Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"patuloy" poems
margaret Langit ang nagbigay biyaya nang ambon ay dinilig Ang aking hiling sa panginoon ay biglang nadinig Pinadala ang anghel na sa mundo ko’y yayanig Tinawag ng ng kanyang tinig, at Napatulala sa mga Titig Maari bang malaman ang yong pakay sa akin Kung ikaw ba ay pasakit at tuluyan na akong wawasakin? Laging kong tanong kung ano ba ang dapat kong gawin Kung ang kahulugan mo ay kabiguan patuloy pa ba kitang iibigin? Nagtatanong kay Bathala, Paano ko ba mapapaliwanag ang  hiwaga Nitong pagmamahal na kung bakit sa puso kumapit ka ng kusa Ako’y nagtataka’t di maka paniwala Bakit ito ang yong ginawa Sa bigay **** biyaya, Ano ba ang kasalanan ko  para isinumpa Gaano ba kita pinapahalagahan? Alam mo ba ang dahilan? Hiling ko lang ay sanay iyong maunawaan itong nararamdaman Kaya ang paliwanag ko ay simple nalang Masikip dito sa loob ko, kaya ang kasya ay ikaw lang Alaalang bitbit pano ko makakalimutan Kung Sa puso koy nakaukit  ang yong pangalan Ibinalot ng tatag ng loob para ika’y ipaglalaban Di kita hahayaang lumuha lagi kang aalagaan. Nagaabang ng sasakyan para dalhin sa langit, iwan ang mundo Nakikiusap Pagbigyan sana Hiling makamit, Anghel na sundo Saan nga ba tayo patungo? Byaheng langit sa impyerno, Sa isipan kong magulo, Kasinungalingan ka ba o Totoo? Linalaro sa panaginip ang dakilang pagsuyo Tuluyang Hinamon Ang matapang na puso Sayo napalapit at ayaw nang lumayo Ang silakbo ay di na kaya, kayang isuko kahit ano dito sa lupain ay handa kong ialay Pagkat ang langit sa akin ay una mo nang binigay Ang halaga mo sa akin ay Walang katumbas na materyal Dahil Di kayang sukatin kung gano kita kamahal
0
Sep 25, 2018
Sep 25, 2018 at 12:04 AM UTC
Margaret (Anghel Ko)

Continue reading...
33
Anak: "Ika'y Tulang muli't muli'y binabasa ng madla, Na 'di makalilimutan; na binabaon sa alaala Tulang puno ng damdamin na ni nais ipabatid At ang saknong ng pag-ibig Mo'y, Siyang tutugma sa puso kong minsa'y naging sugatan."* Ama: "Minsang ibinigay ko sa iyo ang pagkakataong Unawain ang kahulugan ng kamusmusan. Sa lupaing ugat ng iyong kaluluwa't Siyang kanlungan ng mga pangako Ko't Mga pangarap na laan sayo. Bumangon ka, Anak Ako ang Siyang sasagwan Ako ang aabot sayo." Anak: "Sabay nating kinatha ang tula ng aking buhay; Mga saknong at tugma na sarikulay, Mga katagang baun-baon ko Sa malayu-layong paglalakbay." Ama: "Pagal ka ma'y, Nanahan pa rin sa puso ng bawat isa, Di mo man tiyak ang katiyakan, natitiyak Ko Na ang pag-ibig Ko'y, kailanma'y di ka iiwan. Anak, hanggang sa huling tapon ng lupa At huling tapon ng luha, Hanggang sa huling liwanag Ng itutulos **** kandila, Hanggang sa huling pagpagpag mo Ng sar't saring pangungulila, Patuloy Kitang mamahalin, Anuman ang mangyari." Anak: "Singbigat ng katotohanan At ng pangarap na mala-kalawakan, Ito ang huling handog ng makata **** anak: Ang mabatid kong Ikaw ang buhay na eternal At ako'y isang kathang Ikaw ang tinitingala -- Ikaw ang dinadakila. Ama, ako'y malaya Ikaw ang buhay, Ikaw ang agos Ikaw ang tagumpay; Gisingin Mo ang diwa Ang bugso at alab ng damdaming hilaw Ikaw ang masundan Nang maihain nang patas Ang pag-ibig **** umaapaw." #041215 ‪
0
Apr 23, 2015
Apr 23, 2015 at 8:07 AM UTC
Pag-ibig na may Tugma (The Love of a Father)
Kailan kaya mamumulat ang mga pilipino at iwasan ang pag ka ganid sa salapi Kailan kaya matutupad ang pangarap kong mahirap mangyari Sa sarili , bayan , at sa aking mga kababayan na masarap ang tulog sa gabi Nasan na kaya ang mga kaibigan ko dati na nagbibigay saya palagi? Puno parin ba nang hinagpis at sakit ang mga puno na puno ng kalungkutan? Kamusta na kaya ang mga taong hindi na nakaalis sa kalungkutan at patuloy na nahihirapan? Ang konsensya kong patuloy na gumagambala sa akin tuwing ako'y nagiisa Hindi ko naman gusto ang mga nangyari , tuloy parin ang paggalaw at hindi paralisa Bigo man ako sa mga bagay , patuloy parin at sinubukan gumawa ng paraan para makatulong sa bayan Wala man dumating at magpasaya sa akin , patuloy parin sa pagrespeto sa kapaligiran Malabo nga bang imulat ang isipan ng aking mga kababayan o nasisilaw lang sila sa kayamanan Na nanggaling sa kasakiman ng iilang gahaman sa ating bayan Ang sarap sa pakiramdam mamuhay ng simple at walang ipinaglalaban kundi ang pamilya at minamahal Mga simoy ng hangin na sariwa at walang teknolohiya na gumugulo sa ating mga isipan kailanman. Huni ng ibon , magagandang tanawin sa bakuran at paggalang sa nakakatanda na bihira nang mangyari sa kasalukuyan Ang daming pangarap na mahirap matupad , kapag hindi natupad ang aking mga pangarap hanapin ninyo ako sa lupang aking tinamnan ng puno na aking  inukitan,habang lumulutang ang aking katawan na nakatali ang abaka sa aking leeg dala ng kabiguan.
