Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"panghihinayang" poems
Wala Akong Magawa Nagsimula lahat ito noong nabasa ko ang sulat mo Unti-unti kong binasa ang bawat letra na sinasambit mo Ramdam ko ang sakit, pagmamahal at panghihinayang na iyong nararamdaman Pero wala akong magawa dahil ako ay may kasalanan. Akala ko sa una lang to pero bakit habang tumatagal ay lalong bumabaon sa aking puso. Ang hirap kalimutan ang mga panahon na tayo'y pinagtagpo Lagi kung pinagdarasal na balang araw ay mapatawad mo ako Pero ito ay iyong tatandaan, gagawin ko ang lahat para matupad ang aking pangako.
0
Nov 22, 2015
Nov 22, 2015 at 1:38 AM UTC
Promise
Nilisan kong hubad ang pinaglunuhan, Enero, Pebrero, Marso ng kabataan Lubi-lubi ang awit sa tiyang kumakalam balatkayong pinasikip ng mga agam-agam mga ala-alang pilit naglulungga, inipit na liham sa yungib ng pipíng isipan. Sa pagtalikód ko’y hiniwa ng balaraw ng panghihinayang ang banig na naidlip saglit sa magdamag na paglalamay banig na nilala ng mga dekada mula sa mga hibla ng pagsusumikap. Paalam, kaibigang nabingi sa tawag ng luho Walang alinlangang maririnig mo rin ang tibok at bulong ng puso Ninais ko sanang samahan mo ako at ating anihin ang mga uhay na mula sa binhing ipinunla sa mga alapaap. Ninais kong lasapin ang matamis na bunga, pinahinog ng tiyaga at patuloy na pag-asa. Subalit dagtang makapit, luhang mapait, kumikirot ang lupa sa patak ng namuong dugo ng bayaning nagbuwis ng sariling pagsuyo. Kikitlin ng Nobyembre ang bawat naiwang himaymay sa lamig ng yakap ng amihan - akala’y dakila ang dayuhang niyebe. Mamamaluktot muli sa maigsing kumot hanggang sa magising sa aguinaldo ng Disyembre at pagpasok na naman ng Bagong Taon walang kamatayang panahon aasa na naman sa **** na iba ang pangako at iba ang tugon sa dalangin at maraming tanong Ah sanga pala, Abril, Mayo, Hunyo noon.
0
Oct 1, 2018
Oct 1, 2018 at 1:31 AM UTC
Oktubre
Paglisan Pinangangambahan kong lubos na malaman kung meron nga bang pangalawang buhay, saan kaya ako tutungo? gagala kaya ang aking diwa o baka makukulong ito sa naaagnas at walang buhay kong katawan habang buhay. ang dinanas na sakit kaya ay lilisan na parang alikabok na hinipan sa mesa? , o magiging tanikalang bakal na nakagapos sa aking kaluluwa. Sa pagkakahimlay ko, may dadalo kaya?, kung may dumalo man,ano ang pakay nila?, narito kaya sila upang pintasan ang aking kasuotan?, o pintasan at hamakin ang halaga at disenyo ng aking kinahihigaan? Narito kaya sila upang lumasap ng kape at tinapay kasabay ng pagpitik ng baraha sa mesa? o sadyang dadalo lang upang patagong magdiwang sa tuwa sa aking pagkawala?, Natatakot akong malaman. Nangangamba ako sa hindi pagiging handa sa pagdating ng araw na ito, hindi sa panghihinayang sa aking mga maiiwang mahal kundi ang pagsisisi na aking dadalhin sa bigong pag-usal at pagpaparamdam kung gaano sila kamahal at masabing ako ay lilisan na sapagkat ang pinakamasakit na paglisan ay ang mga pagpapaalam na hindi nasabi at hindi naipaliwanag.
0
Jul 2, 2015
Jul 2, 2015 at 12:16 PM UTC
Paglisan
kapag ganitong oras talaga na wala nang magawa kung hindi tumingala sa kisame ay mapapaisip ka nalang ng mga bagay na nais **** marating sa buhay at mga pangakong binitawan sa nakaraan. hindi rin maiiwasan na mapapikit na lamang sa panghihinayang kapag naalala ang mga panahong sana'y maayos pa. sisingit na rin ang mga pangarap na tila'y imposibleng matupad hanggang sa pinanghihinaan na ng loob na magpatuloy pa. sa lahat ng isinisigaw ng damdamin at pagod na sarili, sumabay sa alon. magpalunod at lumangoy. darating ka rin sa dalampasigan.
