Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"panghuhusga" poems
Ilang beses mo na akong napatawa Maraming beses na rin tayong naging masaya Sa piling ng isa’t isa Di na rin mabilang  ang pagkakataon Na naisip ko na sa aki’y mahalaga ka Pero huli na nang malaman kong mahal pala kita Sa bawat sandaling kapiling kita Tila buong mundo koy napakasaya Kasi sa harap mo, pwede ang ‘just simply me’ kung baga Dahil tanggap mo ang buong ako, Walang bahid ng panghuhusga Kaya sa buhay ko talagang mahalaga ka Pero huli na nang malaman kong mahal pala kita Isang araw nagising nalang ako Naisip ko Na higit pa sa pagpapahalaga ang nararamdam ko para sayo Pero binaliwala ko ito, Sa pagaakalang pansamantala lang to Sinikap kong mawala ang nararamdaman ko Kaya naisip koy pansamantalang lumayo sayo Pero di ko na namalayan na masyado na palang lumayo Ang dating ikaw at ako Tila nakalimutan mo na rin na naririto pa ako, ang tayo Ngayon ibang tao na ang kapiling mo May pumalit na sa posisyon ko Na dati’y sa tabi mo Tuluyan na ngang nawala ang mga pagkakataong Tumamatawa ko, masaya ako sa piling mo At saka ko pa lamang nalaman, Na Mahal pala kita MAHAL KITA. PERO HULI NA.
0
Jul 23, 2015
Jul 23, 2015 at 8:28 AM UTC
Huli na nang malaman kong mahal kita (TAGALOG)
Kapagka ang yeso ang ipinambato Doon sa madaldal na estudyante mo, At saka-sakaling tamaan ang ulo, Bala ang babalik sayo mismong noo! Kapagka pambura'y ipahid sa mukha Niyong mag-aaral na tatanga-tanga, Pakaiwasan mo't baka maging kawa Yaong igaganti sa iyong ginawa! Kapagka ang pluma ang siyang ginamit Sayong panghuhusga'y mag-ingat na labis; Sapagkat di tinta yaong ipapalit, Kundi ang dugo **** mas nakakahigit! Kapagka ang luha'y mamatak sa lupa Niyong estudyanteng labis na nagdusa-- Pakaasahan mo't gaganti ang bata, Ika'y sisingilin hanggang sa pagtanda!
0
Jun 17, 2016
Jun 17, 2016 at 9:22 AM UTC
Sa Mga ****
0617 Nanlilisik ang Iyong mga mata Sa poot buhat sa paglisan ko sa Iyong tirahan Na noo'y inangkin ko sa pagkupkop Mo sa akin. Binihasan Mo ako ng demokrasya at kasarinlan Bagkus ako'y natupok ng malagim na nakaraan. Talamak ang pananakit, panghuhusga at pagkamkam At doo'y tila binawi Mo rin ang minsang mga pamana. Naging mapusok ang aking pagkatao Na sa halip na bumalik Sayo'y Patuloy na nagpakain sa maling istilo. Nagkunwari ako bagkus ako'y natalo Ito ang pagpataw ng madilim na peligro. Nagniningas ang Iyong mga mata Na tila hubad sa init na pantunaw sa mga nakikita Napapikit ako buhat sa pangamba Hindi na ininda ang taas ng mga nakuha. Sa pagmulat ko na parang pagbukas ng mga bintana Namungad na pala ang Iyong pagpapala At ang kislap ng Iyong pagtingi'y Syang kalangitan at katuturan para sakin. Ikaw ang misteryo sa aking kalbaryo Ang tagapaghusgang walang ibang hangad Kundi para sa aking benepisyo. Maghari Ka, Ikaw ang Bituin.
