"pansamantala" poems
Para sa mga taong pinaasa ng mga paasa......
Ano bang pakiramdam ng nahulog ka?
Yung pakiramdam na sinalo ka nya pansamantala,
Yung pakiramdam na parang kayo na,
Yung pakiramdam na parang may pagasa, pakiramdam mo lang pala.
Masasabi mo bang di ka sa kanya mahalaga?
Kung ang kanyang ngiti sayo lang naging masaya,
Masasabi mo bang balewala ka sa kanya?
Kung ang pagtingin nya sayo di ka nagdududa, pagpapakita lang ba?
Napakahirap maghusga, kung lalo na medyo malabo
Kumbaga sa distansya, malapit na pero medyo malayo
Takot kang isugal, na parang isip moy matatalo siguro,
Takot kang magmahal, kung ipaglalaban mo di mananalo sigurado
Ngunit pano? Nakakalito,
Parang kang produkto, kapag tinaasan ng presyo, pagnagmahal, walang bibili sayo.
Kaya napagdesisyonan, na wag nalang ipaalam
Ang mga nangyayari ay hahayaan nalang
Ngunit meron paring inaabangan, Na sanay minsan,
Ganap nang manatili yung paminsan minsan
Dahil...
Pusoy ayaw masaktan, takot na baka mabasag
Natatapang tapangan, ngunit laging naduduwag
Papano kung walang sasalo, habang nalalaglag
Para sa mimahal ko, na di nahahabag
Sanay lumayo nalang, nang katotohanan ay matanggap
Sanay aking nalalaman, kung ikaw bay mapagpanggap
Sana’y wala ka nang di nalulumbay,
Nang Sana’y di nalang ako nasanay,
Kasi hinahanap hanap pa kita,
Buti sana kung di kita madalas makita,
Dahil nasa loob lang tayo ng iisang silid
Andito ako sa gitna anjan ka lang sa gilid
Tulad parin ako nong una, Umaasa,
Mga iniwan **** alalala
Andito pa nagmamarka,
Papano ko mabubura
Sanay makalaya,
Sanay di nagkaakbay, Sanay di nalang humigpit ang kapit ng iyong mga kamay
Sanay di ako nasanay, Nang sanay di ako nalulumbay.
Sep 28, 2018
Sep 28, 2018 at 12:16 AM UTC
sumulat ako ng elehiya
ginamit ko lahat ng palasak na salita
ninais ko ang naunsiyaming kapayapaan: yaong hindi bayolente't nababahiran ng dugo't karahasan
mayroon pa naman sigurong mas malinis na paraan, 'yun, 'y-'yun bang legal at dinaraan sa reporma
'yaong tulad ng kay rizal! tama! yaong may diplomasya
tumigil ako pansamantala upang bumuklat ng pahina
napakarami nang rebolusyong hindi tulad ng inihahatag nila, katulad ng, ah! katulad ng EDSA!
nauhaw ako at tumigil pansamantala habang sa lamig ng aking kwarto'y rinig malakas na buhos ng galit ng araw
mabuti't nang buksan ko ang mga kurtina, payapang nagwawalis sa bakuran ang kapitbahay
may nagpapaligo ng aso't magagarang sasakyan
ipinagpasalamat ko ang bubong sa king ulunan. ah, payapa.
hindi rinig sa balita ang pandarahas ng militar sa kanayunan
ngunit batid ng karamihan, at ang solusyon ika nila ay armadong pakikibaka
nanlamig ako at namutla,
binaybay ko ang mga taong nakalipas bago ko marinig ang pangangalampag sa aming pintuan
pilit kaming inaakusahan, walang dokumento o anumang ebidensya
at dumaan ang mga imahe ng militar sa kanayunan:
ang daan-daang pamamaslang habang walang kalaban-laban
sa huli, wala akong armas na nilundayan
sa aking mga huling sandali, para sa sarili ko lamang,
sumulat ako ng elehiya
Sep 2, 2018
Sep 2, 2018 at 1:07 AM UTC
Ilang beses mo na akong napatawa
Maraming beses na rin tayong naging masaya
Sa piling ng isa’t isa
Di na rin mabilang ang pagkakataon
Na naisip ko na sa aki’y mahalaga ka
Pero huli na nang malaman kong mahal pala kita
Sa bawat sandaling kapiling kita
Tila buong mundo koy napakasaya
Kasi sa harap mo, pwede ang ‘just simply me’ kung baga
Dahil tanggap mo ang buong ako,
Walang bahid ng panghuhusga
Kaya sa buhay ko talagang mahalaga ka
Pero huli na nang malaman kong mahal pala kita
Isang araw nagising nalang ako
Naisip ko
Na higit pa sa pagpapahalaga ang nararamdam ko para sayo
Pero binaliwala ko ito,
Sa pagaakalang pansamantala lang to
Sinikap kong mawala ang nararamdaman ko
Kaya naisip koy pansamantalang lumayo sayo
Pero di ko na namalayan na masyado na palang lumayo
Ang dating ikaw at ako
Tila nakalimutan mo na rin na naririto pa ako, ang tayo
Ngayon ibang tao na ang kapiling mo
May pumalit na sa posisyon ko
Na dati’y sa tabi mo
Tuluyan na ngang nawala ang mga pagkakataong
Tumamatawa ko, masaya ako sa piling mo
At saka ko pa lamang nalaman,
Na Mahal pala kita
MAHAL KITA.