0
Jul 16, 2019
Jul 16, 2019 at 11:42 AM UTC
tulog na
"KORNI" Naglakbay, naglibot, naghanap ng mahabang panahong para sa araw na ito, ngayon, tadhana nga sigurong maituturing na ika’y muling matagpuan. Ngayong nagtagpo tayong muli, hindi na mag-huhulus dili at papipigil pa, hindi ko na pipigilan pa ang mga salitang nagpupumiglas sa aking bibig galing sa aking puso na sana ay noong simula pa lamang ay ibinugsu ko na. Mahal kita, hindi ko man maibibigay sayo ang isang perpektong relasyon na gaya ng ipinapangako nila, patawad sapagkat ang tanging maiaalay ko lang ay ang aking katapatan at walang hanggang pagmamahal. Wag mo akong kapootan sa pagiging duwag ko sa aking nararamdaman, patawarin mo ako sa pagpapalipas ng panahon na wala akong ginawang paraan, ngunit higit sa lahat, wag mo akong kapootan sa dahilang hanggang ngayon ikaw pa rin ang aking mahal. Nang ikaw ay nawala, ang buhay ko ay uminog sa matinding pagsisisi at panghihinayang, kaya ngayon, hayaan mo akong iparamdam, sabihin at ipakita na ikaw at ikaw lang ang tanging mahal.
0
Jul 2, 2015
Jul 2, 2015 at 12:25 PM UTC
Corny
Pagod... Pagod na ako Sa bawat Segundo na lumilipas Sa patuloy na pagtakbo ng oras Sa pagsilay ko sa mga dahong dahan dahang nanlalagas Isang salita ang ninanais kong sayo’y sana’y mailabas Natatandaan mo pa ba? Kung paano tayo nagsimula Kung papaano ko hindi napigilan na ang puso’y sayo’y tumibok na lang bigla Naging tungkulin ko na ang mahalin ka Simula ng sambitin mo sa akin ang mga katagang mahal kita Ang mga ngiting umaabot sa ating mga mata Ang mabubulaklak na salitang nagpapakilig sakin sa tuwina Ang mga yakap na nagdudulot ng ginhawa Tila yata isang ala-ala na lamang na unti-unting nawawala Pagod na ako… Pagod na pagod na ako Gustong gusto kong sumuko Gusto kong burahin ka sa buhay ko Gustong gusto kong ibalik ang panahon na hindi pa kita nakikilala Pero anong magagawa ko? Baliw tong pusong to. Handa akong ipagpalit lahat bumalik lang ang dati Ang mga panahong ang halik at yakap mo ang gamot sa aking sakit Ang ngiti at tawa mo ang nagpapagaan sa bigat na nararamdaman Ang presensya mo lang sapat na upang maging dahilan Pero ngayon paulit-ulit na sumasampal sa akin ang katotohanan Pagod na ako kaya kailangan ko ng tigilan Ikaw parin ang mahal ko Ikaw at ikaw parin ang nasa isip ko Pero gustong sabihin sayo na hindi sapat… Hindi sapat ang meron tayo para tanggapin ko ang lahat Napagod ako noon pero pinilit kong lumaban Napagod tayo sa kung anong meron satin, pero isinalba ng ating pagmamahalan Pinilit kalimutan lahat ng sakit Ginawa ang lahat para hindi mawala ang ating kapit Pero lahat ng nararamdaman ko sumabog na tila isang bomba Sakit, hirap, bigat sa kalooban, lungkot, panghihinayang at pagod Pagod na kahit ilang beses **** hilingin na magpahinga Hinding hindi na kayang burahin na parang isang permanenteng tinta Pero hindi ko na talaga kaya ang aking dinadala Hindi ko na kayang pigilin ang pagbuhos ng aking mga luha Hindi ko na kayang humakbang pa at umabante Hindi ko na kayang hawakan ang iyong mga kamay at bumalik sa dati Nauubos na ang natitirang lakas Mga sugat sa puso ko ngayo’y nababakas Mahal ko pero masakit na.... Gusto ko pa pero nakakasawa na.... Sa bawat Segundo na lumilipas Sa patuloy na pagtakbo ng oras Sa pagsilay ko sa mga dahong dahan dahang nanlalagas Isang salita ang ninanais kong sayo’y sana’y mailabas Mahal Ko… Patawad… pero dito na natatapos ang ating storya Pinangarap man nating maging hanggang kamatayan pero ngayo’y natapos na Dalawang salitang noo’y kilig ang dulot Ngayo’y isang matilos na patalim na saking puso’y gumabot Pinapalaya na kita… Pasensya at napagod ako sinta
0
Sep 12, 2019
Sep 12, 2019 at 7:44 AM UTC
Pagod

Continue reading...
