"pagkabata" poems
Ayun,dalawang buwan na din pala ang lumipas. Pero parang taon na ang ating pinagsamahan.
Yung mga usapan na minsan pareho din natin di inasahan pero yun din ang hantungan kaya masaya din na napagpaplanuhan.
Mga pangarap na sa balang araw ay bibigyan natin ng katuparan.
Kaya sa ngayon ang sakripisyo nang pagkakahiwalay ay abay nating nilalabanan.
Ilang milya man ang ating agwat at Sierra Madre man ay nasa gitna ng ating daan hinding hindi naman natin nakakalimutan ang isat isa sa araw araw na nagdaan. Ang mundo ko ngayon ay napapalibutan ng palayan at mga simpleng mamayan ikaw naman ay nakikipagpatentero sa ka Maynilaan.
Pero alam natin na darating araw na sabay nating pagsasaluhan ang agahan na aking pinagsikapan.
Aaminin ko na may oras na gusto kitang kapiling upang hagkan lalo na kapag sa trabaho moy nahihirapan pero ganito talaga ang buhay aking mahal sadyang kelangan natin magtiis lumaban at magtulungan.
At Sa pagsapit ng araw na tayo ay iisa na at si sinag at tala ay naglalaro na sana kasama natin sila at alala ng kanilang pagkabata.
Dalawang buwan ay lumipas na at alam ko na mas mamahalin pa kita sa bawat araw buwan at taon na darating pa.
Kahit pa ayaw mo kumain ng ampalaya at okra ihihiwalay ko pag ang ulam ay pakbet akin ang lahat ng tira.
Feb 21, 2016
Feb 21, 2016 at 8:36 PM UTC
Pinagkatiwalaan kita ng lubusan
Dahil alam ko ika'y maaasahan
Ngunit ako'y nagkamali nung nalaman ko
Na ika'y nagtaksil kaibigan ko
Inabot ng ilang taon ang ating pag kaibigan
Pero hindi ko ito pinagsisihan
Dahil alam ko na ikaw parin ay kaibigan ko
Kahit ika'y sumama na sa may ugaling demonyo
Kilala kita simula pagkabata
Pero ako'y halos makalimutan mo na ata
Ako'y lubos na nasasaktan
Sa mga pangyayari na hindi ko inaasahan
Sino ba naman ako sayo?
Diba, ako'y isa sa mga kaaway mo?
Tinuring kita na parang kapatid
Ngunit para sayo, ako'y lamang isang sampid
Nov 24, 2016
Nov 24, 2016 at 2:19 AM UTC
sa kanyang magulong sanlibutan
kay daming naghahanap ng kamusmusan
tila ang pagkabata ay hindi natikman
walang tigil ang pagkulo ng tiyan
sa gutom na hindi maibsan
ng kahit ilang pagkain na nasa pinggan.
ang nalalabing alaala at kaalaman
ay natapon sa maagang katandaan
Jan 29, 2019
Jan 29, 2019 at 7:55 AM UTC
Tuwing sumasapit ang Setyembre,
Ako ay kinikilig.
Makikita ko na ang mga parol
At mga christmas tree.
Napakagandang masilayan.
Bumabalik ang aking pagkabata.
Ako ay natutuwa
Makita at matanaw
Ko lamang.
Nang sumapit ang bisperas,
Kinabahan na ako,
Baka hindi na dumating
Ang bukas.
Umaga, kinabukasan.
Dali-Dali akong pumunta
Sa sinabit kong medyas.
Wala ka na doon.
Sa tingin ko,
Ako ay tumanda na.
At naintindihan
Na hindi si Santa Klaus
Ang naglalagay ng mga regalo.
Kayo pala
Inay at Itay.
Jun 7, 2020
Jun 7, 2020 at 8:59 AM UTC
At dagli na hinalikan
Ang namamalirong mga labi niya'y sabik sa unang karanasan
Ang sagot ay ang ginoong unang nagpatibok sa kanya ang unang hinalikan
Ngunit huli na ang lahat
Magpapakasal na sa ibang lakan
Sapagkat ang pamilya'y pinagkasunduan
Simula pa ng pagkabata, naipakilala na ang nakatadhanang nobyo
na mag-aangkin ng kanyang puso
Hambog na binata'y sa kanya ang sasal ng kasayahan sa mundo
Gaya ng karamihan ay nanligaw din ang pasikatero
bago nakuha ang minimithi
Sadyang mailap ang pagmamahalan ng mababang uri
Ngayon iba na sa kanya ang nagmamay-ari
Nang nagkaisang dibdib na'y nawalan ng pag-asa
Kahit masilip sa tuwi-tuwina
at maibulong ang pintuho sa reyna
Bukang-liwayway sa akalang nag-uumaga
Takipsilim palang naduhagi sa bawat araw at sa susunod pa
Ang hinihingi'y ay ang pag-amin
Sa kanya na ang desisyon
Mag-iiba sana ang kapalaran
sapagkat matimyas ang kanyang pag-irog
Kayang iwanan ang karangyaan kapalit ng pag-ibig
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 8:28 PM UTC
Malamig ang hangin , kumukulog
Mga taong tulog sa pagilid aking napapansin
Malalakas pa naman sila dati pero napagod nadin
Dating masasama ang motibo , naliwanagan ng positibo
Simula pagkabata trato sayo hindi makatao
Marangyang pamumuhay noon , isa na lamang litrato
Naalala ko pa nga ang boses na galit at imahe nito
Ako'y inis na inis subalit mali ang pagsagot ng apo
Madalas ako mapagalitan siguro matigas nga ang aking ulo
Kung dati madalas ko silang marinig sa mundong ito
Ngayon tila isang panahon na lamang ang pagpaparamdam nito
Lagi nalang silang nagpapahinga para matagal pa namin silang makasama
May 28, 2018
May 28, 2018 at 12:36 PM UTC
Makamingaw ang makabungol nga kahilom sa probinsya,
sa dihang magpaduyan ka'g pahayahay sa may punong mangga,
samtang naminaw ug nagpatukar sa gubaon nga radyo ni lola.
