit kong isusulat ang ilang berso ng ating kwento Dalhin man ako sa malayong pinagmulan nito, O dalhin man ako sa masakit na katotohanan nito. Isusulat ko pa rin ng paulit ulit ang mga kwento natin, At patuloy kong babaguhin hanggang ang lahat ay maging tama. Sa paraang gusto ko, Sa paraang maisasalba ko ang salitang "tayo". Kahit parusahan man ako ng mundo, Ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko. Hindi man alam ng mga tao, Hindi man ako pagbigyan ng puso nyang mahalin ka. Ilayo ka man nya, Lumayo man kayo, Uulitin ko ang mga kwento ko, Hanggang mag tama muli ang mundo mo at mundo ko. Mamahalin kita ng paulit ulit. Hanggang ang salitang pagod na ako ay maging hindi na totoo Hanggang ang luha ko ay matuyo at di na muling tumulo. Mamahalin kita ng paulit ulit, Hanggang huling hininga ko, uulitin ko ang pagkakataong ito.
0
Mar 22, 2018
Mar 22, 2018 at 1:17 AM UTC
ikaw ang pahina, ang tinta at tula.
Tayo ay magkasalungat Magkaiba, hindi tugma At kahit baliktarin mo ang mundo Tayo ay dalawang taong Hindi maipagsasama, Hindi maipapares, hindi din maitutugma Pero mahal pa rin kita Ikaw, Ikaw, na nagmamahal ng iba Ikaw, na mayroon mga mata Na para bang sila ang dahilan kung bakit may mga tala Ikaw, na mayroong bibig Para ngumiti o sumimangot Sa tamis at pait ng buhay Ikaw, na mayroong kamay Para mahawakan ang kamay ng taong mahal mo Ikaw, na mayroong puso, Na naghahanap ng kasabay sa pagtibok nito Ako, Ako, na nagmamahal sa'yo Ako, na mayroon ding mga mata Na nakakakita sa'yo kahit ang kwarto ay punong-puno ng libu-libong tao Ako, na mayroon ding bibig Para ngumiti, tumawa, humalakhak Kahit wala ka sa tabi ko Ako, na mayroon ding mga kamay Na dapat hawak ang iyo Ako, na mayroon ding puso Na hindi pala tutugma ng tibok ng iyo Kasi pabilis ito ng pabilis habang ikaw ay papalapit ng papalapit Pero pakinggan mo sana sa ingay ng 'di tugmang tibok ng puso natin May nagsasabing Mahal kita, gusto kita, ako na lang, sana tayo Pero nandiyan pala siya. Siya, na minamahal mo Siya, na parang buwan kasama ang mga tala Siya, na laging hawak ang kamay mo Siya, ang dahilan kung bakit hindi ko kayang sabihin lahat ng 'to sa harap mo. Tayo, Tayo ay parang tubig at langis, Liwanag at dilim, langit at lupa Mapait at matamis, madumi at malinis Maingay at tahimik, itim at puti Tayo ang perpektong kahulugan ng salitang 'salungat' Sana, Sana magising ako sa katotohanan na mali ang konsepto ng pag-ibig na nalaman ko Na ang pag-ibig pala hindi lagi inaantay, At hindi din lagi naghahanap ng kapalit Sana nagkakilala tayong may lihim na nararamdaman sa isa't-isa Sana kayanin **** magmahal ng higit pa sa kaibigan Sana hindi na lang kayo nagkakilala Sana ikaw ang pangalan na nawawalan ng saysay pag paulit ulit ko itong sinasabi Sana hindi na lang ako lagi kumakapit sa sana. Pangako, Pinangako ko sa sarili ko Na pagkatapos ng tulang 'to Titigil na akong isipin ka Titigil na akong alalahanin ang ngiti mo, ang paggalaw ng iyong bibig tuwing sasabihin mo ang pangalan ko Titigilan na kita sulatan ng tula Titigil na akong mahalin ka At ang huling sana na aasahan kong matupad Na sana tandaan mo, Minahal kita, Ginusto kita, Kahit siya na lang At sana masaya ka.
