Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pakakawalan" poems
Sa madilim na sulok ay inaalala ang mga sandaling noon pa'y sa eskwela at nahuhumaling sa kamag-aral na dalaga Lipos ng rosas ang kapaligiran Kapag siya'y nakikita sa paaralan Sa isang sulyap niya'y ako'y parang sa ibang kalawakan Hinati na ng imahinasyon ang daigdig ko na may limitasyon Itinago muna ang katotohanan Para sa kanya'y handang ipagpalit maging ang kinabukasan Sa alon ay nagpapaanod Sa hangin ay naninikluhod Ibinulong ang tanging hangarin na sana sa isang araw kami'y magkapiling Anong saya sa tuwing pasukan Singko kong baon ay iniipon Upang sa pagdating ng tamang panahon Makabili ng bagong damit nang siya'y ligawan Bakit ko pa ikinakahiya ang maging isang dukha Hindi na nga makakain Nagsusumikap pa rin kahit hinahamak pa ng iba Marupok ang aking katatagan Ang dibdib ko'y may malumanay na damdamin Ni ayaw magsalita at ayaw pumansin Duwag kapag ako'y salingin Nanginginig ang himig Sa gabi'y pinapangarap si Dessa na nagluningning Siya'y prinsesa na nakahilig Sa luklukan Haring handang pagsisilbihan Walang mali sa kanyang kagustuhan Kapag lumalayo na ang araw na tila pumapa-kanluran Alaala'y ibinabalik - mahapdi na katotohanan Sana'y noong nagkakatitigan Lumapit kapagdaka'y nagpakilala Kung sakaling ngumiti Hindi na siya pakakawalan Sana'y sa simula pa lang niligawan na ang Paraluman Kahit tumanggi sa pagmamahal Mas mabuti na ang umibig kahit nabigo Kaysa hindi nakaranas ng pagsuyo Mahirap man - tumanda nang nagagalak kahit sa isipan Ngunit ang salamisim kay Dessa ay ayaw ako tigilan Lumiligalig sa gitna ng aking kahimbingan Kung mangyari'y maninirahan sa Panganorin ng nakaraan
0
Jul 27, 2019
Jul 27, 2019 at 5:22 AM UTC
Panganorin ng Nakaraan

Continue reading...
50
Aanhin pa ang tula kung tuyo na ang tinta? Sa hangin pakakawalan, palalayain sa Hangganan Handog ng ulirat na wala mang tinig, sumisigaw Nakabalot sa liwanag ng itim na araw Isinilid sa baul na pinalubog sa dagat Balang-araw, lulutang dala ang luhang may alat. Para saan ba ang tula kung walang nakaririnig? Marahil... para sa mga dahong sumasayaw sa tubig Mga bangkang naghihintay ng kahit kaunting ihip Mga kamay na kumakawala mula sa gumagapos na lubid. Aanhin pa ang tulang nakakulong na sa bibig? Aanhin pa ang tulang iwinagli na ng isip? Paalam sa mga tulang tinangay na sa himpapawid Paalam, mga saranggolang inari na ng langit.
0
Aug 21, 2017
Aug 21, 2017 at 4:46 AM UTC
EKLIPSE
Hindi ito isang pagpaparinig Ito ay isang pagpapahiwatig Na sa oras na aking marinig Ang malalamig **** tinig Na sa’kin ay nagpapakilig Ako ay agad na tumatahimig Ikaw ay aking pinaamin Inaway kita at pilit na diniin Na may nararamdaman o may gusto ka sa’kin Ang pag-aaway na ito ay itigil natin Mayroon ka lang sasabihin sa akin At yun na nga, ikaw ay napaamin rin Isang araw, aking napag-isipan Bagay tayo, ikaw ay niligawan Gusto mo ang gumagawa ng tula Tatlong tula yan ang aking ginawa At yun na, sinagot mo’ko bigla Naging masaya ako, totoo Naging masaya ako sa piling mo Nakakalimutan ko lahat ng problema ko Akala ko palagi tayong masaya Yun ay panaginip ko lang pala Ang mahal ko ay may mahal ng iba Masakit, masakit na wala ng tayo Pero Masaya, Masaya dahil merong kayo Galit, galit ako dahil pinipilit ko ang sarili ko sa’yo Takot, takot akong mawala ka sa buhay ko Yan ang emosyon, emosyon ko sa’yo Pero ano na ba ang papel, ang papel ko sa buhay mo Pangako huli na to, huling tula na gagawin ko para sa’yo Seryoso,  wala itong halong biro Pakakawalan na kita Sana maging masaya ka sa kanya Marami pa namang iba, iba na mahihigitan ka pa Kaya paalam  na.