0
Jun 13, 2017
Jun 13, 2017 at 9:20 AM UTC
PATAWad
(DEPRESYON) Sa mundong ito ay patuloy na nabubuhay ako, Wala akong pinipili na kahit na sino, Basta sa oras na ako ay makilala mo, Sa oras na pinapasok mo 'ko, Hindi ko alam kung kaya mo akong takasan, Dahil marami ng nagtangkang kitilin ang buhay ng dahil sa hatid kong kapalaran. Ako, ang sisira sa buhay mo, Gagawin kong miserable ang utak mo, Kapag nakilala mo ako, Kahit saan ka pa magtago Wala! Walang tutulong sayo!Tandaan mo! Lahat sila aayawan mo! Guguluhin ko ang iyong mundo, Yayanigin ko bawat pahina ng buhay mo, Kahit ipagpilitan isarado ang bintana, Papasok, papasukin kita,Wala ka nang magagawa! Sumuko ka na! Kaibigan hinihintay na kitang sumama, Ikukulong kita, sa lugar na hindi na makakalabas pa,Kahit ilang beses hanapin Susi para makalabas sa suliranin, Ikaw ay pilit kong aangkinin. Pilit kitang aagawin,Dahil sinasabi ko sa'yo isang pagpapanggap lang ang kanilang gagawin, Makinig ka! Halika na at sa akin ay sumama, Dahil alam kong patuloy lang sila sa panghuhusga,Patuloy ka lang kukutyain, At patuloy ka lang paiiyakin, Oo, nabubuhay ako sa husga, sa kutya, sa pagbalot sa sarili mo sa awa, Sa walang tigil na pagluha ng iyong mga mata, At sa malalang pag-iisip tulad ng pabago-bagong emosyon na hindi alam kung ano ba talaga,Nabubuhay ako at mas lumalakas ako, Sa tuwing nakikita ko ang isang taong mahilig magtago,Ilihim ang nararamdamang sakit sa kahit na sino,Mas lalakas pa ako kung sa oras na ako ay niyakap mo. Huwag kang magtangka,Pagtakas ay wala kang mapapala,Dahil kapag dinapuan na kita, Wala ng gugulo pa sa iyong mundong ginawa, Gilitan ng leeg, wala pa ring talab, Susundan kita hanggang kabilang buhay Kahit magtago ka man sa kaibuturan ng kagubatan.Ako, ang iyong kalaban, Patago kitang sasaktan, At unti-unti kitang pahihirapan, Ako ang madadala sa'yo sa kamatayan, Buhay ako at patuloy na gagambala sa iyong mundo,Mistulang buhay mo ay sisirain ko, Unti-unti kong babaguhin ang iyong sarili, At titiyaking ni isa sa iyo ay walang mananatili. Tandaan mo, at laging isaisip mo, Kakatok ulit ako sa pintuan mo, Dahil ilang beses ko ng sinabi sa'yo, Na nabubuhay ako sa lungkot, sa takot, sa luha, sa panghuhusga ng iba, At sa tuwing nag-iisa ka habang hindi na alam ang gagawin at solusyonan ang problema. Ipapaalala ko lang sa iyo na hindi mo ako basta madadaig,Na hindi mo ako basta malulupig, Hangga't dala-dala mo ang aking mundo, Hindi ako titigil sa'yo. May panahon ka pa,Makakatakas ka pa, At magagawa mo akong daigin kung makikinig ka, Hindi ako kasinungalingan, Nagsasabi ako ng toto, dahil totoo ako. Kung sinasabi nila peke ako,Na dulot ko lang ay pagpapapansin,Sinasabi ko na sa'yo mali ang makinig sa kanilang daing, Intindihin mo ako at unawain lahat ng sinasabi ko,Marami ng buhay ang nawasak ng dahil sa akin,Kaya kung mabuhay ng matagal ang iyong hangarin,Pakinggan mo ako dahil hindi ako nagbibiro,At hindi ako nakikipaglaro. Hindi ako pag-iinarte, hindi ako pag-iinarte. Sa oras na dapuan ko ang mga mahal niyo, o maging ang mga kaibigan mo, Pakiusap, hawakan mo ang kaniyang kamay at hilain papunta sa masayang mundo, Pakiusap ko!Kung sakaling ako ay makilala mo, Layuan mo ako,Ipakilala mo ako sa lahat ng malaman nila na hindi ako pagpapapanggap. Makakatakas ka pa,Makakatas ka. Nabubuhay ako sa mundong ito,Ngunit kaya niyo ako.Dasal lang at tiwala sa sarili ang katapat ko.