PERO HULI NA.
Jul 23, 2015
Jul 23, 2015 at 8:28 AM UTC
Ako’y isa lamang pinuno,
Gumabay sa isang hukbo.
Oras ay itinataya upang magturo,
Upang bigyan ng kaalaman ang mga pribado.
May mga taong gusto akong tularan,
Mga nasa ikatlong taon ng paaralan.
Tungkulin ko sila’y turuan,
Upang sila’y magkaroon ng kaalaman.
Mga COCC kung sila’y tawagin,
Lahat sila’y may sinusunod na tungkulin.
Mga katulad ko’y dapat sundin,
Upang makamit nila ang kanilang hangarin.
Meron akong isang CO na nakilala,
Pansin ko’y kanyang nakuha.
Hindi ko maipaliwanag ang kanyang ganda,
Lagi nalang sa kanya ang aking mga mata.
Ang ibigin siya’y isang bagay na bawal,
pagkat posisyon ko’y pwedeng matangal.
Ito’y aking gagawan ng paraan.
Kahit ito pa ang batas ng paaralan.
Tinataguan ko ang aking Commando,
Upang makipagkita sa giliw kong CO,
Tinutulungan din ako ng kaibigan kong pribado,
Na umiibig naman sa isang pinuno.
Bakit ganito nalang ang pag-ibig,
Palagi nalang may humahadlang sa paligid.
Hindi ba nila alam kung gaano kasakit,
Ano ba ang kanilang naiisip.
Ang pamumuno ko ay pansamantala lamang,
Ngunit pag-ibig ko sana’y walang hanggan.
Huwag sanang masira ang ating samahan,
O Aking Joana, hindi kita titigilan.
Dec 3, 2010
Dec 3, 2010 at 7:26 AM UTC
Ito na naman tayo.
Parehong sitwasyon,
ngunit ibang pangyayari.
Walang nakakaakala satin
na aabot ulit tayo dito.
Nagmahal ako ng babaeng
hindi na ko pwede mahalin muli
dahil sa mali ang panahon.
Saka na lang din naman
ako natauhan na
maling ito ang aking naging desisyon.
Siguro nga mali
na muli kitang minahal
ng mas higit pa sa aking inaakala.
Hindi naman kita masisi
kung siya talaga
ang iyong pipiliin.
Sino nga ba naman ako?
Pinili ko na lang na sabihing
mamahalin pa rin kita
kahit hindi ako mapasaiyo.
Kakayanin kong
maging masaya ka
sa piling niya.
Hahayaan kita maging masaya
habang onti onting namamatay
ang mga rosas na nais
kong ialay sa iyo.
Hahayaan kitang maging masaya
Habang sinasakal ako
Ng inyong mahihigpit na yakap.
Hahayaan kitang maging masaya
Habang nasusunog ako
Sa init ng inyong pagtitingan.
Gusto kita maging masaya
'wag mo lang sana sa'kin ipakikita.
Gusto kita maging masaya
'wag mo lang sana sa'kin ipamumukha.
Gusto kita maging masaya
*pero 'wag mo sana ipaparamdam
na mas minahal mo siya.*
Akala ko'y tanggap ko na ang katotohanan.
Hindi ako ang iyong tunay na mahal.
Hindi ako ang nais **** makasama.
Hindi ako. Hindi ako.
Hindi ako nanininiwala
na hanggang dito na lang ito.
Dahil umasa muli ako
Noong hinalikan kita
At sinabi ****
"tumigil ang puso ko"
Umasa muli ako
noong tinitigan mo ko
Sabay sabing "alam ko ang gusto ko"
Na ako ang pinili **** isama
sa iyong paguwi
noong araw din na nakasama mo siya.
Sa walong beses
Na sinabi ko sayong "mahal kita"
Pakiramdam ko'y
Walong beses muli akong binuhay.
Walong beses kong narinig
ang mga anghel kasabay
ng iyong pagsasalita.
Sa bawat halik mo
na dumampi sa aking mga labi,
naramdaman ko ang iyong nasabi.
"Alam ko ang gusto ko"
Alam ko ang gusto ko,
At 'yon ay ikaw.