57
Malakas ang bugso ng hangin Bunsod ng pangangailangan Bumubuhos ang ulan ng pananagutan Daluyong, sunud-sunod ang hagupit Mabuti pa ang kabuting mamunso Magkakambal lamang karaniwan kung sumibol Ngunit anong kalupitan mayroon ang kapalaran? Di na nga makaahon sa dagat ng kahirapan Ilulubog na naman ng alon ng kamalasan Bibilangin bang muli ang galos ng panghihinayang Tatapalan na lamang muli ang sugat ng puso Ng dahon ng ikmo ng kapaitan at binulungan ng orasyon ng sama ng loob Bigo pa rin sa paghihintay ng kayamanang mailap Litanya ng kabiguan:      Pagkawala ng mga ari-arian..........      Pagka-ilit ng lupa at tahanan..........      Pagkaulila sa magulang..........      Pagkasangla ng kinabukasan..........      Sakuna..........           Tila mga butil ng rosaryo           Walang hanggang pagtitiis Bukas darating ang maniningil – ng hinuhulugang 5-6 Nakasangla pa rin ang ATM sa ‘Lend Bank’ – di na matubos-tubos Tinawag na lahat ng santo at santang maaaring utangan Ng panustos na biyaya – GSIS Loan, ipanalangin mo po kami Provident Fund Loan, kaawaan mo po kami Kooperatibang Malapit, maawa ka sa amin Bumbay sa palengke, ipag-adya mo po kami Kubrador ng huweteng, patayain mo po kami Lotto, GrandLotto, MegaLotto, SuperLotto, UltraLotto,                     patamain mo po kami BIR, patawarin mo po kami Presyo ng langis, kahabagan mo po kami Lahat ng ito’y isinasamo namin Dahil lahat na yata ng kahirapa’y nasa AMEN.
0
Sep 12, 2017
Sep 12, 2017 at 5:08 AM UTC
Para sa Kaibigan Kong Binabagyo

37
Nagsisimula na namang lumamig    ang dampi ng hangin sa aking pisngi, Parating na ang panahon ng Kapaskuhan    na taun-taong ating hinihintay at tinatangi. Palagi ko’ng hinihintay ang Disyembre    para sa kasiyahang dala ng Pasko, Ngunit sa isang banda ri’y    pinangangambahan ko ito. Dahil tuwing Pasko ay may kakambal na lungkot din    ako’ng nadarama sapagkat naiisip kita, At natatandaan ko pa ang mga huling sinabi natin    sa isa’t isa nang huli tayong magkita. Pinaghaharian tayo ng poot at panunumbat noon    kaya’t nabalot ng pait ang ating mga salita; hindi natin napagtanto na minsan isang kahapon    marubdob nati’ng minahal ang isa’t isa. At hindi ko mapagtanto kung bakit    tuwing magpa-Pasko, ito ang aking naaalala— Marahil sa aking kaluluwa’y may panghihinayang pa rin    na ang malamig na hangin ang siyang nagpupunla. (c) emeraldine087
0
Nov 27, 2016
Nov 27, 2016 at 10:43 PM UTC
SIMOY
gusto kitang maniwala sa mga sasabihin kong salita ang luha ay ubos na kalungkutan ko'y nasasabik gustong magbago at umagos sa pisngi at hinding hindi maabutan ng bagsik ang mga tainga **** nagkukunwaring bingi tuyot sa kailaliman hanggang kaibuturan o hangin wag mo akong hipan baka di ko kayanin dala **** ginaw lamigin ang aking gabi habang ang utak ay natutunaw ang pagpikit ay gumagarantya sa sariling mundo walang makakaalam at makakapasok kundi ikaw at ako magdidilim sa tawag ng reyalidad papunta sa kamang lundo aking panaginip, bakit hindi kita mailagay sa isang sako? sa isang buntong hininga madarama ang tinik sakit na dulot ng panghihinayang at di madaan sa wisik tinatanong ang sarili kung saan nagkasala maglalaho ka pala, bakit wala man lang babala? gusto kitang maniwala sa mga sasabihin kong salita ang luha ay ubos na
0
Nov 25, 2010
Nov 25, 2010 at 9:25 PM UTC
Ang luha ay ubos na . .