0
Feb 10, 2016
Feb 10, 2016 at 11:13 AM UTC
Magkasalungat

65
"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Sona-sonahan, madilim na naman. Pagbilang kong tatlo, nakatago na kayo Mapagod man kayo, tuloy pa rin ang laban ko Isa.. dalawa.. tatlo.. Game?" Pag si Juan ang nagsalita, Nag-aalitan ang madla. Pag tikom ang bibig, Siya'y bulag raw sa maralita. Pag nilatag ang naplantsa, Lalatiguhin ng administrasyon. Pag walang plataporma, Ihahagis sa bangin ng suhestisyon. Kalaban pala nati'y ang sariling atin, Demokrasya nga'y may sapin pa rin sa bibig Mga bolang itim, saang lupalop ang padpad Mapait ang kapayapaan, Dakila ma'y kanilang binabagsak din. Walang nakatitiis sa bayang nagpapapansin Masakit nga naman sa bulsa ang tunay na bayanihan Dugo'y dumanak makamtan lamang ang demokrasya Sobra-sobra nga lang ang danak ng iilang raleyista. Sadsad sa suliranin ang Inang tinakwil Mga anak sa lama'y namasyal pa sa ibang bayan Hindi na matapus-tapos ito'y pagdadamayan, Damay sa kurapsyon, damay sa pagtitwakal ng mga Inakay. Yuyuko na lang ang nasa langit Pagkat nagapi ang mga tunay na Anak -- Ang lipunang ginahasa ng iilang ganid, Paulit-ulit na, ang hapdi ng kamusmusan. May iilang nagtatanong, May iilang walang pagtataka, Musmos sa bayan, wala namang pag-usbong Kaya't iba na lang ang nakikinabang Puspos sa distansya Ng kamalian ng nakaraan. Hugas-kamay ang iilan, Simpleng hindi batian, Wika nga ba ng pagkakalimutan? Parang away-kalye, away-bata Aso't pusa, sa lipunang ang hepe'y sila-sila lang din. Batu-bato pik, naglalaro ang iilan Bukas tataya na naman sa lotto At pag natalo'y iiyak na lang, Bibigyan ng tsokolate, Pangako para sa matamis na pag-iibigan Ngunit balat lang pala, Mapagbalatkayong himagsikan Tapos, hahanap ng Darna Pagkalunok ng bato ng kamanhidan.
0
Jul 27, 2015
Jul 27, 2015 at 1:32 PM UTC
SONA-sonahan

51
Madalas naiisip ko… ‘bat ko nga ba patuloy sinasaktan ang sarili ko? Bakit nga ba ako tumitingin sa mga bagay na puwedeng ikasakit ko? Bakit nga ba “ikaw” ang laman ng isipan ko? Ikaw na mismong tao na dahilan kung bakit ako nasasaktan nang ganto.. “Pagod na ko” Yan ang paboritong linya ko tuwing nasasaktan ako “Pagod na ko” Sa paulit-ulit na sakit na nararamdaman ko “Pagod na ko” Sa mga bagay na akala ko may kabuluhan sa buhay ko “Pagod na ko” Tuwing naaalala ko na hindi mo kayang mahalin ang isang tulad ko Para akong bata na gustong mag-recite Pero iba pinipili ng **** ko Para akong pumapara ng jeep Pero namimili ng pasahero ang drayber nito Para akong tanga na minahal ko ang tulad mo Kahit na alam kong masasaktan lang ako Umasa ako. Pasensya na. Kasalanan ko. Sabihan na nila akong tanga Dahil nagpadala ako sa nararamdaman ko Sabihan na nila akong mababaw Dahil nahulog ako kaagad sayo Sayo.. Sa mga simpleng kilos mo Sa mga bagay na akala ko may kahulugan din sayo Sa mga salitang binitawan mo na akala ko totoo Sa mga halik mo na akala ko naramdaman mo din tulad ko Ako lang pala Ako lang pala ‘tong tanga na nakakaramdam ng mga bagay na ‘to Ako lang pala ang nagmamahal sa kuwentong ito Ako lang pala ang umaasang magiging “tayo” Ako lang pala ang nangangarap na magkakaroon ng “ikaw at ako”
0
Oct 14, 2015
Oct 14, 2015 at 11:42 AM UTC
Ikaw at Ako
