Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"palakpakan" poems
Sa taong ito, hindi naging madali ang lahat Maraming suliranin, magulong mundo, makalat. Milyun milyon ang mga nasawing buhay Nawalan ng trabaho't ikinabubuhay. Bilyon bilyong mga tao ang nagluksa Sa mga buhay na biglaang kinuha Mga taong namatay dahil sa pandemya May mga nasawi rin dahil sa kalamidad at trahedya. Hustisya! Iyan ang sigaw nila Kay hirap abutin ang hustisya lalo na kung ika'y isa lamang maralita Na walang kakapitan Kaya't walang kalaban laban. Lahat ay humagulgol, nasaktan, nasugatan, Ngunit nakayanan pa rin nating ngumiti habang ang kahirapan ay pasan. Nakaramdam tayo ng paghihinagpis at pangamba Na para bang hindi na matapos tapos itong nararanasan nating sakuna. Nais mo ng sumuko, Ngunit habang pinagmamasdan mo ang mga bagong bayani ng mundo, Lumalaban sila para sa ating kaayusan at kalusugan, Sa kabila ng pagod at hirap na kanilang pinapasan. Kaya't dali dali **** pinunasan ang iyong luha Nanalangin at nagtiwala ka sa Ama Sapagkat Siya lamang ang makakapaghilom sa lahat Magtiis lamang at sa Kaniya'y magtapat Marahan mo nang isara ang huling pahina ng libro Sa isang kwento sa taong ito Ipangako **** sa susunod na taon, Lalo ka pang magpapakatatag sa lahat ng darating sa buhay na mga hamon. Gayunpaman, taglayin mo pa rin ang pusong mapagpakumbaba Habaan pa ang pasensiya Magpasalamat sa Ama sapagkat hindi ka niya hinayaang mag-isa Palakpakan mo rin ang sarili mo sapagkat hindi ka sumuko.
0
Dec 31, 2020
Dec 31, 2020 at 7:45 AM UTC
2020
i. Init ng araw sa iyo'y nakatapat Init ng pakiramdam'y akala mo Sa araw na ito nanggagaling Ito pala'y sa awiting pinapakinggan Kabagabagabag. ii. Lumamig na kape Ng dahil sa erkon Lumamig na damdamin Nag iba na ang hangin iii. Pagsasayang ng oras Akala ay magsasama na Tayong ligaw ngunit Parehas ang daan Ngunit maghihiwalay rin sa huli Kinabukasa'y maghihintay muli iv. Salamat sa halos anim na buwan Masyado akong nasaktan Sa mga nasambit **** mga salita Ng iyong bibig Na hindi nagsisinungaling. v. Isang gabing puno ng musika Isang gabi ng hiyawan Kantahan At hiyawan ulit Palakpakan Kantahan Di makakalimutan Ang sandali Sa uulitin vi. Mga malulungkot na kanta Nakapagpapaligaya sa aking tenga Malulungkot na kanta Masasayang nota Pinagsama Akala mo parang tanga Hindi, hindi. vii. Kung gustong magpatuloy Burahin ang nararamdaman Kung gustong mabuhay Burahin siya sa iyong isipan
0
Oct 7, 2015
Oct 7, 2015 at 5:33 AM UTC
Mula Lunes Hanggang Linggo