Sayang, Magaling ka sana Kaya lang Wala kang itsura. Di ka kamangha-mangha tingnan sa unang tingin, Di ka nabiyayaan ng kagwapuhan, Di ka ka rin gaanong katangkad, Ang buhok mo'y gulo-gulo na para ka laging galing sa suntukan, Ang mga ngipin mo'y 'di pantay-pantay, Ang kamay mo'y kasing gaspang ng mga bato, Ang payat mo na halos kita na ang iyong mga buto, at mga ugat sa katawan mo na bakat na sa'yong balat at nagpupumilit lumabas sa katawan **** tila bang nanglalamya na sa buhay. Ang kulay ng iyong balat na sinunog ng araw dahil pinili **** maglaro sa labas habang tanghaling tapat. Huhusgahan kita, Huhusgahan kita kahit hindi kita kilala Kasi 'eto ang sinabi ng kaibigan ko, Eto ang sinabi ng mundo, Pagkat di ka libro na dapat basahin at intindihin Tao ka, Tao kang may balat at katawan na pwede kong pagdiskitahan. Magaling ka sana Kaya lang 'Di ka sapat 'Di ka sapat para paghangaan ng tao 'Di ka sapat para sa malupit na mundong 'to 'Di ka sapat sa kanya. Sayang, Mahal ka na din sana niya, kaya lang, ganyan ka lang kaibigan ka lang niya. Kaya diyan ka lang sa baba, Ibaon mo ang sarili mo kabilang ang panghihinayang Kasi kahit kailan man, 'Di ka magiging sapat. Sa mundo at sa kanya.
0
Jul 31, 2016
Jul 31, 2016 at 10:58 AM UTC
Panghihinayang
Dati akala ko masakit ang umasa, pero napagtanto ko na mas masaya ang umasa Kasi atleast sa utak mo sinasabi mo na pwede pa Sa bawat sandali na kapiling mo xa, natutuwa kana Kahit konting kasweetan, bininigyan na ng halaga Kaya masasabi kong ang umasa, ay masaya pala talaga pero kailan ba nagiging masakit ang umasa? kailan ba nagiging mapait ang nadarama? Ito ay kung nagsimula kana sa pagdududa Na sa totoo ay ang pwede, ay di pala Ito ay kung tumigil kana sa pag-asa at nasabi **** tama na kasi ayaw mo na at susuko kana Saka mo palang madarama ang sakit at panghihinayang sa oras na ginugol mo at inaksaya mo sa pag-aasa na hindi rin pala nagbunga.
0
Mar 15, 2016
Mar 15, 2016 at 1:10 PM UTC
Kailan ba nagiging masakit ang umasa?
Galit na galit ang asawa, anak at kababayan ni Pepe Pano nga naman, ang napulot ni Pepeng tatlong daang libo ay ibinalik sa may-ari... "Kung di mo ibinalik sana ay di na tayo magdidildil ng asin" ang may galit na sambit ng kanyang asawa... "Kung di mo ibinalik sana ama ay di na ako araw-araw maglalakad patungo sa eskwela" ang may paninising salita ng anak... "Kung di mo ibinalik sana Pepe di hindi na kayo maghihirap" ang may panghihinayang na usal ng kanyang mga kababayan... Tumingin sa kanila si Pepe at nagsalita "Aking asawa, aking anak, aking kababayan Hindi ang ganyang ugali ang nais kong inyong matutunan Dahil higit sa lahat nais kong inyong malaman Na hindi lang tayo sa lupa... nag-iipon ng YAMAN"... Written: November 30, 2011 @ 11:00 am Nom de plum: Mysterious Aries
0
Sep 25, 2015
Sep 25, 2015 at 11:04 AM UTC
Yaman
May nag-aalab na damdamin sa loob ng aking dibdib. Isang galit na hindi humuhupa parang sugat na lumalala. May tanong na hanggang ngayon ay hindi mahanapan ng sagot. Napapagod ang diwa ko pero walang makitang kapahingahan. Nauuhaw ako subalit tila hindi sasapat ang tubig. (mabuti na lang at may serbesa at alak na masasandalan) May sapot sa isipan ko kaya hindi makita ang hantungan. Wala akong magawa kundi harapin kung ano ang meron ako, Hindi naging mabait ang kapalaran at naging maramot ang buhay. Ang kaligayahan ay parang mailap na ibon , mahirap mahuli at hindi madaling mahawakan. Lungko’t at pagdurusa ang matalik ko’ng kaibigan. May mga magdamag na ayaw ko nang magwakas, Mga pagkahimbing na ayaw ko nang magising, Mga umagang ayaw ko nang tanawin. Ito ang palad kong hatid na kailangan ko’ng harapin. Haharapin kahit may hinanakit at panghihinayang, Haharapin dahil kailangang gawin, Tulad ng ginawa ni Sisyphu ang lahat ng lungkot at hirap ay aking haharapin.