Habang magkadikit
ang ating katawan,
tumigil ka pansamantala.
Tinitigan ko lang
ang iyong mga mata
na tila tinatawag ako ng mga ito.
Ng bigla **** sabihin,
"Kakayanin na kaya natin ngayon?"
Wala ng ibang pumasok sa isip ko
kundi, ayoko ng palagpasin
ang pagkakataon na ito.
Kusang lumabas sa aking mga bibig
ang mga salitang,
"Kakayanin na natin ngayon.
Pipilitin natin.
Hindi kita iiwan.
Hindi na muli kita iiwan."
Alam kong ito ang gusto ko.
*June 23, 2015
11:56 am*
Jun 25, 2015
Jun 25, 2015 at 8:23 PM UTC
#102216 #PortBarton
Bata pa lang ako,
Pinagmamasdan na kita.
Sariwa sa kamusmusan,
Puno ng mga tanong na "bakit?"
Ba't ayaw **** magpakita?
Na kailangan Mo pang magtago sa mga ulap;
Na hindi ko maabang-abangan
Ang eksaktong pagsikat at paglubog Mo.
Ba't Mo ako sinusunog?
Na sa t'wing naglalakad ako,
Sinasaktan mo ang mga balat ko.
Na hindi ka nagsasabing
Magdala ako ng payong o kapote.
At ba't lagi mo akong ginigising?
Na hudyat ng pagbibilang ng panahon,
Na kailangan ko pang bumangon
At buhayin ang sarili't umahon.
---
Di Ko na kailangang magpasikat sayo
Pagkat hindi na lihim ang Liwanag Ko.
Ilang lugar na rin ang pinasuyod Ko sayo --
Sa Norte at Sur, buhay ang presesya Ko.
"Walang kupas at walang katulad,"
Yan ang sambit mo.
Ika'y Aking saksi;
Sa iba't ibang pagbunyag Ko ng Aking Sarili --
Sa iba't ibang katauhang may sari't sari ring kwento:
Silang simpleng manggagawang
Lakas ay Sa'kin ang paghugot.
Isabit Mo ang bawat larawan
Sa dingding **** Aking ipinagtitibay.
Nais Kong mailawan
Ang bawat madilim **** espayo.
Madilim man, nakikita Kita.
---
Ikaw ang Pag-asa;
At Sayo dumadaloy ang lahat.
Kakatok ang Iyong Sinag sa butas-butas kong mga haligi.
Pangako mo'y pasalubong
Kaya't ako'y sabik sa pagdating Mo.
Sasalubungin kita saking pagbangon
At bubuksan ang aking mga bintana,
Bilang pahiwatig
Na nais kong taglayin ang Ilaw Mo.
Bukas ang pintuan ko Sayo;
Ikandado Mo ako, tangan ang di papupunding Liwanag --
Yan ang pagpapasakop ko;
Saklawan Mo sanang ganap ang hain ko.
Gagayak ako sa Iyong saglit na pamamaalam
Na siyang susubok sa Ilaw na pinaiwan Mo sakin.
At may galak akong magsisindi sa bawat poste,
Ng gaserang may purong langis.
Iihipan ko ito sa aking pahinga,
At sadyang ang dilim
Ay tamang pansamantala lamang.
---
Tiyak ang oras mo
At singhaba ng araw ang pasensya mo.
Nagbabalik akong may hubad na sandalyas --
Marumi ako pero saking pag-uwi,
Dito rin pala ang paghuhugas.
Pinagmamasdan ko ang putik sa mga paa ko
Maging ang alikabok sa mga palad ko --
Pawang nakuha ko sa trabahong
Bansag saki'y tagautos.
Pansin ko, ang dumi-dumi ko pala;
Kailangan ko nang pagpagan ang sarili;
At pawang ang lahat pala'y
Di ko makikita nang wala Ka.
Nov 2, 2016
Nov 2, 2016 at 8:07 AM UTC
Humahagibis ang hangin sa dalampasigan
Kaya ang mga dahon nagsisipagaspasan
At kung tumila ang simoy ng Amihan
Alaala'y bumabalik nang walang pakundangan
Mahamog na ang kapaligiran
Malamig na rin ang kaparangan
Sa pagtaas ng alon sa aplaya
Ay sumasabay ang pagbubuntong - hininga
May saliw ang karoling
Himig ng pasko'y umaadya sa damdamin
Ngunit pansamantala ang dulot na aliw
Sa maghapong pangunguyumpis
Hindi na bumubuka ang bulaklak
Ng itinanim kong Rosas
Hindi na gaano maliwanag ang kislap ng tala
Dahil ba sa hukluban na't yumuyukod
O nasisiphayo ng pag-ibig
Ang pangakong hindi maghihiwalay
ay kanyang tinalikdan
Ngayon nag-iisa na humihimlay
Kasama ang yakap ng lumbay
Hindi ko kailangan na manimdim
Sapagkat tunay at wagas siyang inibig
Bakit taliwas ang bawat wakas
At maunsiyami sa mga hiraya
Saan-saan na lang ibinaling ang paningin
At iniba ang hilig
Ngunit sa paghinto ng paghalakhak
Hindi ko maiwasan ang umiyak
Nalugami sa pagmamahal
At kung mabuksan muli ang puso
Malaman niya sana na siya ang dahilan
Ng paghibik sa pasko
Dec 19, 2019
Dec 19, 2019 at 11:43 PM UTC
Walang salitang “sayang”
Hindi tayo sayang,
Dahil may mga panahon na tayo lang ang nakakaintindi sa isat-isa.
