Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagpipilian" poems
Pangako. Sing lalim ng dagat ang pagiisip ng sandali Sa mga susunod na tinginan, Ngiti, Mo ang umaaya,maghintay,suungin ang mga alon ng pagsubok, Kasabay ng ibat ibang mandirigmang sumubok makuha ang perlas ng iyong karagatan, Natututo akong makidigma,kahit nagmamanhid na ang mga braso,lumaban,ako dahil mahal kita. Maghihintay ako Kahit ilang araw o buwan ang lumipas,wala ka sa tabi akoy narito palagi, ang makita kang masaya, Ang ngiti, sa yong mga labi ay sapat na upang akoy maghintay. Ang mga bulak **** kamay na nagaayang lumapit, saakin habang nakatitig ako sa bawat pagpikit, ng iyong mga mata na nagsasabing kumapit. Nagsisimula palang ang paglalakbay, Pagpasok, sa ibat ibang hamon mo, Pagsuko,takot? Hindi yan ang sagot sa tanong na inaantay,sa tanong na matagal ko ng hinihintay,ang sagot. Mangangako ako sayo pero mangako karin saken Pangakong hindi ako mananakit ,pero mangako kang hindi mo ako ipagpapalit. Pangako kong ang pagpili mo saken ay hindi mo pagsisisihan, atipangako **** hindi mo ko isasama sayong pagpipilian. Pangako kong hindi lahat ng oras mo ay aking kukunin,pero ipangako **** mag lalaan ka ng attention para saken. Pangako kong walang iba kungdi ikaw,at ipangako **** di ka bibitaw. Pangakong magiging importante ka para saken,pero ipangako **** hindi mo ako paaasahin. Na ang pangako ko ay hindi basta pangako,na ang pangako ko ay handang maglakbay, na maging alalay na laging nakasunod, Sa ikatakda na ikay maging handa, Maghihintay ako,pangako.
0
Mar 6, 2017
Mar 6, 2017 at 3:15 PM UTC
Digma

Continue reading...
24
'Kay raming pagpipilian Subalit ikaw ang napuna. Maari ka bang maging paksa? Paksa sa lilikhaing tula. May sukat man o malaya Ayos lang basta may tugma Tugmang di lang sa salita Kundi maging sa gawa... Puro na kasi ako simula Baka lang naman ikaw na Ang pupuno sa aking tula Upang nilalaman nito tuluyang magawa.
0
Mar 7, 2019
Mar 7, 2019 at 6:00 AM UTC
Paksa
Bakit mas pinipili natin yung mahirap at kung saan alam nating masasaktan tayo? Bakit mas pinipili natin yung mali habang alam natin kung ano yung tama? Bakit tayo nagmamahal kung iiyak rin naman tayo? Bakit mas pinipili nating lumaban kung alam nating matatalo rin tayo sa dulo? Bakit tayo ngumingiti kung hindi naman talaga tayo masaya? Bakit mas pinipili nating magpatawad ng tao kung alam nating uulitin lang 'to? Bakit tayo nalulungkot ng walang dahilan at bakit tayo napagiiwanan? Bakit sinasarado ang mga bintana tuwing umuulan? Bakit meron tayong mga tanong na wala namang kasagutan? Bakit dumidilim ang kalangitan tuwing umaangat ang buwan? Bakit tayo nagmamahal ng mga taong may mahal ng iba? Bakit maraming namamatay sa maling akala? Ikaw at ako ay pinagtagpo sa isang mundo; sa isang mundo na punong-puno ng walang kasagutan at puro kasinungalingan. Teka lang, saglit may isa pa akong katanungan ngunit alam 'kong hindi mo ito masasagutan; Kung ika'y pagpipilian sa aming dalawa, Sino mas pipiliin **** saktan?
