Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"paglalaruan" poems
*Ulan ulan Bakit ka ganyan Talaga bang iyong paglalaruan Ang aking nararamdaman Ulan ulan Tama na yan Patuloy lang tayong masasaktan Subukan naman natin ang pagtahan*
0
Dec 16, 2015
Dec 16, 2015 at 12:24 AM UTC
Ulan, ulan
Di ko alam saan nagsimula na sa'yo ako'y humanga Mga araw ko na puro bagot pinalitan mo ng saya at walang poot Noong una ayokong maniwala na ikaw sa akin ay may paghanga Di ko alam kung ito ba ay biro na ako ay talagang iyong tipo Sino ba ako para magduda na sa ilang beses mo pa lang ako nakita ikaw nga raw sa akin ay humahanga Ang iyong mga mensahe ay ayokong paniwalaan dahil sa sitwasyon mo, ako ba'y iyong paglalaruan? Mensahe mo na sa aki'y parang biro ang siyang nagpapahanga sa aking puso Puso at isipan ko ngayo'y nagtatalo totoo ba ito o isa lamang biro Di alam kung ano ang pinagsimulan kakulitan mo ba't pagtitiyaga ang siyang dahilan? Itanong ko man ito sa isang paham sagot niya marahil ako lang ang makakaalam
0
Nov 13, 2019
Nov 13, 2019 at 7:03 AM UTC
HINDI ALAM
Bakit ganyan kayo? Madali ba talagang palitan ang isang katulad ko? Kapag sawa na, Hahanap ng iba. Hindi man lang magsabi kung anong problema. Pwede naman nating ayusin to, Pero sadyang nakakalito, Minahal nyo ba talaga ako? O pampalipas oras lang ako? Ang dali nyong magbago, Magbago ng paglalaruan nyong tao. Nagmumukha akong basura, Iniiwan nyong umaasa. Bakit pa nga ba ko umaasa? Binuhay lang ba ko para magpakatanga? Pagmamahal ko inyong binabalewala, Paano kung bigla nalang akong mawala? Ayon naman ata gusto nyo, Mawala ang isang basurang kagaya ko.
0
Aug 2, 2020
Aug 2, 2020 at 3:12 AM UTC
Pag sawa na, iiwan na.