Hindi alintana ang alingawngaw na dala ng lipunan,
Mga bibig na hindi magkamayan sa pagtutol.
Hindi sayang ang mga panahong sabay nating tinahak ang mundo
imbes pakanan ang ikot ay mas pinili natin ang pakaliwa.
Hindi natin nasayang ang mga oras ng katahimikan,
dahil sabay natin itong sinalin sa musika at sabay nating sinayaw ang tugtog ng ating mga puso.
Sabay nating niyakap ang kahinaan ng bawat isa,
nagsilbi tayong lakas na kayang pumawi ng panghihinang hatid ng mga mapangahas na hamon.
Walang lakad na nasayang,
dahil sabay nating hinakbang ang ating mga paa patungo sa di malamang dito, doon, d’yan at kung saan man.
Walang takot na naramdaman dahil sabay nating sinilip ang kung anong merong hatid ang kabilang daigdig.
Walang sayang,
Kahit sabay nating kinumpas ang ating mga kamay upang magpaalam.
Walang sayang.
Dahil sa mga oras na iyon alam natin,
ang kabilang mundo ay pansamantala lamang.
Alam natin na ang mundo ay iikot muli sa atin,
at sa pangalawang pagkakataon.
Magtatagpo tayong muli,
Hanggang sa susunod nating pagkikita.
Paalam.
Mar 28, 2018
Mar 28, 2018 at 3:05 AM UTC
'Wag kang mag-alala,
'Pag nilangaw na ang
bahagharing tuyot na
at wala nang sigla,
Lilipad ang mga paru-parong
matagal nang nagtago
sa aking sikmura,
Noong mga panahong
pinaghalong saya at kaba pa
ang nararamdaman ko
'pag kasama kita...
'Wag kang mag-alala,
mamahalin pa rin kita...
'Wag kang mag-alala,
'Pag napagod na ang
dagat sa pag-alon
at pagsayaw ng mahinahon,
Patutulugin siya pansamantala
ng mga minahal at
pinagkatagu-tago kong mga ibon
Na nagkubli sa tinig mo
habang inakala kong
hindi lilipasin ng panahon...
'Wag kang mag-alala,
mamahalin pa rin kita...
'Wag kang mag-alala,
'Pag tinamad nang umawit
ang hangin para sa
iningatang puso,
Bababa ang mga tala
na inipon nang
matagal at itinago,
Upang alisin ang lamig ng gabi
na noo'y nasa mga bisig mo
at inakalang 'di magbabago...
'Wag kang mag-alala,
mamahalin pa rin kita...
'Wag kang mag-alala,
'Pag nakalimutan nang
ngumiti ng araw
dahil sa inis,
Yayakapin siya ng buwan
kahit pa ang kapalit
ay masunog siya nang labis,
Pipigain ang huling patak
na luha mula sa mga matang
tinirahan na ng hinagpis...
'Wag kang mag-alala,
mamahalin pa rin kita
kahit sa huling dugong
dadaloy sa ugat ng puso
kong sirang-sirang na...
'Wag kang mag-alala,
mamahalin pa rin kita
kahit sa huling hanging
aagpas sa aking bibig
na pagod nang sumigaw...
'Wag kang mag-alala,
mamahalin pa rin kita, Mahal...
May 17, 2015
May 17, 2015 at 11:34 PM UTC
Sumapit na ang hating gabi,
Unti unting sinasakop ng pagbubukang liwayway.
Gandang iyong taglay,
Sa aking diwa'y nananalaytay.
Ang saglit na pamamaalam sa takip silim
bukas ay mababanaag nang muli ang ligaya ng pusong minsang nagdilim.
Ang kaaya aya nyang ngiti,
Higit pa sa ganda ng bulaklak. Sa magdamag kong pag susulat ng matalinhagang salita ikaw ang aking nakikita.
Pansamantala, sa agaw ng dilim at liwanag. Ako ay mamaaalam. Itinitiwala na lamang muna sa mga bituin na ikaw ay matanglawan.