0
Jul 10, 2020
Jul 10, 2020 at 9:42 AM UTC
Emosyon
Alam kong mali ito Kahit ang nasa itaas di sasang-ayon Pero ano nga bang magagawa ko? Pakiramdam ko’y lalong nahuhulog sayo. Nung una at pangalawa di ako sigurado Ngunit sa pangatlong beses? Di ko na mawari ang nadarama Pag-ibig ko sayo’y lalong lumalalim Ang hirap! mali kasi talaga to, minsan iniiwasan kitang kausapin, dumidistansya Hindi dahil sa maygalit ako Subalit yun lang ang paraan ko, Paraan na mabawasan ang pagkahulog sayo Minabuti kong di magpakita ng ilang araw’ “And it’s been weeks” Subalit, lalo lang kitang namimiss. Pag ika’y aking kaharap Hindi ko alam ang sasabihin Hindi ko alam saan ako mag uumpisa Ni hindi nga makatingin ng deretso sayo Oo! Single naman tayong pareho Ngunit sa kabila ng lahat Alam kong hindi pwedeng pilitin Alam kong hindi ka itinadhana sa akin Kung hindi lang ito mali Bakit pa kita pakakawalan? Bakit pa kita iiwasan? Bakit ko pa patatagalin? Ngunit may dahilan ang lahat May ibang plano ang Diyos Plano niya'y ikakabuti nating dalawa Kaya di ako manghihinayang! Dalangin ko sa maykapal Maibsan ang aking nadarama Pagkat tanging ito lamang ang solusyon, Sa puso kong di na dapat  umaasa sayo.
0
Apr 11, 2016
Apr 11, 2016 at 2:08 AM UTC
SIDE B
*Hindi kita pakakawalan, hindi kita papalitan, hindi kita sasayangin, hindi kita sasaktan. Lagi kitang iintindihin, masaktan man ngunit pipilitin, dahil ikaw lang ang sinisigaw ng aking damdamin, na uhaw na uhaw sa 'yong pagtingin. Sana'y masabi ko ang lihim na pagtingin, na sana ako nalang ang iyong ibigin, gustong lumapit ngunit naduduwag, sapagkat marami akong kahating naghihintay. Kung sakali man na ika'y maging akin, iingatan ko ang 'yong pusong masahol pa sa bituin, hindi ko maipapangakong hindi papaiyakin, ngunit pangakong hindi ko sasadyain.*
0
Jan 18, 2016
Jan 18, 2016 at 10:55 PM UTC
Tula ng puso
binuwag ng sariling bigat uusal ng dasal na ang tanging hiling ay pumanaw. Hindi ito ang buhay at hindi ito ang pamumuhay. Kung dito sa lupa ay aangat, anong wika ang isasalin sa laman kung pagal na? Turuan mo akong dumaan nang walang iniiwanang labi kundi misteryo na inimbak sa pagtiwalag sa bawat sandali. Sa ilalim ng bawat tulay na ginagawa ng winiwikang salita ay isang kontrata: hindi nang luluha pa at kung pumikit ay panibagong mundo ang tatambad. Sasalubungin ito sa pamamagitan ng isang paanyaya at kung makitang muli ay pakakawalan ang kapit sa sarili. Tatantusan ang bawat kinauupuan at itatala ang mga natutunan. Paham ang liham ng pagtitipon at kung hindi sinipot ay sadyang isang malaking kakulangan. Walang ibang transaksyon kundi ang palitan ng salitang maghuhugis-kamay, hahaplos sa bawat tigib na parte, ililikas ang katawang hapo sa paulit-ulit na katanungan nang pagiging mortal at lalakipan nang panibagong saysay. Umigkas palayo at bagtasin ang bagong mundo: ang tao kung ilalaan sa tao at pakikinggan ay bubuong muli ng katiyakang panandalian sa payak na panahon: hanggat tayo’y naglalakad pasulong, tayo’y gagawa’t gagawa ng tulay.