0
May 6, 2016
May 6, 2016 at 4:19 AM UTC
Untitled
noong bata ako mahilig ako maglaro nang taguan sa ilalim ng buwan sa harap ng bahay nagkakasama kami'ng magkakaibigan pagpipilian kung sino ang matataya magbibilang ng sampu hanggang sa lahat ay nagsipagtago at sa bawat laro may madayang biglang maglalaho pero sa taguan kung sino yung maunang makita ay siya ang matataya kaya naman kung sino yung nangdaya tiyak sa susunod na kabilugan ng buwan ay hindi na kabilang
0
Jul 16, 2019
Jul 16, 2019 at 9:19 AM UTC
Tagu-taguan
Tuwing Halalan, may kalakalan… Palitan, tindahan ng mga pangalan Manibalang, sariwa’t bulok man Hilaw o hinog, merong pagpipilian. Tuwing Halalan, may paligsahan… Maliit, malaki, mahirap, mayaman Basta handa at gustong lumaban Maging sino ka man, pwedeng sumali diyan. Tuwing Halalan, may kaaliwan… Kantahan, sayawan at palakpakan Kainan, kwentuhan at inuman Wari’y may pista ang buong bayan. Tuwing Halalan, may kasawian… Tsisimisan, siraan, banghayan, alitan Hamunan, bugbugan at bantaan Hanggang kamatayan, walang uurungan. Tuwing Halalan, may kalayaan Pumili ng pinuno ang mamamayan Dikta ng sarili **** isipan O maging anong uri ng kabayaran. Tuwing Halalan, may karanasan! -09/29/07 (Dumarao) *upcoming local elections
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 2:04 AM UTC
Tuwing Halalan
Kung mabibigyan ako ng pagpipilian Sa araw o bituin at ano ang tatanawin Sa bubong o himpapawid kahit saan Ikaw parin ang aking pipiliin
0
Sep 17, 2017
Sep 17, 2017 at 10:14 AM UTC
Pinaka-magandang Tanawin
Madaming daan Hindi alam kung saan magsisimula Madaming pagpipilian Hindi alam kung bakit nag-aalangan Sa kung anong dapat puntahan Kaliwa? Kanan? Diretso? Atras? May mga pagpipilian pero hindi malaman Tutuloy ba? Titigil ba? Susundin ba ang puso? O ang nararapat?
0
Feb 17, 2018
Feb 17, 2018 at 11:32 PM UTC
Daan
Lagi na lang bang ganito, Tatawagan mo lang ako pagkailangan mo ako, Lagi na lang akong pangalawa para sayo, Isa rin akong pampalipas oras mo. Bakit lagi nalang akong pangalawa? Dadating ba yung araw na ako yung pang una? Dadating rin ba yung araw na wala kang pagpipilian saming dalawa, Ipaparamdam mo ba sakin yung pakiramdam na ako lang sapat na. Makakagawa ba tayo ng mundo? Yung mundong ikaw lang at ako, Yung walang makikisaw-saw sa ating pagmamahalan na tayo ang bumuo, Pero natandaan ko option mo nga lang pala ako. Alam mo ba kung bakit ko hinahyaang maging pampalipas oras mo? Simple lang kasi gusto kong mapansin mo ako, At masaya ako pag kausap ka, Kahit alam kung panandalian lang.
0
Dec 27, 2018
Dec 27, 2018 at 8:52 AM UTC
Oras
Mahirap manatili na, mag-isa sa mundong ito, kung saan inaasahan ng lahat, na may kasama ka or kapares na isang tao, Ang hindi nila napagtanto na, ang manatiling iisa ay hindi tungkol sa walang pagpipilian, Sa halip isang pagkakataon, na makagawa ng matalinong mga pagpili,
0
Nov 27, 2019
Nov 27, 2019 at 1:16 PM UTC
manatiling solo
Yung Tipong alam mo na yung Katotohanan pero mas pinaniniwalaan mo parin yung kasinungalingan. Yung tipong nakikita na ng yung mga mata,mas pinipili mo parin mag bulagbulagan. Yung tipong naririnig na ng dalawa **** tenga,mas ninanais mo parin mag bingibingihan. Yung tipong hindi ka naman manhid pero mas pinipili mo parin papaniwalain ang sarili mo sa mga bagay na puro pagpapangap lang! Ito yung tinatawag na Katangahan na tipong may pagpipilian ka naman pero mas ninanais mo parin ang magpakamarter at magpakahangal.
0
May 14, 2022
May 14, 2022 at 9:13 AM UTC
Katangahan