Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagsamahin" poems
O, kadiliman na aking pinagmulan Higit kitang sinasamba kaisa sa apoy na bumabalot sa mundo, sapagkat ang apoy ay bumubuo ng isang malaking bola ng ilaw para sa lahat at wala nang sinuman ang makakakilala sa iyo. Ngunit ang kadiliman, pinagsasanib nito ang lahat: mga hugis, mga apoy, mga hayop, ako, o, kay husay nitong pagsamahin ang lahat!— kapangyarihan at mga tao— at maaaring may matinding enerhiya na papalapit na sa akin. Sinasamba ko ang gabi.
0
Dec 3, 2014
Dec 3, 2014 at 6:23 AM UTC
A translation of Rilke's "You, Darkness"
📝SIMPLENG MAKATA LDR man ang ating relasyon Cellphone man ang ating komunikasyon Hindi ako gagawa ng isang rason Para masira ang ating pundasyon Pangako sayo di mapapako Na hindi ako magbabago Wag kalang mawala sa buhay ko Kasi ikaw ang dahilan ko Sa pagiging masaya ko Sa pagiging malakas ko At nilalabanan ang dumarating na pagsubok dito sa ating mundo Magiging matatag ako Para lang sayo Kasi ikaw ang dahilan ng pag ikot ng mundo ko Kasi ikaw ang bagay na di kayang tumbasan ng pera Di kayang higitan ng kahit anong magaganda Kasi ikaw ang bituin Na mahirap sungkitin Ikaw ang taong mamahalin Na di kayang bilhin Na ngayo’y na sa akin Na aking pag iingatan Na poprotektahan Sa oras nang kagipitan Kaya sana ganun ka din Tapat ka rin Sa akin Kasi ako’y ganun din Alam kong darating din Ang tamang panahon Na tayong dalawa’y pagtatagpuin Landas ay pag iisahin Oras ay paghihintuin Ang pag ikot ng mundo’y patitigilin Para lang tayong dalawa’y pagsamahin Kaya tiwala’y wag nating alisin Nang sa ganun Di tayo mauwi sa hiwalayan. #ManunulatPh.
0
Jun 14, 2020
Jun 14, 2020 at 12:29 AM UTC
LDR
ikaw at ako pagsamahin mo at ito'y makakabuo ng isang salitang tayo oo tayo na inakala ko hanggang dulo pero salamat,dahil sa puno palang Ginising mo ako sa katotohanan na ang dulong pinangarap ko'y mag isang lang pala ako dahil ang isang tayo ay meron palang kayo oo kayo at hindi na tayo salamat nakalaya ako sa isang tayo na kailanma'y hindi nmn pla totoo oo hindi totoo,dahil ito'y puno ng panloloko puno, oo aun hitik na hitik ang mga bunga bunga na mga salitang iyong sinambit sumanga,yumabong na sa kalaunay nalanta oo nalanta pero hindi ko na pinangarap na isalba pa dahil alam kong ikaw mismo ang lumason sa masanga at mayabong na puno ng tayo dahil mas gusto mo palaguin ang puno na meron kau.. pero salamat dahil ang punong nilason mo ay binigyan aq ng binhi oo binhi,binhi ng pag-asa panibagong buhay panibagong ako na walang nang tayo na ilalaan ko, para sa isang taong kayang payabungin ang binhi ng pag-ibig namin hanggang dulo..
0
Oct 11, 2019
Oct 11, 2019 at 9:30 AM UTC
Ikaw at Ako
sa maingay na mundo sumulat sa makalat na kwarto sumulat sa mga nakakalason na yugto sumulat at 'wag tayong tumigil hangga't ang utak natin ay unti-unting nagiging mapayapa lumilipad hinahangin ng bawat salita tugma kinukulayan ang bawat pahina ng kahit anong kulay na gusto mo pula lila kahit pagsamahin mo pa sila ikaw ang bahala basta't sumulat ka
0
Jan 27, 2020
Jan 27, 2020 at 9:01 AM UTC
sumulat
Ang kadakilaan ng mga salita, gaano man ang labis ay may hanggan. Kahit pa sa isang libong sanaysay ipaliwanag sa'yo kung ano ka para sa akin na halos hangin kung paano kita kailanganin; Pira-pirasong basag ang saysay ng lahat ng talinhaga sa katotohanan na walang anumang lipon ng mga salita ang kaya kong pagsamahin para magpabalik sa'yo.
0
Dec 10, 2019
Dec 10, 2019 at 2:46 AM UTC
Alindog