... Sa araw ng bukas ay masisilayang muli ang ligaya ng aking buhay.
May 22, 2016
May 22, 2016 at 5:18 AM UTC
#120815
Siya ngang may pakpak, walang laya
Siya ngang boses ang umaga, walang hininga.
"Pisi Mo'y walang tugon,
Sinumpang lupai'y may butil ng biyaya --
Pukpukin Mo ang pakong may anay na kalawang,
Pagkat Balangkas Mo pa lang,
Ako'y napayuyukod na.
Ako'y marupok kaya't nasilo Mo --
Na-silong Sa'yong pag-ibig."
"Aking paglisa'y pansamantala lamang,
Ako'y magbabalik sa panibagong araw,
Babalikan kita,
Huni mo'y siyang sigaw sa balintawak,
Ika'y patotoo sa Aking pagbabalik
Kaya't humayong may sigla."
Dec 9, 2015
Dec 9, 2015 at 7:41 AM UTC
Maaaring narito ka ngayon
ang sakit na iyong naidulot
ay pansamantala mo ring mapapawi.
Muling maipipinta ang isang magandang ngiti
sa aking mukha. Ngunit kasabay
nito ay ang mas masakit pang parusa.
Ika'y magbabalik at habang buhay
akong lilisanin. Ang iyong alaalala
ay matatakpan ng panibagong tagsibol.
Ang sakit ay madadagdagan pa ng
nag-uumapaw na damdamin.
Mabuti pang ika'y hindi nagbalik
nang sa gayon, hindi umasa ang
mga tuyot na rosas na ito'y
muli pang mamumulaklak.
Sep 2, 2013
Sep 2, 2013 at 12:23 PM UTC
012717
Uso raw ang pilahan sa dilaw na hintayan. Aalis ako -- aalis nang panandalian. Hindi ako mamamahinga at oo, babalik at babalik ako sayo.
Ayokong maniwalang ito na ang huling sandali sa pinakasandaling pagkakataon ng una't huling pagpili. Kalilimutan ko muna ang kahapon at kasalukuyan at magsasabit ng bandila patungong kinabukasan -- paaalabin ang puso na may panalanging walang paghinto hanggang sa dulo ng pinakadulo'y pananampalataya'y di mabibigo.
Ikaw ang piyesang paulit-ulit na babasahin, ang tulang kakabisaduhin at kahit pa lumiko patungong Timog ang hanging mula Norte, sana'y sa pagbalik di'y ako'y iyong salubungin -- salubungin pagkat kakaiba ka -- iba ka sa kanila; oo, ibang-iba talaga.
Pansamantala -- ika'y di masisilayan ngunit mananatili sa bawat piyesa -- sa bawat piyesa kung saan tayo'y iisa. Tinig mo'y sapat na; tila nalalangoy na maging himpapawid; tila nalilipad na ang karagatan -- oo, parang hindi angkop, pero ganoon ang pag-ibig, minsa'y di mo wari kanyang pagsakop.
At oo, hindi kita bibitawan pagkat ang tayo'y nakatali -- nakatali sa sinulid ng ating pagmamahalan. Itago natin ang kanya-kanyang gunting pagkat ang ating antaya'y bukas na -- bukas at sa susunod na paggising.
(Agwat lang, antay lang -- hindi pa panahon)
Jan 29, 2017
Jan 29, 2017 at 3:37 AM UTC
Nahimbing na ang lamparang iyong tangan-tangan
“Di patas ang laban,” yan ang wika mo
Bagkus ba’t ang gaas, di man lamang nasalinan?
Tinalikuran mo sya’t agad nang pinagkaitan.
Kasikatan ang nais ng nag-aalab **** puso
Mali man ang direksyon, sabay hithit at nakikiuso
Ba’t ba ang nais mo’y iwan ang liwanag?
Ba’t nais na ikahon ang sarili?
At sa dilim, saka susubo ng kutsara.
Narating man ang apat na sulok ng kwadra
Hugis bilog ang naging buhay
At panay indayog mo
Parang sirang plaka.
Pagal at walang kamalay-malay
Pagkat mga letra’y inabot ng kamalasan
Nilatigo sila’t naging busal pansamantala
Bilanggong may gitgit sa maling pagkalinga.
Bumuhos ang gaas, nasayang bigla
Ang apoy ay tubig na umusbong nang sagana
Bagkus hinagpis at pait sa sikmura
Abot sa langit na syang nagpapala.