0
Dec 7, 2017
Dec 7, 2017 at 10:14 PM UTC
HUGOT
Ilang taon ko inipon ang lakas ng loob Para sabihin sa’yo lahat ng nakakulob— Sa puso kong patay na patay sa’yo. At ang masakit dun parang wala lang sa’yo. Masakit ang mga sugat na dulot mo, Tila libong pana ang tumusok sa puso ko. Wala ba talaga akong puwang sa buhay mo, At ganun mo nalang itinaboy ang pag-ibig ko? Ang hirap tanggapin na may mahal ka na, At ang sakit isipin ako’y itsapwera na. Isang tyansa lang ang hinihingi ko, Bakit pati ‘yon ay ipinagkait mo? Sabagay, bakit kasi ang kupad-kupad ko? Kung noon pa sana ako nagsabi, Eh ‘di sana ngayong gabi ikaw ang katabi. Ang tanga ko rin naman kasi, sana noon pa ako nag-sabi.
0
Jan 3, 2015
Jan 3, 2015 at 2:29 AM UTC
Panghihinayang
Walang araw at gabi na hindi ko naiisip ang iyong kalagayan. May mga pagmulat sa umaga na tila nananaginip ako, Iniisip ko na nagbago na ang lahat, na sa wakas ay nalampasan Mo na ang ang iyong hirap na pinagdadaanan. Mga pagkabigla ng isipan na para bang naalimpungatan lang. Subalit laging bumabalik sa mga katotohanan na kailangan harapin. Mga lungkot at kurot sa pusong tanawin, mga sana at mga Panghihinayang. Puno ng mga pagbabakasakali at pag-asa, Hinahanap-hanap ang kasagutan sa mailap na katanungan. Bakit ikaw? Bakit sa’yo pa nangyari? Bakit nagkaganyan ka? Wala ako’ng ibang hiling kundi ang maging maayos ka, Na maging malusog at kaaya-aya ka. Hindi ko hinangad ang yaman ng mundo, ikaw lang at ang kapatid mo ay daig na ang lahat ng yaman sa daigdig. Pero ‘hwag kang mag-ala-ala anak ko hindi kita iiwan, Kailanman hindi kita pababayaan ako’y laging nandito sa tabi mo. Haharapin natin nang magkasabay ang buhay. Naalala mo ba ang naghahabulan na mga alon sa dalampasigan? Masayang masaya ka habang ito’y humahampas sa iyong katawan, Ganito ang buhay punong-puno ng mga alon. Kailangan na ito’y harapin, wala ka’ng ibang gagawin. Ngitian mo ang hampas ng buhay maliit man o malaki ang dala nitong mga alon. Habang ako’y nabubuhay sasamahan kita sa pagharap mo sa mga alon, Hindi ka namin iiwan ng ate at mama mo. Lalabanan natin ang dagok ng mga daluyong, Sabay tayong tatawid na karagatan ng buhay, Umulan man at umaraw lagi kitang yayakapin. Ganyan kita kamahal aking bunso.