0
Jun 7, 2016
Jun 7, 2016 at 5:09 AM UTC
kay Maria
Sa aking isipan, ika'y aking kapiling Sa aking gunita, alaala mo'y hiling Ngunit sa'n ako huhugot ng alaala Kung sa langit kasama ka na ng mga tala Hindi man lang kita nasilayan Mukha mo ay hindi rin namasdan Bisig ko ay hindi ka nabuhat Init mo'y di ko manlang nadama Ano kaya ang himig ng iyong pag iyak? Musika ba sa akin ang iyong halakhak? Maliliit **** kamay, nais kong hawakan Habang mga titig mo'y di pakakawalan Sa diwa ko'y yakap yakap kita Habang ako ay may heleng kanta Sa gayon sa iyong mga labi Mayrong hatid na maamong ngiti Aking anghel, dito sa puso ko Mananatili bawat pintig mo Dito sa aking diwa at isip Habang buhay kitang iuukit
0
Jul 12, 2019
Jul 12, 2019 at 2:52 AM UTC
Inukit kong Anghel
Unti-unti hinahayaan mo lang ako na maka wala sa mga yakap mo At ako’y tuloyang nahulog ngunit hindi mo naman ako sinalo Unti-unti humahakbang ka paatras palayo ng palayo mula sa kinatayuan ko Ako’y naka tayo lang dahil baka sakaling hahakbang ka pabalik at ako’y yakapin mo Ngunit wala ka man lang ginawa para manatili ako sa piling mo Subalit hinayaan mo lang ako namawala at ako’y tuloyang maglaho Pagod na ako dahil ako lang ang lumalaban sa kung anong meron tayo Mahal kita pero nakakapagod na dahil kaagad ka nalang sumoko Alam kung masakit dahil mahal pa kita at ayaw kung mawala ka Pero sapat na ba yong salitang mahal kita kung ikaw susuko na Alam kung hindi madali na kalimutan kung ano meron tayo noon Oo hindi madali. Pero susubokan ko at sisikapin ko ulet na bumangon Akala ko ba matibay tayo dahil sabi mo di mo na ako pakakawalan Pero isang araw bumitaw ka na at ako’y iyo nalang hinayaan at binitawan Saan na ba yong pangako mo na mamahalin mo ako habang buhay Dahil sa nakikita ko ngayon araw-araw parang unti-unti mo narin akung pinatay
0
Dec 20, 2016
Dec 20, 2016 at 11:46 AM UTC
Bitaw
Hindi ko alam kung bakit pa nagtataka, Kung bakit pa nagtatanong kung may pag-asa pa, Bakit pa nga ba aasa pa? Kung ang pag-asa ay sa simula pa lang ay wala talaga. Ilang taong  nagsikap para makita mo na ang pagmamahal ko ay hindi katulad ng kaniya, Para kapag sinabing “nag-iibigan” ay tayo ang magiging kahulugan at hindi ang halimbawa, Na hindi na mananatiling konsepto ang “magkasama tayong tatanda”, At hindi na mananatiling pangako ang “hindi ka na mag-iisa”. Pero ang tayo’y parang ningas na hindi man lang naglagablab ay namatay na, Parang apoy na hindi pa man nagbaga ay agad inapula, Na hanggang ngayon tinatanong kung bakit nagpipilit umalab para sa iba, Kung kaya namang huwag upusin ang mga sarili sa piling ng isa’t isa. Ako’y nakagapos sa iyong pagmamahal na hindi naman talaga naging akin, Kinukulong sa hawla ng kahibangan na baka sakali mag-iba ang ihip ng hangin, At sa wakas ay ako’y iyong pakakawalan sa kadena ng pag-iilusyon, Baka sakaling ang tayo’y magiging bahagi ng kasaysayan at hindi na piksyon. Pero ang kasaysayan nating hindi pa man nagsisimula ay nais nang isulat ng iba, Isang taong nagsusumikap maging bayani sa bawat yugto, naghihintay na mabigyang halaga, Na sa akin ay nagtatanong, “magiging tayo kaya?” At bago siya masagot, ay kailangan pang magtanong sa’yo, “magiging tayo kaya?” Kasi kung hindi, hindi ko na ipipilit ang sarili ko at tatanggapin ko na, Na sa pagtupad ng pangarap kong pagpapalaya mo sa’kin sa kadena ay iba ang nakatakda, At  sa piling niya, baka sakaling makuha kong maging lubusang masaya, At ako naman, hindi na ikaw, hindi na ang damdamin mo ang nakataya. Kasi kung hindi, hahayaan ko siyang apulahin ang aking apoy na nag-aalab para sa’yo, At gisingin ako sa katotohanang nauupos na ako, nauubos na ako, Na kaya ang tayo ay parang ningas na hindi lumalagablab kasi hindi pala ikaw ang baga, Hindi pala dapat ako umasa.
