Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pampalipas" poems
Mahal, tanda mo pa ba yung pangako ko, Yung pangako ko na mananatili ako sa tabi mo, Mahal, sinabi ko sayo na aalis lang ako pag sinabi mo, Kaya kong manatili sa piling mo kahit na nasasaktan na ako. Kahit na alam kong pampalipas oras mo lang ako nanatili parin ako, Tanga na kung tanga pakielam ko, Eh mahal kita, Kahit na alam kong wala na akong pag- asa, Kahit na alam ko na may mahal ka ng iba Nandito pa rin ako sa tabi mo at may ngiti sa labi ko, Hindi ko malaman kung saan ako nagkulang, O sadyang di mo lang makita yung halaga ko, Masakit man isipin na gwapo siya, May makinis na mukha Nakakahiya nga pag pinagtabi kami, Isang tingin sakanya tao talaga, Ako? Abnormal tingan walang wala kumpara sa kanya. At ito pa ang mas masakit pag lagi mo siyang kwento, Para kayong bumubuo ng mundo, Kung saan lahat ay perpekto, Ikaw at siya hindi nga maipagkakaila na perpekto nga, Alam mo ba na ang saya ko noong hawak ko ang iyong kamay, Para ako ay nasa ulap dahil sa lambot ng iyong kamay, Ang bilis ng tibok ng puso ko para na nga akong mamatay, Nakakahiya pa nga eh pasmado yung kamay ko, Mas lalo akong natuwa nung di mo inagaw ang mga kamay mo na kayakap sakin, Pero sabi nga nila lahat ng saya ay pandalian at kalakip nito ay sakit, Simula noong nadaan natin siya, Ang mga kamay natin na magkayakap, Ay unti-unting nag hihiwalay ang pagkakayakap, Feeling ko nga rebound mo ako, Alam ko na walang tayo, Pero base sa mga pinapakita mo ay meron talagang ikaw at ako, Nag hahawak kamay, Nag yayakapan, Nag aaylabyuhan, Kulang na nga lang maghalikan eh, Pero lahat yun diko alam kung pangkaibigan lang o ibang level na, Akala ko nga may pag asa ako eh, May pag asang magkaroon ng titulong ikaw at ako, Mga akala na magiging masaya tayo, Ayan nanaman ako sa mga akala ko, Puro akala akala akala pero sa huli di nmn nag katotoo, Mahal kita,mahal kita,mahal kita yan ang paulit ulit kong gustong sabihin sayo, Syempre sasagutin mo rin ako na mahal kita, Ang saya saya pag lagi mo sinasabi na mahal mo rin ako, Pero napapaisip ako kung galing ba sa puso mo ang mga salitang binitawan mo, O napipilitan ka lang sabihin yon, Dahil advance ako mag-isip uunahan na kita, Mahal pasensya ka na ha, Kung hindi ko na matutupad yung mga pangako ko, Pangako na malapit na mapako, Hindi ko sinabi na diko matutupad, Pero parang papunta na, Sana wag mo kong hayaan umalis, Baka makita mo na lang ako nasa piling na ng iba, Pero sabagay pano mo nga pala ako makikita kung ang mga mata mo'y laging nakatuon sa kanya,
0
Mar 24, 2019
Mar 24, 2019 at 10:35 AM UTC
Patuloy

Continue reading...
57
Gusto mo ba 'yun" Gusto mo ba 'yun, lagi ka na lang pampalipas oras? Gusto mo ba 'yun, kahit ilang beses ka na niloko bumabalik ka pa rin sa kanya? Gusto mo ba 'yun, pinaglalaruan ka nang paulit-ulit? Gusto mo ba 'yun, lagi ka na lang niya sinasaktan? Gusto mo ba 'yun, nagmumukha ka nang kaawa-awa? Gusto mo ba 'yun, wala na nga siyang oras sa'yo, nagpapakatanga ka pa rin? Gusto mo ba 'yun, 'pag galit ka, galit rin siya sa'yo? Gusto mo ba 'yun, bumibitaw na siya, kumakapit ka pa rin? Gusto mo ba 'yun, kahit pagod na pagod ka na? Gusto mo ba 'yun, kahit hindi ka na pinapahalagahan? Gusto mo ba 'yun, pangako niya laging napapako? Gusto mo ba 'yun, kahit pagod na pagod ka na? Oo, gusto ko 'yun, mas masaya 'pag ganun.