I. Time passes, another batch of refugees and migrants. Cities turn into new houses of gambling and vicious cycles. Some say only machines can speak clearly and most humans have lost what they have earned throughout all this time, just right on schedule. To own our language, and the relationships it sets into motion, we learn painfully, repeatedly like sunrise and sunsets. Claiming our own spaces and demons hidden in our conveniences and reflex routines, and learning the tricks that has kept peoples from fully healing from broken promises and betrayals throughout time. We own up to our language and its demons every day and night that we toss and turn into something feasible, edible, livable. II. Iba ibang uri ng digma. duguang kasaysayang binabaong buhay binubura ang lakas at memorya tulad ng siyudad ng Songdo sa South Korea na ang ibig sabihin ay "city with no memory". Ito din ang isa sa mga modelo para sa New Clark City na tinatayo sa Luzon. Sa dalawahang mga pamamaraan ng mga naghahari-harian, nakikibaka ang anakpawis, nakikibaka ang kamalayan ng pagpapasya at pagwasto sa mga pagkakamali, na paulit-ulit na sinusubukang patayin sa iba ibang mukha. Mula pa sa panahon ng mga lolo at lola noong 1940s hanggang ngayon, patuloy ang mga pag-eexperimento nila at paggamit ng panlilinlang  at dahas, sa ngalan ng kalusugan, edukasyon at batas, upang ipain ang buhay sarili, lasunin ang lupang kinakain ang sarili. Kung hindi tayo mag-aaral at mag-iingat din, tayo mismo ang papatay sa mga sinisimulan. #
0
Sep 8, 2018
Sep 8, 2018 at 2:58 AM UTC
Owning our language, facing its demons

33
Mahal, tanda mo pa ba yung pangako ko, Yung pangako ko na mananatili ako sa tabi mo, Mahal, sinabi ko sayo na aalis lang ako pag sinabi mo, Kaya kong manatili sa piling mo kahit na nasasaktan na ako. Kahit na alam kong pampalipas oras mo lang ako nanatili parin ako, Tanga na kung tanga pakielam ko, Eh mahal kita, Kahit na alam kong wala na akong pag- asa, Kahit na alam ko na may mahal ka ng iba Nandito pa rin ako sa tabi mo at may ngiti sa labi ko, Hindi ko malaman kung saan ako nagkulang, O sadyang di mo lang makita yung halaga ko, Masakit man isipin na gwapo siya, May makinis na mukha Nakakahiya nga pag pinagtabi kami, Isang tingin sakanya tao talaga, Ako? Abnormal tingan walang wala kumpara sa kanya. At ito pa ang mas masakit pag lagi mo siyang kwento, Para kayong bumubuo ng mundo, Kung saan lahat ay perpekto, Ikaw at siya hindi nga maipagkakaila na perpekto nga, Alam mo ba na ang saya ko noong hawak ko ang iyong kamay, Para ako ay nasa ulap dahil sa lambot ng iyong kamay, Ang bilis ng tibok ng puso ko para na nga akong mamatay, Nakakahiya pa nga eh pasmado yung kamay ko, Mas lalo akong natuwa nung di mo inagaw ang mga kamay mo na kayakap sakin, Pero sabi nga nila lahat ng saya ay pandalian at kalakip nito ay sakit, Simula noong nadaan natin siya, Ang mga kamay natin na magkayakap, Ay unti-unting nag hihiwalay ang pagkakayakap, Feeling ko nga rebound mo ako, Alam ko na walang tayo, Pero base sa mga pinapakita mo ay meron talagang ikaw at ako, Nag hahawak kamay, Nag yayakapan, Nag aaylabyuhan, Kulang na nga lang maghalikan eh, Pero lahat yun diko alam kung pangkaibigan lang o ibang level na, Akala ko nga may pag asa ako eh, May pag asang magkaroon ng titulong ikaw at ako, Mga akala na magiging masaya tayo, Ayan nanaman ako sa mga akala ko, Puro akala akala akala pero sa huli di nmn nag katotoo, Mahal kita,mahal kita,mahal kita yan ang paulit ulit kong gustong sabihin sayo, Syempre sasagutin mo rin ako na mahal kita, Ang saya saya pag lagi mo sinasabi na mahal mo rin ako, Pero napapaisip ako kung galing ba sa puso mo ang mga salitang binitawan mo, O napipilitan ka lang sabihin yon, Dahil advance ako mag-isip uunahan na kita, Mahal pasensya ka na ha, Kung hindi ko na matutupad yung mga pangako ko, Pangako na malapit na mapako, Hindi ko sinabi na diko matutupad, Pero parang papunta na, Sana wag mo kong hayaan umalis, Baka makita mo na lang ako nasa piling na ng iba, Pero sabagay pano mo nga pala ako makikita kung ang mga mata mo'y laging nakatuon sa kanya,
