Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"papasaya" poems
Isang liham na ako lang ang nakaka-alam Liham na itina tago-tago ko ng napaka tagal Liham na mag-paparamdam sa akin Kung bakit nga ba ako kulang? At mag-papaalala sa akin na hanggang dito lang Liham na isinusulat ko ng matiwasay Dahil alam ko, Para sayo 'to. Liham na siguro dapat nung una pa lang Binigay ko na Liham na dapat nung una pa lang pina-alam ko na Liham na dapat ay na-alala ko pa 'Di sana hindi nako nag-iisa pa Isang Pag-ibig na ibig ipa-batid Pag-ibig na gusto kong makamit Pag-ibig na sigurado akong masakit. Pero Ito'y hindi pa batid Kung ito nga ba'y mag-dudulot ng sigalot 'O mag-dudulot ito ng kirot Dahil sa utak na pa baluktot Wala akong paki-alam Basta ang alam ko lang Ikaw lang ang mahal Ngayon 'O maging mag-pakailanman 'O mag pa sa walang hanggan. Ayoko ng bilangan Ayoko ng kuwentahan Ayoko ng gumamit ng tala-pindutan Dahil walang sukatan at bilangan Kung hanggang saan ang aking pagmamahal At kung hanggang saan ang kaya kong gawing bagay para lang sayo. Wag mo ng tangkaing tanungin pa Dahil yan ay bukod tanging ako lang ang may alam. Dahil wala talaga itong sukatan. Dahil lang sa isang liham Ako'y nagkaka ganyan Hindi ko na alam Kung sino 'ko. Kung ako pa ba 'to? Kung totoo ba 'to? 'O ito ba ay parte ng biro? 'O parte nga ba ng bugso ng puso? Kasi ang pag-kakaalam ko Hindi naman talaga ako ganito. Siguro nga Sobra akong na-dala Nag-padala sa aking nadarama Na tama ba ito 'o mali? Ayokong mag-patali Ayokong mag-madali At mag-pasakal sa mga bagay na di ko alam kung hanggang saan ang kakahantungan. Tama ba ang Aminin sayo ang totoo? At tama rin ba na sabihin ang maling pag-tingin ng aking damdamin? Kahit alam ko Meron ka ng bago. At may iba ng nag-papasaya sayo At 'yun ay 'di na ako. Malungkot dahil ang pag-kakaalam ko Bago pa siya dumating sa piling mo Merong isang taong umalalay sayo ng minsan, Minsan na sa piling ko ay naging masaya ka naman. Pero wag kang mag-alala Ako ay desperada Oo tama Ako nga ay desperada Kaya ako ay patuloy paring aasa At mag-sisilbing mga paa at kamay mo Kahit 'di na maaaring maging tayo At magiging saklay na taga gabay sa tuwing ikaw ay nahihirapan. Mapagod man ako Ay ok lang yan! Dahil alam ko parte yun ng pag-mamahal ko sa'yo, na binuo ko sa aking isipan na naging liham at naging bukang bibig ng aking kaibuturan. Kahit alam mo, Na ako ay sobrang masasaktan At mahihirapan Mas pinili mo parin na ako ay iwan At 'di na balikan Dahil siya na ang iyong mahal Kaya Tanggap ko na,Mahal Paalam.
0
Feb 21, 2021
Feb 21, 2021 at 9:21 AM UTC
" Lihim na Liham "

Continue reading...
83
May pagkakataon na napapaisip ako, what if mag sawa ka? what if mapagod ka? what if mabored ka sa relasyong ito? what if ayaw mo na? what if gusto mo ng bumitaw sating dalawa? what if meron ng ibang sayo ay nag papasaya? What if hindi na ako ang mahalaga? What if iba na ang sayo ay nagbibigay sigla? What if ang puso mo ay hawak na ng iba? What if iba na ang pinapahalagahan mo? What if Siya na pala ang mahal mo at hindi na ako? what if gusto mo ng maging malaya?andaming what if,na lagi sa isip ko ay nag papagulo. Itong mga katanungan ay kakayanin kaya pag ang labi mo mismo ang kusang nag bigkas ng mga katagang sa puso ay nag papahirap. Labis ko man na dadamdamin ngunit wala ng magagawa kung ikaw mismo ang kusang sa aking pagmamahal ay kakalas na. sabi nga nila walang permanente sa isang relasyon,kahit anong kapit at ingat dito,may isang bibitaw at susuko pag nahihirapan at nasasaktan na,lalo na kung sa iba ay umiibig na. ayukong dumating ka sa puntong kumakapit ka kasi naaawa ka. pakiusap ang awa ay kalimutan na at ang sigaw ng puso ay sundin na. mas maiging kumapit kung mahal mo pa.ngunit kung hindi na, mahal pakiusap bitaw na. nang tayong dalawa ay hindi na mahirapan pa. kaligayahan mo ay ibibigay ko at hindi ka na pahihirapan pa. isang bagay lang ang sayo ay hihilingin ko.mahal sana sayong pag bitaw kaligayahan ay tuluyan **** makamtan. At pag-ibig mo ay buo nyang masuklian.
0
Aug 18, 2021
Aug 18, 2021 at 9:35 AM UTC
What If?
Ang araw ay lumipas na nagkatagpo tayo ng kanya-kanyang taong mag papasaya sa atin. Ngunit ang ala-ala ng atin nakaraan ay lagi bumabalik sa tuwing nakakakita ng mga bagay na nag papaala-ala sayo ala-ala noon ay nababalikan. Bakit ganoon ? alam ko sa sarili ko na wala na akong na raramdaman ngunit ang mga pangarap at pinag samahan atin andyan parin buhay sa akin isipan. Paano ako mag sisimula kung ang ala-ala mo'y ako! parin ang ginagambala.
0
Apr 2, 2019
Apr 2, 2019 at 10:14 PM UTC
Ginagambala Parin