(5/25/14 @xirlleelang)
May 28, 2014
May 28, 2014 at 1:05 AM UTC
Sa totoo lang
ako'y nabigla
hindi ko inaasahan
ang biglaang
pag galaw mo
na halos
pakiramdam ko
sasabog ang puso
sa sobrang bilis
ng pag pintig nito
na tila ba'y para akong
mawawalan ng malay
sapagkat hindi ko alam
kung ano ang gagawin
sa biglaang pagyakap
para akong idinuduyan
at pinapanalangin na
sana'y tumagal at
wala nang katapusan
ang pagkakataong ito'y
kay tagal kong inaasam
pero bakit kahit anong
hiling ko na tumigil
ang mundo pansamantala'y
tila ba mas bumilis pa
ang bawat patak
ng segundo sa relo
nababaliw na ata ako
sana naman naramdaman mo
ang nanginginig kong mga
kamay habang dahan dahan
kang kumakalas ang
puso ko'y unti unti
din napipigtas
at sa iyong paghakbang
paalis at pagtalikod mo
na sadyang ka'y bilis
wala din akong nagawa
kundi ang hayaan kang
umalis at sa aking paghakbang
paalis sa lugar na kung saan
naging saksi ng iyong pagyakap
at nakarinig ng mumunting
dalangin ko sa maikling oras
inaasahan ko na ako'y
iyong tatawagin uli
hanggang sa pagtulog
mamayang gabi
sana ay kahit sa panaginip
pinapanalangin ko
na mayakap kang
muli
Jul 12, 2019
Jul 12, 2019 at 10:21 AM UTC
Sa simula't sapol, sa kuwento
lamang ng matatanda,
sa pelikula at mga takilya
doon lamang ako
nag-papaniwala.
Talastas ng isipan,
hindi ito makatotohanan.
Ngunit sa likod
ng aking isipan,
naroon ang munting katanungan.
Totoo nga ba
o sadyang kathang
isip lamang?
Hindi nag-papaniwala,
hanggang sa hindi ito nakikita.
Pagkaka-tanda ko'y minsan
akong humiling at matulin
naman itong dumating.
Hindi makapaniwala,
halos nanlaki aking mga mata,
isang diwata tugon
na mula puso, di mawari,
napalukso ito sa tuwa.
Tila inagaw **** lahat
ng liwanag at sa likuran
mo'y napakalibot.
Dumarating ka mula
sa mga ulap
at pagdaka'y isang binibini,
tumambad at sa akin
ay pumukaw.
Tunay at totoo
pala ang Diwata,
at yun nga ay ikaw!
Diwata ka sa aking paningin,
ano pa ba ang aking hiling?
Minsan ako nangarap
at nanalangin,
sana may enkantadang
handang magpa-angkin.
Nakakatunaw ka sa mata,
pagkat walang kasing
tulad ng iyong Ganda.
Di masambitla, mga salita
ko'y ayaw ngang lumabas
sa kanilang mga lungga,
kaya narito na muna
ang aking tula.
Ano pa't pupurihin
na lamang muna
kitang pansamantala,
ililihim na muna
ang mga kataga at
sa aking mga mata
ko na lamang muna mababasa.
Diwata ka sa aking paningin.
Pananambitam, dalangin
at hiling na sa munti
kong paraiso, sana'y doon
mo piliing manahan,
gawin **** iyong engkantadia
at handang pasakop sa
lahat ng iyong kagustuhan at nasa.
...Handang paalipin
at magsilbi, basta't ikaw
ang siyang laging aking kapiling...."
Feb 28, 2020
Feb 28, 2020 at 2:06 AM UTC
082021
Nabibilang lamang sa aking mga daliri
Ang mga buwan na tiniklupan ng mga ulap
Nang sa’king mga bisig,
Ang yakap mo’y nagmistulang kumot
Sa balat kong sumisigaw sa alat
At anghang ng aking pakiramdam.
Sa titig mo’y ako’y nakalilimot
Na ang pangalan ko’y nagbagong bihis na rin.
At kasabay ng paglilipat silid at bubongan,
Ay ang paglisan ko sa unang tahanang
Humagkan sa aking pagkakakilanlan
At bumuhos sa akin nang di masukat na pagmamahal.
Ang mga ngiti **** pumapawi sa’king paghihintay
Sa maghapong masuklian naman
Ang pansamantala kong pangungulila’y
Nagsisilbing matatamis na tsokolateng
Hindi naman pala nakamamatay.
At sa ganitong pagpatak ng mga segundo
Na parang mga barya sa alkansya mo,
Ang tanging hangad ko na tunay na pag-aaruga’y
Iyong pabaon na araw-araw kong sasalubungin at pagbubuksan.
Nakalimutan ko na rin atang humanap pa ng iba
Di gaya ng panata ko noon sa mga rehas
Kung saan gusto kong kumawala.
Pagkat sa’yo pa lamang ay abot-langit na
Ang aking mga ngiti’t pagsintang
Lulan ng iyong mga hagkan
At walang pag-imbot na pag-aalaga’t pagkukusa.