0
Dec 4, 2017
Dec 4, 2017 at 10:07 PM UTC
BUNSO

28
Na minsan ang mga puso'y nagpalikawlikaw Ginugunita ang dating panahon Ang dapyo sa pisngi ng makapanlulumay niyang tinig Paano makukuha kung hindi ibibigay At ibibigay kung hindi naman hinihingi Kahit di man hingin basta tuwiran lang maipatalastas ang nadarama na umilandang na lingid sa kanyang mga mata Nakatungo ang ulo Hanap-hanap ang tumilapong pag-irog na nangabusog sa pagtingin-tingin Mabilis kapag sa biro akayin at sa pag-uusap na naglulubid ng buhangin Napigta ng panghihinayang Tila sa salmuwera'y babad Nanatili sa pangangalaga ng kaalatan naka-imbak para sa kanya subalit wala ng kabuluhan Taganas tulad ng kalikasan Ang yumi'y pasukdol nang sumikat Walang anuman ang bumahid Sa kutis niyang malinaw nababanaag ang luntiang ugat
0
Jan 25, 2019
Jan 25, 2019 at 8:00 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #59
Kapag yung ex mo nakipagbalikan sayo tatangggapin mo pa ba? Ako? oo. tanga lang eh noh? oh tapos tatawa tawa ka? Kung sabagay… Hindi kita masisissi. Hindi naman ikaw ang minsang lumigaya Sa ibabaw ng alapaap Sa yakap na mahigpit Sa kamay na minsang nakatagpo ng Palad Palad na handang dumamay Palad na handang umakay sa matarik na bundok Binuo ng mga daliring handang takpan Ang minsang mga matang walang humpay na lumuha sa pait na Dulot ng mapanghusgag tingin ng mundo hindi.. hindi kita masisisi dahil hindi naman ikaw nag nakadama ng matamis na lasa sa pagbigkas ng mga katagang ikaw.. ikaw lang.. ang mahal ko. Hindi. Hindi mo narinig ang bawat ngiting Ipininta ng bawat tawang ibingay Sa mga simpleng kantang inialay. hindi.. hindi mo nasaksihan nung araw na ipinaglaban nya ang pagmamahalang tanging mahalagang bagay na meron ako at sya noon. Hindi.. hindi mo naramdaman ang lambot ng kasiguraduhang Matutulog kang nakangiti dahil sya ang katabi mo At gigising kang may ngiti pa rin dahil panatag ka Panatag kang sa bisig nya parin nakahimlay. Hindi.. hind kita masisisi Dahil hindi mo ramdam Ang kirot na humiwa dito.. Nung araw na sinabi nyang “Ayokona” Ayokona? Walang eksplenasyon ni walang pasubali Nabura lahat! Natabunan ng mga tanong hanggang sa naging panghihinayang at poot at Sinabi kong tama na Tama ka nga siguro Ayaw mo na.. Lahat yan tinanggap ko, pilit ipinilit sa isipang Wala na. tapos na. ending na. Tapos Isang araw Bigla syang kumatok, sabi “sorry” Tanginamo. Para san pa? Ako pa rin daw.. ako parin daw. Kapag yung ex mo nakipagbalikan sayo tatanggapin mo pa ba? Ako? oo. pero di gaya ng dati hindi na ako tanga.
0
Mar 21, 2016
Mar 21, 2016 at 4:47 AM UTC
UTAK VS. PUSO

60
Pupungas-pungas pa Nasisilawan sa munting sinag Di-makagulapay ang mga binti Daig pa ang nakaratay na may sakit Sa bawat umaga ay di pagkagaling Tumighaw sana kahit na ang lumbay Kung sa huni ng mga ibon ay naaaliw makakagising nang may sigla at panibagong ginhawa Ngunit nang minsan ang kaginhawaan ay nalasap nanguluntoy ang pangarap Sa tanghali na matindi ang bugso ng init naranasan ang pagkapagod sa bukid Hahayaan para sa kapakanan niya na ang higad makisama sa mga paruparo na magiging siya Huwag na dumapo sa dahon na nagpakain noon datapwat tumungo sa bulaklak ng palasyo Pigilan ang tibok Kahit parang buhos ng tubig sa talon Ang ikamamatay ay siyang ikalulugod Sapagkat sa kasaysayan ay napapako, pinaparusahan ng panghihinayang
0
Mar 13, 2019
Mar 13, 2019 at 8:55 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #64
Isang katangian na ipinamukha sa akin ng kalungkutan --- Madaya siya. Madaya ang kalungkutan Kaya ka niyang linlangin Minsa’y kawangis niya ang tahimik na kalsada. Bibigyan ka niya ng pagkakataon upang mag-isip. Hahayaan niyang makinig sa’yo ang buwan Subalit hindi ka nito kakausapin; sa halip, mas papangibabawin niya ang iyong pagkalito. Pipigilan niya ang pagkahol ng mga aso; pahihintuin niya ang huni ng mga ibon. Maging ang hangin ay pahihinain nito. Ititikom ng mga nakatambay na pagtatanong ang mga bibig nila. Ngunit, ang akala **** tahimik; Malungkot na pala. Kaya ka niyang linlangin Minsa’y kamukha niya ang payapang tahanan. Na kahit ang bangaya’y mahihiya. Walang mintis ang mga yakap, ang mga tawanan Buo sa numero Hanggang sa dulo’t magmula sa umpisa Walang bahid ng pagkakawatak-watak subalit, dama mo pa rin ang pag-iisa. Dahil ang akala **** mapayapa; Malungkot na pala. Kaya ka niyang linlangin Minsa’y kahawig niya ang mahinahon na ilog. Na tanging lamig lamang ng tubig ang kaya **** kilalanin Bilang sa iyong mga daliri ang mga batong natatangay nito. Kaya niya itong gawing panatag Subalit, hindi ang damdamin mo. Matutuwa pa siya Sa panghihinayang **** makasaksi ng mabilis na pag-agos at pagbabadya. Ang akala **** mahinahon; Malungkot na pala. Oo. Mapagbalatkyo ang kalungkutan Kaya niyang maghain ng maraming pagkakakilanlan. Bahagi ng kanyang iskema ang pagkalito na siyang sa’yo’y mananahan; mahirap siyang maging kalaban. Mahirap siyang maging kalaban. Kaya't siya'y gayahin mo. Linlangin mo rin siya ng kakayahan **** magwangis Ipakita mo na ikaw ang ingay sa tahimik niyang kalsada; Na ikaw ang bangayan sa payapa niyang tahanan; Na ikaw ang rumaragasang tubig sa mahinahon niyang ilog. Bigyan mo rin siya ng maraming mukha na may iisang ulo ng katatagan at paglaban. Pero huwag sa sarili mo Maging tapat ka rito magiging armas mo ang pagbabalatkayo laban sa lungkot; pero huwag sa sarili mo.
