Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"papipiliin" poems
Ilang ulan pa sa langit Ang magwiwisik sa tumana At para tumubo ang mga ipinunla na harana Sa isip aawitin upang dudungawin ng sinta Mahal na prinsesa Nakakawili kahit ang aparisyon Umaantala sa paglakad Dahilan para lumingon Kahit matisod, sapat na ang lugod Anong saya ang mabuhay na malaya Ngunit kung papipiliin Kalayaan o ang prinsesa Magmistulan man na alipin Walang kaparis pa rin ang ligaya Ang nakalugay na buhok Tila malambot kung salatin Ang ngiting nagpapaindayog sa ulap at bituin Ang kalawakan ay makipot Kung ikumpara sa ibinungang panghuhumaling Sa malabnaw na mata Ay mananalamin Kawangki ng perlas ng Pilipinas Sadyang matimyas ang pagkayumi Kalikasan na lihim
0
Aug 25, 2019
Aug 25, 2019 at 5:39 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #73
Tumingin si Kupidong hindi mapakali Sa damdamin kong nag-aalab sa iyo. Aking pagkamangha ng labis sa iyong mga Mata na hindi makatingin sa akin. Sana Magtapat ang naglalabang puwersa Ng pagmamahal at pagkainis para ang Nadarama ko sa iyo ay maibsan na. 'Di ba't nais mo na mawala ako; hindi ba't Gustong-gusto mo na akong gumuho? Ika'y torete na sa akin, alam ko 'yon. Kung Mawala ako, mawawala ka na din Dahil ako lang nagmahal sa'yo ng sobra. Handa ka na ba mawala? Tignan mo sana Akong nakaalis na sa iyong puder. Kung Ibigin mo ako ng sobra at sumubok Ka pumasok sa aking puso, makapapasok ka? Kung papipiliin ka, ako o ang sarili mo? Maging makasarili o subukang makabuo ng Tayo? Ako'y pinipilit mo pa na bumalik Sa'yo, sa'yong maliit na puder. Noon, simple Lang ang nais ko, ibigin at umibig. Ngayon, Ang pag-ibig ko'y may hangganan, ang Puso ko'y napapagod. Pakawalan mo na Ko at ang pag-ibig mo sa akin. Silent inside the room, with darkness in the Sanctuary, I sit here and try to seek you.      (to alfia) -J.J.
0
Sep 24, 2015
Sep 24, 2015 at 10:44 PM UTC
Mahal Pa Rin Kita
Sa sigaw ng isip ay nais makalaya Ngunit katunggali niya ay magaling na mandaraya Hanggang kailan mo nanaisin ang lumaya? Tanong ko habang naka ngiting masaya Hindi nga niya kailanman maililihim Ang totoong timpla ng damdamin Ngunit kung ako ang papipiliin? Hirap niya sa isang iglap ay nais ko'ng burahin Tunay nga na siya ay magaling Dumi ng iba ay kayang alisin Ngunit sa sarili pag-dating Mantsa ay hindi kayang tanggalin Tunay na kulay nga niya'y itim Siya'y nagkukubli sa anyong mahinhin Siya nga ito'ng nakaharap sa akin anyo ng lalaki sa salamin At sa t'wing pag-bungad ng umagang maawain Madalas siyang magtago sa lilim At kasabay ng pag-agaw ng dilim Sa lungkot nagdudusa ang kanyang damdamin
0
Dec 12, 2022
Dec 12, 2022 at 11:12 AM UTC
Lalaki sa Salamin
Palagi ka na lamang nagdududa sa t'wing iyong nakikitang ako'y may kasama Mahal ko, hindi mo kailangang mag-alala Sapagkat ang pag-ibig ko sa iyo ay sing init ng naglalagablab na apoy Titiyakin kong hindi ka na muling mananaghoy Madalas **** itanong sa akin kung nagsasawa na ba ako Mahal ko, tanggalin mo ang "nagsa" sapagkat ikaw ang gusto kong maging "asawa" Madalas mo ring itanong sa akin ; "sa aming dalawa ng nakaraan mo at ako sino'ng mas nagustuhan mo?" Mahal ko, 'wag mo akong papipiliin sa dalawa dahil sa huli kahit sino pa sila ikaw at ikaw lang ang nag-iisa. At kung pilit pa tayong paglayuin ng mga tao, tandaan mo ang nag-iisang pangako ko Tumingin ka sa itaas at bilangin mo muna kung ilan ang mga kumikinang na tala sa madilim na kalangitan Pagkatapos ay maging dalawa muna ang buwan saka kita iiwanan.
0
Jul 15, 2020
Jul 15, 2020 at 1:41 AM UTC
Bilangin ang mga tala at maging dalawa muna ang buwan
Minsan tila ikaw pa rin Ikaw pa rin ang iniisip Hindi makalimutan Mundo ko'y umiikot sayo Kailan nga ba nagbago ang lahat Dahil kung ako ang papipiliin Ibibigay ko ang lahat para lang maibalik Ang lahat lahat Lalo na ang tayo
0
Jul 28, 2016
Jul 28, 2016 at 3:32 AM UTC
Kung Maibabalik
tulad ng himig ng mga awit ng pag-ibig, ang tamis at lambing ng mga ito. kung may tinig ang pagmamahal, maaaring ito ay boses mo. bigla akong pinasaya, ngunit bigla ring nagbago. sapagkat parehong boses din ang nagtapos sa ugnayang mayroon tayo. ang tunog na noo’y nagbibigay-kalma, ngayo’y iniipit ang pusong nagdurusa. tinatakpan nang mahigpit ang mga tenga kapag naririnig ang iyong musika. ngunit kung ako ang papipiliin, ayaw kong bumalik sa tahimik kong mundo. at sa gitna ng ingay ng paligid, sadyang boses mo pa rin ang hahanapin ko. hirap sa pagtanggap tungkol sa awit na nagtapos. marinig lamang ang iyong pangalan, ang hininga'y kinakapos. nagsusumamo, nagmamakaawa, magbigkas ka ng ilang salita. hiling ng tenga at puso ko, maari bang marinig ulit ang boses mo?
0
Feb 19, 2025
Feb 19, 2025 at 8:40 PM UTC
awit na nagtapos