Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pansinan" poems
Umaga Gigising at babangon Ni hindi ko man lang Narinig ang huni ng mga ibon Umaga Isusubo ang kakarampot Na kanin Na parang di ko nalasahan Umaga Na walang kapeng nahigop Dahil kailangan ko ng Pumunta roon Umaga Na makikita kong Nakakunot sila At hindi ko na napapansing Ako na rin pala Umaga Uupo sa silya Sisimulan ko na Gusto ko ng matapos na Tanghali Parang ayaw ko na Hindi ko na kaya Tanghali pa lang pala Tanghali Hihigop ng kape Walang tama Isa pa Tanghali Bakit hindi pa matapos Ang araw na ito Wala pa palang kalahati itong Tinatapos ko Hapon Ang saya nila Anong pinag-uusapan nila? Pwede bang sumali sa saya? Hapon Tangina Wala na bang katapusan? Sino ka para sabihan ako Na tapusin ko na ito? Gabi Sa wakas Malapit na Kaunting tiis pa Gabi Na Umalis na sila Ako, nandito pa Gabi Ako na lang mag-isa Pahingi ng tulong Di ko 'to kaya mag-isa Gabi Nagpapasalamat sa langit Pinatay ang ilaw Buhay ang diwa Masaya ang kaluluwa Gabi Kay raming tao Hindi lang pala ako Marami pala akong kasama Hindi ako nag-iisa Gabi Nang maisip ko Marami pa pala kaming Nagpapaalipin Sa lugar na ito Sentro kung saan Ang mga tao Nagmamadali Walang pansinan Walang pakialamanan Walang buhay Walang kaluluwa Gabi Nang mapagtanto ko Ayaw ko nito Kasama nila Nasaan ang kaligayahan ng puso? Nasaan ang kalayaan ko? Nasaan ang kalayaan nila? May mararating ba? Sila Ako Tayo Itong tanong na ito May mararating ba? Tanong na lang ba talaga? Gabi Nang makarating ako Sa aking lugar pahingahan Nag-iisip Natulala... Umaga.
0
Apr 29, 2015
Apr 29, 2015 at 10:49 AM UTC
Alipin

Continue reading...
97
Okay lang naman kahit walang ganito Kaya pa namang tiisin ang lamig ng puso Pero bakit unti unti na babalik ang tingin Gigising sa umaga ikaw ang agad hahanapin Okay pa naman kahit walang pansinan Mga normal na usapan na walang lambingan Pero bakit nakatutuwang masilayan ang ngiti Para bang ginugustong pagmasdan nalang ang 'yong labi Okay ba sayo na pangarapin kita? Nananaginip na akong kasama ka tuwina Alam ko namang di ka maniniwala Ngunit idinidikta ng isip na subukang pumusta Okay kaya na mahulog sa 'yo? Natatakot ako, baka di mo ko masalo Pareho yata tayong takot magtiwala Subalit bumubulong ang puso na ikaw ang tadhana Okay na ako, handa nang humakbang Lalakad, tatakbo kahit maraming humarang Sa'yo lang nakatingin sa abot tanaw Mananatiling ikaw hanggang sa pagpanaw Okay sanang managinip nang ikaw ang katabi Yun ang tanging pangarap, 'di na ikinukubli Hihilingin sa langit at sa mga bituin Na sana sa huli... ako'y sayo at ikaw ay maging sa akin
0
Sep 3, 2017
Sep 3, 2017 at 11:43 AM UTC
How to Pagibig
Naaalala mo pa ba? Minsan din tayong naging masaya. Nagsimula sa pagkakaibigan, Nauwi sa walang pansinan. Naaalala mo pa ba? Mga panahong sabi natin ay tunay tayong magkaibigan, Walang kamalay malay na mauuwi sa pagkakasakitan. Naaalala mo pa ba? **Sabi mo noon maging ang mga bituin ay sumasangayon sa atin. Ngunit hindi nila nasabi na hindi ka para sa akin.** Naaalala mo pa ba? Mga kalokohang napag-uusapan, Ngayon ay hindi magawa kahit banggitin ang iyong pangalan. Naaala mo pa ba? Sinabi kong lagi lang akong magiging andiyan, Lingid sa aking kaalaman na ako pala ang maiiwan. Naaalala mo pa ba? Na minsan din tayong naging magkaibigan, Sana hindi na lang nauwi sa pagmamahalan, Marahil ngayon ay nagtatawanan. Maaalala mo pa ba? Kung ako'y nagawa mo nang iwan, Siguro'y kailangan na ding kalimutan. Maaalala mo pa ba? Kung ikaw ay akin nang bibitawan, Sapagkat pati ang ating pagkakaibigan ay iyo na atang nalimutan. Maaalala mo pa ba? Humihilingin na maalala mo parin sana.
0
Aug 26, 2016
Aug 26, 2016 at 10:59 PM UTC
Magkaibigan
I. Gusto kong balikan ang kahapon, Kung saan ang saya-saya pa natin noon. Hindi tayo nauubusan ng kwento, Hanggang bukang-liwayway gising pa tayo. II. Gustong bumalik sa mga panahong, Halos di na natin pansin ang oras. Yung mga panahong, masaya lang. Nagke-kwento na parang wala nang bukas. III. Dati-rati, hindi tayo mapaghiwalay. Kapag may problema, isa't-isa ang karamay. Kaagapay sa halos lahat ng bagay. Hindi uso sa atin ang salitang: "Goodbye" IV. At dahil walang permante, lahat nagbabago, Bigla nalang isang araw di mo na ako kinibo. Lahat na nangpag-suyo nagawa ko, Ngunit ako'y nabigo. V. Kahit anong mangyari kasama ka pa rin Sa listahan ng mga kaibigan ko. Hindi ko hinihingi lahat ng oras mo, Pero sana naman, 'wag **** baliwalain ang tulad ko.
0
Apr 27, 2016
Apr 27, 2016 at 1:26 PM UTC
Wala Nang Pansinan
Ito nanaman tayo, Walang pansinan, Walang imikan, Tahimik at walang kibuan. Akala ko ba tapos na? Bakit bumabalik pa? Akala ko ba okay na? Bakit naulit pa? Pakiusap naman, magsalita ka Sabihin mo kung anong problema Kung sino ang dapat masisi sa ating dalawa. Wag mo namang sarilihin, Nandito ako oh, ba't di mo ko kausapin? Kung may problema tayo ayusin natin Hindi yung hinahayaan hanggang sa tayo'y patayin ng katahimikang dulot ng pag-aaway. Kaya mahal paki-usap, magsalita ka dahil... Hindi ko alam ang dahilan, Hindi ako manghuhula.
0
Jul 25, 2018
Jul 25, 2018 at 10:37 AM UTC
Hindi ako manghuhula