0
May 4, 2020
May 4, 2020 at 6:03 AM UTC
Balatkayo

69
Mabilis na bumabaha ang pagpatak ng bawat sandali Bagamat bumubuhos ang takot at panghihina sa sugatang katawan Pilit kong iniangat ang aking kanang kamay Hawak ang kapirasong tangkay ng kahoy Itinutok ko iyon sa bagay na nasa aking harapan Magkahalo at magulo ang emosyong nagtatalo sa aking isip Hindi ko maunawaan kung ito ay galit, takot, pagsisisi, panghihinayang o pagkasuklam. Ngunit isa lamang ang nabuong hinahangad ko Ang dalhin sa aking kamatayan ang bagay na ito! Ngunit bumasag sa akin ang masakit na realidad Ako'y mahinang nilalang at walang silbi! At kahit punuin ko ang mundo ng aking luha Hindi mababago ang katotohanang iyon! Napakasakit at nainit na mahapding tumatagos sa aking puso Ang katotohanang may kasabay na pangungutya at panlalait! "Hanggang sa huli talunan pa rin ako... Hanggang sa sarili kong panaginip napakahina ko pa rin" Kasabay ng pag patak ng sandaling nawawala ang kamalayan Bumukas ang itim na pintong lumitaw sa kawalan Isang kabayong itim na may sakay na may dalang karit ang lumabas Ako'y sinusundo na pala ni kamatayan Ang liwanag sa aking paningin ay unti-unti nang napapaparam At ang mga ala-alay bumabalik na tila namamaalam Ang tanging hinihiling ay sana'y maka balik pa sa mundong ito. Kung papalaring magising sa aking mundo bago ako pumarito. Kwentong Panaginip - Umpisa ng Huli(Intro) JGA
0
May 26, 2020
May 26, 2020 at 5:12 AM UTC
Kwentong Panaginip
Sa pag-lubog ng araw, dahan-dahan sabay ko nanaman bibilangin ang mga t'yansang naging panghihinayang-- na sana'y para sa atin. Ang mga pag-kakataon na ngayon ay hanggang sakop na lamang ng aking paningin. Sa pag-usbong buwan ay ang pag-patak ng luha, habang saksi ang napakaraming mga tala. Wala namang pilat o sugat, subalit nakararamdam ako ng bahid ng pait at sakit, na tila ba matagal nang sa akin ay nakadikit. Papalalim pa lamang ang makulay na gabi, subalit naririnig na ang aking mahinang pag-hikbi. Sa maliit at masikip na silid, na kung saan walang ibang nakamamasid. Hahayaang mga mata'y mamaga ng tuluyan, dahil ako naman ang may kasalanan, kung bakit s'ya tuluyang binitawan. Sinisisi parin ang sarili sa naging desisyon kahapon, binabangungot parin ako ng mga opurtunidad na tuluyang nabaon. Paano kaya kung pinili ko noon umamin? Paano kaya kung pinili ko noon sumugal, at hindi natakot sa kanilang mga sasabihin? May pag-asa kaya aking pag-tingin? Ngunit kahit ano man kayraming pag-hikbi aking gawin, pilitin man sarili hapdi tuluyang limutin, ay hindi parin ito sasapat, lalo pa kung ang nawala ay ang pinakamamahal mo na tapat. Na para sa'yo s'ya lamang tanging karapatdapat.
