Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"paghahari" poems
Ito ang umagang Nanaisin kong huminto muna ang Araw nang saglit. Kung pwede bang manatili muna Sya At ako'y hayaang pagmasdan Ang kanyang kariktan. Nais kong bumilad sa sinag ng Araw At magpasakop sa Liwanag Nyang taglay. Nais kong malusaw ang bawat kamalian, Ang bawat pagkukunwari. Pagkat ayoko na.. Ayoko nang magpanggap pa.. Na kaya kong mag-isa Mag-isa na wala ang mga kamay Nya -- Ang mga gabay Nya. Na maging sa gabi'y Nasisilayan ko pa rin Ang kanyang anino sa aking pagpikit, Ang nakasisilaw Niyang Liwanag Na nagiging mitsa ng aking pagluhod. Gusto kong huminto ang Araw, At ako'y makita Nya.. Kahit isang iglap.. Kahit isang saglit lang.. Kung pwede lang, Wag Mo akong iwan Na sa gabi'y Ikaw ang magbigay Ilaw sa aking landas At ako'y Iyong yakapin Habang ang Iyong sinag Ang magsisilbing lakas Sa bawat pagbangon ko sa Umaga. Sayo ako magsisimula, At ayokong ito'y magwakas Na para bang hinahayaan ko lamang Na malimot ko ang lahat -- Ang lahat ng mga misteryong Iyong ipinakita na, Iyong ipanaranas na. Ayokong dumating sa katapusan Na ako'y walang muang Na Ikaw ang aking Simula.. Ayokong magtagpo tayo Sa gitna ng aking mga kamalian -- Mga kamaliang hindi ko itinama Kahit na pinagbuksan Mo na ako Sa panibagong Umaga. Kung ang bawat araw na lumilipas Ay siya ring mga pahina ng aking buhay, Bakit pa.. Bakit ko pa hahayaang Dilim ang magsilbing umaga? Kung Ikaw naman ang tunay na Simula ng lahat.. Kung landas ko nama'y Kayang-kaya **** bigyang liwanag At lahat ng masasaklawan ng aking mga mata Ay simbolo ng Iyong paghahari. Lilikumin Mo ang lahat Gamit ang Iyong Liwanag. Ang Iyong mga Salita'y Hindi na mangungusap pa, Ngunit Ikaw na mismo ang darating. At buhat sa Iyong bibig, Ang lahat ay handa nang makinig.. Nang buong puso.. Na may tunay na pagpapasakop. At ang lahat ng mga naggising Buhat sa pagkakahimbing At mga bangungot na tila walang katapusan Ay sabay-sabay na babangon At lalakad sa Liwanag na Iyong hain. Masisilayan ko rin ang mga ngiti Ng pagpupunyagi at tagumpay Na walang balot ng anumang pagkukunwari, Walang tampo't galit. Kung saan hubad ang lahat Ngunit tanggap Mo Ang bawat kamalian. Ang Iyong paghuhusga ay darating -- Darating nang patas; Patas at pawang katotohanan. Ang lahat ay darating sa katapusan, At Sayo ay handang magpaubaya. Ang lahat ng mga nabago ng Iyong Liwanag Ay kusang sisibol at uusbong Nang may papuri At hindi parang mga paupos na kandila Na nauubusan rin ng lakas. Ngunit sila'y tila mga tanim Na Iyong dinidiligan sa bawat araw -- Mga ginintuang araw Na hindi gaya ngayong kukupas din.. Balang araw, ang lahat ng salitang Mamumutawi sa bawat labi'y May iisang sigaw May iisang palamuti na ibabandera At susuko sa Iyong kabutihan. Ang bawat nilalang Ay mabinihag sa Iyong kaluwalhatian At hindi na.. Hindi na mauubusan pa ng Liwanag, Ikaw mismo ang magkukusang Punasan ang mga matang lumuluha, Lumuluha buhat sa paghihintay.. Pagkat nariyan ka na.. Nariyan na ang Iyong kaligtasan. Ikaw, sa bawat oras Sa bawat sandali'y Ikaw pa rin ang maging dahilan Ng pagtibok ng aking puso Ang magiging sigaw Ng aking napapaos na lalamunan. Ikaw ang maging dahilan.. Ng aking pagtaas ng kamay At sa ere'y hindi Mo ako iiwan, Ni hindi Mo ako kinalimutan.. Ikaw, ang Araw at Gabi.. Sayo ang aking papuri!
0
Jan 11, 2021
Jan 11, 2021 at 11:29 PM UTC
Parating Na

Continue reading...