0
Oct 9, 2016
Oct 9, 2016 at 12:11 AM UTC
Gusto
Nananahimik sa isang tabi Hindi mapakali Itinatanong sa sarili Anong nangyari sa atin nitong huli Bakit tila nagbago ang lahat? Matamis **** pakikitungo noon,bakit biglang umalat? Yung damdamin na dati'y nag-aalab, Nagliliyab, Biglang lumamig— Mas malamig pa sa yelo Na tila ibinuhos mo sa aking ulo Kaya nga nagising ako— Nagising ako sa katotohanang wala nga palang "TAYO" Ang mayroon lang ay ang "IKAW AT AKO" At ang pagkakaibigan na tanging maibibigay mo. Tanggap ko naman yun. Pero mahal,wag mo naman sana akong paglaruan, Okay lang naman sakin yung mga kulita't biruan Pero kung feelings na ang labanan, Bro, ibang usapan na yan! Alam Kong Hindi mo alam, Kase hindi ka nagtatanong Yung mga pakunwaring concern mo? Hindi nakakatulong! Nasasaktan lang ako. Nasasaktan lang ako sa tuwing pinaparamdam mo ng ilang sandali Pinaparamdam na mahalaga ako—kahit alam ko namang Hindi!l Nasasaktan lang ako sa tuwing naaalala kong pampalipas-oras mo lang ako Dahil wala kang magawa o offline na yung bagong ka-chat mo! Nasasaktan lang ako sa tuwing nagtatanong ka "pano kung gusto kita?" At susundan mo bigla ng mga katagang"oy,joke lang yun ah!" Nasasaktan lang ako sa tuwing pinaparamdam **** nagseselos ka sa iba Kahit alam ko sa sarili kong hindi naman talaga! Kase hindi naman talaga! Nasasaktan lang ako sa bawat pagpuna mo ng suot ko, ng ayos ko,ng itsura ko O Kung bakit hindi maganda ang isang tulad ko! Kase pinaparamdam mo saking Hindi ko siya kayang pantayan Hindi ko siya mahihigitan! Teka mahal—pinanganak ako para maging ako't Hindi para gayahin ang iba! Pinanganak ako para sumaya, Hindi para pakialaman ng tulad **** bida-bida! Nasasaktan ako— sa tuwing binabanggit **** totoo ang lahat— Na Hindi ka lang nagpapanggap, Na Hindi ka nagkukunwaring may pakialam Na Hindi ko lang batid,na Hindi ko lang alam,na hindi ko lang ramdam— Na Totoo yung lahat ng pinapakita mo— Na hindi ka nagbabalat kayo.. Pero naguguluhan ako,nalilito Isip ko'y nagtatalo Bakit ganito? Mahal! Ano nga ba tayo?? Sagutin mo ako! Ano bang meron sa mga biglaang pagpaparamdam mo? Pagkatapos ay mawawala't iiwan ang mga tanong sa isip ko Nakakatanga! Pinaglalaruan mo na naman ako diba? Mahal,please lang! Ayoko na! Pagod na akong masaktan! Please maaawa ka! Durog na durog na ang puso ko Ilang beses ko pa ba kailangang mahulog nang walang sumasalo? Ilang beses ka pa ba magbibigay ng motibo na baka gusto mo rin ako? Ilang beses mo pang paaasahin ang puso ko? Mahal, pagod na ako. Pagod na akong masabihan ng "MARTYR ",ng "TANGA", Kaya please lang,tama na! Palayain mo na ako sa bitag na kinahulugan ko Palayain mo na ako Sa bitag na nasa mga palad mo— Palayain mo na ako mula sa bitag ng mapagkunwaring pag-ibig mo!
0
Mar 23, 2018
Mar 23, 2018 at 11:17 PM UTC
"Bitag"

68
hindi ako bubble gum na iyong hahanapin kapag ika'y nababagot sa kahihintay na matapos ang iyong klase. hindi ako bubble gum na iyong pampalipas-gutom sa kumakalam **** tiyan na naghahangad na makatikim ng pagkaing bubuhay sa iyong kalam'nan. hindi ako bubble gum na kaya **** paikut-ikutin gamit ang iyong dilang mapanlinlang na nagsasabing ako'y iyong minahal. hindi ako bubble gum na iyong iluluwa matapos **** simutin ang lasang iyong ninanais na makamtan. at higit sa lahat, hindi ako bubble gum na iyong hahanapin kapag ika'y naghahanap ng panandaliang tamis sa mapait nating mundo.
