Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pakielam" poems
Ikaw at ako, tayo Magkahawak kamay na naglalakbay Sa mahiwaga at walang kasiguraduhan na mundo Magiliw na nakatingin sa taas, upang mga tala ay magsilbing gabay Magkasabay nating nilakbay ang gabi Di alintana ang mga nakikita sa paligid Walang pakielam sa mga sabi sabi Walang makakapigil sa mga pusong umiibig Ngunit habang nagalalakbay Unti unting bumibitaw ang 'yong kamay Unti unting lumuluwag ang 'yong hawak Unti unti, habang ako'y nabibiyak Ikaw at ako ay pinaglaruan ng tadhana Tayo na niloko at pinaikot ng mga tala Tayo na pinaniwala ng kalawakan Tayo na na umasa sa walang hanggan Ang mga pangakong walang hanggan Lahat sila'y naging kasinungalingan Ang dating naglalakbay na "tayo" Ay nawala, naging mag isa, naiwan nalang ang "ako"
0
Nov 19, 2016
Nov 19, 2016 at 2:12 AM UTC
Tayo
Mahal, tanda mo pa ba yung pangako ko, Yung pangako ko na mananatili ako sa tabi mo, Mahal, sinabi ko sayo na aalis lang ako pag sinabi mo, Kaya kong manatili sa piling mo kahit na nasasaktan na ako. Kahit na alam kong pampalipas oras mo lang ako nanatili parin ako, Tanga na kung tanga pakielam ko, Eh mahal kita, Kahit na alam kong wala na akong pag- asa, Kahit na alam ko na may mahal ka ng iba Nandito pa rin ako sa tabi mo at may ngiti sa labi ko, Hindi ko malaman kung saan ako nagkulang, O sadyang di mo lang makita yung halaga ko, Masakit man isipin na gwapo siya, May makinis na mukha Nakakahiya nga pag pinagtabi kami, Isang tingin sakanya tao talaga, Ako? Abnormal tingan walang wala kumpara sa kanya. At ito pa ang mas masakit pag lagi mo siyang kwento, Para kayong bumubuo ng mundo, Kung saan lahat ay perpekto, Ikaw at siya hindi nga maipagkakaila na perpekto nga, Alam mo ba na ang saya ko noong hawak ko ang iyong kamay, Para ako ay nasa ulap dahil sa lambot ng iyong kamay, Ang bilis ng tibok ng puso ko para na nga akong mamatay, Nakakahiya pa nga eh pasmado yung kamay ko, Mas lalo akong natuwa nung di mo inagaw ang mga kamay mo na kayakap sakin, Pero sabi nga nila lahat ng saya ay pandalian at kalakip nito ay sakit, Simula noong nadaan natin siya, Ang mga kamay natin na magkayakap, Ay unti-unting nag hihiwalay ang pagkakayakap, Feeling ko nga rebound mo ako, Alam ko na walang tayo, Pero base sa mga pinapakita mo ay meron talagang ikaw at ako, Nag hahawak kamay, Nag yayakapan, Nag aaylabyuhan, Kulang na nga lang maghalikan eh, Pero lahat yun diko alam kung pangkaibigan lang o ibang level na, Akala ko nga may pag asa ako eh, May pag asang magkaroon ng titulong ikaw at ako, Mga akala na magiging masaya tayo, Ayan nanaman ako sa mga akala ko, Puro akala akala akala pero sa huli di nmn nag katotoo, Mahal kita,mahal kita,mahal kita yan ang paulit ulit kong gustong sabihin sayo, Syempre sasagutin mo rin ako na mahal kita, Ang saya saya pag lagi mo sinasabi na mahal mo rin ako, Pero napapaisip ako kung galing ba sa puso mo ang mga salitang binitawan mo, O napipilitan ka lang sabihin yon, Dahil advance ako mag-isip uunahan na kita, Mahal pasensya ka na ha, Kung hindi ko na matutupad yung mga pangako ko, Pangako na malapit na mapako, Hindi ko sinabi na diko matutupad, Pero parang papunta na, Sana wag mo kong hayaan umalis, Baka makita mo na lang ako nasa piling na ng iba, Pero sabagay pano mo nga pala ako makikita kung ang mga mata mo'y laging nakatuon sa kanya,
0
Mar 24, 2019
Mar 24, 2019 at 10:35 AM UTC
Patuloy

Continue reading...