Kung kaya ko lamang pigilan ang sarili
Buhat sa pagtikom ng aking bibig
Ay nais ko sanang ipagsigawan
Sa apat na sulok ng ating tahanan
Ang pangalan **** ni minsa’y hindi ko naintindahan.
Bagamat sa bawat pagkilos mo’y
Hindi ko maipagkakailang
Ako’y tunay mo ngang mahal at pinakaiingatan.
Hindi na ako manlilimos pa,
Ng pagmamahal o atensyon sa mga tauhang
Lilisan sa kani-kanilang panahon at kagustuhan.
At pipiliin kong masanay na makipagsayawan
Sa mga mata **** tanging lilim ang laan sa akin.
At kung ito man ang una’t huling sulat
Na ikaw mismo ang pumataw ng mga kahulugan
Ay hayaan mo ring masambit kong
Sa araw-araw, ikaw ang nanaisin ko pang makapiling.
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 6:52 AM UTC
Kung aking bubuklatin,
Ang mga nakaraang pahina ng iyong mga awitin,
Sigurado akong maalala mo ito at kakantahin,
Pauli-ulit pang rerehistro sa utak at iisipin.
Mahilig kang kumanta,
Boses mo ay kakaiba,
Mahilig ka ring gumala,
Sa mga malalayong lugar na hindi na abot ng iyong mata.
Sa trabaho ay seryoso ka.
Minsan nakalimutan mo na ring ngumiti sa iba,
Sa dami ng iyong ginagawa,
Kami ay napapagalitan pa.
Dedikasyon mo sa trabaho ay hindi matatawaran,
Pero kahit na ikaw ay may posisyon na,
Walang nagbago sa iyong nakaugalian.
Ikaw pa rin ang taong madali naming lapitan.
Ipagpatuloy mo ang ugali **** masaya,
Upang bigat sa dibdib ay maibsan pansamantala,
Mabigyang katuparan ang pangarap mo sa iyong bubuuing pamilya,
Nang maging sandigan mo sa habambuhay na ligaya.
Aug 14, 2017
Aug 14, 2017 at 8:12 PM UTC
Nakakapagod,
Talikuran at harapin ang katotohanan ng sabay
Ang mga ngiti mo'y nagbibigay pag-asa
Ngunit sa pagtitig mo ay hindi ako ang nakikita
Tumatagos sa puso ko na parang patalim
Dahil alam kong hindi yon para sa akin
Inabot mo ang aking kamay
Pinaramdam na nandyan ka
Pinahawak ang puso mo pansamantala
At ngayon ay tila binabawi na
Pagod na ko
Pero bakit ba ang hirap bitawan?
Dito na lang ako
Sa gitna ng kasinungalingan at katotohanan
Baka sakaling kayanin ko ng di namamalayan...
Sep 23, 2019
Sep 23, 2019 at 5:10 AM UTC
051922
Sa loob ng ilang taong paghabi ng mga tula’y
Nagsilbi pala itong aking pahingahan.
At sa pagpili kong isantabi nang pansamantala
Ang pag-ibig ko sa pluma’t papel
Ay unti-unti rin palang gumuho
Ang mga pader na naging proteksyon ko
Laban sa mga kumunoy ng aking damdamin.
Sabi ng iilan,
Gusto nila ng kalayaan —
Ngunit naiiba ata ang aking kagustuhan.
Pagkat mas ninanais ko pang
Punuan nang matataas na pader ang sarili kong bakuran.
Siguro nga, tama sila
Na takot akong buksan ang aking pintuan.
Siguro nga, ayokong sinu-sino lamang
Ang daraan sa aking paningin.
At baka sila mismo ang magtirik ng kandila
Para sa paghimlay ng aking mga pangarap
Na nais ko pang makamit at maibahagi.
Naisip ko biglang —
Wala naman palang masama
Sa pagtakip natin sa ating mga sarili.
Pagkat kung ang sinasabi nilang pagtago
Ay palatandaan ng kaduwagan at pagiging makasarili'y
Baka araw-araw na rin tayong nagugulantang
Sa mga nakahanay na mga kalansay at mga bangkay
Sa ating mga pintuang pinangangalagaan.
Ang bawat nilalang
Ay may sari-sariling paraan
Sa pag-abot ng kani-kanilang pangarap.
At ang bawat katauhan di’y
May iba’t ibang paksang ipinaglalaban
At patuloy na pinaninindigan.
Kung ang mga pader nati’y
Hahayaan na lamang nating matibag nang basta-basta’y
Tila ba tinalikuran na rin natin ang ating mga sarili.
Pagkat ito’y hayagang kataksilan
Sa ating mga mga sinusungkit pa lamang
Na pangarap na mga bituin.
At kung minsang mapadpad na tayo
Sa pampang ng ating paglisan,
Ay tayo na rin sana ang kusang maging taya
At patuloy na lumaban at manindigan.
