Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"panimulang" poems
Ang istorya nati’y parang liham... Sisimulan ko sa panimulang pagbati. Ito yung mga panahong bago palang tayong magkakilala. Yung mga panahong kaibigan palang ang turing natin sa isa’t isa. Dito ko nakita ang ‘yong nagniningning na mga mata, at may nakita akong nakakabighani sayo na hindi nakikita ng iba. Ito yung mga panahong nagkakakilala palang tayo. Mga panahong wala pa tayo sa puntong “Tayo”, at ang pinakaimportante sa lahat, Panimulang Pagbati. Dito nagsimula ang lahat. Nagsimula sa simpleng chat, na nagsasabing: “Ikaw lang ang gusto ko sa lahat.”, at mula noo’y nagbago ang lahat. Ito na yung susunod... Katawan. Ito yung mga panahong masaya tayong nagmamahalan. Araw-araw tayong nagtetext at nagtatawanan, sa mga corny pero sweet nating banatan. Buong araw, buong gabi, na parang wala nang katapusan. Ito yung mga panahong patay na patay tayo sa isa’t isa. Mga panahong lumabas ang pagka-clingy nating dalawa. Halo-halong mga emosyon ang ating nadarama, yung tipong gulong gulo ka na’t wala ka nang maisip kundi siya. Sa panahong ito’y napakasaya nating dalawa, ngunit... ngunit parte ng katawan ay ang konklusyon. Ito yung mga panahong paunti-onti nang naglalaho ang “Tayo”. Mga masasayang emosyon ay nawala nalang sa dako, at ang mga masasayang araw ay paunti-onti naring naglalaho, hanggang sa dumating na sa puntong... Ito na ang huling pagbati. Ngunit... Ngunit may isa pang parte ng liham na dapat hindi natin balewalain... Ang Lagda. Sapagkat ito ay simbolo. Simbolo na tapos na ang lahat, at tinalo na ng emosyon ang ating lakas, at isa rin itong uri ng pag-uulat, na parang liham, kung merong simula’y meron ring wakas.
0
May 16, 2019
May 16, 2019 at 8:22 AM UTC
Liham

Continue reading...
39
#112715 #4:47PM May linyang pahalang at patayo, Ni hindi magpapatisod sa pising sinusuyo. Sila’y liliko sa bawat espayo, Bagkus Ako’y sa’yong puso ang tungo. Mag-aabang sa bawat palapag, Sana sa beranda’y, ikaw ang siyang umaga. Sana sa kusina’y maihain ang tama – Tamang timpla ng walang tagas na pagsinta. Isasantabi Ko ang mga butil na balakid, Hahaluin ang konkretong sabaw ay sirit ng pag-ibig. Papalitadahan natin ang kisameng may bituin, At doon tayo niningas ng panimulang may layunin. Irog, ang puso Ko’y nasa hulog at hinog, Kasingputi ng pinturang pantapal sa putikan **** suot. Nang minsang nilukot ang puso **** papel, Ni hindi ito nayuraka’t nalumot sa lente Kong nasa lebel. Hayaan **** iguhit Ko ang bukas, Nang pundasyo’y uugat sa bato’t di patutumba. Hubad at bitak-bitak ang luwad **** pagkatao, Kaya’t di hahayaang kontratahin ng iba. At sa akin sana’y magpaubaya ng “Oo” Nang maging ako na ang butihin **** Arkitekto.
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 3:48 AM UTC
Architect-Ligaw