0
Sep 1, 2017
Sep 1, 2017 at 4:48 PM UTC
Kasi Kung Hindi

28
Darating ba ang panahon kung kailan hindi mo na ako itutulak palayo na yayakapin mo ako ng mahigpit at hindi na pakakawalan sa mga bisig **** naging kanlungan sa tuwing hindi ko na kaya ang bigat na pinapataw ng mundo Darating ba ang panahon kung kailan hindi na ako mangungulila sa iyo, na ikaw na ang nasa kinalalagyan ko at ako naman ang hahanapin mo, na ikaw naman ang siyang tatawid ng distansyang namamagitan sa atin Darating ba ang panahon kung kailan ako na ang paksa ng mga berso **** likha na ako naman ang pag-aalayan mo ng katha Darating ba ang panahon kung kailan makukulayan na ang mga pangakong salitang iginuhit at inukit subalit parang naiiwanan lang ako na paulit-ulit na umasa at magbuntong-hininga Narito ako't nagtatanong Darating ba ang panahon nating dalawa? Narito ako't hihiling na sana bukas tayo ay pwede na baka nga bukas pwede na.
0
Aug 13, 2017
Aug 13, 2017 at 8:23 AM UTC
Baka Bukas Pwede Na
nariyan ka nanaman, naninibasib na tila kahapon lamang ay bukas— kapit-puso kitang pakakawalan kasabay ng pagtila ng ulan, pagbukadkad ng bulaklak, pagtawid ng bulalakaw at pagkatapos ay akin kang babalikan sa kung saan ay wala ka na, at ng sa gayon ay aking maramdamang muli ang itinatangi ng katahimikan: ang maganda **** mukha, ang 'di maikubling init ng iyong bisig, ang mga araw na nalulunod sa lalim ng iyong dating pagtitig sa akin na ngayo'y isa na lamang panaginip ng antipára — ramdam ko ang lahat, at mayroong distansyang hindi kayang isara ng kahit anong pagwawakas ng katotohanang alam ko sa pag-iisa, na tila kahapon lamang ang bukas.
0
Oct 9, 2015
Oct 9, 2015 at 9:11 AM UTC
Antipára
Pakakawalan na kita Sapagkat sabi nila ay hindi ka na raw masaya Mga kamay mo'y bibitawan ko na Hahayaan ka na sa piling ng iba Sabi nila ito raw ang tama Dito ka raw magiging maligaya Ngunit paano naman ako? Bakit tila walang nagtatanong kung ayos lang ba ako?
0
Mar 12, 2018
Mar 12, 2018 at 7:43 AM UTC
Paano?