0
Aug 22, 2018
Aug 22, 2018 at 1:13 PM UTC
Kapag ako'y nabigo
Minsan mapapaisip ka na lang kung ikaw ba ay nagkulang o siya yung di lumaban. Mapapaisip ka na lang kung tama bang ikaw ang nahihirapan, patuloy na lumalaban, gulo’y subok na iniwasan, upang di lang siya masaktan. Mapapaisip ka na lang kung kaya ka ba iniwan kasi kahit gaano mo ipaglaban — na lahat ng problema niya ikaw na pumapasan umuuwi ka paring luhaan. Tama ba na tratuhin ka ng ganito? na parang laruan na pag sawa na sa iba, ikaw naman ang gusto? Tama ba na maramdaman mo ang sakit na nasa iyong puso kasi pinili mo siya kahit alam ng utak mo na di siya nakakatulong sayo? Tama ba na sa dinami dami ng taong araw araw na kumakausap sa’yo, dito ka pa nahulog sa taong di ka naman isasalo? Ang dami kong sinasabi sa ibang tao na maraming gago sa mundo na di dapat sila papaloko. Pero sa dulo din pala, ako yung magmamahal ng tulad mo. Pasalamat ka, ako na yung nagparaya siguro kasi di ko na rin kaya lalo na’t nakita kitang may kasamang iba. Tinago mo pa, sinabi **** kaibigan mo lang siya ngunit ang totoo pala, pag di tayo magkasama tumatakbo ka pabalik sa kanya. Di na rin siguro ako magtataka kung bakit mas pinili mo siya baka dahil ang puso nyo’y nagtugma o mas magaling lang siya sa kama. Bakit nga ba ako nagpakatanga? Nadaan mo nga lang ba ako sa iyong matatamis na salita, mga pangakong di ko alam kung matutupad ba o sadyang uhaw lang ako sa pagmamahal kaya nung nakita mo ako’t nagpapakahangal nasabi **** “pwede na ‘to, di rin naman ako tatagal.”   Sinabi ng mga magulang ko na lahat ng tao pinanganak ng may puso na kailangan mo lang intindihin at mahalin dahil sa dulo, pagmamahal niya’y iyong aanihin. Pero akalain mo yun, may mga tao palang tulad mo na di mo alam kung wala ba siyang puso o ipinaglihi sa demonyo. Nakakatawa ka, na lahat ng dugo, pawis, pati narin oras sayo ko lahat nawaldas buti sana kung nababalik mo ’to pero wala, ginawa mo akong uto uto. Isa kang patunay na may mga taong na kahit lahat ng pagmamahal sayo ay ibigay nag hahanap ka parin sa iba ng wala kang kamalay malay. Ngayon, tapos na ako. Di ko kailangan ang isang tulad mo. Sa lahat ng gago sa mundo, ikaw pa ang pinili ko, ikaw pa ang minahal ko, ikaw pa ang pinagubusan ko ng oras ng ganito, ikaw pa ang sumira sa’king utak at puso. Pero salamat din sa’yo dahil kung hindi sa pang-gagago mo hindi ko mapapansin na ang pagmamahal di ko lang makukuha sa’yo hindi ko mapapansin na marami rin palang masasama sa mundo na ang gusto lamang ay makitang mawasak ang sarili ko. Andami kong natutunan di lang tungkol sa mga tulad mo kundi pati na rin sa sarili ko: na kaya ko palang magmahal ng ganito na kaya ko palang lumaban ng husto na kaya ko palang ibigay ang lahat pati narin aking puso. Ngayong, mag isa na ulit ako, mas masaya na ako. Kaya sa susunod na darating sa buhay ko, tandaan mo nagmahal ako ng gago kaya ayusin mo ang buhay mo kung ayaw **** sulatan kita ng ganito.
0
Aug 23, 2018
Aug 23, 2018 at 3:57 AM UTC
Sa Lahat ng Gago sa Mundo

94
Tapos na ang giyera Tapos na ang labanan at hindi matigil na sakitan Tapos na ang nakakatakot na digmaan sa labas ng mga tahanan Tapos na. Pipiliin ko nang maging masaya Hahanap ako ng madadaluyan kung saan mabibigyan Ako ng kalakasan Maghahanap ako ng kapayapaan Kapayapaan na yayakap saakin Sa mga takot na dinanas ko Sa mga bangungot na nagkakaron parin ako tuwing gabi Sa mga multo na paulit-ulit na dumadalaw saakin Kapayapaan na pupunas Sa mga luha na di na natutuyo Sa mga pawis na matagal nang gustong mawala Sa mga dugo't na minsan nang nanggaling sa sarili ko Magkakaron ako ng kapayapaan Ngunit bakit hanggang ngayon Na tapos na ang giyera Ay hindi ko parin mahanap ang kalayaan na iyon? Bakit patuloy na kumukurot ang ala-ala Na minsan nang nagdaan at sumabit at nanatili Hanggang sa mawala? Bakit kahit na pilit kong kinakalimutan Ay bumabalik parin ang sakit Na dinanas ko habang nasa piling mo? Ngunit ang dating nakaraan Ay tila gumugulo ulit saakin paulit-ulit Bumabalik at tila nagiging kasalukuyan Bumabalik yung nakaraan na Nagmahalan tayo at piniling di maniwala sa katapusan Naging matigas ang ulo't sumunod Sa mga pusong pagal Nasaksihan ng araw at buwan na Ang pagiging seryoso ng bawat puso't isip Natagpuan ang kasiguraduhan sa mundong walang katiyakan Ngunit sa isang pikit ko Ay nagulat ako nang magkaron ng "Siya" Simulan natin sa "Siya" Simula nung araw na iyon Ang salitang "siya" ay naging panakot saakin At tila naging digmaan sa isipan ko Tila naging parusa sa puso ko Ang dating "tayo" Ay unti-unting naglaho At nagbago At naging "kayo" Doon nagsimula ang digmaan Nasakop mo ang puso kong ngayon lamang umibig At binomba ito Pinosas mo ito at ikinulong Ibinilanggo sa lugar na hindi ko rin alam Binugbog at pinarusahan para sa kasalanang hindi naman ginawa Nagmamakaawang pakawalan Sumulat ito ng kanta Umawit gamit ang natitirang pintig Sumulat gamit ang natitirang dugo Isinigaw niya ang awitin niya ng paulit-ulit Ngunit walang nakakarinig sakanya Naghihingalo para sa natitirang lakas Umawit ulit siya muli Hanggang sa marinig siya ng Maykapal Ang alibughang puso ay natagpuan na sa wakas Ngayon ay dumating na ang kasalukuyan Kasalukuyan kung saan ang dating nasasaktan ay gumagaling na Kasalukuyan kung saan tapos na ang giyera Possible na ang kapayapaan Hawak ko ang sedula ng pananakop mo sa puso ko Handa na akong kumalimot Handa na akong tumalikod Sa nakaraan na hindi na kasalukuyan Magtatapos ako sa "Ikaw" Mag-isa ka na
0
Jun 7, 2017
Jun 7, 2017 at 10:33 AM UTC
Araw ng Kalayaan

73
naririnig mo ba? ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream. ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon. ang mga harurot ng mga ikot jeep. naririnig mo ba? ang mga tawanan ng mga magkakaibigan mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan. naririnig mo ba? ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante na kumakayod sa mga papel: husay sa bawat ukit. naririnig mo ba? ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia dangal sa bawat apak at kumpas ng kamay, sa bawat hinga. naririnig mo ba? ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta ang mga sigaw sa sakit, hiyaw sa hapdi, dahil sa mga hampas at palo ang mga tama ng mga kamao naririnig mo ba? ang mga iyak ang mga hikbi ng mga kaibigan para sa mga kapatid nilang nasaktan. ang mga hagulgol ng mga magulang na nawalan ng anak: mga puso, mga pamilyang hindi na buo. wasak, nasira na. naririnig mo ba? ang mga boses na nananawagan na "tama na" "utang na loob, itigil niyo na" kasi hanggang kailan pa tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit ang sirang plaka ng karahasan na patuloy na naririnig sa panahong ito mula pa sa mga nagdaang dekada? nakakalungkot, hindi, nakakasuklam ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari sa ating mahal na pamantasan. ang tawag sa atin ay mga iskolar ng bayan, para sa bayan pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba kung paminsan hindi nga makita ang pagmamahal at respeto sa atin mismo, mga kapwang magkaeskwela. hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili na magpadala sa indak ng karumaldumal na kanta ng kalupitan? hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog. hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid. kailan pa? tama na! nabibingi na ang ating mga tenga. nandiri. nagsasawa. oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota. oras na para tapusin ang karahasan. oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala. oras na para sa hustisya. oras na para sa ating lahat, estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala na tumayo, makilahok at umaksyon para pahilumin ang sakit, para itama ang mali. oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman. oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
0
Jul 5, 2015
Jul 5, 2015 at 7:47 AM UTC
naririnig mo ba?