117
Ito ang umagang Nanaisin kong huminto muna ang Araw nang saglit Kung pwede bang manatili muna Sya At ako’y hayaang pagmasdan Ang kanyang kariktan. Nais kong bumilad sa sinag ng Araw At magpasakop sa Liwanag Nyang taglay Nais kong malusaw ang bawat kamalian, Ang bawat pagkukunwari.. Pagkat ayoko na.. Ayoko nang magpanggap pa.. Na kaya kong mag-isa Mag-isa na wala ang mga kamay Nya Ang mga gabay Nya Na maging sa gabi’y Nasisilayan ko pa rin Ang kanyang anino sa aking pagpikit. Gusto kong huminto ang Araw, At ako’y makita Nya.. Kahit isang iglap.. Kahit isang saglit lang.. Kung pwede lang.. Wag Mo akong Iwan Na sa gabi’y Ikaw ang magbigay Ilaw sa aking landas At ako’y yakapin At ang Iyong sinag Ang magsisilbing lakas Sa bawat pagbangon ko sa Umaga.. Sayo ako magsisimula, At ayokong ito’y magwakas Na para bang nalimot ko Ang lahat ng mga misteryong Iyong ipinakita Iyong ipanaranas. Ayokong dumating sa katapusan Na ako’y walang muang Na Ikaw ang aking Simula.. Ayokong magtagpo tayo Sa gitna ng aking mga kamalian — Mga kamaliang hindi ko itinama Kahit na pinagbuksan Mo na ako Sa panibagong Umaga. Kung ang bawat araw na lumilipas Ay siya ring mga pahina ng aking buhay, Bakit pa.. Bakit ko pa hahayaang Dilim ang magsilbing umaga? Kung Ikaw naman ang tunay na Simula ng lahat.. Kung landas ko nama’y Kayang-kaya **** bigyang liwanag At lahat ng masasaklawan ng aking mga mata Ay simbolo ng Iyong paghahari. Lilikumin Mo ang lahat Gamit ang Iyong Liwanag At ang lahat ng mga naggising Buhat sa pagkakahimbing At mga bangungot na tila walang katapusan Ay sabay-sabay na babangon At lalakad sa Liwanag na Iyong hain. Masisilayan ko rin ang mga ngiti Ng pagpupunyagi at tagumpay Na walang balot ng anumang pagkukunwari, Walang tampo’t galit Na bumabalot sa bawat katauhan Kung saan hubad ang lahat Ngunit tanggap Mo ang lahat Ang lahat ng mga nabago ng Iyong Liwanag Ay kusang sisibol at uusbong Ng may papuri at hindi parang Mga paupos na kandila Na nauubusan rin ng lakas. Ngunit sila’y tila mga tanim Na Iyong dinidiligan sa bawat araw — Mga ginintuang araw Na hindi gaya ngayong kukupas din.. Balang araw, ang lahat ng salitang Mamumutawi sa bawat labi’y May iisang sigaw May iisang palamuti na ibabandera At susuko sa Iyong kabutihan. Ang bawat nilalang Ay mabinihag sa Iyong kaluwalhatian At hindi na.. Hindi na mauubusan pa ng Liwanag, Ikaw mismo ang magkukusang Punasan ang mga matang lumuluha, Lumuluha buhat sa paghihintay.. Pagkat nariyan ka na.. Nariyan na ang Iyong kaligtasan. Ikaw, sa bawat oras Sa bawat sandali’y Ikaw pa rin ang maging dahilan Ng pagtibok ng akibg puso Ang maging sigaw Ng aking napapaos na lalamunan. Ikaw ang maging dahilan.. Ng aking pagtaas ng kamay At sa ere’y hindi Mo ako iiwan, Ni hindi Mo ako kinalimutan.. Ikaw, ang Araw at Gabi.. Sayo ang aking papuri!
0
Apr 26, 2021
Apr 26, 2021 at 11:36 PM UTC
Hudyat

102
Sa mata nila, ako'y walang saysay Sa mata nila, ako'y walang boses Sa mata nila, ako'y walang karapatan Sa mata nila, ako'y isang pagmamay-ari Hanggang kailan ko tatamuhin ang ganitong katayuan Ang pakiramdam na para bang wala akong kahalagahan Dahil sa ako'y mahina, maamo't inosente ay wari bang inaangkin n'yo na ang katauhan ko? At sa hindi inaasahang pagkakataon itinaas Mo ang mga gaya namin at sinabing sa amin naghahari ang Diyos, lumundag ang puso ko sa tuwa Pinatayo mo kami sa kagitnaan ng mga mas may dunong at kapangyarihan Ang pagkilala mo at pag-ibig mo sa bawat isa Lalong lalo na sa mababang gaya namin ay tunay naming 'di maarok Sa pamamagitan namin, binasag mo ang tradisyong nagpapaalipin at inimulat kami sa tunay na kahulugan ng kapakumbabaan at nang tunay na kahulugan ng kaharian ng Diyos sa iyong halimbawa at aral, maraming nagulantang.. Hinayaan mo kaming lumapit sa Iyo At ikinintal ang iyong iniwika Na ang sinumang 'di tumulad sa isang maliit na bata sa pagtanggap sa paghahari ng Diyos ay hindi mapapabilang sa mga taong pinaghaharian niya.
0
Nov 19, 2019
Nov 19, 2019 at 12:39 AM UTC
Ang Batang Gaya Ko