Kumusta? Hangad kong nasa mabuting kalagayan ka. Ilang linggo ko nang hindi nasisilayan ang mga ngiti mo; na kahit bihira, nakahahawa. Matagal-tagal na rin noong huli kong narinig ang ‘yong mga halakhak; na kahit mahina, dama ko ang ligaya. Maging ang katahimikan mo’y hindi ko pa rin limot Hindi nakasasawa ang hindi mo pagpansin sa akin. Huwag ka mag-alala, hindi ko minamasama ang mga pagsasawalang-kibo. Sariwa pa rin ang mga pagkakataong lumagpas ka sa harapan ko Sa katunayan, gabi-gabi kong ipinagdarasal na darating din ang araw na lilingunin mo ako. At ngayon ngang ‘di tayo nagkikita’t nag-uusap Yayakapin ko ito bilang paghahanda. Hindi ba’t pamilyar ka naman sa mga taong sinusungkit ang mga bituin at buwan? Pagkatapos ay iaalok sa kanilang mga kasintahan Na para bang mga prutas na hinintay nilang mamunga sa kanilang mga bakuran. May kakilala ka nga yatang tumawid daw sa maraming ilog at umakyat ng pagkakatayog na mga kabundukan Sinaluhan sa hapunan ang mga diwata’t Pumaslang ng mga halimaw kinabukasan; upang siya’y puntahan. Marahil ay narinig mo nang may minsang pumasan ng daigdig para sa kaniyang nobya Ngunit sa huli’y hindi naisakatuparan. Umasa ang nobya. Umiyak ang nobya. Ang nobya marahil ang pumasan sa halip na siya May isa nga sigurong nagmalaki na bubuo raw ng pira-pirasong ikaw Na tila kontrolado niya ang mga piyesa ng buhay mo. Pamilyar, hindi ba? Ngunit, hindi ganito. Hindi ganito ang aking paano. Oo. Naiintindihan kong ang ilan sa mga ito ay idyoma o eksaherasyon lamang Pero nangangamba ako na baka pagod ka na; Na baka nabibingi na ang iyong mga tainga Sa paulit-ulit na pangangako; Na kahit ang talulot ng mga mabubulaklak na salitang ‘to ay tuyo na. kahihintay sa tapat at sa tunay. Ayokong magpaganggap. Pagod na rin akong magkunwa-kunwariang kaya ko ang lahat. Dahil sinta, hindi. Hindi ko masusungkit ang mga bituin at buwan pero handa akong samahan kang panuorin sila. Hindi ko kayang sa isang araw ay tumawid sa maraming ilog at umakyat ng kabundukan pero ituturing kong mahalaga ang bawat oras na kasama ka Aking pagtatrabahuhang makarating sa araw na palagi kitang kasama sa hapunan at sabay nating papaslangin ang mga pangamba sa umaga. Hindi ang daigdig; ngunit Pakakawalan ko ang mga pasan-pasan kong takot; Kawalan ng tiwala sa sarili; Ang inggit. Hindi ito pagbabanta, sinta. Pero ipanganganak ang mga araw Na aasa ka; Na iiyak ka. Subalit, wala itong kakambal na paglisan. Uulitin ko. Ayokong magpaganggap. Pagod na rin akong magkunwa-kunwariang kaya ko ang lahat. Dahil sinta, Hindi kita iiwan. Ganito ko marahil sasabihin sa'yong gusto kita Pakapakinggan mo sana. ---
0
May 8, 2020
May 8, 2020 at 2:56 AM UTC
Paano Ko Ba Sasabihin Sa'yong Gusto Kita?

70
pakakawalan ko ang bughaw na langit para sa maulap na langit na puno ng usok mula sa sunog ng bawat sulo bawat nag-iinit na kamao bawat ng alab ng puso kung ang kahihitnatnan ito ay kalayaan
0
Apr 1, 2020
Apr 1, 2020 at 11:15 PM UTC
polusyon
Para Sa Mga Umasa..... TAMA NA!! By: Lovely Joy / September 2020 Ilang araw at buwan na rin ang dumaan Mga araw na pinagdaanan at naranasan Na nagbigay ng aral, pasakit, kalungkutan Pero nangibabaw pa rin ang kasiyahan Salamat sa alaala at nakaraan, kaibigan. Kalahati ng aking tula'y naabot na rin Ilang piyesa, ilang titik, ilang salita na ang nabitawan Pakiramdam ko mauubusan na ako ng letra Pero handa naman akong maubusan Kung ang paglalaanan ng aking pagiging makata ay IKAW. Naalala mo pa noong huling tinanong kita ng "Ayaw mo na maayos?" Ni isang salita wala akong narinig mula sa'yo. Sabi natin noon, laban lang tayo hanggang dulo Siguro nga eto na yung dulo. Siguro oras na... oras na... Susubukan kong kalimutan ka na Kahit sobrang sakit sa akin ang talikuran ka. Bibitawan ko na ang natitirang "sana" At pakakawalan ko na ang paniniwalang "baka.” Dapat ko ng tanggapin na hindi tayo para sa isa’t-isa Sabi nga sa isang kanta, pinagtagpo pero hindi itinadhana Natatagpuan pero nakatakda ring umalis. Merong babalik, at meron din na maglalaho na lang. Oo nga't mahal kita..... mahal...pa... kita... Mahal kita, pero siguro tama na.