75
salamat, sa pagpiling laruin ang aking mga daliri na tila hindi alintana ang pasmang taglay na kung lumuwag man ang kapit ko, ay mas hihigpit ang hawak mo kung dumulas man ang palad ko, ay hahatakin mo ako pabalik patungo sa piling mo upang hindi tayo maligaw sa ating mga sariling halik. salamat, dahil ilang beses kong pinasalamatan ang kalahatan pati ang tila pagyakap ng mga unan sa iyong bawat pagtahan ang mga salitang kaakibat ng kalungkutan at kasiyahan at pagmamahalan, na kung susuriin ay pilit na lumalaban kahit paulit-ulit kitang pinapahirapan. salamat, sa araw-araw **** pagbati ng "magandang umaga" kahit ikaw ang sanhi ng pag-aalinlangan kung tama bang magpahatak sa iyong kanlungan. ilang beses ko bang pagdududahan ang boses **** tila kandungan hindi ko man hiningi ay hinandog ng kalangitan sa likod ng mga telepono'y nagngingitian ngunit pipiliin kong ang akin ay hindi mo masilayan dahil puno ito ng kalungkutan. salamat, sa mga pangakong matulin ang pagkakasabi na bago pa man bigkasin ay batid ang mariing katotohanan na paulit-ulit lang itong maglalaro sa isipan. kahit ilang beses kong pagbawalan ang mundo na bitiwan mo ang kamay ko ay nasasakal na ang mga daliri at humihina ang aking pulso. salamat, dahil ang relasyong ito ay tila hindi matatakasan ang pangungusap na nabubuo'y nagtatapos sa kuwit at ang mga katanungan ay sinagot ng pilit. ang bawat "mahal kita" ay naging nakaririndi nagbabalitaktakan kung kanino ang mas dinig pilit man lakasan ang aking tinig ang panawagan kong umalis ay hindi mababatid. salamat, kahit paulit-ulit kitang pakawalan sa aking puso ay mahigpit ang iyong kapit na sa sobrang higpit ay tila paulit-ulit ding nagdurugo pati ang isip kong tila gumuguho dahil hindi ka lumalayo. patuloy man ang aking pag-ayos at nagtamo pa ng maraming galos; ay patuloy din ang iyong pagsira dahil pareho tayong lumuluha.
0
Jun 9, 2018
Jun 9, 2018 at 12:49 PM UTC
salamat.

56
Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Pilit ko pa rin iniisip na meron kang gusto sa akin. Ewan ko ba kung bakit ako nag gaganito. Dahil sa aking nararamdaman ako'y litong-lito. Ano pa ba ang aking dapat gawin para masabi  Itong lihim na pagtingin ko kung may pagkakataon ikaw ay aking makatabi Hindi mo ba alam na ang aking puso tumitibok para lang sayo. Kaya ngayon ako'y nanghihina ng loob kung patuloy kang lumalayo. Dinadaan ko na lang ito sa tula para mabasa mo Kahit mabasa mo ito huwag kang titigil maging kaibigan ko Sana'y rin ako maging masaya at malungkot sa piling mo Kaya sana huwag kang makakalimot sa babae na ito.
0
Apr 1, 2017
Apr 1, 2017 at 6:53 AM UTC
Hindi Ko Maamin, Torpe Nga Pala Ako.
Mahal, Naalala mo pa ba yung mga panahon na puro ngiti at saya? Mga araw na puno ng kwentuhan, asaran at tawanan Na hindi ko malaman Kung saan nanggaling ang mga iyan Naalala mo pa ba kung paano ko lagyan ng ngiti ang iyong mga labi At tila nilagyan ng bituin ang iyong mga mata? Naalala mo pa ba kung paano mo sinabi sa akin na gusto mo ako? Tila hindi ka pa nga sigurado sa nadarama mo Naalala mo pa ba nung tinanong mo ako kung pwede bang manligaw? Tila nanlumo ka pa nga sa sagot ko. At hindi nagtagal, ay unti unti mo din binitawan ang salitang “Mahal kita. Mahal na mahal kita” Dahil ako? Naalala ko pa Naalala ko pa kung paano tayo nagkakilala Kung paano sinabi sa akin ng kaibigan mo, na gusto mo ako Kung paano mismo nanggaling sa bibig mo, na gusto mo nga ako Kung paano ko binigkas ang salitang “Mahal din kita” Kung paano mo unti unting binabawi ang salitang “Mahal kita” Dahil sabi mo, Sabi mo pagod ka na, ayaw mo na, sawa ka na Kung paano ako nagpakatanga, habang tinutulak ka sa babaeng gusto mo Habang sinasabing “Kung saan ka masaya, duon ako Kahit masakit, kakayanin ko” At naalala ko pa, kung paano mo sinabing “Patawad, mahal pa din kita.” Tinanggap kita. Tinanggap ko lahat ng eksplenasyon at rason mo. Lahat lahat, kahit ilang beses kong narinig na ang tanga ko Dahil tinanggap kita, pero masisisi ba nila ako? Masisisi ba nila ako kung mahal pa din kita? Masisisi ba nila ako kung patuloy pa din akong umaasa na babalik yung tayo? Hindi naman diba? Kasi unang una sa lahat, hindi sila yung nagmahal Hindi sila yung sinaktan at iniwan Ilang gabi akong umiyak Ilang gabi kong iniyakan ang paulit ulit na dahilan Ilang beses akong nagpakatanga sa paulit ulit na rason Ilang beses akong tinanong kung kaya ko pa ba? Kung masaya pa ba ako? Kung pagod na ba ako? Hanggang saan yung kaya ko? At duon ko natagpuan Duon ko natagpuan ang sarili ko Namamahinga sa pagitan ng “Mahal kita” at “Pagod na ako” Pero mahal, masisisi mo ba ako kapag sinabi kong pagod na ako? Masisisi mo ba ako kung sinabi ko sayong gusto kong magpahinga habang minamahal mo? Kung ang gusto ko lang ay ipadama mo ulit sa akin ang nadarama mo? Kung ang gusto ko lang kalimutan ang sakit na dinulot mo? Kung pagod na ako kakaisip sa salitang “kayo”? Kung pagod na ako kakaiyak dahil parang siya pa din ang gusto mo? Kung lagi kong naiisip na baka kaya mo ako binalikan, dahil hindi ka niya gusto? Mahal, wag **** iisipin na ayoko na sayo Wag **** iisipin na kaya ko gustong magpahinga dahil pagod na ako Dahil tulad ng sabi mo, kung pagod na ako, magpahinga ako Kasi mahal, gusto kong magpahinga Para muling madama ang init ng pagibig Na tila ba sa akin ay iyong ipinagkait Muling masulyapan ang mga matang Tila ba hinahanap ako sa libo libong tao Mahal, patawad. Mahal kita, pero pagod na ako Pero hindi ibigsabihin nito ay palayain mo ako Ibig kong sabihin, ipaglaban mo naman ako. Ipaglaban mo naman ako, dahil pagod na ako.