0
Jan 1, 2021
Jan 1, 2021 at 9:14 AM UTC
"Paano kaya kung hindi ako natakot?"
Marami man akong kakulangan o pagkakamaling nagawa. Sana huwag mo akong husgahan sa mga pagkakamaling d ko rin sinasadyang maranasan. Ilang araw ko din pinag isipan to ilang araw ko ding binabalik balikan sa isipan ko, at gabi gabi'y sinasagot ko ang sarili ko sa mga tanong na dapat ikaw ang tinatanong ko, pero kalabisan bang hangarin na makita kang masaya? Walang araw na hindi mo hinangad na maging maayos ang kalusogan ko, handa akong magdusa makita ka lang lumigaya. Pero handa ka bang magpatawad pag ika'y nasaktan na? Sana sa bawat tipak ng mga nota sa piano sana maramdaman mo ang pagmahahal na nais kung iparating sayo. Na sa bawat lirikong sinasambit sa kanta'y, kaya mo kayang sabayan hanggang dulo? Pero kailangan ko na din sigurong umalis na muna, kailangan ko na munang ayusin ang buhay ko, kailangan ko na munang kilalanin ang sarili ko, ituwid ang mga pagkakamali ko't itama ang landas na dapat kung tahakin. hihintayin mo ba ko? O pipigilan mo ba akong umalis? Sana sagotin mo Hihintayin ko ang kasagotan mo, kung maari Habang ginagawa ko ang sulat na ito ay may halong kaba at pagdududa na aking dinarama na sa bawat pag agos ng mga luha koy may panghihinayang na baka pagbalik koy wala kana't may mahal ng iba. D rin naman maiiwasan dahil ka mahal-mahal ka nga. Sa konting araw na tayo'y nag uusap/nagkikita labis na ligaya ang iyong pinadama ang dating lungkot pinalitan mo ng saya, ang dating kulang at hindi buo, pinunoan mo't kinulayan pa.hindi ko makakalimotan ang iyong ipinadama, kahit saan mapunta andito kaman o wala. Ikaw parin ang hahanap hapin ko sa tuwina. Palubog man ang araw sa ngayon Umaasang sana bukas nandiyan ka pa ring bubungad sa aking paggising. Mahal na mahal kita ng sobra, pero sa totoo lang nasasaktan nadin ako sa bawat hindi mo pagkibo, na ako lang rin naman ang gumawa. Sa mga araw na wala ka, nasasaktan ako kasi hinahanap hanap ka. Pero sasanayin mo na ba akong tuloyan kang mawala? O tatanggapin ko na lang kung anoman ang magiging desisyon mo?. Pero panghahawakan ko pa rin ang mga pangakong binitawan natin sa isa't isa. Na tayo lang hanggang finish line na. Kapit ka lang huwag kang bibitaw ah? I lOVE YOU Ms. QRST ADZ This isn't goodbye, i have faith we're destined
0
Mar 12, 2021
Mar 12, 2021 at 5:45 AM UTC
Day 38

13
Gabi-gabing tinitiis ang lamig Ng pusong binibigo ng pag-ibig Unti-unting bumibitaw ang mga kamay Sa relasyong unti-unti na ring namamatay Sa bawat bitaw ng buntong-hininga Kalakip ang malaking panghihinayang Sa bawat luha na tumulo mula sa mata Kalakip ang mga alaalang puno ng lumbay at ligaya Pilit mang itulog na lang ang lahat Pilit mang ibaon ang sakit sa limot Pilit mang magpakalunod sa nadaramang lungkot Sadyang hindi magawa ng pusong nayayamot Kailan kaya gigising sa umaga Na kayang tanggaping wala ka na? Kailan kaya gagalaw muli ang oras Na tumigil nung bigla kang nawala? Kailan maghihilom ang mga sugat Na dulot ng mga hinagpis ng kahapon? Kailan kaya ako makakalimot ng lubos Para puso'y matutunang umibig muli? Bathalang Maykapal na sa langit ay nagmamasid Dinggin ang aking mga panalangin ng hinagpis Ako po'y nagsusumamo't dumudulog sa inyo Pawiin ang lungkot na pinagdurusahan ko O Pag-ibig na mahirap mahagilap Na hanggang ngayo'y nananatiling mailap Sana'y ang susunod siya na ang huli Ang babaeng makatatagal sa aking mga bisig
0
May 19, 2019
May 19, 2019 at 2:52 PM UTC
Dalangin