Umulan ng mga talulot sa simbahan May palakpakan, palirit Sapagkat pumunta sa kasiyahan Daig pa ang fiesta at bagong taon sa lakas ng bulyawan Katabi ng lalaki ang mahal Puro halakhak at wala nang pag ngiti Sa mga ka-nayon na bumabati Inuman maghapon sa magarbong pagdiriwang Paanyaya na natanggap na siyang pinaunlakan Bago matapos ang selebrasyon ay lumapit sa asawa ng maharlika Ang pagbati ay ibinulong sabay nakaw-halik sa pisngi niya Tumalikod at di lumingon Bigla na lang pumatak ang mga luha Sa itinanim na pagsinta, ang naani'y pagdurusa Sapat na ang hilahil upang magpatiwakal Sapagkat di matanggap-tanggap ang pag-iisang dibdib Tibok ng puso'y lumikat Lumakad nang papalayo Kahit mga paa'y mabigat iangat Nanginig nang lumisan Dumanas ng kulimlim ng pag-ibig Nag-iisa sa Cariñosa sa putikan
0
Jan 2, 2019
Jan 2, 2019 at 6:05 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #40
muli sa inyong harapan,walang kiyeme.Ako'y may luha ng galak  na sumasainyo pigil hininga sa mga katotong bantayog na nakakasalamuha ko halos hikahos kong kinu-kuyumos yaring mga mata ko na wala pang hilamos pagkat sa tulad kong aba' ,kada rima ay sadya talagang mana nga o para sa tao etong aking paghangos! isang nilalang na ang kara ay tila ba mapalad na albularyo na di man lang kapara ng doktor na malawak ang bokabularyo kaya't halina at ating paigtingin ang naturang tula at talumpati sa tamang panahon at termino ng huwarang tupa at puting kalapati ehem,,ayon daw sa isang bokasyon dapat raw eh mag-bukas 'yon Oo."ang hawla na seremonya sa KASAL at tanging tali lamang ang may SAKAL LAKAS sa paghila,manapa nama'y banayad AKLAS man ang reaksiyon ng pagaspas sa paglipad magsisitingala ay LAKSA hanggang ang pares ay magsidapo mapapahangang gaya sa SAKLA.,tagos agad walang kahapo-hapo edi wow aww aww...kahol ng bantay-bombang ASKAL habang nababakas ang kasiyahan ng kapwa magpupulot-gata at ng mga saksing sabik sa sabaw kapagdaka'y palakpakan naman ang siyang sa paligid ay pumaimbabaw LASAK man na sa paningin ang pulang alpombra,hinde naman matatawaran mga alaalang duon ay naihalal!
0
Nov 13, 2015
Nov 13, 2015 at 3:25 AM UTC
" K A L A S - meyt "
Ngayong araw ako'y siyang naatasan Na ipakilala ang ating kaybigan Mahirap sabihin, ang inyo nang alam Kaylangang galing nya'y bigyang katarungan Sikat sadya itong ating kaibigan Pang-showbiz ang dating, pinagkakagul'han Pagkat nang magsabog d’yos ng kagwapuhan Tabo lang dala ko, sa kanya'y "orocan" Ngunit bahagi lang 'yon ng katangian Kung bakit sya'y tunay na hinahangaan Talino at t’yaga ang kanyang puhunan Sa pag-aaral ng buhay, kalikasan Sya'y taong tunay ang angking kabaitan Na dama ng tao, hayop at halaman Sa dami ng kanyang lathalaing-agham Sierra Madre'y nginig, kapag nagtimbangan Palaka, butiki, ahas at butaan Nang dahil sa kanya'y lalong natutunan Lumaki't lumawak ating kaalaman Kung kaya't umani laksang karangalan Alam kong sa bawat uri ng palaka O ibang buhay na sa mundo'y mawala Kasama natin s’yang lungkot na luluha Pagkat magkaugnay ang lahat sa lupa Dedikasyon niya ay dapat tularan Ipakilala s’ya'y isang karangalan Si Arvin Diesmos po, Syentistang huwaran Samahan n'yo akong siya'y palakpakan!