0
Oct 14, 2017
Oct 14, 2017 at 7:54 AM UTC
Mahal kita, pero pagod na ako

62
Isang araw, muntik na naman akong nagpakatanga Isang araw, naisip na naman kita Isang araw **** ginulo ang isipan ko Isang araw, binalik-balikan ang masasakit na alaala mo dahil Isang araw, biglang iniwan mo ako Iniwan mo ako... at mula noon Ilang araw akong wala sa sarili Ilang araw iniisip ang mga dahilan kung bakit ka lumisan at kung bakit ako'y hindi mo pinili Ilang araw na nagbabakasakali na ako'y iyong babalikan Ilang araw na patuloy na umaasa sa mga pangako **** napako sa kawalan Isang tanong na gumugulo sa aking isipan Isang tanong na hindi masagot nino man Isang tanong na hindi ko makalimutan Isang tanong na wala naman talagang kasagutan Isang tanong, "Mahal, bakit mo ako iniwan?" Hindi lang iniwan kundi iyo naring kinalimutan Kinalimutan agad na parang walang pinagsamahan Hindi pinapansin kapag nasisilayan Ang trato'y parang estranghero lang sa daan Bakit parang ako lang ang nasasaktan? Bakit parang ako lang ang nahihirapan? Bakit parang ako lang nagmamahal? Bakit ako lang? Bakit? Nang iwan mo ako, nawala ang tayo Nang iwan mo ako, ang natira na lang ay ako Mali pala, kasi pati ako ay nawala noong nawala ka Nawala ang dating ako na kayang mabuhay noong mga panahong wala ka pa Pagod na pagod na ako sa lahat ng sakit Pucha, hindi mawala-wala kahit anong pilit Ilang bote ng alak ang natumba at Ilang stick ng yosi na ang naupos Pero ang pagmamahal ko para sa'yo Mahal Hindi pa rin nauubos
0
May 15, 2015
May 15, 2015 at 12:02 PM UTC
I
Sa tulang aking naisulat, Sanay may mamulat , Sa kasalana at problemang lagging naiuulat, Sa telebesyon at radyo ikaw ay magugulat. Mundong puno ng karahasan, Mga taong makasalanan, Walang paninindigan, Mga taong nang iiwan, Pamilyang nasira sa isang kasalanan, Kasalanang Patuloy na ginagawat patuloy na nariyan. Mga problemang hindi masulusyonan, Mga batang sa kalsaday naiwan , Mga taong naiwan ng kanilang pangarap at kinabukasan, Ito’y opinion lamang, Sa aking naririnig bilang isang mang mang. Ang suliraning laging nariyan, Kawalan ng kapayapaan, Kakulangan ng sapat na edukasyon ng mga kabataan, Walang sawang Kahirapan, Kawalan ng sapat na pantustos ng kalusugan ng mga mamamayan. Pagkagumon ng mga kabataan sa bawal na droga, Patuloy na pagtaas ng populasyon na di naaalintana, Nasaan ang hustisya ?, Bakit ang inosente ang nasa rehas na bakla?, Nasaan ang tunay na may sala? Maging sa eleksyon ay may daya, Pagbabagot pag unlad ang gusto natin, Kaya simulan natin sa mismong pamamahay natin. Bakit ganito nasaan ang pagbabago? Laging naririnig ko pag bukas palang ng radio, Bilang isang kabataan, bilang isang mamamayan , Ang pagbabago ay laging naririyan, Ito’y nasa iyo ung pupulutin mo o itatamabak lamang.