0
Mar 24, 2019
Mar 24, 2019 at 10:35 AM UTC
Patuloy

57
Hindi naman ganid ang administrasyon Nagkataon lamang na may mga punto Na walang humpay na nag-iiwan Ng tandang pananong. May mga eksenang hindi literal Pero kapag bayan ang bumasa’y Ni isang letra’y hindi man lamang nasimulan. Hindi masisisi ang mga modernong bayani Kung patuloy pa rin sila sa pakikibaka Kahit nakamit na kamo ang kasarinlan; Ang hustisya raw ay napagtagumpayan na Bagkus, nilalatigo ng kapwa nasa ekonomiya. Marahil hindi pa lubusang nararadyo Hindi magkanda-ugaga ang leksyon sa Senado Eh kung uso pa ba ang tele-radyo, Kaya bang tapakan ng saksi ang demokrasyang makasarili? Doon nag-rally ang iilang katauhan Wala naman silang napala Pagkat binagsakan ng pintuan Ni hindi nakakilos kahit sila’y nasa kilusan Saklob ng gobyerno’y sila’y bisi sa nasasakupan. Hindi mabilang ang dugong dumanak Ang boses na sumigaw Ang tonong paulit-ulit pero hindi naririnig O baka naman ang may pandinig Ay mas nais magwaglit. May mga platapormang tila langit Bagkus dilim naman ang hain Sa maliwanag dapat na paligid. Ibabato nila ang kinamkam sa madla Pero dahil ang binato’y mukhang tinapay, Walang pakuwari ang iba Manhid nga ba ang tao O talagang kurot-sabay-pikit lang? Heto na naman tayo sa estante ng kaguluhan Sana nga matapos na ang pahinang ito Pero nasa simula pa lamang Pagkat ang propesiya’y Nararapat na mamalakad Ihahain ng Higit na Hari Nang maitaas Kanyang Ngalan. Kung may mga bumabatikos Sa gobyernong kinagisnan Marami pa rin ang tatayo Pagkat kaytayog ng kanilang dangal. Hindi naman dapat Tumingin lamang sa kawalan Pagkat may pag-asa pa Itong ginintuan nating bayan.
0
May 2, 2015
May 2, 2015 at 7:18 PM UTC
Repleksyon ni Juan

52
#030317 Oo, totoo -- Hindi mo na kailangang ipagsigawang mahal mo ako, Na aakyat pa sa tuktok ng bundok Para isigaw ang pangalan ko, At doo'y ihayag ang nilalaman Ng damdaming nagsisidhi, Sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan. Mahal kita -- Sabi nila, lahat ng panimula ay may pangwakas Pero hindi ko mahagilap sa anumang libro Kung may katapusan nga ba ang mga salitang yan. Sa bawat letrang namumutawi sa aking bibig, Hindi ko alam kung matatapos ba Ang pagkatha ng puso ng sarili nitong lenggwahe ng "mahal kita" Pagkat hindi ito isang antigong alahas Na susuotin lamang sa mga piling okasyon, Pagkatapos ay itatago sa kahon, At kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon. Sabi sa kanta, "Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga" Pero ang sabi ko nama'y Tirik man ang araw sa pagtawa O kulimlim man ang gabi sa pag-iyak, Hindi ako mauubusan ng dahilan Para mas mahalin ka pa. Mahal, kaya ka pala mahalaga At kaya pala mahalaga -- Ngayon, ngayo'y alam mo na. Kukunin ko ang mga agiw Sayong mga lumang gunita, Pilit kong wawasakin ang mga pader Na hindi akmang pumagitna sa'ting dal'wa. Sa paulit-ulit **** pagsambit, Noo'y natakot akong maglaho ang halaga nito Natakot akong bawiin ng bukas ang bawat sinasambit mo Pero