0
Sep 28, 2017
Sep 28, 2017 at 4:54 AM UTC
Pagpapakilala Kay Doc Arvin
Tuwing Halalan, may kalakalan… Palitan, tindahan ng mga pangalan Manibalang, sariwa’t bulok man Hilaw o hinog, merong pagpipilian. Tuwing Halalan, may paligsahan… Maliit, malaki, mahirap, mayaman Basta handa at gustong lumaban Maging sino ka man, pwedeng sumali diyan. Tuwing Halalan, may kaaliwan… Kantahan, sayawan at palakpakan Kainan, kwentuhan at inuman Wari’y may pista ang buong bayan. Tuwing Halalan, may kasawian… Tsisimisan, siraan, banghayan, alitan Hamunan, bugbugan at bantaan Hanggang kamatayan, walang uurungan. Tuwing Halalan, may kalayaan Pumili ng pinuno ang mamamayan Dikta ng sarili **** isipan O maging anong uri ng kabayaran. Tuwing Halalan, may karanasan! -09/29/07 (Dumarao) *upcoming local elections
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 2:04 AM UTC
Tuwing Halalan
May paligsahan ng palakasan ng palakpakan sa Batasan Complex. May pabuyang naghihintay sa mapuputulan ng kamay kakapalakpak kahit palpak at sablay. Pabayaang maglaway ang mamamayan sa kaunlarang ibabandila. Hayaang mabilaukan ng kathang-isip ang mga pasilyo, wawalisin na lang ito mamaya o bukas kapag iba na ang usong balita. Kapag kasuotan na ang pinag-uusapan. Madulas kayong lahat sa nasayang na laway. Naghahanap ng away ang hindi pupuri. Ang hindi sasamba. Ang ayaw sumama sa pagsimba sa katedral ng kasinungalingan pagugulungin sa labas ng bulwagan. Walang puwang ang katotohanan kaninong palad man ito nakasulat. Kaya’t huwag itong iladlad. Huwag itong itambad. Huwag hubaran ang matagal nang nakahubad. Ibibilad kayong mga bastos. Iiwas sila sa pakikipagtuos, dahil mas matigas pa sa mukha nila ang inyong katwirang huwag sumali sa paligsahan. Dahil ang masigabong palakpakan ay nakalaan sa sambayanang lumalaban.
0
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 12:44 PM UTC
PALAKPAKAN
082920 Nagbibilang na lamang ako ng oras Upang ang bukas ay tuluyan nang kumalas At kusang sumabay sa palakpakan Sa entabladong nakatikom sa aking damdamin. Ilang taon nang nakikibaka ang Iyong mga kamay Sa modernong pagkatha at paglikom ng mga salapi. At sa aming hapag-kaina’y ilang ulit na akong tinutukso Ng mga matatamis na panimula sa telebisyon — Na baka sakaling matikman ko rin Ang hain nila sa sarili nilang hapag-kainan. Minsan akong nangulila Buhat sa kawalan nang may mga katanungang, “Sino nga ba ang tama?” Na sa paulit-ulit na pagtatapon ko ng mga ito’y Ang mga ito rin ang sumasampal sa aking pagkatao. Ngunit ang totoo’y: Nilimot ko na ang mga katanungang iyon Hindi ako sumabay sa agos ng galit Na bumabawi sa aking paghinga Na tila ba ako’y pagod na At gusto ko na lamang manahimik mag-isa. Nais kong sambiting Hindi ako nagalit nang minsan mo kaming pinagtaksilan, Inisip ko na lamang na iba ang latag ng kapalaran — Iba ang laro sa loretang ito At hindi ito madali — Pero ito’y panandalian. Siguro nga — Iniisip **** saan nanggaling ang mga ito Ang mga salitang tila ba hindi ko man lamang pinag-isipan At tuluyan kong binitawan Gaya ng pagbitaw mo para sa amin. Pero gaya ng sambit ko — Hindi ako galit, Hubad ang aking emosyon At umaapaw pa rin ang aking pagpapasalamat Na sa mga oras na ito’y — Hindi mo kami iniwan. Higit pa sa pagpapabatid ko ng pasasalamat sa ito’y, Nais kong ihagis ang aking mga kamay sa langit Na tila ba higit pa sa nagagalak ang pakiramdam Ang aking puso’y tiyak na ang grasyang alay ng Langit Ang gumawad sa akin ng kalayaan. Malaya akong piliin ang saya kesa sa galit, Na parang paghihimay ng mga butil ng buhangin, Parang imposible, di ba? Pero naging posible At wala na akong maihain pa Kundi ang umaapaw kong pusong Ginawang Malaya ng Maykapal. Lubos ang aking pagsamba, Salamat Ama. Salamat sa dalawa kong ama at Ama.