0
Oct 20, 2017
Oct 20, 2017 at 11:00 PM UTC
PAGBABAGO PUPULUTIN MO O ITATAMBAK
Oo. Totoo. Hindi mo na kailangan ipagsigawang mahal mo ako, na aakyat pa sa rurok ng bundok para isigaw ang pangalan ko, at ipahayag ang nilalaman ng damdaming nagsisidhi, sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan na nais kong marinig mula sa mapang-akit **** mga labi. Hindi mo kailangang ibase ang nararamdaman mo sa sinasabi ng ibang tao, dahil hindi natin kailangan ng kanilang opinyon para umibig nang wagas o hanggang sa dulo ng mundo, hindi sila ang dumidekta sa kung sino man ang ititibok nitong puso, hindi natin kailangan ng kanilang opinyon. Hindi. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako na sa lahat ng date na ating mapuntahan ay kailangang pag-usapan ng mga kaibigan mo, o libo-libong litrato ang ipo-post mo, dahil ayaw ko lang mawala ang pagiging pribado ng ating relasyon, sapat na sa akin ang itago mo ang mga litratong ‘yan, at titigan pauli-ulit kapag miss na natin ang isat-isa. Hindi mo kailangang ma-insecure sa iba, hindi ko sila papatulan, hindi ko sila papansinin, hindi kita niligawan nang mahigit isang taon para saktan lang, wala akong **** sa kanila, ikaw ang mahal ko, oo, mahal kita, at tanggap ko kung sino ka, kung anong mayro’n at wala sa’yo, dahil mahal kita. Mahal na mahal, hindi mo kailangang ma-insecure. Hindi. Lahat ng bagay, ay aking gagawin, dahil hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita” sa bawat letra ng mga salitang namumutawi sa aking bibig, hindi ito isang antigong alahas na susuotin lamang sa mga piling okasyon, pagkatapos ay itatago sa kahon, at kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon, mamahalin kita kahit sa ano mang panahon: tirik man ang araw sa pagtawa o kulimlim man ang gabi sa pag-iyak. Mahal kita. Mahal na mahal, at hindi lang magtatapos ang aking “mahal kita” sa mahal lang kita, kukunin ko ang mga agiw sa ‘yong mga lumang gunita, pilit kong wasakin ang mga pader na nakaharang sa ating dalawa. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, sapat na sa akin ang pagsanay sa sarili sa ‘yong presensya at pagkandili, sapat na sa akin ang pag-intindi mo sa mga kamaliang pilit **** binabayo, mga pagkukulang na pilit **** pinupunan, at sa mga araw na kahit luha ang nalalasap ay patuloy ka pa ring nakahawak sa aking mga kamay at hindi mo ito binitawan. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, pumasok ka sa pinakakasulok ng aking utak, nang mabatid mo ang mga nakasulat, nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip: ililibot kita, sa aking nakaraan, sa aking ngayon at sa aking bukas, ilalahad ang pag-aasam na makatakas sa mga kabiguang natanaw. Sisirin natin ang pinakailalim ng aking puso, dito matatagpuan ang pag-ibig na kailanman hindi mabubura, hindi maglalaho, para sa nag-iisang ikaw. Hindi mo kailangan ipagsigawang mahal mo ako, hindi na kailangan, dahil alam ko, d’yan sa puso mo, nakaukit rin ang pangalan ko, at ang pag-iibigan nating dalawa, hindi mo na kailangan ipagsigawan pa dahil alam kong mahal mo rin ako. Mahal mo ako. Mahal na mahal.
0
Jul 3, 2016
Jul 3, 2016 at 11:18 AM UTC
Hindi Mo Na Kailangan Ipagsigawang Mahal Mo Ako

93
Ilang buwan na ang lumipas, Ngunit bakit ganoon ang puso ko patuloy parin kumakaripas, Ang iyong matamis na ngiti, Sa mga tingin mo palang alam kong hindi ako makaka-hindi. Mga alaala na bumabalik, Sa mga yakap at halik mo ako'y nasasabik, Nakakatawa dahil sa bawat sulok ika'y naririnig, Boses **** nakakaakit at sobrang lamig, Hindi ko maiwasan hindi maging malungkot, Siguro dahil sa sakit na naidulot, Pero okay lang, dahil tapos na akong umiyak, Tapos na ako sayo at dito ako'y tiyak. Salamat nga pala sa lahat ng iyong nagawa, Siguro nga kung hindi ka nagsawa, Nakagapos parin ako sa iyong mga pekeng pangako, Gabi gabi parin nararamdaman na para akong nakaloob sa sako. Grabe pala ang aking naranasan ng dahil sa pag-ibig, Gusto ko magmura at gusto ko iyong marinig, Puta, nag-iwan ka ng lamat sa aking mga kamay, Gago, dahil ang puso ko muntikan mo nang mapatay.
0
Aug 16, 2016
Aug 16, 2016 at 10:15 AM UTC
LAMAT
Para sa mga pangarap na patuloy nating tinutupad kahit HINDI na tayo magkasama, at para sa mga panagarap na hindi na natin matutupad dahil HINDI na tayo magkasama. pangarap.
0
Feb 15, 2016
Feb 15, 2016 at 5:06 AM UTC
HINDI
Araw na naman ng mga puso Nakahanda na ang hukbo ng mga damdaming nagsusumilakbo, tila nag-aapoy na parang mga sulo. Mga gimik na talaga namang pinaghandaan, magkasamang pagsasaluhan para mamaya'y may lambingan sa ilalim ng mga tala at buwan. Kay sarap sa pakiramdam kapag alam **** may nariyan. Hawak iyong kamay habang kayo'y naglalakbay. Mga mata'y nagtutugma tanging ligaya ang nakikita. Mga kaluluwang umaakma sa hulmahan ng bawat isa. Kahit mahirap tumaya umaasa pa rin at naniniwala na isang araw bigla na lang mawawala pait na dala ng nakaraang kabanata. Pero laging alalahanin Na mas may higit na nagmamahal sa atin, Na kailan man ay di tayo iiwan sa gitna ng labanan, dahil pag-ibig Niya'y walang hanggan. Kaya't huwag maiinggit at mag-ngitngit dahil sa ati'y may umiibig ng sulit na sulit Tunay na sa paningin Niya'y tayo ay kaakit-akit At kahit na minsan hindi tayo ipagpapalit. Bago pa natin hingin at iusal una na Niya tayong minahal. Ito ang pagibig na di nauutal walang takot at di nangangatal. Patuloy lang sa pagmagmahal, dahil ang pusong umiibig ng bukal di kumukupas kailan man kahit ilang araw at buwan pa ang dumaan.
0
Feb 13, 2019
Feb 13, 2019 at 10:33 PM UTC
Nagmamahal at minamahal
Minsang ibinigay sa atin ang pagkakataong Unawain ang kahulugan ng kamusmusan. Sa lupaing ugat ng ating kakuluwa at Kanlungan ng mga pangako at pangarap Sabay nating kinatha ang tula ng ating buhay; Mga saknong at tugma na sarikulay, mga katagang Baon natin sa malayu-layong paglalakbay. Pagal nga tayong nanahan sa puso ng bawat isa, Di man tiyak ang katiyakan, natitiyak natin Na ang pag-ibig, kailanman di tayo iiwan. Mahal ko, hanggang sa huling tapon ng lupa At huling tapon ng luha, hanggang sa huling Liwanag ng itutulos **** kandila, hanggang Sa huling pagpagpag mo ng pangungulila, Patuloy kitang mamahalin, anuman ang mangyari, Anuman ang mangyari. Singbigat ng katotohanan at pangarap na kalawakan, Ito ang huling handog ng makata **** kababata: Ang mabatid kong ikaw ay mabuhay na eternal at Malaya.