0
Feb 7, 2016
Feb 7, 2016 at 10:35 AM UTC
bubble gum
Naranasan mo ba ? Yung biglang may lalabas Pangalan mula sa nakalipas Nakakagulat diba Kasi ang alam mo tapos na Naka move on ka na eh pero heto nanaman ba ? Bumalik ka kasi Nilandi Nagsaya Nahulog ulit Ang saya diba Na alam mo sa sarili **** pampalipas ka lang Na diyan ka magaling ang maging past time Tinanong ko nga sarili ko? Sino ba talaga ko sayo? Oo heto tayo Naglalandian na parang tayo Pero ang pagkakaalam ko wala akong titulo sa salitang "Sayo lang ako" Sorry na Eto kasing gaga Naging loyal sa isa kahit wala na Wag ka magalala Darating yung panahon na Masaya na ko sa iba At kaya ko ng wala ka Yung mga araw na sasabihin ko "ang saya pala" makahanap ng iba siya na nagpapasaya kahit nasasaktan ka Siya na nagpapangiti ng mga panahong sawing sawi Bumangon ako Kasama siya na bumuo sa pagkatao ko Magiging masaya ako kahit wala ka dahil eto siya siya na akin talaga
0
Aug 28, 2017
Aug 28, 2017 at 7:39 AM UTC
Untitled
Bakit ganyan kayo? Madali ba talagang palitan ang isang katulad ko? Kapag sawa na, Hahanap ng iba. Hindi man lang magsabi kung anong problema. Pwede naman nating ayusin to, Pero sadyang nakakalito, Minahal nyo ba talaga ako? O pampalipas oras lang ako? Ang dali nyong magbago, Magbago ng paglalaruan nyong tao. Nagmumukha akong basura, Iniiwan nyong umaasa. Bakit pa nga ba ko umaasa? Binuhay lang ba ko para magpakatanga? Pagmamahal ko inyong binabalewala, Paano kung bigla nalang akong mawala? Ayon naman ata gusto nyo, Mawala ang isang basurang kagaya ko.
0
Aug 2, 2020
Aug 2, 2020 at 3:12 AM UTC
Pag sawa na, iiwan na.
hindi ko na lalagyan ng title to para san pa wala na din naman tayong titulo Naranasan mo ba ? Yung biglang may lalabas Pangalan mula sa nakalipas Nakakagulat diba Kasi ang alam mo tapos na Naka move on ka na pero heto nanaman ba ? Babalik ka kasi di ka na masaya sa kanya Minsan ako'y napapaisip kung ako'y minahal mo, At lalong kung ang nararamdaman mo ay totoo. Higit pa nga ito sa iniisip ko. pero pinutol ko kasi ano na ba tayo? Alam ko sa sarili kong pampalipas lang ako ng oras mo Na diyan ako magaling ang maging past time sa tulad mo Tinanong ko nga sarili ko? Sino ba talaga ko sayo? Oo heto tayo naging masaya sa sandaling panahon pero ako ay unti unti ng bumabangon subalit nung nagparadam ka na naman pinaalala mo na naman na dapat wag kitang makalimutan Sorry na Eto kasing tulad ko Naging loyal sa isa kahit wala na ikaw pa din ang sinisinta Wag ka magalala Darating yung panahon na Masaya na ko sa iba At kaya ko ng tignan ka sa mata at ipamukha kung gaano na ako kasaya sa kanya Siya na nagpapangiti ng mga panahong sawing sawi Bumangon ako Kasama siya na bumuo sa pagkatao ko Magiging masaya ako kahit wala ka dahil eto siya siya na akin talaga
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 7:02 AM UTC
Untitled
Lagi na lang bang ganito, Tatawagan mo lang ako pagkailangan mo ako, Lagi na lang akong pangalawa para sayo, Isa rin akong pampalipas oras mo. Bakit lagi nalang akong pangalawa? Dadating ba yung araw na ako yung pang una? Dadating rin ba yung araw na wala kang pagpipilian saming dalawa, Ipaparamdam mo ba sakin yung pakiramdam na ako lang sapat na. Makakagawa ba tayo ng mundo? Yung mundong ikaw lang at ako, Yung walang makikisaw-saw sa ating pagmamahalan na tayo ang bumuo, Pero natandaan ko option mo nga lang pala ako. Alam mo ba kung bakit ko hinahyaang maging pampalipas oras mo? Simple lang kasi gusto kong mapansin mo ako, At masaya ako pag kausap ka, Kahit alam kung panandalian lang.
0
Dec 27, 2018
Dec 27, 2018 at 8:52 AM UTC
Oras