Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Alam kong ika'y nagluluksa, Sa pagkamatay ng dalawa sa iyong pamilya. Alam kong mukha mo ay hindi maipinta, Pagkat ramdam kong ika'y mangungulila. Alam kong mahal na mahal mo sila, Dahil mula sa iyong pagkabata, kasama ka nila. Nanatili ka sa kanilang puso kahit na malayo ka, Magkahiwalay man kayo, sa puso mo ay hindi sila mawawala. Sayang nga lamang at wala ako sa iyong tabi, Upang yakapin ka at sa aking balikat ay humikbi. Magkagayunpaman, puso ko rin ay nagtatangis, Dahil alam kong sadyang napakasakit ang maghinagpis. Ibubulong ko na lamang sa hangin Na ikaw ay aluin at yakapin, Nang maramdaman **** kahit wala ka sa'kin, Puso ko nama'y nandito at sa iyo'y naghihintay pa rin.
0
Aug 7, 2017
Aug 7, 2017 at 6:39 PM UTC
Malayo Ka Man

Written by
Aug 7, 2017
Aug 7, 2017 at 6:39 PM UTC
Request permission to use this poem