0
Nov 15, 2020
Nov 15, 2020 at 2:32 AM UTC
Para Sa Mga Umasa..... TAMA NA!!
madaming tanong ngunit hindi maibigkas maibigkas ng bibig dahil natatakot na baka bukas wala ka na. nananahimik ngunit may sinisigaw sa isip Bakit? lagi nalang ba? kailan mo pakakawalan? hanggang kailan? naka ngiti ngunit mag ingat ka sigurado ka ba? sigurado ka bang masaya ka? bakit? ayaw mo ipakita na minsan mahina ka natatakot, natatakot ka na BAKA walang makikinig sayo, bakit nga ba? bakit? dahil ba sa tingin mo nagdadrama ka lang. Ngiting hindi mahahalata ang mga tandang patanong ay tumatakbo sa isipan mga maskara nakaipon sa pinto nag aabang na pag ika'y lalabas at ito'y isusuot hanggang kailan mo panghahawakang malakas ka ngunit pag mag isa ka'y mahina ka na hagulgol na parang bata ngunit patago dahil ayaw magpahele paano nga ba? paano nga ba matitigil ang pagtakbo ng mga tandang patanong sa isip na minsan gusto ng isigaw isa lang ang alam ko mga tandang patanong natatakot lang ipaalam okay na, tama na, hahayaan nalang kimkimin ang mga tandang patanong.
0
Oct 26, 2019
Oct 26, 2019 at 12:37 PM UTC
tandang patanong ( ? )
Huling limang minuto Ang hirap, kakayanin ba ‘to? Hindi tayo puwede Hindi na. Tayo puwede Pilit nating aayusin Pagka’t naiintindihan natin Siguro nga kung perfect ang timing Baka, puwede na yung ATING something Pero, sa ngayon hindi natin alam Kung paano itama Kaya nga tama na muna Dahil wala naman tayong magawa Isa, dalawa, tatlo Huling pintig ng limang minuto Hingang malalim Ngunit, huwag mangamba Dahil ang pakakawalan lang ay ang hininga Pagka’t, Mananatili Na Mahal  kita
0
Dec 4, 2019
Dec 4, 2019 at 7:41 PM UTC
Ang tulang hindi mo na mababasa
Kapag naiinis, pipikit mata nalang Hihinga ng malalim, saka pakakawalan Hindi na makikipagtalo pa, Problema ay iiwasan na Sa dilim nalang nakikita parin ang pagkadismaya Pagod na sa nilalakarang kalye Walang laman ang isip kundi ikaw At patapos na ang ating gabi Ngunit musmos parin, mistulang ligaw Pinili **** magtago
0
Jan 4, 2019
Jan 4, 2019 at 8:41 AM UTC
Hanap ka
gabi na ako nakauwi lasing na lasing di alam kung anong gagawin umiiyak sa gitna na ng dilim iniisip kung asan na ang mga pangako mga pangakong binitawan mo mga pangakong inaasahan ko akala tutuparin mo sa huli ako'y nagkamali minahal kita ng lubos ngunit iba ang naibalik di ka man lang nag-isip umasa ako tayo parin hanggang huli umulan bumagyo pero masisira lang pala sana di nalang umaasa ngunit napag-isip isip ko pagsubok lang pala sige pakakawalan kita kasi diyan ka masaya wag kang mag-alala sasaya rin ako de ako papatalo sa emosyon na ito balang araw mahahanap ko rin siya yung the right one na sinasabi nila
0
Feb 13, 2019
Feb 13, 2019 at 3:56 AM UTC
Untitled