Para rin ito sa atin,
Para sa sariling kaligtasan
Laban sa walang pasintabing pagkukutya
Ng mga dayuhan sa ating mga balintataw.
Sana'y kusang-loob tayong magsisipagbalikan
Kung saan natin naiwan at naisantabi
Ang apoy ng ating pag-irog sa ating mga adhikain.
At kung pluma’t papel muli ang magsisilbing armas
Para sa muli nating pagkabuhay,
Ay patuloy rin tayong makikiindak
Sa bawat letra’t magpapatangay sa mga ideolohiyang
Kusang nagtitilamsikan buhat sa ating mga pagkatao.
At hindi tayo magpapadaig at magpapatalo
Sa mga ekstrangherong walang ibang ninais
Kundi yurakan ang ating pagtingin sa ating mga sarili’t
Sila mismo ang gagapos sa ating mga kamay
Upang hindi na muling makapagpahinga
Sa piling ng ating mga pluma’t papel.
May 19, 2022
May 19, 2022 at 10:59 AM UTC
Yung akala **** itinakda
Akala mo'y importante
Hindi naman permanente
Yung akala **** itinadhana
Wari mo'y mahalaga
Bakit naging pansamantala?
Hindi ba dapat ay pang habang buhay at hangang sa kabilang buhay?
Ang pagmamahal kapag nakatakda
Ang pag ibig kapag nakatadhana
Hindi mababawasan
Hindi mawawala
Hindi na lamang akala
Hindi na rin pakiwari
Dahil hindi mangungupas
Jun 27, 2019
Jun 27, 2019 at 10:51 AM UTC
120522
Nanginginig ka
Tila ba ayaw mo Akong pagmasdan.
Hindi ko mawari ang nasasakupan
Ng iyong isipan.
Sa aking paglapit
Ay kusa kitang hahagkan.
O, wag ka nang mangamba pa
Pagkat kirot ay pansamantala.
Baunin mo ang aking liham
Na iniukit ko sa’yong katauhan.
At wag **** isiping
Ang pait na iyong sinapit
Ay walang mabuting kapalit.
Magbilang ka ng mga araw pa
At ang nararanasan mo ngayon
Ay kusa mo nang maiintindihan ang dahilan.
Mamuhay ka ng may galak,
Mamuhay ka pagkat ako’y lilisan na.
Dec 5, 2022
Dec 5, 2022 at 5:57 AM UTC
Anong oras na’t puno na naman ng puwang at kalungkutan?
Mga saya na bigla na lamang naglaho sa kawalan.
Sa paglipas ng oras,
tila ba’y nawawalan ako ng lakas at para bang gusto ko na lamang tumakas—
tumakas sa rehas na aking dinaranas.
Tahanan — ang palatandaan ng aking katauhan.
Dulot ng bigat ng kursong pinili sa kolehiyo,
ako ngayo’y malayo sa palatandaan ng aking katauhan.
Nakakamiss.
Malayo sa palatandaan ng aking katauhan,
katauhan na binabalot ng kalungkutan,
at hindi maipaliwanag na pakiramdam ng kawalan.
Paano nga ba ito?
Sa kabila ng nararamdaman,
patuloy akong lalaban at patuloy na paniniwalaan
na ang panghihinang nararanasan,
ay pansamantala lamang.
patuloy kong tatandaan,
na ang kawalan ay panandalian lamang,
at ang palatandaan ng aking katauhan ay akin ding mahahawakan
dahil bukas, higit kong pagsisikapan
na aking pangarap ay makamtan.
Mar 18, 2019
Mar 18, 2019 at 12:18 PM UTC
Nahihirapan na ako makisalamuha sa ibang tao
Kinakain na ng Duda ang sensitibong utak ko
Bawat kilos, iniingatan ko !
Malaya ako ! (pero nakakulong naman ang tunay na mga paa ko sa loob ng kaluluwa ko!)
Nais kong takasan ang mundong ito!
May tahanan naman ako , bakit ako lilisan dito sa mundo?
Duwag na ba ako? dahil di ko malutas ang problema
Mahina na ba ako? dahil di ko na kayang lumaban sa gera
Lumalala , lumuluha , kala ko tapos na
Pansamantala lang pala ang sigla
Mapang-akit ang kalungkutan
"Pinagmukha ka lang malaya , maluwag ang selda"
Mas nakakaawa pa nga ako , nasilayan ko ang awa sa mukha ninyo
Sa sobrang maawain ko , kinunsumo ko lahat ng lungkot para mawala ang awa sa mukha nyo.
Naglalaban na ang dalawang grupo sa utak ko , hilahan ng lubid , palarong lahi ang tema
Palakasan nalang ng pwersa kung mapipigtal , aba mukhang balanse pa
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 10:53 AM UTC