Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagsaluhan" poems
Maligayang bati, Sa aking pagsilang, Walang bakas ng gunita, Walang alaala ng nasabing araw. Nagdaan ang mga taon, Namulat sa katotohanan, Na hindi marunong magpatawad ang mundo, At hindi ito titigil na para lang sayo. Nagdaan ang mga taon, Ilang kaarawan ang lumipas, Andiyan ang pancit, At ang keyk na nakahanda, Sa hapag kainan para pagsaluhan, Mga ngiting di mabakas, Nagpapasalamat sa biyaya. Ngunit ito ang unang taon, Kung saan maghahanda ako, Hindi para sa iba, Kundi para sa sarili ko. At aanyayahan ko kayo, Nawa'y sana'y makadalo, Habang unti unti kong inilalapag, Sa ating hapag, upang ating pagsaluhan. Maghahanda ako, Ihahanda ko ang sarili ko, Na ang puso ko'y tatayuan ko ng pader, Na papalibot dito, Dahil pagod na kong masaktan, At nahahapo na ang aking katawan. Maghahanda ako, Na ibaon ang bawat alaala. Ang tamis nang bawat halik, Ang kuryenteng dumadaloy sa aking katawan, Mga labing bumubuhay nang aking kamalayan. Ihahanda ko din, Ang aking sarili, Na unti unti nang humakbang, Papalayo sa nakasanayan, Kung ano ang aking kinamulatan, Sa loob nang mga taong pinagsamahan. Mga umagang iyong mukha ang bumubungad, Sa aking mga mata, Habang ika'y pinagmamasdan, Sa taimtim **** paghihimlay, Habang ako'y nagninilay nilay, Eto na ba ang pagibig na hinihintay? Kaya mahal sa aking kaarawan, Kasabay ng pagihip ko nang kandila, Magpapaalam na ako sayo, Paalam na sa mga gabing kayakap kita, Sa mga sandaling magkakapit bisig tayo sa ilalim nang mga bitwin, Na kung saan langit ang saksi sa ating pagmamahalan, Sa mundong tayo lang ang nagkakaintindihan. Pipikit ako, At uulit ulitin ko ang mga salitang; "Handa na ako" At hihiling ng lakas ng loob, At tibay ng sikmura, Bibilang ako ng tatlo, Isa, dalawa, Tatlo, At sa aking pagdilat, Hihipan ko ang kandila, At magpapaalam na sayo.
0
May 12, 2016
May 12, 2016 at 11:25 AM UTC
Handa sa aking kaarawan

Continue reading...
65
Hating Gabi Panibagong araw na nmn Petsa sa kalendaryo ay nag iba na Ngunit nananatiling madilim pa Ganito talaga pag hindi ka kasama Ang ganda pagmasdan Ng mga bituin at ng buwan Pero di parin sapat para pantayan Ang liwanag na ibinibigay ng babaeng itinuturing kong araw at mamahalin ko magpakailan man Pa usbong na ang umaga Lumalalim na ang gabi Ikaw lang gustong makasama Ikaw lang ang nais makatabi Ngunit parang di pa ipapatupad ng tadhana At hindi pa yata pwede Hindi pa natin pwedeng pagsaluhan Ang oras Parang pinaghatian lang natin ang isang araw sayo ang umaga akin ang gabi Ang makasama ka ay para bang bukang liwayway Na ninanais ko ng matanaw at maabot Ngunit ito’y matagal pa kaya nakakayamot Ako ay nasa alas dose pa at hindi naman sa nag iinarte Nakakalungkot lang na matatagalan pa ang bukang liwayway kasi nandito pa ako sa hating gabi
0
Jan 29, 2019
Jan 29, 2019 at 7:48 AM UTC
Hating Gabi
Tila ramdam ko na ang sakit pag nawala ka. Mga salitang binibigkas ng labi **** maganda,ngunit bakit ang mga kataga ay nakakadurog na. Tila simpling pamamaalam,ang hatid ay sobrang kasakitan. Di mapigilan mata ay maluha,kahit anong pigil ito ay kusang babagsak, tila ba may sariling buhay na pati puso ay kanyang nararamdaman. Mga alaalang kaysarap balikan,mga ngiti at tawa mo na dati’y parang isang magandang ritmo.ngunit alaala na ngayon ay nag bibigay bigat sa pakiramdam ko. pagkat alaala ay d na kayang balikan. Mga ngiting gustong gusto ko laging napapakingan. Mga halakhak na kaysarap pagsaluhan. Ngunit ngayon isa na lamang alaalang hindi na kayang makamtan. Dahil sa iyong pamamaalam at pag lisan ,pati aking kaligayahan at puso’y sabay dinala sayong paruruuon. Bakit sa dinami-rami ng pweding baunin,bakit puso ko pa ang yung naisip.
0
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 6:41 AM UTC
Kalungkutan