ngayon, mas pinili ko nang masanay -- Masanay sa bawat pagbigkas mo Kahit pa sabi ko noo'y ayoko Kahit pa gusto kong itanggi Kahit pa gusto kong limutin. Pero oo, sapat na sakin ang tiwala mo Sapat na sakin ang pag-intindi mo Minsa'y di ko maintindihan sa telepono, Minsa'y di ko malinaw sa pandinig ko Pero alam ng puso ko: Narinig ko. Sa mga kamaliang pilit nating binabayo, Mga pagkukulang na pilit nating pinupunan, At sa mga araw na kahit luha ang nalalasap, Doon ko nakitang kaya pala -- Kaya pala nating magpatuloy Sa paghawak sa kamay ng bawat isa At kahit pa malayo sa isa't isa'y Ikaw at ikaw pa rin ang pagsinta. Minsan di'y nagtanong ako, Ba't hindi ka na lang naunang masilayan ang mundo? Bakit kailangang hintayin pa kita? Bakit kailangang masaktan muna bago matugunan ang pagmamahal? Ba't nga ba minamahal kita? Mapupuno ako ng bakit Pero itatapon ko ang mga ito, Ayoko nang malunod sa pangambang Paggising ko'y baka muli ka na namang maglaho O baka malimot ng isa sa atin Ang iniingatang "mahal kita" Tatalon ako sa walang kasiguraduhan Tatalon ako -- Oo, alam kong nahuhulog ako Nahuhulog sa walang katapusang "Mahal kita." Hindi ko gamay ang misteryo nito Hindi ko mabatid ang mga nakasulat, Mga nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip: Pero ililibot kita, Sa aking nakaraan, Sa aking ngayon At sa aking bukas -- Pagkat hindi tayo nabigo Ayokong biguin ka. Kailanman hindi mabubura, Hindi maglalaho Para sa nag-iisang ikaw. Sana magkusa ang araw sa pagbangon, At bukas makalawa'y maririnig ko na Ang hinihintay kong "Mahal kita."
0
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 9:46 PM UTC
Walang Tuldok ang "Mahal Kita"

86
Mga isip na nagtagpo sa delubyong nakatago Isang ikot sa bilog na bakal, nagtugma ang kaisipan Maraming bunggo'upang utak ay maalog Naalog nga ba? para bumitaw o dahil sa pag ulit ng pag bunggo At Sadyang inalog para kumapit at umasa Sa mga pangyayaring tugma sa puso ng mga mahal Mga usap na wagas ang salita Mga analisa na may pag dududa at pag sang ayon Mga oras na ginugol upang makamit ang usapang pag ibig ng mga mahal Mga oras na ang pag uusap ay paulit ulit Mas naging matatag dahil sa maga paulit ulit na mga salita at haka haka na nag katotoo Ngunit walang sawang nakinig, nagtipa Upang ang dalisay na pag ibig ay magtagumpay Mga pag tatagpo na kahit sa sandali ay naging palagay ang loob at isipan Mga taong makatotohanan at naniniwala sa dalisay na pag mamahal ng taong mahal Mga oras na ginagawang araw ang gabi na sana ay tugma ang oras Di man nagtugma ang oras nagagawa pa ding mag bahagi ng oras Dahil ang pag-mamahal na bukal sa taong mga mahal walang kasinungalingan walang pag dududa naniwala sa dalisay Dahil sa mas malalim na pag kakaibigan na puno ng lungkot at pighati mga pag subok na kumanti sa pagmamahal ngunit ganon pa man nag tagumpay sa mga hiling sa gabi-gabi sa pagtulog. sa Poong may Kapal, Naway di magsawa sa mga karanasan Sa kapaligaran may kasinungalingan Naway maging aral upang matutong Magbigay ng pag mamahal sa kapwang Walang nakakaunawa at nagmamahal Mga delubyong pinagtagpo ang mga taong mas nag pakatoo at umasang sa huli ay mag tatagumpay ang pag ibig na dalisay ng taong umaapaw ang pagmamahal sa babaeng sinisinta sa bawat minuto at bawat sandali ng kanyang buhay. Ano pa nga ba ang salitang dapat mamutawi kundi mga katagang "Tagumpay ka DALISAY".
0
Apr 5, 2018
Apr 5, 2018 at 10:21 PM UTC
Dalisay at Pagmamahal

46