0
Sep 16, 2013
Sep 16, 2013 at 3:08 AM UTC
Kakawat
Sa isang gabi, tinapos ko ang lahat Tinapos ko ang mga luhang nanlalamig Luhang ikaw mismo ang nagdulot Mga luhang ni minsa'y di inakalang manggagaling sa pagmumukhang ito Sa isang gabi, tinapos ko ang lahat Tinapos ko ang sakit na ikaw mismo ang nagdulot Mahal, 'wag nang itanggi Ikaw ang nagdulot nito. Sa anim na bote ng alak, tinapos ko ang bawat sandaling kapiling ka Sa mga sinehan na pinuntahan, sa mga kamang inilapag ang mga katawan, sa mga piling lugar o sa kahit saang sulok na ninais. Sa anim na bote ng alak, tinapos kita. Ang unang bote ng alak ay para sa iyong panlalamig Totoo, nanlamig ka Mas malamig pa sa boteng hawak-hawak Sa bawat gabing kapiling ka, ang mga bisig mo lamang ang nagsisilbing unan Oo mahal, nasa bisig mo ako, pero ang lamig na. Ang pangalawang bote ng alak ay para sa'yong di pagpaparamdam Nagdaan ang mga araw na nasanay akong wala ka Nasanay akong mag isa sa bawat gabing ako'y may pangangailangan Nasanay akong bigyan ng init ang sarili gamit ang mga kamay Sinanay ko ang sarili Pero higit sa lahat, sinanay mo ako Ang pangatlong bote ng alak ay para sa iyong pagsisinungaling Alam kong nagsinungaling ka na wala kang iba Pag uwi mo sa akin, iba ang amoy, iba ang itsura Kasi naman diba? Iba na ang nag-alaga "I love you" sabi mo, pero sinungaling ka Sinungaling Ang pang-apat na bote ng alak ay para sa hindi mo pag-uwi sa akin Mahal, ako ang iyong tahanan Pero pinili mo ang lansangan Ang pang-lima na bote ng alak ay para sa hindi mo pag alala Pinili **** limutin ang ating mga sarili Pinili **** maging bulag upang di ako makitang nasasaktan Puta ka? Sana naging bulag ka na lang talaga Ang pang-anim at panghuling bote ng alak ay para sa hindi mo pag-laban Ipinaglaban kita Ipinaglaban kita sa mga taong pilit tayong paghiwalayin Ipinaglaban kita sa mga kaibigan ko Ipinaglaban kita sa buong mundo Pero please naman, ipaglaban mo rin ang sarili mo Gawin mo para sa'yo Sa anim na bote ng alak Tinapos ko ang lahat at naitanong ang sarili Sino nga ba ang nagpapasya kung minahal kita o hindi? Ikaw ba? Sila? Hindi ikaw! Hindi sila! Kundi ako! Hindi sila ang magpapasya kung inibig kitang tunay Dahil sa huli Ako ang nagmahal, hindi sila Ako ang nasaktan, hindi sila Sa anim na bote ng alak Tatapusin na kita at patuloy pa kitang tatapusin hanggang sa hindi maghilom ang sugat sa puso na pinili **** iwaksi.
0
Sep 12, 2015
Sep 12, 2015 at 2:08 AM UTC
Ang Anim na Bote ng Alak

54
Sa pag-aaral natin ng panitikan ay mababatid natin ang mga Pilipinong pumanday ng ating matatayog at mararangal na simulain na naging puhunan sa pagbuo ng isang lipunan. Sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng panitikan, mapalalawak at magagawang mahusay ng isang **** ang pagtuturo ng aaignaturang Filipino. Maaaring maiakma ang iba't ibang istratehiya upang mahikayat nang lubos ang interested ng mga mag-aaral at hawing kawili-wili ang oras nila lalo na sa pagbabasa sa pamamagitan ng paggamit ng tula, kwento, sanaysay, talambuhay, awit, bugtong, salawikain, sawikain, balagtasan at iba pa. Mahalagang maituturing ang panitikan sa edukasyon sa maraming paraan tulad ng mga teleseryeng napapanood sa telebisyon na kadalasang pinanonood ng mga kabataan na siyang kapupulutan ng maraming aral at magandang halimbawa sa buhay ng tao. Ang panitikan ay laging kasama sa kurikulum ng bawat paaralan bagamat ang bawat rehiyon ay mayaman sa tradisyon at kultura. Ang mga pasalindilang panitikan ay napapangkat sa mga sumusunod na uri ayon sa anyo ng pagkakatulad ng mga ito: kuwentong bayan, kasabihan, bugtong, salawikain, sawikain, sabi-sabi, palaisipan at balagtasan. Naglalarawan ito sa kanilang katutubong katalinuhan, kaalaman, karanasan, pananampalataya at iba pa. Patuloy ang pamumunga ng panitikang Filipino sa pamamagitan ng mga makabagong manunulat na may paninindigan at pagpapahalaga sa ugat, kasaysayan, kultura at lipunan. Mayabong itong nabubuhay sa patabang kaalaman at kamalayan, patubig ng limbagan at midya at paaraw sa modernisasyon at globalisasyon. Ito ang isa sa likas na tumutulong sa tagumpay ng isang banda at bawat bansa sa buong mundo. Kayamanang hindi mawawala.
0
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:41 AM UTC
Panitikan, Kayamanan natin...

7
Babalik si Jesus at alam kung hinding hindi niya tayo bibiguhin. Babalik ulit siya para pagtakpan ang ating mga kasalanan. mag bibilang Ako ng hanggang Sampu. isa,dalawa. dalawang hakbang ang inialay niya  tatlo,baka tatlong beses ulit siyang ipagkakaila Apat,Lima hindi siya tumigil sa paghakbang para sa atin Anim,pito,wallo,siyam,sampo Hinding hindi ako titigil sa pagbibilang hanggang sa maramdaman niyo na tayo ngayon ay nawawala.At patuloy parin si Jesus sa paghakbang para lang mahanap niya at maipakita niya ang tunay na mukha ng Pag-ibig. Pag ibig na nagdala sakanya sa kapahamakan. Pag ibig na siyang dahilan sa paghihirap niya at sa  sugatan niyang Katawan. Pag ibig na kung saan nag simula ang lahat. At dahil sa sakripisyo niya tayo ngayon ay nandito. Kapatid hindi pa huli ang lahat may mga panahon kapang itama ang iyong nga nagawang kasalanan. maniwala ka. Hinding hindi ka niya pababayaan. Dahil siya ang Diyos at siya ang Diyos ng sangkatauhan.At ito ang sinabi. "Ako si Jesus ang simula ang at katapusan. Ako ang Buhay ang Daan at ang Katotohanan" Marahil nagtataka ka kung bakit.bakit naging ganyan ang takbo ng buhay mo bakit naging ganyan bakit naging ganito. Kapatid uulitin ko hindi pa huli ang lahat. Tandaan ang balita ng Diyos na mas dapat pakinggan. isa puso, mahalin at higit sa lahat mas dapat tuparin. Wag kang mawalan ng Pag asa. At wag na tayong maglokohan pa. Dahil palagi siyang Nandiyan at hinding hindi siya mawawala para gabayan ka. Alam kung naniniwala ka. At alam kung didinggin niya ang iyong mga panalangin. Kapatid manalangin ka. Kayat hindi na natin kailangam pang humiling dahil matagal na niyang binigay ang ating Kagustuhan at iyon ay ang pagkakaligtas natin mula sa ating mga kasalanan. Alam kong alam mo na. Babalik at babalik si Jesus para sa atin. Ibabalik niya ang kapayapaan sa iyong mundo. Dahil siya ang ating Diyos wala nang iba.