57
Ang hirap simulan Hindi ko alam paano uumpisahan, Sisimulan ko sa hindi pag pansin, Sisimulan ko nalang sa pag kukunwari Kaya ko Kaya kong mawala ka sa isip ko Kaya kong mabura ka sa buhay ko na parang walang nangyari Kunwari kaya ko Masaya ako na kaibigan kita Na kaibigan lang kita Masaya ako na kasama kita Kahit alam kong may mahal ka ng iba Sisimulan ko sa hindi pag pansin Sisimulan ko nalang sa pag kukunwari Kunwari di ko napapansin ang pangungulila mo sakanya Kunwari hindi ako nasasaktan Kunwari hindi ko nalang nakita, Kunwari wala tayong pagkaka intindihan, Kunwari hindi mo sinabing gusto mo ako, At kunwari, hindi ako nasasaktan Eto na ako at kinakaya ko Lahat ng sakit at pait na natatamasan Mawawala rin sa aking damdamin at isipan Wag mo akong kaawaan Dahil hindi ka naawa sa akin nung ipinakita mo sa lahat kung gaano kayo kasaya Hindi mo inisip ang mararamdaman ko sa katarantaduhan **** ginawa Wala kang pakielam nung nalasing ako at ikaw ang hinanap ko at kulang nalang isuka ko ang pagmamahal mo noong gabing iyon Hindi mo ako minahal Paulit ulit ko yang sinasabi sa sarili At tila paulit ulit din akong sinasaksak Ngunit kada bigkas ko ng mga katagang iyon, ay unti unting namanhid ang puso Sisimulan ko sa pag kukunwari Kunwari hindi ko nalang nakita Kunwari hindi ako nasasaktan Pero tangina hindi ko alam hanggang kailan
0
Dec 27, 2016
Dec 27, 2016 at 7:23 AM UTC
Kunwari
Bago ako magsimula , Gusto kulang sabihin sayong “kamusta?” Parang kay tagal na simula nang huling tayo ay magkita Hanggang ngayon hindi ko masabe kayat dadaanin kita sa Maikli kong tula …. Sa tulang halos buhay ko ang nilalaman , buong buhay na aking Minahal at pinaglaban ng hindi man lang niya nalalaman . .. Kahit na alam ko na sayo ay may nagmamahal at kayong dalawa Ay nagmamahalan patuloy pa rin ako sa aking pakikipaglaban Nakikipaglaban sa aking nararamdamang hindi ko alam kung bakit Kinakailangan , bakit kailangan kong pagdaanan kasi hindi ko kayang Iwaksi sa aking isipan at sa tuwing tatalikod ako sayo hindi ko Mapigilang ilabas ang tunay kong nararamdaman … Nararamdamang kalungkutan ngunit napapalitan ng kasiyahan sa Tuwing ikay aking masisilayan , masilayan ang nagiisang dahilan ng Tuwa at pasakit na aking nararamdaman Pero kahit punong puno ng pasakit at pagdurusa ang dulot mo sa Akin wala akong pakielam … Kahit na sabihin ng iba na “TANGA KA BA ? MAHAL MO PERO MAHAL KABA ? Wala akong pakielam sa sabihin ng kahit na sino man , isa lang naman Ang laman ng aking isipan Ang oo at pero , OO ngat alam ko na sa puso niya ay hindi ako bagkus Iba ang siyang nanahan , Pero sa puso ko , ikaw ang siyang nagturong magmahal ng totoo kahit Na alam na walang dapat asahan Na ang salitang “TAYO” sa panaginip kulang makakamtam Pero kahit ganon paman ang kinalabasan , Masaya parin ako sa nagging resulta nang aking ginawa na tinatawag ng karamihan na “KATANGAHAN” Kase hindi kuman nagawang makamtan ang taong laman ng aking isipan ,at kahit Alam Kong sa panaginip kalang mahahagkan Atleast natutunan ko at nagawa kong lumaban at ipaglaban siya Kahit na hindi man lang niya nalalaman
0
Nov 3, 2016
Nov 3, 2016 at 9:56 AM UTC
kahit hindi man lang niya nalalaman

30
Igawa mo ako ng isang istorya, Ito ang huling hiling ng babaeng iyong pinagtabuyan, Igawa mo ako ng isang Istorya, Wala siyang pakielam kahit siya pa ang gawin **** kontrabida, Igawa mo ako ng isang istorya, At hahayaan ka na niyang bumuo ng sarili **** tema, Patayin mo man siya sa dulo, Hindi man siya ang iyong makatuluyan, Wala kang maririnig na anumang sumbat, Tuparin mo lamang ang munti niyang pangarap, Igawa mo ako ng isang Istorya, Huwag mo lamang sana itong pagkaitan ng emosyon at oras, Nakakaiyak, Nakakatakot, Nakakakilig, Nakatutuwa- Hindi siya magdaramdam, Basta't gawan mo lamang siya ng isang istoryang may wakas, Wakas na ipinagkait mo sakaniya sa inyong realidad, Wakas na kaniyang hinahanap upang makalaya sa hawla ng "Bakit?" at "Paano?" Igawa mo ako ng isang istorya, At ako nama'y aawit saiyo ng isang elehiya.
0
Aug 20, 2017
Aug 20, 2017 at 7:42 AM UTC
Igawa mo ako ng isang Istorya
Hindi mo malalamang Nagustuhan kita Dinaan lamang sa panunukso Akala ko gets mo na Hindi mo malalamang May ibig sabihin Ang mga ibinibigay ko Wala ka namang pakielam sa mga ito Hindi mo malalamang Kinaiinisan kita Dahil hindi mo maramdamang Mayroon na akong feelings sa'yo noon pa Hindi mo malalamang Matagal na tayong break Dahil hindi naman tayo Ako lang ang nag-iilusyon na masusuklian mo ang feelings ko Hindi mo malalamang Naka-move on na ako Masaya na ang pakiramdam Nakalaya na sa nararamdaman Hindi mo malalaman na Para sa'yo ito Dahil kahit kailan Di ko babanggitin ang pangalan mo
0
Apr 13, 2016
Apr 13, 2016 at 6:57 AM UTC
You will never know