"paglagyan" poems
Ako si reyna makata,
gagawa ng isang tula
Na gagawin para sa madla,
tunay ngang walang paglagyan
aming kaligayahan
Nang bawat isa'y nasilayan,
walang humpay na kalokohan
Dulot ay saya saming samahan,
kalokohang minsa'y nauuwi sa pikunan
Ngunit, sa huli'y nanaig pa rin ang pagkakaibigan
Dec 1, 2015
Dec 1, 2015 at 10:37 PM UTC
Nakita ko kung paano mo siya tignan
Mga mata'y masaya't ngiti'y walang paglagyan.
--------------------------------------------------------------------------
Nasasaktan ka.
Hindi mo masabi.
Hindi kasi pwede.
Dahil ...
Merong tayo sa ating dalawa
Pero walang tayo para sa iba.
Apr 11, 2016
Apr 11, 2016 at 12:01 AM UTC
Iba ang ngiti sa tuwing kausap ka,
Kumakabog ang dibdib,
Dug-dug-dug-dug-dug-dug
Di mawari ang dahilan,
kung bakit ngiti sa labi'y walang paglagyan.
Maraming kailangang gawin,
maraming dapat tapusin.
Pero kahit anong busy,
Hindi kita masisi.
Kasi gusto ko rin naman!
May 15, 2021
May 15, 2021 at 12:36 PM UTC
Nakita ko na ang babaeng pinakamaganda sa mundo,
Sya ang babaeng pangarap ko,
at sa harap ko
inaabot nya ang kamay ko.
Nagtatanong kung ang ikaw at ako
ay pwedeng maging tayo.
At "OO" ang sagot ko.
Napakasaya ng araw na to.
Bawat araw na dumaan,
pag ibig natin nadagdagan.
hindi ko na mapigilan,
mga paro paro sa aking tyan
Natutuwa , kinakabahan
hindi ko na rin alam
kung ano ang aking nararamdaman.
Tuwa ko'y walang paglagyan.
Magkayakap at magkatitigan.
Mahal kita ng walang hanggan.
Nasa ganyan tayong senaryo,
nang marinig ko ang orasan
Sakto alasais,
naryan na raw ang hapunan.
Nov 6, 2022
Nov 6, 2022 at 10:22 PM UTC