0
Aug 14, 2018
Aug 14, 2018 at 8:28 AM UTC
Ang Hari (spoken word)

4
Minsan gagamit ng payak na salita Ngunit ito'y uusigin ng iilan; Minsa'y sisisid at muling hihinga Ngunit tatadtarin ng masasakit na salita. Kung ang pagsusulat ay pagmulat Ba't hindi na lang maging simple sa pagpili ng bawat salita't parirala? Ba't hindi diretsahin nang ang punto'y maging kalma? Kung saan walang tensyon, ayos pa't plantsado. Minsa'y wala namang nais ipahiwatig Tanging ang letra'y nilalaro't nagiging bukambibig Wala nga bang dahilan? O ayaw mo na lamang lumaban? Sa mundong ginagalawan Hindi lahat makaiintindi Hindi lahat makikiayon Pagkat hindi iisa ang bida May iilang ekstra sa eksena Kaya marapat na handa ka. Ang pagsulat ay malaya Kaya naman hindi tugma ang bawat kataga Ganyan ang nadudulot ng demokrasya Malaya ka nga, pero hindi na maganda 'pag sobra. Kung babasahin, minsa'y nakapapanting ng tainga Ano ba ang ipinaglalaban sa pagtaas ng tono niya? Ang pagsulat nga'y musika rin Kung mali ang basa sa tono'y hindi maganda ang himig Parang kapeng depende sayo ang magiging timpla't panlasa. Isang simpleng mamamayan sa magulong pamamalakad Dagdagan pa nang nagsisipagsalipadpad na dungis ng bayan Hindi ka nag-iisa, ganun din ang pakiramdam ko. Ngunit ang bawat Pilipino sumasabay sa himig ng Lupang Hinirang Nasaan nga ba ang sinasabing "alab ng puso?" Tila ang bahaging ito ng liriko'y walang saysay sa iba Ang pluma ng ila'y wala palang tinta Ngunit patuloy pa rin, walang nagagawa Walang ginagagawa, walang nais na pagbabago. Ganoon kahalaga ang pagbitaw ng bawat salita Sa bawat punto, bawat espasyo, tuldok at kama Mayroong layong nakapag-iisa Mayroong sentimyentong ipinangangalandakan Mayroong uusbong na himagsikan -- Mabuti man o masama. Abstract/ abstrak Mabuti pang ganyan ang pagsulat Nang hiwatig ay pansarili lamang Ngunit ang leksyo'y hindi manganganak Hindi aabot sa mga apo ng bagong henerasyon. Bale wala ang salita Kung ang mga ito'y walang aksyon; Bale wala ang salita.. Kung ang puso'y wala namang direksyon. (6/28/14 @xirlleelang)
0
Jun 28, 2014
Jun 28, 2014 at 4:46 AM UTC
Ang Payak na Kasulatan, Pag-usbong rin ba ng Himagsikan?

52
balikan natin ang panahon noong tayo'y mga bata pa. naalala mo pa ba noong tayo'y nagtagpo sa gitna ng mapunong gubat, sa may malinaw at malinis na sapa? ang mga kamay natin ay hasang-hasa sa paglikha, pagtupi ng mga obra: mga bangkang gawa sa papel, na ating pinapanood ang pag-anod sa tubig na banayad na dumadaloy; nagpapadala lang sa agos. at hindi, hindi ito isang paligsahan o karera. ang tanging pakay ay malibang at magsaya. kung lumubog o masira man ang ating mga bangka, ayos lang, gumawa na lang ng iba. pero ngayon, tayo ay lumaki at tumanda. pati lunan natin ay nag-iba. sa ating pagtingala, hindi na yung mapunong gubat ang ating nakikita, kundi ang bughaw na langit na walang anuman ang makakadaig sa lawak at laya. at siyempre, ang ating malinaw na sapa ay humantong na sa karagatan. di matalos ang hangganan, di matalos ang lalim. maraming tinatagong lihim. nalusaw na sa tubig ang mga bangkang gawa sa papel. at dito sa dagat,   nararapat lang na maglayag sa mga galyon kasi araw-araw may digmaan sa laot. kalaban natin ang mabagsik na hangin, mga higanteng alon, mga piratang nananamantala, pati na rin ang uhaw, gutom, at pagod. pero bago pa man magsimula ang digmaan, tayo na ang panalo. walang sinabi ang lupit ng dagat sa bagsik ng ating puso. sa ating paglingon mapapagtanto na hindi masukat ang layo ng narating na pala at mararating pa natin. matagal nang wala ang gubat at sapa, napalitan na rin ang mga mumunting bangka. ngunit ako, ay nandito pa at patuloy na mananatili kahit na magkaiba at magkalayo ang sinasakyan **** barko sa sinasakyan ko. 'di bale iisa lang naman ang Kapitan, iisa lamang ang kayamanan na hinahanap, iisa lamang ang lupain na tinutungo. hindi talaga matiwasay at madali ang paglalayag dito sa malawak na dagat na ating tinatahak. kaya kung dumanas man ng sindak at lungkot, huwag maniwala sa lawak at lalim na natatanaw sa mga alon; kasi kahit saan man mapadpad, kahit saan man ihatid ng tadhaha, nandito lang ako.
0
Jun 19, 2015
Jun 19, 2015 at 2:33 AM UTC
layag

70
May mga bagay na kailangan Kung tanggapin kahit hindi ko maunawaan Na ang dating buo ngayon ay sira na Na ang dating masayang pamilya ngayon ay wala na Paulit ulit na binubulong ng aking isip Maraming tanung sakin isip Paano nga ba ? Anu nga ba? Wala na bang pag asa ? O kailangan ko nalang tanggapin Na aking magulang ay wala na Wala na??? Wala na ?? Wala na!! Wala ng pag asa na maging isa muli O hindi na ba ma bubuo muli O kailangan kung tanggapin na Aking magulang ko ay may iba ng pamilya Oo meron ng ibang pamilya ! Aking sambit sapagsapit ng pasko Sabi ko kahit walang handa sa pasko Basta buo ang pamilya masaya na ako Pero nagkamali ako sapagkat ako'y mag isa nalang Ito ang unang pasko na hindi tayo magkakasama Ito ang unang pasko na ako lang mag isa. Lagi mo sanang tandaan sakabila ng ulan meron bahaghari Magkakaroon muli ng mga ngiti sa labi Lage mo sanang tandaan iwan ka man ng iyong ama't ina Ako'y nasa tabi mo na Ako'y mananatili sayong piling Handang sumagot sayong hiling Ika'y manatili lamang sakin piling At ako'y mananatiling sayong piling Ang mga sinira ay aking bubuoing Ang mga nawala ay aking hahanapin Sapagkat nung Una pa man ito na aking layunin Sakin lamang ay magtiwala at manalig Buong puso sakin ay isalig Hindi kita pagkukulangin Patuloy kitang mamahalin Ang iyong magulang aking gigisingin Sa maling mga hangarin Upang ibalik sa dating nitong layunin Kung sa tao ito'y impossible Sakin ay possible Magkatiwala ka lang sakin Lahat ay aking gagawin Diyos ay may layunin.