Nagpainit sa silaw sa adlaw,
kainit nga mulimpyo sa utok kong hugaw,
sa hangin, mukuyog ako ug sayaw.
aron musilip ang mga panganod nga akong ginahidlaw.
Nov 17, 2020
Nov 17, 2020 at 7:00 PM UTC
Nagbalik tanaw,
Hinalungkat ang nakaraan,
Mga 'storyang, lumitaw,
Binalot ng tawanan.
Ngunit ang mithi ko'y iiba,
Nais kong ika'y mas makilala,
Sapagkat ang alam ko sayo'y ang kaunti pa,
Ako nama'y pagbigyan mo, sige na.
Nagulat, di makapaniwala,
Bakit parang nagtutugma,
Ang ating mga storya,
Ang ating pagkabata.
S'an nga ba ako?
S'an ka naman ng mga panahong ito?
Hindi ba, tayo'y magkalayo?
Ni minsan, tayo ba noo'y nagtagpo?
At tayo'y nagbiruan pa,
Sabi natin ng patawa,
"Aba, baka ito'y tadhana",
Aba, sana nga.
Maalala pa kaya kita?
Ang tanong nating dalawa,
Tanong na may kaba,
Nagtatanong nang nag-aalala.
Aalahanin kita,
Ang sa aking bawat umaga,
Ang buwan sa aking gabi,
Ang mitsa ng aking mga minithi.
Ang sabi kong "una",
Una kong maaalala,
Una kong ipinagdasal,
Ang una kong minahal.
Jun 4, 2018
Jun 4, 2018 at 1:20 PM UTC
Alam kong ika'y nagluluksa,
Sa pagkamatay ng dalawa sa iyong pamilya.
Alam kong mukha mo ay hindi maipinta,
Pagkat ramdam kong ika'y mangungulila.
Alam kong mahal na mahal mo sila,
Dahil mula sa iyong pagkabata, kasama ka nila.
Nanatili ka sa kanilang puso kahit na malayo ka,
Magkahiwalay man kayo, sa puso mo ay hindi sila mawawala.
Sayang nga lamang at wala ako sa iyong tabi,
Upang yakapin ka at sa aking balikat ay humikbi.
Magkagayunpaman, puso ko rin ay nagtatangis,
Dahil alam kong sadyang napakasakit ang maghinagpis.
Ibubulong ko na lamang sa hangin
Na ikaw ay aluin at yakapin,
Nang maramdaman **** kahit wala ka sa'kin,
Puso ko nama'y nandito at sa iyo'y naghihintay pa rin.
Aug 7, 2017
Aug 7, 2017 at 6:39 PM UTC
Sana buhay pa rin ‘yung konsepto ng pagiging superhero nu’ng mga bata pa tayo.
‘Yung mga panahong masaya nating ginagaya si Superman o si Wonder Woman. Kunwari may kapangyarihan tayo at hangad nating makapagligtas ng mga tao. ‘Yung kaya nating buhatin ang mabibigat na bagay o ‘di kaya’y lumipad lagpas sa mga ulap.
Sana hindi ‘yun nawala.
Sana naniniwala pa rin tayo sa mahika, o sa himala, o sa mga pantasya na bumuo sa’ting pagkabata. Na kahit nadaragdagan ang mga taon sa buhay natin, hindi natin malimutan na tayo’y mga bayani sa’ting mga sarili —
Na nakakapagligtas pa rin tayo ng ibang tao sa pagiging mabuti, na kinakaya nating buhatin ang mabibigat na pagsubok at pighati, na kaya nating liparin ang mga pangarap nating mas mataas pa sa mga ulap.
Sana kahit kabisado na natin ang totoong mukha ng mundo, may bahagi pa rin ng pagiging bata sa’ting puso — mamangha pa rin tayo sa mga bagay, at kasabikan pa rin natin itong buhay.
Mar 10, 2021
Mar 10, 2021 at 1:47 PM UTC
Oh Poong Santo Niño
Batid na batid Mo
Na simula pagkabata ko
Sumasamo na ako sa Iyo
Subalit bakit tinulutan Mo
Na ang buhay ko’y maging ganito
Punung-puno ng pagkatalo
Palaging malayo sa asenso
Palagi nalang nabibigo
Nagsusumikap naman ako
Wala paring pagbabago
Hanggang kailan Mo matatanto
Ang kalagayan kong ito
Kung Ikaw nga ay totoo
Dulutan Mo naman ako
Ng inaasam na pagkapanalo.
-01/19/2014
(Dumarao)
*written on this day of the Feast of Sto. Niño
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 10:00 PM UTC