Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagsipol" poems
Nauubos na ang katas ng mga bulaklak sa hardin, Gayundin ang mga dahong tila nagsasayawan sa bawat pagsipol ng hangin. Unti-unting ring nanamlay ang mga iwinawagayway sa bawat pulong ipinagbigkis. At maging ang bahaghari'y waring sanggol na nahihiyang magpakita't piniling magtitiis. Sa pagtikom ng bibig ng tinuturing na demokrasya Ay nasaan nga ba ang tunay na pagkalinga? Na sa tuwing gumagayak ang mga nakapilang ekstranghero Ay magsusulputan ang mga buwayang masahol pa sa nakawala sa hawla. Sinisipat ang mga bulsang walang laman, Para bang mga santo silang naghihintay sa alay na hindi naman nila pinaghirapan. May iilan pa ngang susukli ng lason buhat sa kanilang mga bibig. Matindi pa sa hagupit ng kidlat, kung sila ay magmalupit. Doon sa kasuluk-sulukan ng kurtina sa entablado'y Nagsitikom ang mga buwelta ng mga may puting kapa. Sila sana ang pinakamakapangyarihan Na hindi kung anong elemento ang pinagmumulan. Sila sana ang pinapalakpakan, Ngunit ang suporta'y wala naman palagi sa laylayan. Taas-noo sila para sa bandilang pinilay ng sistema. Bayani kung ituring ngunit sila'y napapagod din. Nakakaawa, pagkat sila'y pinamahayan na rin ng mga gagamba At kung anu-ano pang mga insektong noo'y itinataboy naman sa kanila. Tangay nila ang armas na posibleng lunas sa kamandag, Sila na rin mismo ang dedepensa't aawat Sa paparating na mga kalabang hindi naman nila nakikita. Ano nga ba ang laban nila? Ano nga ba ang tagumpay na maituturing Sa labang tanong din ang katapusan? Samu't saring lahi na may iisang kalaban Ngunit ang tanong ko'y, may iisa rin bang patutunguhan? May iisang sigaw ngunit ang tinig ay wasak sa kalawakan. May iisang mithiin ngunit ito'y panandalian lamang. Pagkat sa oras na ang giyera'y mawaksian na rin, Ang medalya't parangal ay tila isasaboy pa rin sa hangin.
0
May 28, 2021
May 28, 2021 at 3:19 AM UTC
Dextrose

Continue reading...
34
050724 Ilang araw na akong namamahinga At napapaisip ako sa Iyong pagbabalik. Nais ko nang umuwi — Nais ko nang magpasakop sa Liwanag. Ang mga kapagalan , Ay magiging luma kinabukasan At sa pagsipol ng hanging humihinga sa Lilim Ay mapapawi ang anumang pait Na mitsa ng pagkagunaw ng bawat pananaw. Hahalik sa Kanyang mga palad Na tila walang ibang iniirog — Walang ibang sandata Kundi ang pamanang Yaman ay matatagpuan sa Kanyang mga Salita. At walang silid na makakalimot Sa mga burda ng Kanyang pagkalinga. Lilisan at magbabalik — Paparating na Siya.
0
May 7, 2024
May 7, 2024 at 11:40 AM UTC
Handa
Sa pagsipol ng hanging Banayad, ang Bulaklak, Ay sinabayan ng indak. At masiglang nag-hintay Sa mainit na haplos Ni Haring Araw.
0
Jan 30, 2018
Jan 30, 2018 at 6:06 AM UTC
Umaga Ng Tagsibol
111921 May mga gabing kukuha tayo ng pluma’t Kakatha ng mga himig sa ating isipang Itinuturing nating mga bala’t sandata Laban sa mga nanghihimasok na mga ideolohiyang Kumikitil sa ating nag-aalab na mga pangarap. At may mga gabing Isusulsi pa rin natin nang magdamagan Ang mga alaalang pinunit ng kasaysayan. At siguro nga’y wala na rin tayong Ibang kuwentong maiaambag pa. Marahil ang lahat ay maging tuldok Bilang panimula’t pangwakas. Kusa ang ating pagtiklop Bagama’t manhid na tayo Sa malamig na pag-ihip at pagsipol Ng bumubugang panahon. At maghahagilap pa rin tayo ng dahilan Sa bawat puwang, sa bawat patlang Na bumabalandra sa ating harapan Sa bawat pagkabit sa araw Na parang mga parol pagsapit ng kapaskuhan. At siguro nga’y magugulat tayo Sa paparating na sorpresa Na hindi na tadhana ang may akda. Na baka bukas o sa makalawa’y Ibang lenggwahe na ang ating binibigkas At ang ating mga kasuota’y Mapupuno ng mga palamuting Pinili at tunay ngang may basbas.
0
Nov 19, 2021
Nov 19, 2021 at 10:38 AM UTC
Mga Puwang at Patlang