0
Aug 29, 2020
Aug 29, 2020 at 1:08 AM UTC
Ama
082920 Nagbibilang na lamang ako ng oras Upang ang bukas ay tuluyan nang kumalas At kusang sumabay sa palakpakan Sa entabladong nakatikom sa aking damdamin. Ilang taon nang nakikibaka ang Iyong mga kamay Sa modernong pagkatha at paglikom ng mga salapi. At sa aming hapag-kaina’y ilang ulit na akong tinutukso Ng mga matatamis na panimula sa telebisyon — Na baka sakaling matikman ko rin Ang hain nila sa sarili nilang hapag-kainan. Minsan akong nangulila Buhat sa kawalan nang may mga katanungang, “Sino nga ba ang tama?” Na sa paulit-ulit na pagtatapon ko ng mga ito’y Ang mga ito rin ang sumasampal sa aking pagkatao. Ngunit ang totoo’y: Nilimot ko na ang mga katanungang iyon Hindi ako sumabay sa agos ng galit Na bumabawi sa aking paghinga Na tila ba ako’y pagod na At gusto ko na lamang manahimik mag-isa. Nais kong sambiting Hindi ako nagalit nang minsan mo kaming pinagtaksilan, Inisip ko na lamang na iba ang latag ng kapalaran — Iba ang laro sa loretang ito At hindi ito madali — Pero ito’y panandalian. Siguro nga — Iniisip **** saan nanggaling ang mga ito Ang mga salitang tila ba hindi ko man lamang pinag-isipan At tuluyan kong binitawan Gaya ng pagbitaw mo para sa amin. Pero gaya ng sambit ko — Hindi ako galit, Hubad ang aking emosyon At umaapaw pa rin ang aking pagpapasalamat Na sa mga oras na ito’y — Hindi mo kami iniwan. Higit pa sa pagpapabatid ko ng pasasalamat sa ito’y, Nais kong ihagis ang aking mga kamay sa langit Na tila ba higit pa sa nagagalak ang pakiramdam Ang aking puso’y tiyak na ang grasyang alay ng Langit Ang gumawad sa akin ng kalayaan. Malaya akong piliin ang saya kesa sa galit, Na parang paghihimay ng mga butil ng buhangin, Parang imposible, di ba? Pero naging posible At wala na akong maihain pa Kundi ang umaapaw kong pusong Ginawang Malaya ng Maykapal. Lubos ang aking pagsamba, Salamat Ama. Salamat sa dalawa kong ama at Ama.
Continue reading...
54
Kasabay ng iyong pagpikit ay ang imbay ng aking katawan, pag-alon ng mga balikat at pagkibit. Kasabay ng iyong pagtalikod ay akma akong aapak at papalakpak, dahan-dahang papalapit sa entablado. Kasabay ng iyong pagkukubli ng damdamin ay ang pag-muwestra ng tadhana sa akin, pag-gabay tungo sa kung ano ang tuwid. Kasabay ng pagtago ng nadaramang totoo, ay ang siya ring paghahanap ko ng sagot sa wari’y hindi mo masagot na tanong. At kasabay ng pagsasara nitong kurtina, ay ang paghinto sa pagpatak ng luha at ang ating maligayang paglaya. At kasabay ng pagdidilim nitong entablado ay ang kaliwanagan na di nahanap sa’yo at ang aking pagsuko para sa teatro. At kasabay ng kanilang hikbi at palakpakan ang pinakahihintay na pag-uwi sa kawalan at pagsalubong sa sarswela na naman.
0
Sep 29, 2024
Sep 29, 2024 at 3:43 PM UTC
Sa Sarswela
020321 Sa likod ng mga palakpakan At nag-aawitang mga tinig na hindi nagpapataasan, Ay dumudungaw ang aking pangamba — Ang takot kong nagmimitsang lisanin ko na ang lahat.. Gusto kong manahimik ang lahat — At sa kabila ng mga nakasisindak na mga tinig, Ay unti-unti kong hahagilapin ang liwanag, Pagkat minsan, ako ri’y nabubulag Sa kamangmangan ng mundo.
0
Oct 8, 2021
Oct 8, 2021 at 10:43 PM UTC
Suko na Ako