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:25 PM UTC
DEPRESSED

Continue reading...
60
sa isang minsan naglaro ang tadhana, pinagtagpo ang mga mata ng dalawang uhaw sa kahulugan sa isang minsan nagsimula ang tagu-taguan, mga salitang walang kahulugang sinasambit ng mga labing mapagpanggap, sa isang minsan nagdikit ang mga labi, pilit itinago ang init na nadama ngunit mga ngiti natin ang nagsasabi sa isang minsan maipapakita natin sa lahat na nandito tayo para sa isa’t-isa at di na kailangan pang matakot sa panghuhusga sa isang minsan, kailangan nating maniwala sa pagdating ng oras at tadhana, magkasamang lalaya, sa isang minsan masasambit rin natin ang ating pagsinta, sa isang sulyap na walang takot, walang alinlangan, sa isang minsan ang minsan ay magiging walang hanggan, panghabang-buhay, kahit saan, kahit kailan, kahit anong oras sa isang minsan darating rin na magtutugma ang tadhana kaya’t makontento muna tayo sa mga nakaw na sandali, sa isang minsan magtatagpo ang ating mga mata at ngiti kahit na walang kahulugan, kahit na tayo’y nasasaktan, sa isang minsan tayo ay nagkatagpo at nagmahalan, kahit alam nating tayo ay sawi, sa pag-ibig nating tulad ng ulan sa isang minsan
0
Nov 4, 2019
Nov 4, 2019 at 7:09 PM UTC
sa isang minsan
Mahilig ka sa mga bulaklak lalo na 'yong may mga matitingkad na kulay. Hilig mo sila dahil kaya ka nilang pakinggan. Walang bahid ng panghuhusga. Naiintindihan nila ang mga kuwento na bihira **** ibahagi sa iba. Ilang beses na nilang nasilayan ang mga pag-ibig, ang mga sakít, ang kung paano ka mag-ipon ng tapang, ang kung paano ka maduwag. Matalik mo siláng mga kaibigan. Mahilig ka sa mga bulaklak at parati kang umaasa na dadalhan ka niya ng mga ito. Hindi ka nabigo. Hindi ka nabibigo. Gaya ng mga paborito **** rosas, tulips, at mariposa, nagagawa niyang ika'y intindihin. Makailang ulit niya na ring nakita kang umiyak, tumawa, matakot, at magmahal. Gaya ng mga paborito **** santan, sampaguita't gumamela, pamilyar na siya sa iyong mga damdamin. Sa madaling salita, mahilig ka sa mga bulaklak. Pero hindi yaong mga gáling sa akin.
0
Jun 2, 2021
Jun 2, 2021 at 11:21 PM UTC
she loves me? she loves me not.
Gusto kita makilala At gusto mo rin ako makilala Dahil sa kagustuhan natin, masyado tayo nasaktan kailan nga ba tayo nagsimula?, Paano nga ba kita na gustuhan?, Sa nakaukit sa aking memora'y nahulog ako sa napaka tamis **** mga ngiti, Ang mga mapang-akit **** titig at napaka lamig na boses na binubulong ng yong labi Sa bawat sandaling kapiling kita Tila buong mundo ko'y napakasaya Dahil tanggap mo ang buong ako, Walang bahid ng panghuhusga Kaya sa buhay ko talagang mahalaga ka Pero sa huli na nang malaman kong mas gugustuhin pa pala kita
0
Jul 10, 2023
Jul 10, 2023 at 10:05 AM UTC
Gusto kita