0
Sep 28, 2020
Sep 28, 2020 at 6:44 AM UTC
Buwak na pamilya

44
Balanseng pakikibaka, Ito ang araw araw na ipinamulat sa akin Ng pang araw araw ko ding pagtira Sa mundong hindi naman timbang ang hustisya Magkabilang panig na inaasahan ng lahat Na sana'y magpantay ang timbangan Ngunit ang katotohanan? Likas nang mas mabigat ang kabila Kaysa sa nasa kabila. Lahat daw ay pantay pantay Sabi ng matandang kasabihan Ngunit para sa akin? ‘Yan ay isang malaking kalokohan Wala pa namang naging malinaw na paliwanag Sa uugod-ugod na paniniwalang iyan Nakakapagod pantayin ang mga bagay-bagay. Sa kadahilanang hindi naman pantay pantay ang layunin ng bawat nilalang Sa lipunang, Kailanma'y hindi na magiging patas Sa mundong, Kailanma'y hindi na bababa ang mga nawili na sa itaas, Sa daigdig, Na ang nasa ilalim ay lalo pang nadidiin Paano pang mag-aabot ang langit at lupa Kung mananatiling bakante ang gitna Kung ang biktima ay lalong inaakusahan At ang may sala ay patuloy na hinahangaan O lupa kong hirang, o Inang kong Bayan Tayo ba’y ang mga walang kapaguran panaginip? Hanggang kailan tayo maaaring maidlip? Tayo ba’y ang mga hindi natutulog na batis? Hanggang saan tayo padadaluyin ng mga agos ng hinagpis? Tayo ba'y ang mga sigaw Sa kwebang walang alingawngaw? Hanggang kailan tayo magtitiis Sa 'di makatarungang ''Mga Bulong ng Hapis''. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 30, 2018
Jul 30, 2018 at 5:34 AM UTC
Mga Bulong ng Hapis
mga tao sa kasalukuyan mga dayukdok sa kapayapaan pagkat bitbit sa kung saan ang paroroonan hatid na bigat ng ating kapaligiran oo, patuloy ang progreso nating mga tao taon-taon may mga bagong mapangusad na mga plano unti-unting nasasagot mga sigaw ng pagbabago ...kahit papano kahit gaano ito katagal lahat ng baraha para dito'y handang isugal pagkat lahat ng mga dumadaan na pagsusulit ang bawat paglagpas at wakas nama'y lubos ito na sulit sa ginagalawang mundo na abala sa munting paglabas, di na maiwasan ang pagalala bawat pilak parehong pang-hulma at resulta para sa mga gyera marami namang mas makahulugan pa upang igasta bilyon-bilyon na mga pera panloob na kapayapaan sa paghanap nito'y isang paghahanap sa karagatan lumulutang lamang ay katanungan kung ito'y katotohanan o isang kasinungalingan makakamit ba hangga't may natatapakan o madadama lamang ba pag tanaw mo na tanaw ng kalangitan o habang sa paglalakbay ba matututunan kung papano hulihin ang nasusulyap panandalian sumisikip, napupuno mga kulungan sumasagitsit ang mga bulong-bulungan kaysa sa tulungan, pinagtutulong-tulungan humihinga pa aking paniniwala sating patutunguhan, wala pa tayo sa kalahati sa nagmamasid sa itaas, aking tiwala pagkat hindi pa ito ating wakas patuloy mabubuhay ang pagasa hangga't may nabubuhay na umaasa simulan sa sarili, wag sa iba i-asa pagmamahal sa sarili't sa iba'y ipasa di kahinaan ang pagtakas minsa'y kinakailangan din nating maghilom, kumalas sa mapangwasak na mundo, patunayang ika'y mas malakas hindi upang ipakita'y pagkamanhid kundi magkaroon ng sapat na lakas upang kayanin pang hatakin sarili't ibang tao pataas
0
Oct 21, 2019
Oct 21, 2019 at 1:32 PM UTC
panloob na kapayapaan

#032116 Tutugon iyong kamay Sa musikang natural na naririnig. Pagkat sa una **** pagtapak sa eskwela'y Turo na yan nila Ma'am at Sir -- Ilagay mo raw ang kanang kamay sa puso At saka umawit ng Lupang Hinirang. Habang nagkakamuang ka't nilisan ang kamusmusan, Doon mo mas natitimbang ang liriko ng kanta. Tila baga kaylalim ng hugot ng may akda nito, Pagkat sa bawat linya'y, bibilis bawat pintig ng puso mo. Perlas ng Silanganang ninais **** sisirin. Alam kong wari mo'y bakit tatsulok ang mayroon sa Pilipinas. Ang mga mahihirap, patuloy na naghihirap. At mga mayayama'y mas nagsisiyaman pa. Nababagabag ka ba sa istilo ng pulitika? O minsan ninais mo ring mangibang bansa na lamang? Para sa higit na salapi't oportunidad. Nag-aalab pa ba ang puso mo para sa dangal ng Bayan? Buhay ay langit pa ba pag kapiling ang bansa? O ito'y pinausukan na ng modernong pambobola't pagmamanipula? Taglay mo pa ang pagmamahal, Na siyang tutulak sayo para manatili sa Bayan At lumaban at tumayo sa pagkatawag mo? May kumpas pa ba sa puso mo Ang kislap ng watawat? Tagumpay pa ba ang pahiwatig nito? O ika'y nagpapainda sa paghahatak talangka ng iilang Pilipino? Masasabi mo pa ba't matatayuan Ang linyang, "ang mamatay nang dahil sayo?" Gaano kaalab ang puso mo para sa Bayan? Walang Pilipinas, kung walang Pilipino. Walang Pilipinas kung wala ka't wala ako, Walang Pilipinas kung wala tayo. Ibalik natin ang tunay na diwa ng pagka-Pilipino!
0
Mar 21, 2016
Mar 21, 2016 at 11:08 AM UTC
Lupang Hinirang